"Warren. Sorry I'm late."
Ang ganda talaga niya, pero bakit ganoon ang boses, medyo malalim?
Reluctantly, naghiwalay kami ni Warren sa pagkakayakap.
"You took your time. Tsk."
Mukhang close sila kasi yumakap si Warren doon sa babae pero parang iba ang pagyakap parang pang magbarkada? Body slam ba ang tawag doon.
"Denisse, this is Mario my friend."
Sana hindi nila napansin na nalaglag ang panga ko sa sahig.
"Hi Denisse, it's Marie! I don't use that other name anymore."
At parang diring diri pang ngumiwi ang magandang babae, ay binabae na kaharap namin.
"Whatever man, for me you're still that hunk of a bestfriend I play basketball with four years ago."
"Whatever din your face!" Muntikan pang abutan ng suntok ang mukha ni Warren dahil sa biruan nila.
"Geez, see you still have that manly side in you even if you don't admit."
"Of course not! Warren, you can go now. I will take care of this girl. She's very pretty, I approve."
Ibinulong niya ang last part pero narinig ko. Pinigilan ko lamang ngumiti ng abot tenga dahil baka mahalata ako.
"Do you have your phone with you so I can call you later?"
"Huh? Ah. Yes."
"Dude, you can join us for lunch later if you want."
"If you will still call me dude and man whenever we eat together, the answer is NO."
"Whatever man! Denisse, I'll go ahead."
"Ok. . .Take care!"
Nakatalikod na siya ngunit napalingon siya sa sinabi ko at binigyan ako ng makalaglag pantyng ngiti. Buti nalang masikip ang garter ng suot ko at hindi nalaglag.
"Sorry for the banter Denisse. I'm Marie. A full pledged woman. I am so happy that Warren finally introduced me to someone with substance and class. Puro chipipay kasi ipinapakilala niya sa akin."
Natawa ako. Akala ko kakumpetensiya ko hindi naman pala. Mukhang magkakasundo kami ni Mario este Marie pala.
"Haay salamat pwede na akong magtagalog. Dumudugo na ang ilong ko."
"Hahaha. Ganiyan talaga yan si Warren. Half Filipino naman pero ayaw na ayaw magsalita ng Tagalog. Nagmana sa Mom niya . Kaming friends niya from before, English rin pag kasama siya. . .oops, TMI, baka mabore ka na."
"Hindi, ayos lang. Nakakatuwa at may nakilala rin ako na kaibigan niya."
"Let's go. I have a boutique here and your clothes are just waiting to be fitted."
"Thank you ha."
"Walang anuman. Mukhang magkakasundo tayo, bukod sa parehas tayong maganda, ikaw pa lang ang nakita kong nginitian ng kaibigan ko nang ganoon. Kaya siguro ikaw ang papakasalan niya."
Hallelujah! May pag-asa talaga ako. Makabili pa nga ng maraming hopia mamaya.
"Alam mo?"
"He told me last night that I need to prepare clothes for his fiancée. So ako naman mega happy and oblige. Malihim kasi si Warren. Pa-mysterious effect ba. Here we are."
Hindi ko namalayang nakarating na pala kami sa boutique na pagmamay-ari niya. Ang ganda at ang laki ng loob. Nasa kahilera ng mamahaling mga tindahan ng damit sa High Street, isang fashion district sa The Fort Strip, Taguig.
"Just wait here Denisse while my stylists assist you with the fitting. Think of this as a Runway fashion show, and you are the star!"
"Ahm. . . Ok. Thanks again."
Ito na yata ang sinasabi nilang fashion make-over. Hindi ko na mabilang ang mga damit at sapatos na ipinasukat at ipinasuot sa akin. May mga bag pa nga at ilang purse. Pinaglakad pa ako ni Marie sa mini Runway ng kaniyang shop. Buti na lamang at ipinasarado ito ni Warren at nakabawas sa pagkahiya ko. Pagkalaunan, nag-enjoy na rin ako at ginaya na ang lakad ni Marie na pang-modelo. Nagpapalakpakan pa ang mga stylists niya tuwing lalabas ako ng fitting room palakad ng runway.
"You are very pretty. You can pass as a model. If you want to have a career sa modelling sabihan mo ako ha. Marami akong kakilala. Kaso baka sakalin ako ng friend ko. Possessive kasi iyon."
Kinikilig lang ba ako o nahihilo sa dami ng damit at kulay na nakita ko. Para kasi akong lumulutang.
So, have you chosen which colors you want from these items?'
"Ha? Lahat ba iyan?"
"All of these are already paid for. Warren just wanted to make sure it fits you perfectly and he wanted you to choose the color. Isn't he perfect?"
Yes. He is. He is perfect for ME. Siyempre hindi ko sinabi ng malakas. Hindi ko na napigilang mapangiti. Sobrang ngiti ko na napatawa sa akin si Marie.
"You're really in love girl! It shows in your eyes and smile. FYI ha, first time ginawa ito ng friend ko. Usually, he just send a gift sa isang girl then tapos na. This is his first time to purchase a whole wardrobe for someone. I forgot to mention pala he approved first the designs before ko ipinakita sa iyo. He wanted to make sure daw na papasa rin sa taste mo."
Kulang na lang mapunit ang mukha ko sa sobrang laki ng ngiti ko. Nag-abot na yata ang dulo ng mga labi ko sa sobrang ngiti at kilig. Paano naman kaya niya nalaman ang taste ko? Kung iisipin nga naman ganito ang mga gusto kong damit. Hindi revealing pero hindi naman pang manang. Sakto lang. Nandito pa nga ang kagaya ng design ng damit na nakita ko sa Kamiseta, pero mamahalin ang brand.
"He even asked me to look for something, a dress and pair of shoes, dapat daw kagayang kagaya ng picture na sinend niya."
Nacurious ako. Buti na lang talaga at madaldal itong si Marie, ang dami kong nakukuhang information.
"I'll show you pero don't tell him ha. Naku lagot talaga ako."
"Sige. Secret lang natin lahat ng napag-usapan natin."
"Here's the picture."
Napalakas yata ang hugot ng aking hininga sa sobrang pagka-shock dahil napatingin sa akin si Marie.
"Why? Is there something wrong?"
"Ito? Ito kasi ang tinitingnan ko na damit at sapatos sa mall noong isang araw. Paano. . . .?"
"Haay nako. Akala ko naman kung ano na. Kasama mo ba siya noon?"
"I think so."
"Ugali kasi niya iyon. To look from afar. Hindi naman sa stalking pero kasi nahihiya iyon pag nahuhuli siyang nakatingin sa crush or gusto niya. Haay nako hindi pa rin nagbabago ang tanda tanda na."
Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Hindi ko alam kung kilig ba ito o kaba. Baka nakita niya ako ngayon na nagrunway fashion show. Hindi kaya siya umalis para to look at me from afar. Wow te! Haba ng hair ko. Abot na hanggang Batanes.
"Ga. . ganun ba. . ." Luminga linga ako sa labas baka makita ko siya.
"Wala pa siya. Sure ako na may meeting iyon kasi friend namin iyong kausap. Baka ma-meet mo later."
Nakahinga na ako ng maluwag. Sweet gestures lahat ng ginawa niya kahit medyo creepy. May gusto na rin kaya siya sa akin? O baka pinapasakay lang ako para maka-iscore. Grabe ang feeling ko talaga.
"Earth to Denisse."
"Pasensiya na may naiisip lang."
"Huwag mo masyado iniisip ang kaibigan ko kasi mukhang mahal ka naman."
"Ha?"
"Haay. Clueless ka ba kung gaano ka kaganda?"
Napangiti lang ako. Hindi ko kasi pinapasin pag sinasabihan akong maganda. Feeling ko kasi common lang itsura ko. Kaya pag sinasabihan akong maganda ngumingiti at nagpapaslaamat lang.
"Thank you."
"Mukha ngang clueless ka. Mukha ka kayang lumabas sa isang Glamourous Fashion magazine. Ang kagandahan mo effortless at perfect, hindi na kailangang iretouch. Kaya nga damit lang ang make-over mo. Sa face at hair wala ka nang igaganda pa dahil sobrang ganda mo na. Genern!"
Sigurado akong namumula na naman ang mukha ko sa sobrang hiya. Kaya iniba ko na lamang ang usapan.
"Medyo napagod ako Marie. Puwede bang makiinom?"
Napatingin naman siya sa likuran ko.
"No need. We'll be going for lunch now."
Bigla bigla naman sumisipot ang mokong na ito. Muntik na akong atakihin sa puso nang marinig ang boses niya.
"Warren."
Hindi niya ako tiningnan pero kinuha nito ang aking kaliwang kamay.
"Dude, just send the items to my house. Rovic will be joining us for lunch. How about you?"
"Nah. I don't want two bullies today. You were enough to ruin my entire day with your Dude and Man thing."
"If you say so." Tinapik ni Warren ang balikat ni Marie bilang pagpapaalam.
Binitiwan ko muna ang kamay ni Warren para mayakap at mapasalamatan ko si Marie. Mukhang ikinainis ito ni Warren kasi nauna na siyang lumabas.
"Sabi ko na sa iyo possessive. Tingnan mo nag walk out. Hahahaha."
"Thank you talaga ha. Sana magkita pa tayo ulit."
"No problem. Just be patient with that guy. Marami lang hang ups yan sa buhay pero mabait naman iyan. Kapag may problema ka sa kaniya tawagan mo lang ako. Here's my card."
"Sige tatandaan ko. Salamat ulit."
"Bye Denisse."
"Bye Marie."
Nakangiti akong lumabas ng boutique. Paglabas ay kinabig na ni Warren ang aking kamay. HHWW. Holding hands while walking lang ang peg. Heaven. May igaganda pa kaya ang araw na ito? Sana.