The Master of the Game (Book...

By Emilliooooo

778K 27.3K 8.7K

A fan-fiction for Ricci Rivero Highest rank: #1 - Feb. 15, 2017 #6 - Feb. 11, 2017 #7 - Feb. 8, 2017 More

Prologue
Chapter 1: Playmate
Chapter 2: Instagram
Chapter 3: Play Dirty
Chapter 4: Be My Fan
Chapter 5: Traumatized
Chapter 6: Kiss a Friend
Chapter 7: Disgusted
Chapter 8: Smile
Chapter 9: Milk
Chapter 10: T-Shirt
Chapter 11: Burned
Chapter 12: Prisoner
Chapter 13: Favor
Chapter 14: I Wish
Chapter 15: First Aid
Chapter 16: Alumni Homecoming
Chapter 17: Broken, Hopeless Heart
Chapter 18: Piglet and Panda
Chapter 19: Words and Actions
Chapter 20: Seduced
Chapter 21: Rebound
Chapter 22: Pancake and Strawberries
Chapter 23: Topu-Topu
Chapter 24: Falling Into Places
Chapter 25: I Love You, Always, Forever
Chapter 26: No Hugging, Touching & Kissing
Chapter 27: Pink Box
Chapter 28: Get Together
Chapter 29: Freedom
Chapter 30: Hindi Na Muna Siguro
Chapter 31: Skype
Chapter 32: Pinas
Chapter 33: Maling-Mali
Chapter 34: Body Shot
Chapter 35: Injury
Chapter 36: Novel
Chapter 37: Valentine
Chapter 38: You're All That Matters To Me
Chapter 40: The Universe Already Conspired
Chapter 41: Never Again
Special Chapter
Chapter 42: Bakit Ako
Chapter 43: Kuya Leo
Chapter 44: Graduation Ceremony
Chapter 45: How Much Power Do I Have Over You
Chapter 46: Cupcakes
Chapter 47: The Sister I Never Had
Chapter 48: Ideal Man
Chapter 49: Kiss Mark
Chapter 50: I've Been There, I've Done That
Chapter 51: Disappointment
Chapter 52: I'm Done
Chapter 53: Karapatan
Chapter 54: Wynter and Hendrix
Chapter 55: Ultrasound
Chapter 56: Silence
Chapter 57: Perfection
Chapter 58: Everything Has Been Said and Done
Chapter 59: Greatest Downfall
Chapter 60: Peter Pan, Tinkerbell and Wendy
Epilogue
Author's Note
BOOK 2
REVISIONS

Chapter 39: Move on

12.3K 414 153
By Emilliooooo

Nanatiling nakahawak ang kamay ni Ricci sa akin sa buong paglalakad namin papunta sa resort. Hindi 'ko maitago ang ngiti 'ko dahil kahit na sabihin nilang mali at bawal ay bakit ako masaya? Siguro nga tama ang sabi nila na kung ano pa ang bawal ay 'yun pa ang masarap. Well masarap naman talaga si Ricci pero iba naman ang sarap sa pakiramdam sa sarap ng laman.

Lillian ang manyak mo!

Singhal 'ko sa sarili bago ako nagpatuloy sa paglalakad kasama si Ricci. Paika-ika pa din siya kung maglakad at hindi niya talaga ipinapaubaya sa akin ang bigat niya dahil pinipilit niya maglakad. "We should ask help from the team para matulungan ka nila maglakad. Nahihirapan ka e." sabi 'ko nang ako na ang mahirapan sa sitwasyon niya.

"I'm fine. Sabi ng doctor ay kailangan 'ko din daw ilakad ito paminsan minsan. Besides, I want us to isolate from them for a few minutes. I just missed the feeling of us being together."

"Ricci..."

"Babe just let me please? Alam ko'ng komplikado pa pero anong magagawa 'ko? Ito ako e. Ito ang nararamdaman 'ko at alam mo'ng hindi ako magaling sa pagtatago ng nararamdaman. Maaaring itinanggi kita noon dahil 'yon ang sabi mo pero hindi na ngayon." Seryoso niyang sbai at pinaglaruan muli ang mga daliri namin na magkasiklop.

Hinayaan 'ko siya sa kanyang gusto at pinagpatuloy ang mabagal na paglalakad papunta sa hotel ng aking pinsan.

Sinalubong kami ng mga tauhan nila sa resort at sinabitan pa kami ng mga bulaklak na ginawang kwintas saka kami pumasok na ng tuluyan sa hotel.
Sa loob ay makikita ang malaking chandelier na nakasabit sa taas at isang pulang carpet na nagsisimula sa entrada ng hotel papunta sa reception desk. Isang babae at isang lalaki ang naandoon at sa likod nila ay ang pangalan ng dalawa ko'ng pinsan na sina Ivo at Leesi bilang pangalan ng Resort. It was written as "Leevo Hotel and Resort.".

"Welcome back po Miss Leesi and Sir Ivo!" bati sa kanila ng isang babae na napansin 'ko ang kakaibang ayos dahil sa uniform niya. Maganda ang kanyang mukha pero may kung ano sa kanyang mata na hindi maitatangging maraming sinasabi.

"Thanks Chiara. I would like to request suites for our friends." Agad na sagot ni Ivo at humilig pa sa counter.

"Right away sir." Sagot ng babae na Chiara ang pangalan at agad na nag type sa kanyang computer.

"Ricci hindi mawawala 'yan si Lillian. Try mo'ng bitiwan." Kantyaw ni Brent at ngumisi pa sa amin.

"MVP talaga ang kuya niyo! Dinidigahan na naman si Lillian!" dagdag ni Aljun at tumawa pa.

"Ayaw." Parang batang sagot ni Ricci at iniakbay pa sa akin ang kanyang braso na nakasiklop ang kamay sa akin bago ako hinila palapit sa kanya. "Mahirap na baka makawala na naman."

"Grabe, in just a span of one month nabingwit na ulit!" tawa ni Kib at umani 'yon ng mura galing kay Ricci.

"Kib we have our own ways para magusap at magkasundo." Sagot ni Ricci. "Asan ba kasi si Sabrina at iniwan mo?" tanong nito sa kaibigan.

"She's busy studying at hindi daw siya pwedeng umabsent sa klase niya. Hindi 'ko naman pwedeng ipilit ang bakasyon na ito."

"Ulirang boyfriend si manong Kib!" sigaw ni Andrei na tinawanan ng lahat. Napansin 'ko na nakikihalubilo na siya sa mga team mates niya lalo na kay Ricci, hindi tulad noon na talaga namang sa bawat kita 'ko sa grupo nila ay wala siya. Siguro nga masakit ang ginawa ni Kreezia sa kanya. Hindi 'ko din maintindihan kung bakit ang dali para kay Kreezia na magdesisyon ng ganoon gayong naibigay niya na ang sarili niya kay Andrei. Parang lumalabas ay si Andrei pa ang na-devirginized dahil siya ang higit na apektado at si Kreezia ay hindi.

"Sir Ivo hindi po pwedeng magsama sa isang kwarto silang lahat. The suite only has 3 beds and under renovation po ang karamihan ng suites natin. Tatlo na lang po ang available na suites natin. If you want po, we can get them rooms na 1st class din po after ng suites." Abiso ng babae sa pinsan 'ko.

"Will that be okay?" tanong ni Ivo sa mga kasama namin.

"Ayos lang naman sa amin 'yon. Magkakasama na lang kami ni Kib at Andrei." Sagot ni Aljun kay Ivo.

"Espadahan is real!" kantyaw ni Ricci na agad 'ko'ng kinurot. "Babe mashakit!" reklamo niyang pabiro at ngumuso pa.

"Abnormal talaga to'ng si Ricci." Komento ni Kib at umiling. "Not into gay sex. Baka itong si Aljun at Andrei gusto."

"Hoy ulol ayoko ng senyoritang saging ni Andrei!" sagot ni Aljun na nagpatawa sa aming lahat. Hindi talaga sila nahihiya kahit na nasa harap namin ang mga empleyado ng hotel nina Ivo.

"Aba baka gusto mo'ng isampal 'ko sayo ang hotdog ni Aljur!"

"Putangina!" sigaw ni Brent at 'di 'ko na napigilan na humalakhak dahil sa sobrang kababuyan ng mga taong ito. Hindi mo talaga pwedeng sabihin na hindi sila normal na tao dahil ibang iba pa rin ang ipinapakita nila sa fans nila, sa court at dito.

"Sorry miss." Dinig ko'ng sabi ni Rash sa babae na ikinapula ng pisngi nito. Nagtaas ako ng kilay at may kung anong naamoy sa ginawa ni Rash.

"Uhm... sir, should I give them the rooms?" nahihiyang tanong ni Chiara.

Agad na tumango si Ivo na hindi pa din matigil sa kakangisi dahil sa biruan ng mga taong ito. "Yes please. Salamat Chiara." sagot ni Ivo at doon na nga ibinigay sa amin ang susi ng tatlong suites. Ang mga magkakasama sa suites ay sina Aljun, Kib at Andrei. Sa isa naman ay kami nina Michelle at Sherlyn. Napagpasyahan na din nina Ivo at Leesi na bigyan na lang ng isa pang suite sina Ricci, Prince, Brent at Rash at sila daw ay sa kwarto na lang nila matutulog dito sa hotel.

Agad kaming sinundo ng mga bell boy para tulungan kami sa aming gamit. Walang humpay na kantyawan at hagalpakan ang nangyari sa buong saglit na paglalakad namin papunta sa aming mga kwarto. Panay ang harutan nina Brent at Sherlyn sa gilid namin samantalang si Ricci ay kuntento na sa magkahawak namin na kamay. Hindi na din ako nakisali sa biruan ng Green Archers at baka kami na naman ang maasar nila ng kung ano.

"Ricci bitaw na huy!" sita sa kanya ni Brent at pilit na hinila na si Ricci palayo sa akin nang makarating na kami sa kanya kanya naming suites na magkakatabi lang.

"Brent kayo ni Sherlyn hindi 'ko kayo pinapakialaman ha." Sambit ni Ricci. "Don't tell me you're still into Lillian?" nagtaas ng kilay si Ricci.

"Bro, alam mo naman na ikaw lang sapat na e." pabirong sagot ni Brent at lumingkis pa sa braso ni Ricci. Brencci is real talaga!

"Para ka'ng tanga Paraiso." Sagot ni Ricci saka niya hinawi ang kamay ni Brent na nakahawak sa kanya bago sa akin humarap. "See you later?" may ngiti niyang tanong sa akin.

Tumango na lang ako at ngumiti na din bago niya ako binitiwan at pumasok na sila sa kanilang suite. Ganoon din ang ginawa ng iba at kami na din nina Michelle at Sherlyn.

Iniligid 'ko ang aking mata sa mga muebles na nasa loob ng suite. Malinis at kumikintab ang buong kwarto. Sumisigaw ng sobrang ka-elegantehan ang buong lugar at tunay ngang isa ito sa mga world class hotels dito sa Puerto Galera.

Nakita ko'ng may tatlong kwarto sa suite na ito na agad ko'ng ikinatuwa. Kahit papaano naman pala ay magkakaroon pa rin ako ng privacy. Palagay na naman ang loob 'ko kay Michelle pero hindi 'ko pa gaanong nakakausap si Sherlyn kaya hindi 'ko alam kung magkakasundo din kami. Pero sa tingin 'ko naman ay oo dahil magkasundo naman kami ni Brent sa mga bagay bagay at ganoon din sila ni Sherlyn kaya siguro'y ayos lang.

"Girl pahinga muna tayo. Napagod ka ata sa pagkakahawak sa kamay ni Ricci." Kantyaw sa akin ni Michelle na ikinangiti 'ko. I never really imagined that we'll be friends after all the slapping and quarrelling we've been through. It's too ironic na kung sino pa ang kaaway 'ko noon ay siya ngayong kasama 'ko sa ganitong lugar at sa iisang kwarto pa.

Nahiga ako sa kama na para sa akin at agad na dinama ang lambot nito na sumusuporta sa aking likod. Hindi naman gaanong kahaba ang byahe pero nakakapagod din pala. Tirik na din ang araw nang makarating kami dito at sa totoo lang ay nagugutom na ako. I didn't have breakfast at sa tingin ko'y marami na naman ako'ng makakain mamaya. I never really changed my habit of eating plenty dahil hindi naman talaga ako nataba.

Tumunog ang cellphone 'ko habang nakahiga ako at nang tignan 'ko 'yon ay nag text si Leesi na maghanda lang daw kami para sa lunch na ihahanda ng restaurant sa tabi ng dagat. Sinabi 'ko 'yon sa mga kasama 'ko at agad silang kumilos para makaligo na muna at makapag bihis para sa lunch.

"I'm starving! I don't think I can control my diet today." Sambit ni Michelle na kakatapos lang maligo.

"Then don't. Ang sarap kaya kumain." Sagot 'ko.

"Lillian we athletes have a diet and it's strictly prohibited to pig out dahil masisira ang figure namin." Sagot niya sa akin.

"E tapos na naman ang women's volleyball hindi ba?" tanong 'ko.

"Yes, pero kailangan sexy pa din kasi mahihirapan ako magka-boyfriend." Nginusuan niya ako saka sumalampak sa couch at binuksan ang TV. "Swerte mo nga at may Ricci ka'ng inintay ka. Ikaw na!"

"Michelle alam mo namang komplikado ang sitwasyon namin ngayon..."

"Dahil sa bestfriend mo'ng pinaglihi sa anaconda? Ay Lillian wag mo iniintindi si Kreezia. Alam mo sa nakaraang mga taon ay hindi pala ako nainis sa'yo dahil gusto ka ni Ricci. Naiinis ako sa'yo noon dahil ang dami ko'ng insecurities and I thought those insecurities are only to be removed by Ricci pero mali ako. Ako dapat ang nag aalis non at hindi ibang tao. Pero iba itong si Kreezia akala mo'y walang insecurity sa katawan dahil kung mang-mata ng tao kapag may game si Ricci ay akala mo'y kanyang kanya si Ricci. Pati ang mga fangirls ay sinisigawan, e doon din naman siya nagsimula."

Napabuntong hininga ako sa sinimulan niyang topic at tumango. "I was also wondering kung bakit nagkaganoon si Kreezia. I never thought that behind her smiles ay may iba pala siyang pakay at balak sa buhay namin. Pati si Andrei ay dinamay niya pa."

"Ay totoo ba?" gulat niyang tanong na tinanguan 'ko.

"Dapat pala ihalal siyang mayora ng Makati! Iba ang kailangang kamot ni bes! Mukhang kailangan ng papel de liha para lang ma-satisfy ang Bataan!" sagot niya na ikinatawa 'ko. I never really thought that Michelle has this side of her. Years ago, ang tinigin 'ko lang sa kanya ay isang babae na wala lang magawa sa buhay. Pero nang makita 'ko ang achievements niya noong nagbukas ako ng facebook at instagram ay talaga namang nakakamangha dahil isa pala siya sa mga mahuhusay na players ng volleyball sa La Salle.

Isang oras ang nakalipas ay may kumatok sa aming suite. Dumungaw doon ang ulo ni Ivo at ngumiti sa amin. "Girls, lunch is ready. Baba na kayo." Abiso niya sa amin na sinang-ayunan 'ko lang bago ako nag ayang bumaba na para makakain na.

"Lillian legal ba ang pagiging gwapo ng pinsan mo?" tanong ni Michelle. Binalingan 'ko siya at pinagtaasan ng kilay. "Grabe 'yung mukha parang hinulma sa hulmahan ng mga greek gods!"

"Michelle ang harot mo." Komento ni Sherlyn na nagpatawa sa akin.

"Sherlyn wag ka ngang epal dyan. Ina-appreciate 'ko lang ang likha ng poong maykapal dahil bihira ka lang makakita ng ganyang nilalang dito sa mundong ibabaw!" she exclaimed na nagpahalakhak sa amin ni Sherlyn. Iba rin ang tama ng isang 'to pagdating sa mga lalaki. "Saka Sherlyn napansin mo 'yung ilong ni Ivo? Ang tangos 'no? 'Yung kay Brent kamusta?"

"Grabe ka sa Heihei 'ko!" reklamo ni Sherlyn. "Yummy 'yun!"

"Ay nawasak na pala ang toll gate mo Sherlyn e." pabirong kantyaw ni Michelle sa kaibigan.

"Hoy excuse you 'no! Hindi pa kaya!"

"Pa? So gusto mo mawasak? Jutay 'yun don't worry." Hindi ako magkandamayaw sa pagtawa sa usapan nila at hinayaan na lang sila. Michelle's wittiness is close to Kreezia's pero iba pa rin ang aura niya kung ikukumpara kay Kreezia na parang may itinatago lagi.

Sa aming pagbaba ay napansin ko'ng nauna na sa paglalakad palabas sina Kib kasama ang Rivero brothers. Agad na napako ang tingin 'ko kay Ricci na naka board shorts lang at sandong puti na niyayakap ang bawat muscles ng kanyang katawan. Parang inukit ng isang manlililok ang kanyang mga muscles sa likod at braso dahil sa sobrang pagka-depina nito. Dahan dahan pa din siyang naglalakad at nakaakabay sa kanya ang kanyang mga kapatid na si Rash at Prince.

Pinasadahan ko ng tingin ang suot ko'ng floral shorts at see through top na tinatakluban ang two piece na suot 'ko ngayon. Nag apply na din ako ng sun block kung sakaling magkayayaan sa dagat mamaya para maligo.

Isang mahabang mesa ang sumalubong sa amin sa aming pagdating. Doon ay nakalatag ang isang dahon ng saging at ang iba't ibang sea foods na meron ang hotel na ito. May malaking isda na inihaw at may nakita pa ako'ng clams, shrimps, squids and even a lobster.

Agad na umupo ang lahat sa upuan na gawa sa kawayan na nakakonekta sa silong na kinalalagyan ng mesa. A humble and native cottage was covering the whole place for us to eat.

"Lillian." Malamig na boses ang nanuot sa aking sistema nang tawagin ako ni Ricci at tinapik pa ang tabi niya, sinasabing doon ako umupo sa tabi niya.

Tumango ako at agad siyang pinagbigyan sa gusto niyang mangyari. "Rivero for three!" sabay sabay na kantyaw ng kanyang mga kapatid at buong team. Ngumisi na lang siya sa mga komento ng kaibigan at kapatid saka ako inalalayan sa pag upo. Ang pagdampi ng kanyang kamay sa aking likod ay talaga namang nakakapaso pero hindi 'ko tinangkang umiwas. Parang napakatagal na ng makaramdam ako ng pagkapaso dahil lang sa isang haplos.

"Let's pray!" anunsyo ni Prince sa buong grupo at siya na nga ang nag lead sa prayer namin. "Let's eat!" masigla niyang sabi nang matapos kami magdasal. Kasama namin sina Ivo at Leesi sa pagkain at hindi 'ko alam kung namamalik-mata lang ba ako o talagang kinakausap ni Michelle ang pinsan 'ko na si Ivo at sa harap pa talaga ng buong team. Wala ding takot ang isang ito e. Bulgaran!

"What do you want babe? Shrimp?" tanong sa akin ni Ricci, inaalis ako sa pag iisip sa nangyayari sa tapat namin.

"Shrimp na lang muna." Mahinahon ko'ng sagot na tinanguan niya bago niya ako pinagbalat ng hipon at inilagay ito sa tabi 'ko. Kumain kami ng naka-kamay at tawang tawa ako dahil hindi 'ko malaman kung matatawa ba ako sa mga kasama 'ko na hindi marunong mangamay.

Medyo natuto na si Ricci sa pangangamay dahil noon ay nangamay na din kaming kumain sa Antipolo noong nagpunta ang buong school doon.

"Hey Ricci how do you do it?" tanong ni Rash na tinawanan niya.

"Oo nga Ricci paano ba 'yan?" tanong ni Aljun sa kanya.

"Mga burgis kasi kayo kaya hindi kayo marunong mangamay!" kantyaw niya sa mga ito. Wow naman, nagsalita ang lalaking nag-aaral sa La Salle!

"Dami mo'ng satsat. Pag ako napikon kay Lillian ako magpapaturo." Banta ni Aljun na ikinakunot ng noo ni Ricci.

"Subukan mo lang talaga Melecio, hindi lang hipon kakainin mo pati kamao 'ko."

"Ooh... scary." Sarkastikong sagot ni Aljun saka na lang ginaya ang ginagawa namin ni Ricci. "Sanay sa kamayan ang dalawang 'to oh! Mga trainees ba kayo ng KFC?" tanong ni Aljun?

"Bakit KFC?" tanong 'ko.

"KFC. Because it's finger lickin' good..."

"Aljun!" sabay sabay na sigaw naming mga babae sa kanya na ikinatawa niya.

"What?" hindi niya mapigilan ang sarili na tumawa dahil sa sarili niyang kalokohan.

"Kabaklaan mo talaga Aljun pati finger alam mo. Uy, Gawain niya." Pabirong sabat ni Rash na ikinasimangot niya.

"Kakain na nga lang ako. Laging sa akin ang bagsak e. Wala ako'ng sinabi." He said in defeat na muling umani ng kung anu anong komento sa buong team.

Sa buong pagkain namin ay naging maingay at masigla ang hapag. Naging palagay na din ang loob ng aking mga pinsan sa buong barkada at hindi na din sila ganoon katahimik tulad kanina na si Brent lang ang kinakausap nila. Si Michelle ay patuloy pa din ang pagkausap kay Ivo na siya namang sagot ni Ivo sa kanya. I wouldn't dare try to risk a conversation with Ivo if I was Michelle because he's too intense. Parang may kung ano sa pinsan 'ko na 'yan na talaga namang magpapatunaw sa loob ng isang babae.

Natapos kaming kumain ng makalipas ang ilang oras na pag ku-kwentuhan. Medyo malilim na din sa dalampasigan at nang tignan 'ko ang oras sa aking cellphone ay alas tres y media na ng hapon. Halos dalawang oras kaming nakaupo sa hapag at walang ibang ginawa kundi ang mag kwentuhan.

Nang magpasya ang lahat na maligo na sa dagat ay agad naman silang nagtayuan na at nag-unahan pa ang mga archers sa pagtakbo sa dagat. The sparkling water gave us the feeling of being envelop in its coldness. Sa halip na sumama sa kanilang pagligo ay nanatili ako sa tabi ni Ricci kung saan naupo lang siya sa dalampasigan at pinagmasdan ang kanyang mga kaibigan na nagtatampisaw na sa dagat. Alam ko'ng hindi siya makakalangoy dahil sa kanyang paa at naiintindihan 'ko 'yon.

Umupo ako sa tabi niya at nang mapansin niya ako ay agad siyang lumapit sa akin. "Don't you want to swim?" panimula niya.

"I'm fine here." Sagot 'ko at dinama na lang ang malamig pero maalat na hangin na mula sa dagat.

"Lillian, you should enjoy yourself... it's your vacation after all." He softly said, concern was evident in his voice.

"I'm enjoying right now." Sagot 'ko at nang tignan 'ko siya ay napangiti siya sa aking sinabi. Marahan niyang hinawakan muli ang kamay 'ko at pinagsiklop ito.

"You are so unpredictable. Alam mo ba 'yon?" tanong niya sa akin na ikinataka 'ko.

"And why is that?"

Huminga siya at nagkibit ng balikat. "Sa lahat ng mga taong nakilala 'ko ay ikaw lang ata ang hindi 'ko kayang basahin. I'm good at judging people like how are they gonna react and what actions are they gonna do but not with you. Ang akala ko noo ay masaya tayo pero hindi ka na pala masaya. I just wish na mas naging transparent ka sa akin noon para naiwasan natin ang ganito." He confessed and instantly, I felt a pang in my chest.

"I'm sorry." I gently said and he quickly shook his head.

"Don't be. I'm just glad you're here na. Pero hindi 'ko alam kung anong mangyayari sa atin kapag bumalik ka na naman ng France."

Pinilit ko'ng ngumiti sa kabila ng pait na nadama dahil sa sinabi niya. Muntik 'ko nang makalimutan ang tungkol sa pagbalik 'ko sa France dahil sa sobrang pagkaabala 'ko sa kanyang mga ipinapakita at ipinapadama sa akin ngayong araw.

Nakalimutan 'ko na isang linggo na lang pala ay babalik na ako doon.
"Well kung babalik na nga ako ng France, then you should enjoy the rest of the year without me. Tuparin mo 'yung mga pangarap mo. Remember what I've said three years ago?" tanong 'ko na ipinagtaka niya lang. "Diba ang sabi 'ko... if you want something, shout to the world what you want to become and the universe will conspire to make it happen. Ganoon ang gawin mo Ricci. Claim every goal you'll set and have faith that everything turns well." Ngumiti ako sa kanya at nakita 'ko ang panlalambot ng kanyang mata bago siya tumango.

"Salamat Lillian." Malungkot siyang ngumiti sa akin. "Pasensya ka na ha. Nasaktan ka dahil sa'kin noon. Ang dami mong pinagdaanan at ang dami 'ko pang kailangan malaman tungkol sa'yo." Hinalikan niya ang kamay 'ko na hawak niya. "Pero sa pagkakataon na 'to wala nang bibitaw. Kahit mali, kahit bawal, hindi na ako matatakot." Tumitig siya sa akin at doon nakita 'ko ang libo libong pangako na gusto niyang sabihin sa akin pero alam ko'ng sobrang dami noon na hindi niya kayang sabihin pero ang lahat ng 'yon ay gusto niyang matupad.

Kinagabihan, matapos naming manatili sa dagat ay nagbanlaw muna kami sa suite saka kami inaya muli nina Ivo at Leesi para mag enjoy sa kanilang mini bar sa may tabi lang din ng dagat.

Agad ko'ng niyakap ang aking sarili nang balutin kami ng malamig na simoy ng hangin sa tabing dagat. Dinig 'ko ang tugtog ng banda sa 'di kalayuan kung saan tanaw doon ang eleganteng mga ilaw na bumabalot sa open area ng bar. Tanging ang stage lang ang may bubong at ang buong lugar ay hinayaan na lang na may mesa at upuan na nakapatong sa patag na buhangin. Ang bar ay nasa gilid kung saan doon nagtitimpla ng inumin ang bartender ng hotel.

Naabutan namin ng mga kasama 'ko ang buong team at agad ko'ng inilgid ang mga mata 'ko pero wala ako'ng nakitang Ricci sa tabi nila. Pinaupo na nila ako sa may unahan ng mesa malapit sa may stage ata agad ako'ng nagtanong kay Brent na naka-akbay na agad kay Sherlyn. "Brent si Ricci?"

"I don't know." Kibit balikat niyang sagot saka bumaling sa mga kapatid ni Ricci na si Rash at Prince. "Bro, have you seen Ricci?" tanong ni Brent.

"Ang sabi niya'y mag CR lang daw siya kanina kaya iniwan namin sa suite pero paalis na din 'yon noong pababa na kami kasi nag text siya na susunod na." sagot ni Rash kay Brent na tinanguan 'ko na lang.

Umorder ang buong grupo ng mga drinks para sa gabing 'yon at nag enjoy sa kantahan na pinangungunahan ng isang sikat na singer na guest ngayon ng resort. Ang sabi ni Leesi ay palagi daw may nag g-guest dito na mga singers since magandang exposure ito para sa kanila.

Napansin 'ko na walang tao sa buong lugar na ito kundi kami lang. Siguro nga ay dahil tapos na ang summer at ang mga turistang nakita namin kanina ay maagang nagpahinga dahil sa pagod siguro sa dami ng activities na pwedeng gawin dito sa Puerto Galera.

"Hello guys." Bati ng isang boses mula sa kung saan at nang lingunin 'ko ang stage ay ganoon na lang ang panlalaki ng aking mata nang makita 'ko si Ricci sa taas. Naka simpleng puting t-shirt lang siya at ang kanyang sweat shorts na madalas ko'ng makita. Anong ginagawa niya dyan!

"Nice one Rivero!" kantyaw ng mga lalaking katabi 'ko na ipinagtaka 'ko.

"So good evening." Huminga siya at nahihiyang ngumiti sa lahat. "This is the craziest idea I've ever thought in my entire life. I've never imagined that I'll be doing this for a girl." He said as he shift his eyes from his team mates to me. "Lagi mo akong kinakantahan noon... kaya ngayon, kahit ngayon lang, ako naman." Napabuntong hininga siya bago siya umupo sa upuan kung saan nakapwesto kanina ang singer na kumakanta. "Pagpasensyahan niyo na guys hindi talaga ako nakanta." Sambit niya at nagsimula nang tumugtog ang banda na kasama niya doon nang tanguan niya ang mga ito.

Whooo Whoooo
How do I end up in the same old place,
Faced again with the same mistakes,
So stubborn thinking I know what is right,

But life proves me wrong everytime,
Taking roads that lead me nowhere,
How do I expect to get there,
But when, oh when will I learn to just put you first.

The first few lines of the song instantly caught my attention. He's right, his voice is not that good but weirdly, I started to feel comfort just by hearing his voice.

I come to you now when I need you,
But why do I wait to come see you,
I always try to do this on my own
But I was wrong cause only with you can I move on.
Can I move on.

Parang mga bala na tumagos sa akin ang bawat salita na binibitawan ng kanta. Ang tanging mga salita na hindi niya masabi sabi sa akin sa nakaraang tatlong taon ay ito ngayon at isinisigaw niya sa buong mundo. May kung anong saya at kirot sa aking puso habang pinagmamasdan siya na kumakanta. It was too surreal and even the worst tone he could ever reach is just fine with me. I just love how he sang it and how he delivers it with feelings.

Oh
When I am weak it's you that makes me strong,
And I know that you've been with me all along,

So many times I begin to close my eyes and listen to my heart,
With you life is so easy why do I make it hard,

Oh taking roads that lead me nowhere how do I expect to get there when will I
Learn to just put you first.

Natawa ako na naluha dahil sa kanyang ginagawa ngayon. I never thought that he would do this! Ni hindi sumagi sa isip 'ko na sa simpleng pagsama niya sa akin ngayon dito sa bakasyon 'ko ay makakagawa pa siya ng ganitong gimik. I know this is out of his comfort zone pero ginawa niya pa din. Damang dama 'ko ang pagmamahal niya na gusto niyang maramdaman 'ko. Hindi 'ko maintindihan kung anong nangyayari sa akin na ang mga linya ng kanta ay nakaapekto sa akin at tumulo na ang unang luha 'ko sa araw na ito.

Hindi tulad ng mga nakaraan ay hindi ito luha ng pagkalungkot kundi luha ito ng sobrang kasiyahan. Ito lang naman talaga ang hiniling 'ko e. Ang bumalik lang siya sa akin at mahalin niya ako ulit. Hindi ako nakalimot sa kanya kahit isang beses dahil sa bawat bagay na ginagawa 'ko ay sumasagi pa din siya sa isip 'ko. Ganito nga siguro ang epekto ng isang Rivero.

Hey!
I come to you now when I need you,
But why do I wait to come see you,
I always try to do this on my own
But I was wrong cause only with you can I move on.

I get out of my own way, let you have your way.
Cause I realize I'm no good on my own,
I'm there for you, I'll serve for you
I can't live without you. Noooo

Napangiti ako dahil sa pagpilit niya sa pag abot ng nota at muntik pa siyang pumiyok pero nakaya niya naman. Sa bawat segundo na lumilipas ay na-realize 'ko kung gaano ako katanga para pakawalan siya. He's all that I have aside from my Tita and Dad. Siya ang laging andyan kahit na hindi niya ipinaparamdam ay lagi niya ako'ng minamasdan at binabantayan. Kahit na lumipas ang ilang taon ay ito pa din siya. Oo sumuko pero muling bumangon. Oo sumuko pero ito sinusubukan muli. Oo sumuko pero sana sa pagkakataon na ito ay wala nang sukuan.

I come to you now when I need you, why do I wait to come see you,
I always try to do this on my own but I was wrong, I was wrong, I was wrong.
With only you, only you, with only you.
Can I move on, can I move on, can I move on...

Napangiti ako sa pagtatapos ng kanta at hindi 'ko na napigilan ang sarili na tumayo sa aking kinauupuan at takbuhin ang aming distansya.

Niyakap 'ko siya ng mahigpit na mahigpit na parang mawawala siya. Mas lalo 'ko siyang minahal sa mga nakalipas na taon dahil dito. Dahil dito napatunayan 'ko na hindi man siya magsalita, meron at meron siyang paraan para ipadama sa akin ang lahat ng nasa loob niya.

"Hush now babe, don't cry..." he softly said as he hug me back and caressed my back. Dinig 'ko ang palakpakan at hiyawan sa aming likod pero binaliwala 'ko 'yon at hinarap siya habang yakap pa din siya.

"Nakakainis ka..."

"I'm sorry..." kibit balikat niyang sagot pero nakangiti pa din saka niya ako hinalikan sa noo. "Ganito kita kamahal e. Kumanta pa ako sa harapan ng mga taong malapit sa atin."

"Thank you babe." Hindi 'ko na napigilan ang sarili 'ko na sumagot sa kanya. Sa sinagot 'ko pa lang alam ko'ng alam niya na ang ibig ko'ng sabihin. Alam 'ko na kung ano ang nasa isip niya at ganoon din siya sa akin.

"That's so good to hear." He softly said as he caressed my face. "I waited that for years at sobrang sarap lang pakinggan." Pinatakan niya ng halik ang labi 'ko na ikinagulat 'ko pero agad namang napangiti. "Ang hirap mo'ng kalimutan Lillian. Sinubukan 'ko naman e. I tried so many ways to forget you. Hell I even made Kreezia my girlfriend pero wala e... iba pa rin kapag andito ka na. Iba pa rin talaga kapag nasa tabi na kita. I feel so calm and at ease." Ngumiti siya sa akin at hinalikan ang tungki ng ilong 'ko. "I love you babe."

"I love you too babe." I replied and he ended that moment with a soft passionate kiss.
----------
NO VOTES = NO UPDATE

Oh bumawi na ko ah. Hahaha!

Continue Reading

You'll Also Like

885K 20.3K 52
*NO SOFT COPIES © hunnydew 2013 All Rights Reserved No part of this story (except for brief quotations) may be reproduced, copied, modified or adap...
4.2K 315 99
My name is ECHO and goodbyes for me are HELLO. Say yo to Echo, a popular student of Phoenix Heights University as she deals with life full of hellos...
864 80 41
In a collision of worlds, Callie's nine-year crush unsettles Kaja's studious life as an aspiring doctor. Despite Kaja's initial resistance due to pas...
16.1K 874 21
Yndrah Alaianth Xanther- a respected professor and successful doctor in medicine. Known for her sharp mind and distant manner. Her cold demeanor echo...