GETTING BACK TO EACH OTHER'S...

By KimVerly

637K 6.9K 764

ito na po yung book2 nang getting to now each other on bed..basahin muna ang book1 bago ito para hindi malito... More

GETTING BACK TO EACH OTHER ARMS
PAGE-1-
PAGE-2-
PAGE-3-
PAGE-4-
PAGE-5-
PAGE-6
PAGE-7-
PAGE-8-
PAGE-9-
PAGE-10-
PAGE-11-
PAGE-12-
PAGE-13-
PAGE-14-
PAGE-15-
PAGE-16-
PAGE-17-
PART-18-
PAGE-19-
PAGE-20-
PAGE-21-
PAGE--22--
PAGE-23-
PAGE-24-
PAGE-25-
PAGE-26-
PAGE-27-
PAGE-28-
PAGE-29-
PAGE-30-
PAGE-31-
PAGE-32-
PAGE-33-
PAGE-34-
PAGE-35-
PAGE-36-
PAGE-37-
PAGE-38-
PAGE-39-
PAGE-40-
PAGE-41-
PAGE-42-
PAGE-43-
PAGE-44-
PAGE-45-
PAGE-46-
PAGE-47-
PAGE-48
PAGE-49-
AUTHORS NOTE:PASASALAMAT
THE LAST PART(EPILOGUE)
SPECIAL CHAPTER

PAGE-50-

9.2K 132 7
By KimVerly

PAGE-50-

HARLEY'S POV

Nasaktan talaga ako nang sobra sa binitiwang salita ni Codilyn sakin.akala ko hindi niya ako susukuan pero mukhang napagod na siya.umalis kami nang resthouse ni Yvon hindi para si Yvon ang pakasalan ko.may pinlano akong iba.

Hindi ko hahayaang mawala sakin si Codilyn at hindi ko rin hahayaan na makasal kami ni Yvon.lumipas ang isang linggo inayos ko nang mabuti ang lahat,pero sa isang linggong iyon madalas sumama ang pakiramdam ko.

Dumadalas ang pananakit nang ulo ko,lalo na ang pag sagi sa isip ko nang ibat-ibang alaala.na sa hula ko dala nang unti-unti nang panunumbalik nang aking ala-ala.isang lihim din ang natuklasan ko kahapon lang.

Si Yvon ay hindi talaga buntis,sakto naman na bigla itong dumating sa bahay ayon sa katulong namin.hindi na ako mahihirapang hanapin ito.labis-labis din ang kaba ko nang araw na iyon.hindi ko maintindihan kung para saan.

Dahil ba ito sa labis na saya dahil wala na kaming magiging problema ni Codilyn oh dahil sa isang pangyayaring masasaksihan ko ngayon paglabas ko nang pinto nang kwarto ko

"bitiwan mo ako Yvon!"agad naman akong napatingin sa hagdanan kung saan nakita ko si Codilyn at Yvon na nag-aaway

Ihahakbang ko sana ang paa ko nang makaramdam ako nang pagkahilo.may pumapasok na mga mukha sa isip ko.sari-saring boses din ang naririnig ko.alam nang puso ko na dapat na akong tumayo doon bago pa may mangyari sa dalawa.

Pero na stuck ako sa pagkakaluhod nang biglang mag flashback sa isip ko ang lahat.Kung saan una kong nakilala si Codilyn,kung saan nabuhay ako nang walang magulang.Kung saan sa kahuli-hulihang pagkakataon bago ako mawalan nang ala-ala.Nakita ko ang sarili ko sa isang kama sa ospital

"kung sakaling malimutan ko kung sino ka,kung anong pangalan mo,kung pano ka ngumiti at tumawa.Kung pano natin minahal ang isat-isa..please do remember that.."bigla naman akong napadilat at napasigaw nang magbalik ako sa realidad.kitang-kita ko kung panong magpagulong-gulong pababa sa hagdan si Codilyn

"Codilllllyyynnn"hindi ko alam kung panong takbo at lakad ang ginawa ko makababa lang nang hagdan at angatin ito sa pagkakahiga sa sahig

"hindi ko.."

"shut up!pag may nangyaring masama sa kanya,sinasabi ko sayo Yvon!mananagot ka sakin!"sigaw ko dito

"I'm sorry Har.."hindi ko na ito pinansin at binuhat si Codilyn

"Sweety!sweety.."halos manlumo naman ako nang mahawakan ang dugo nito sa ulo.Dali-dali ko itong inilabas nang bahay.nagmamadali naman akong nilapitan ni Near na nandun din pala nung time na iyon

"anong nangyari?"

"please..tulungan mo ako!dalhin natin siya sa ospital"

"tara sa kotse!"tumango naman ako.Dinala namin ito sa pinakamalapit na ospital samin.Kinuwelyuhan naman ako Near nang maiwan kami sa labas nang emergency room

"anong nangyari?bakit hinayaan mong masaktan siya?"asar na tinanggal ko naman ang pagkakahawak nito sakin

"Hindi ko gustong masaktan siya,alam mo kung gaano ko siya kamahal"

"pag may nangyaring masama sakanya,tandaan mo hinding-hindi ko na siya ibibigay pa sayo!"

"hinding-hindi mo siya makukuha sakin dahil naalala ko na ang lahat"halata naman nagulat ito

"anong sinabi mo?"

"naaalala ko na ang lahat!kanina..kanina lang.."bigla naman singit nang doctor samin

"sino sa inyo ang.."

"ako po!"pagsasalita ko kahit hindi pa tapos nang doctor ang sasabihin

"ok,Sir!ayos na siya,ililipat nalang po siya nang kwarto.Wala namang nakitang ibang pinsala sa katawan niya.Hintayin nalang natin na magising siya"nakahinga naman ako nang maluwag sa sinabi nito

"Salamat Doc!"agad din naman naming pinuntahan ni Near si Codilyn sa kwartong pinagdalhan dito

Si Near narin ang kumontak sa pamilya ni Codilyn.Nagpaalam naman ako dito saglit para maayos na ang lahat patungkol samin ni Yvon.Tumango lang naman ito sakin.Nalaman ko rin na kaya pala pumunta si Codilyn sa bahay para sabihin sakin ang lahat tungkol kay Yvon.

Sinadya kong puntahan sa mismong opisina ang Daddy ni Yvon para makausap ko.hinarap naman agad ako nito.sinabi ko dito ang lahat-lahat.Nagalit pa ito sakin nung una.Akala kasi nag-iimbento lang ako para hindi ko mapanagutan si Yvon

Nilabas ko naman dito yung mga ebidensyang nakalap ko at nang tinawagan nito si Yvon naconfirmed nitong totoong lahat ang sinasabi ko.nakiusap naman itong wag ko nang sampahan nang kaso si Yvon at palalayuin nalang nito para hindi na makapang-gulo pa

Gusto nga din nitong bayaran ang lahat nang gastos ni Codilyn sa ospital na tinanggihan ko nalang.sa tingin ko sapat nang pagbawalan nito ang anak at palayuin samin para matahimik na kaming lahat.pakiramdam ko nakahinga na ako nang maayos dahil naging maayos na ang lahat

Maaari ko nang alukin nang kasal si Codilyn.sa tagal at dami nang pag subok na pinagdaanan namin,sa wakas muli ko na siyang maibabalik sa mga bisig ko.dali-dali naman akong bumalik nang ospital at nalaman ko nga kay Near na nagising na pala ito

Nanlumo naman ako sa nalaman ko pagkarating doon.papasok na sana ako sa kwarto nito nang matigilan ako dahil sa nakaawang pinto.Narinig kong nag-uusap ang magulang ni Codilyn at isa sa kaibigan nito na si Yzhel

Kitang-kita ko din sa nakaawang na pinto kung panong mangiyak-ngiyak na kinukwento nang Mama nito ang kalagayan nito ngayon.sa pag pipigil kong maiyak,nagtatakbo ako papunta sa maliit na chapel nang ospital.

Humiling na sana hindi totoo ang narinig ko.na sana..na sana panaginip lang iyon.nag-tagal din ako doon nang halos isang oras bago muling bumalik sa kwarto nito sa ospital.Nakaupo itong mag-isa sa kama.isang tapik naman sa balikat ang nagpalingon sakin.ang Daddy pala ni Codilyn na may bahid na kalungkutan yung ngiti

"totoo po bang?"tumango naman ito na parang nakuha ang ibig kong sabihin

"magagawa mo paba siyang mahalin?"tanong nito na kinatungo ko

"syempre naman po!gagawin ko ang lahat para sa kanya"

"salamat!aasahan kong aalagaan mo siya"tumango lang ako at iniwan na ako nitong mag-isa sa kwarto nito.pinagmasdan ko itong maigi,napapakagat labing pinigilan kong maiyak

Halos isang linggo din itong nanatili sa ospital dahil sa mga check-up na kailangan nitong pag daanan.sa isang linggong iyon pinili kong huwag mag-salita at huwag ipabanggit na nandun ako sa tabi niya.may mga inayos din ako na sinuportahan nang magulang at kaibigan ni Codilyn

Ngayon nga na nakalabas na ito at pinadala ko ito kay Near sa lugar na naging takbuhan namin.sa lugar kung saan una ko siyang pinakasalan.sa lugar na iyon na naging saksi nang masasayang naming ala-alang dalawa

Malayo palang ay natatanaw ko na itong nakaupo sa damuhan habang napapalibutan nang sari-saring maliit na bulaklak sa tabi.nasa malilim naman ito kaya hindi ito maiinitan.nakita naman ako ni Near at tumayo na ito para iwanan sakin si Codilyn

"Gudluck!alagaan mo siyang mabuti"tumango naman ako nang ganap na itong makalapit sakin at tinapik ako sa braso

"thanks Near!salamat sa lahat"

"wala yun..basta alagaan mo siya!"tumango nalang ako at tinapik din ito sa balikat.

Naglakad na ito palayo at ako naman ay naglakad na papalapit sa babaeng mahal na mahal ko.sa isang linggong pananatili nito sa ospital ay hindi ko ito nilalapitan.nakuntento lang ako na nakatayo sa sulok nang kwarto nito habang tinitignan ito

Aminado ako sa sarili ko na pinipilit kong dayain yung sarili ko.pinipilit kong itinanim sa puso ko na wala ayos lang ito at hindi totoo yung mga naririnig ko at sinabi nang Doctor.pero alam kong kailangan ko rin harapin ang katotohanan lalo na ngayon at nasa harapan na ako nito

Dahan-dahan akong lumuhod sa harapan nito.gumalaw naman ito at napalingon pa.ngumiti ito na siyang kinangiti ko rin.ang lakas-lakas nang tibok nang puso ko parang sasabog sa pagmamahal dito.

"Near..maganda parin ba sa lugar na ito?"kagat labing napatungo-tungo naman ako

"uhmm.."

"anong hmm?Near,talaga bang maganda parin dito?naririnig ko yung lagaslas nang tubig sa ilog,pwede bang dalhin mo ako doon"tumango naman ako dito at binuhat ito

Hindi naman ito umimik hanggang sa iupo ko ito sa batuhan kung saan maiilublob nito yung mga paa sa ilog na dati naming pinagliliguan doon.tinignan ko naman ito at tinaas yung isang kamay para ikaway sa mukha nito.napatungo naman ako nang wala manlang makitang reaksyon sa ginawa ko.kagat labing tinaas ko yung mukha ko para maiwasan tumulo yung luha ko

"Near!maganda ba ang langit ngayon?"hinawakan ko ang kamay nito nang mahigpit at pinatatag ang sarili bago ito sinagot

"maganda!gusto mo bang bilangin ko yung mga namumuong ulap kapalit nang bituin na pinabibilang mo sakin noong mga bata pa tayo?"ilang Segundo din siguro itong nawalan nang imik bago takang nagsalita

"pwede mo bang ilagay ang kamay ko sa mukha mo?"

"uhmmm!"inilagay ko naman ang dalawang kamay nito sa mukha ko.Bigla naman tumulo yung luha nito nang maglakbay ang kamay nito sa mukha ko

"Ha...Harley?"

"Ako nga Sweety..ako nga!ang Hon na nalimutan ko noon pero hindi na ngayon dahil naaalala ko na ang lahat"

"Naalala mo na ang?"pinahiran ko naman yung luhang naglandas sa pisngi nito

"natatandaan mo paba nang ikasal tayo sa sirang simbahan sa lugar na ito?pinili kong ipadala ka kay Near dito para dito ko sabihin sayo ang lahat"

"Hon.."

"pwede bang ulitin ulit natin iyon?pero this time sa isang buong simbahan at makatotohanan na kasama nang magulang at mga kaibigan mo!"

"magagawa mo paba akong mahalin kung hindi na ako nakakakita?"

"shhh..."tinakpan ko nang hintuturo yung labi nito

"Mamahalin parin kita at ako ang magsisilbing mata mo sa bawat oras na kinakailangan mo"

"Hon..hindi ko.."umiiyak na niyakap ako nito

Nilabas ko naman ang singsing na nabili ko dati pa.tinago ko itong maigi nang hindi nito tanggapin ang unang proposal ko dahil sa banta sa buhay naming dalawa.siniguro kong nasa pag-iingat ko parin itong maigi.

"Ms.Codilyn Bronte will you love me for the rest of my life?"umiling naman ito na kinapag-taka ko

"No..Harley!"

"Sweety?.."kinakabahan na naman tuloy ako sa mga ganito niyang sagot

"I will love you Hon..for the rest of mine!"napangiti naman ako dito akala ko kasi hindi na naman ito sasagot nang oo.agad kong isinuot yung singsing sa daliri nito at niyakap ito nang mahigpit

"thank's Sweety! I love you.."

"I love you too.."

Nagulat naman kami nang may sumigaw at nagpalakpakan.pag lingon ko ang mga magulang at sila Throwie pala ang naandoon,tuwang-tuwa ang mga ito na todo kantiyaw pa saming dalawa.sa wakas daw at sa tagal ikakasal narin kaming dalawa.

Naiyak nga ako sa tuwa na kinatapik sakin nang Daddy ni Codilyn.niyakap-yakap pa ako ni Throwie sa sobrang tuwa sakin.nandoon din si Lolo na siyang tumatayong Ama ko.masaya kaming lahat na nagkainan at nagkwentuhan

At dahil nakaplano na ang lahat,date nalang nang kasal ang napag-usapan namin.sa ngayon tatlong araw nalang ikakasal na kami.excited at kaba ang nararamdaman ko.gusto ko na ngang hilahin ang araw na iyon para mayakap at makasama ko na si Codilyn.bawal narin kasi kaming magkitang dalawa.hanggang tawagan nalang kami

Sa sobrang excited ko nga halos hindi na ako makatulog.natatawa na nga sakin si Throwie.ang ugok nga nag paparty pa sakin sa huling araw nang paghihintay ko.konting inuman lang naman kasama narin sila Near,Lenard,Kaden at iba pang nakasama namin sa trabaho bilang agent.

Pagkatapos,natulog narin ako.bukas na kasi ang araw nang kasal ko at dapat sa araw na iyon fresh na fresh ako.wooh.kinakabahan talaga ako.pinilit ko nalang matulog nang may ngiti sa labi.para ready na ako bukas.

Continue Reading

You'll Also Like

3.4M 133K 23
What would you do if you wake up one day and find yourself in a different body? [Completed]
2.2M 143K 50
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
765K 27K 72
Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.