PAGE-32-

11K 111 10
                                    

PAGE-32-

Nagtataka itong napatitig sakin.siguro kasi,mga ilang segundo din akong natulala sa kanya.naiiyak na binaling ko naman agad sa iba yung tingin ko nang bigla itong mag-salita.

"aso moba ito?"hindi ko alam kung bakit ganun yung ngiti niya sakin.para bang nang-aasar

"ah.o..o-o"medyo nauutal pa ako,kasi nga nahihirapan akong huminga sa pag-pipigil na hindi maiyak

"oh!kaya pala."tumango-tango nitong sabi bago nagpaalam sa mga bata

hinila nito si memo at pinasunod ako na hindi ko alam kung bakit.nanginginig naman yung mga tuhod ko na sumunod dito.nag stop ito sa dati kong kinauupuan kanina.yun nga lang sa damuhan ito umupo at hindi sa bench dun.

ngumiti naman ito sakin at sinenyasan akong umupo sa may tabi nito.umupo ako na hindi inaalis ang tingin sakanya.baka kasi dinadaya ako nang paningin ko,baka kasi,hindi talaga siya yung nasa harapan ko ngayon.

"ang seryoso mo naman yata ngayon.kanina lang ang taray-taray mo sakin."kinunutan ko naman ito nang noo sa sinabi nito

"hah?"

"naengkanto kaba?para kasing na-engkanto ka kung umasta"tapos bigla naman itong napapitik sa kawalan na parang may naalala "alam kona kung bakit ganyan ka.kasi balak mo akong ipalapa dito sa aso mo ang kaso hindi ka nagtagumpay kaya natatakot ka ngayon sakin."tumawa pa ito na talagang ikinabigla ko

ano bang pinag-sasabi niya?ito ba talaga si harley na minahal ko?bakit parang kakaiba yata siya ngayon.ang weird nga din niya.the way na manamit siya kakaiba talaga.hindi naman kasi maluwag magdamit si harley noon.ito kasing lalaking ito parang hiphop or baka naman kamukha niya lang ito at nagkakamali lang ako.

"ah,ano nga pala ang name mo?"gusto kong malaman para matiyak kong siya talaga si harley

"naks!type mo'ko no?hay,mga babae nga naman."pagkasabi nito niyon.pabigla itong humiga sa damuhan habang hindi parin tinatanggal ang pagkakahawak sa tali ni memo

"excuse me!"ano ba!naguguluhan na talaga ako sa sinasabi niya

"haha!huwag kanang mag deny,type mo'ko at binalak mong ipalapa ako sa aso mo para makaganti ka sakin sa ginawa ko kanina sa painting mo!"hindi nga?siya yun!siya yung lalaki kanina sa bus!pero bakit..bakit?

"ikaw yung..yung lalaki kanina sa bus?"ok!gulat na gulat na talaga ako.panong hindi ko siya nakilala?sobrang laki ba nang pinagbago nito at hindi ko manlang nakilala pati boses niya.

"ayan kana naman!mukha kana namang na-engkanto.maganda ka sana kaso medyo weird ka.ganun ba talaga ang mga painter?may pagka weird!"ok!pasalamat talaga siya at mahal ko siya dahil kung hindi may tadyak na ito sakin ngayon

GETTING BACK TO EACH OTHER'S ARMS(completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon