PAGE-27-

9.4K 99 9
                                    

PAGE-27-

Hindi ko alam kung bakit kinukutuban ako nang masama ngayong araw.pakiramdam ko may mangyayaring hindi ko maintindihan.pinatawag ako ngayon nang tiyuhin ko na siyang tunay na ama ko pala.sakay na ako nang kotse papunta sa bahay nito at mas lalo kong nararamdaman yung kaba.

Nang makarating nga ako doon,dalawang pares nang boses ang naririnig kong nagtatalo.napabilis pa nga ako nang paglalakad para lang pumasok sa kwarto kung saan ko naririnig yung mga boses.pagbukas ko naman nang pinto,nakita ko doon si Mama na uumiiyak at nakaluhod sa harapan nang Daddy ko,

"anong nangyayari dito?"tanong ko na kinatingin nang mga ito sakin

"odin..umalis kana,iligtas mo si Harley."naguluhan naman ako sa sinabing iyon ni Mama

"sa tingin moba maiiligtas niya pa ang lalaking iyon ngayon?at kung makarating man siya dun siguradong huli na ang lahat."mas lalo akong kinabahan sa narinig kong sinabi nito patungkol kay Harley

"anong..anong ginawa mo kay Harley?"ngumiti lang naman ito sakin at nakapamulsang tumingin

"sabihin na nating binura kona ang lahat,ang lahat-lahat sa kanya."

"napaka walang hiya mo talaga!Odin,umalis kana,ako nang bahalang tumapos dito.iligtas mo si Harley,iligtas mo ang taong mahal mo."nagulat nalang ako nang biglang maglabas nang baril si Mama at tinutok iyon kay Daddy

"makakaya moba talaga akong patayin?alalahanin mo,ako ang lalaking minahal mo,!"hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko at nanatili lang na nakatitig sa kanilang dalawa,para bang nawalan ako nang lakas na mag-salita

"minahal kita noon at pinag-sisisihan ko na iyon ngayon.Odin!ano ba!"baling ni Mama sakin "umalis kana,nagpadala ako nang mga tutulong saiyo doon,nandun nadin sila Throwie,bilisan mo!"sa narinig kong yun bigla akong natauhan at sinugod si Daddy nang sampal

"anong ginawa mo kay Harley?anong ginawa mo sa kanya?!"mahigpit ko itong hinawakan sa kwelyo

"may kasunduan tayo diba?tinupad ko lang ang kasunduan nating dalawa."hindi ko naman ito nagets na sinasabi nito

"ang kasunduan natin palalayain mo din siya pag nakuha mo ang dapat mong makuha!"

"ganun na nga!nakuha ko na ang lahat nang dapat kong makuha pwera lang sayo dahil hindi ka tumupad sa usapan natin.traydor ka!"pagkasabi nito niyon,nagulat nalang kami ni Mama nang biglang may anim na armadong lalaking pumasok sa kwarto at hinawakan kaming dalawa

"bitiwan niyo ko!ano ba!napakademonyo mo,wala kang isang salita,!"tumawa lang naman ito sakin at sinampal ako nang malakas

GETTING BACK TO EACH OTHER'S ARMS(completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon