PAGE-29-

10.2K 96 6
                                    

PAGE-29-

 

Dinala kami nung mga armado sa 3rd floor kung saan may pinasukan kaming isang kwarto,maliwanag na doon dahil may ilaw na.halos mapaiyak naman ako nang buksan nang isa sa mga ito ang pintuan at bumungad sakin ang mga taong inaasahan kong makakatulong ko.

Nandun si Kaden na halos wala nang malay,si Near na nakagapos sa silya at puno nang dugo ang damit.si Throwie na sumisigaw sa sobrang pagpapahirap dito.at ang hindi ko inaasahan ang lolo ni Harley na halos wala na nga atang buhay na nakagapos din sa silya

"welcome back Agent Escueta!"bati dito nang demonyo kong ama

hindi halos makakilos si Harley sa kinatatayuan naming dalawa sa nasaksihan nito.nandun din si Mama na hawak nang dalawang armadong lalaki sa dalawang braso.pinilit naman kaming itulak nung dalawang lalaki para ganap na makapasok kami doon

"NAPAKA-WALANG HIYA MO!"sinugod ko nang mag-sawang sampal si Daddy pero naiwasan nito iyon at gitil na hinawakan ako sa dalawang braso

"ganyan ba ang pag trato nang isang anak sa magulang niya?"mas lalo akong nang-gitil sa sinabi nito

"kahit kailan,hinding-hindi kita ituturing na isang ama ko!napakademonyo mo!bakit kailangan maging ganito ka kasama?"laglag ang luhang sigaw ko dito

"bakit hindi mo tanunging ang Mama mo kung bakit naging ganito ako!"nagulat naman ako sa sinabi nito at napatingin kay Mama na naiiyak na napapailing

"ikaw ang gumawa nang ikasasama mo at hindi ako."sagot ni mama dito

"yeah!ako nga,dahil sinira mo ang buhay ko.pero tapos na yun,hindi ako nandito para pag-usapan yan!tatapusin ko na ang lahat,kahit anak kita Codilyn hinding-hindi ako magkakamaling patayin ka kung hindi mo ibibigay sakin ang copy nang documentong nakalap ni Harley samin."nagmatigas naman ako dito

"wala akong ibibigay."

"wala ba talaga?oh sige,simulan na ang pagpapahirap diyan"napabaling naman ako nang tingin kay Harley na binigyan nang sunod-sunod na suntok,halos mapa-sigaw nga ako sa awa dito

"wala akong coPy..wala.."sinabunutan naman ako nang Daddy ko at sinampal nang malakas na halos ikadugo nang labi ko

"sinungaling!"pagkatapos isang sampal na naman ang natanggap ko dito

"tama na!huwag niyo siyang saktan,ako nalang."napatingin at napailing naman ako kay harley nang sumigaw ito

"may lakas kapa nang loob na mag-salita nang ganyan!wala kana..wala kanang iyayabang kaya manahimik kana diyan Escueta!"

GETTING BACK TO EACH OTHER'S ARMS(completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon