PAGE-25-

10.7K 107 13
                                    

PAGE-25-

Pagkatapos niyang gugulin ulit ang maghapon sa art shop niya.pag sapit nang alas nuebe nang gabi ay umalis siya doon para pumunta sa lumang building.malayo palang siya sa kulungan ni Harley ay naririnig na niya ang malakas na pag-sigaw nito na tila pinahihirapan.

"wala kaparin dala.ang akala moba makakatakas ka dito hah?sa oras na tangkain mo pang tumakas dito hindi lang iyan ang mapapala mo."narinig niyang sigaw nang isang lalaki na nagpapahirap dito

napapakuyom siya nang kamao sa paghihirap na naririnig nito.kagat labing nagmadali siyang maglakad para makapunta agad dito nang may biglang pumigil sa braso niya.

"this is not the right time Odin,hayaan mo na ako sa bagay na iyan."napatingin naman siya kay Near na siyang pumipigil sa kanya

"hindi ko.."bigla nito siyang inikot para hindi na siya pumunta pa doon,bigla naman siyang napapitlag nang muli niyang marinig ang boses ni Harley,this time ramdam na ramdam niya talaga ang pag-hihirap nito

"tatakpan ko ang tenga mo at aalalayan kita hanggang sa makalabas ka dito,trust me Odin ako nang bahala dito.umuwi kana lang,mahirap na matunugan nila tayo sa gagawin natin."kahit ayaw nang puso niya.minabuti nalang niyang sumunod kay Near

lumabas sila nang lumang building at nagtuloy naman siya sa isang bar.nag-inom lang siya nang nag-inom doon.nagtagal siya nang nagtagal doon at nagpakalunod sa alak.nag order pa nga siya nang isang boteng alak bago tuluyang lumabas nang bar

Pagewang-gewang na mabagal siyang naglalakad palabas nang bar na pinasukan niya.hindi niya alintana yung mga taong nakakabangga niya or nababangga niya.tulala lang siyang naglalakad palabas niyon.tulalang naglalakad nang walang patutunguhan.

gabing-gabi na at halos wala narin taong makikita sa kalsada kundi mangilan-ngilang sasakyan nalang din.hawak-hawak niya ang isang bote nang alak sa kanang kamay niya habang wala sa sariling naglalakad sa gilid nang kalsada

ilang beses narin siyang nadapa at pinilit ulit makatayo nang may pag-gewang,sa bawat hakbang na ginagawa niya pakiramdam niya nahahati ang puso niya sa sakit.sa bawat hakbang na ginagawa niya nakikita niya sa isip niya ang mukha ni harley

ang lalaking minahal niya,ang lalaking naghirap dahil sa kanya,ang lalaking nasira ang buhay dahil sa kanya.ang lalaking kahit kailan hindi nababagay sa isang walang kwentang nilalang na katulad niya.

ang lalaking buong pusong tinanggap at minahal siya,pero anong ginawa niya?naiiyak na tumawa siya nang pagak habang patuloy sa paglakad.hindi niya alam kung saan siya pupunta,pakiramdam niya ang isang katulad niyang tao ay wala nang puwang pa sa mundong mabuhay

umiikot yung paningin niya,sari-saring sakit na yung nararamdaman niya.tumabi siya sa malaking punong nadaanan niya at mula doon ay umupo siya at sumandal.pagod na pagod na siya,parang sasabog na ang utak at puso niya sa kakaisip

pagod na pagod na ang isip niya kung sino ang sisisihin sa lahat nang nangyayaring ito sa buhay niya.ang DYOS ba,ang mga magulang niya,ang Ama niya kaya oh ang mismong sarili niya dahil sa kataksilan na ginawa niya.

GETTING BACK TO EACH OTHER'S ARMS(completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon