PAGE-36-

9.8K 112 7
                                    

PAGE-36-

 

Tulad nang sinabi nito ienjoy lang daw ang buhay.kaya inenjoy ko talaga nang bongga ang mga sandaling nakakasama ko siya.bukas kasi,alam kong hindi na ito mauulit,binalik ko nalang ulit yung sketch pad ko sa cabin bago ako muling bumalik sa dalampasigan kung saan nakapamulsa itong nakatayo paharap sa dagat

"hoy!seryoso mo ata ngayon ah,"bahagya ko itong ginulat na kinangiti lang nito

"mukhang good mood kana,mas lalo ka palang gumaganda pag ngumingiti ka"bahagya naman akong napatungo at pasimpleng ngumiti sa sinabi nito

"huwag ka nga!tama nang pambobola"

"haha!totoo,maganda ka talaga"oh,c'mon malulusaw na ako swear!

"tumigil ka!feeling mo naman uutuin din kita,hindi ka gwapo no!"tumawa naman ito at biglang kumunot yung noo pagkatapos

"may langaw yung bibig mo"

"hah?"

"sabi ko nilalangaw yung bibig mo"napahawak naman ako sa bibig ko,para alamin kung may langaw nga

"wala naman eh"impossible naman kasing langawin ang bibig ko at syaka wala naman akong nakitang langaw na lumilipad

"meron nga!nilalangaw yung bibig mo"muli ko namang binalik yung kamay ko sa bibig ko,pero wala talaga

"wala naman eh!"medyo naiinis na ako nun

Eto naman eh,bigla nalang tinanggal yung pagkakahawak nang kamay ko sa bibig ko.hinila pa nga ako nito at sa gulat ko nakatikim na naman ako nang halik sa kanya

"sabi ko sayo eh,nilalangaw bibig mo"natatawa nitong sabi pagkatapos eh,bigla nalang akong tinakbuhan,nawala naman ako sa sarili nang ilang segundo nun

"para-paraan talaga HARLEY..."sigaw ko dito nang makabawi sa pagkabigla

tawa ito nang tawa habang patuloy sa pagtakbo palayo sakin.gusto niya pala nang halik eh,di sana sinabi manlang sakin.binigyan ko sana siya nang torrid kiss.hay!nakuh,ang kulit pero huwag ka nabitin ako dun.mahabol nga at nang mabigyan nang leksyon

"HOY!KISSING MANIAC,humandan ka sakin pag nahuli kita"kumaway lang naman ito sakin

Tawa padin ito nang tawa habang tumatakbo palayo.natawa nalang din tuloy ako at umupo nalang sa buhanginan nang hindi ko ito maabutan.bigla namang may tumabi saking isang gwapong lalaki

GETTING BACK TO EACH OTHER'S ARMS(completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon