PAGE-45-

9.1K 115 16
                                    

PAGE-45-

Mugtong mga mata at sabog na buhok,kung may makakakita saking batang maliit ngayon siguro matatakot sakin at mapapagkamalan akong bruha.inalis ko ang tingin sa salamin at nag-tuloy na pumasok nang banyo

Agad din naman akong bumaba sa kusina pagkatapos kong maligo,wala naman akong nadatnang tao pagbaba ko.mukhang wala pa sila Mama,sabagay at alasiete palang naman nang umaga.ininit ko lang naman yung pizza na nasa ref at iyon ang kinain ko

Napapikit naman ako nang makaramdaman nang pagkahilo at panlalabo nang paningin.minabilis ko nalang yung pagkain.balak ko nga sanang pumunta nang art store pero tinamad naman ako at minabuti nalang ang mamasyal

Hindi ko na nga dinala yung kotse ko at pinili nalang na mag commute,nakasakay din naman ako agad sa bus na tumigil,puno na nga kung tutuusin at isa nalang yung natitirang bakante,yun eh,dun sa tabi nang lalaking nakahood at nakasandal sa bintana nang bus na tipong natutulog

Nag-simula nang umandar yung bus,sa pag-andar niyon nauntog yung lalaking katabi ko,hindi naman ito nag-abalang idilat ang mga mata at bahagya lang na tumunghay at muling sinandig yung ulo sa may bintana nang bus.

Nagulat naman ako nang nang makilala ito,nag-pigil nga akong maiyak at bumababa nang bus nang oras na iyon.bakit ba palagi nalang kami nagkikita nito sa bus?bahagya naman akong umayos sa pag-kakaupo nun,sakto bigla namang nagpatugtog yung driver nang bus.napatingin pa nga ako dito nang marinig yung kanta

'what can i do?

'the love that we had is torn in two'

'so you take the smiles from all of our years'

'i'll take the tears'

Tulad nang lyrics nang kanta siguro nga,saming dalawa siya lang dapat ang sumaya.siya lang dapat,marami na siyang napag-daanan na palagi nalang ako ang inaalala niya,siya ang palaging taya.

Kung tutuusin nga,tama naman talaga siya,saming dalawa siya ang pinakanasaktan.yung lahat nang sakit na nararamdaman ko,kulang pa yun sa mga nawala sa kanya

'now i realize that you're no longer mine'

'but i'm hoping that the pain will ease in time'

'although you're leaving,i won't say goodbye'

'because i know you're here with me inside'

Tinaas ko yung kamay ko para pindutin yung button para mapatigil yung bus at makababa na ako.nagulat naman ako nang bigla itong gumalaw at hawakan ang braso ko at ibaba iyon

"Harley?"ngumiti naman ito at bigla nalang akong niyakap

"let's talk"bigla naman huminto yung bus at hinila ako nito patayo.

Bumababa kaming dalawa at naglakad nang kaunti,muli naman kaming sumakay sa isang tricycle na pinara nito.gulat na napa-awang naman ang bibig ko nang dalhin ako nito sa likod nang isang lumang building kung saan kami nangakong magkikita pagkatapos nang sampung taon

GETTING BACK TO EACH OTHER'S ARMS(completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon