SPECIAL CHAPTER

9.6K 177 38
                                    

SPECIAL CHAPTER

Mataman kong pinagmasdan ang mukha nang asawa kong si Harley habang natutulog,Ilang araw na itong halos walang gaanong tulog dahil narin sa trabaho.Ito na kasi ang namamahala nang kumpanya nang lolo nito.Natigil na nga kasi ito sa pagiging agent diba!Pag naiisip ko nga yung mga pinag daanan naming dalawa,halos hindi ko maiisip na nalagpasan namin yung mga pag subok na binigay samin

Hindi ko naman masasabing perpekto na yung samahan namin bilang mag-asawa kasi,Hindi parin mawawala doon ang konting tampuhan.Wala naman kasing mag-asawa na hindi nagkakatampuhan,Pero hindi naman namin pinatatagal iyon.Yung dalawang anak naman namin ayun,walong taon gulang na yung panganay namin at yung bunso pitong taon,Hindi na muna namin sinundan.Ang hirap kayang manganak at isa pa dalawa lang talaga ang gusto kong anak.

Ito lang talagang si Harley ang may gusto nang marami,Ayos lang sana kung siya yung manganganak,Pero hindi eh!Ako na yung maghihirap,Ako na lahat.Baka naman isipin nyo nag-sisisi akong pinakasalan ko siya,Hindi ah!Hinding-hindi ako mag-sisisi kahit kailan.Super mahal ko yan.Bigla naman itong gumalaw mula sa pagkakahiga kaya napapikit ako.

Alas dos palang kasi nang madaling araw at naalimpungatan lang ako kaya nagawa ko itong pagmasdan.Ilang taon narin kasi ang lumipas at sadyang hindi kumukupas ang kagwapuhan nito.Yumakap naman ito sakin at siniksik yung mukha sa leeg ko.Ramdam ko nga ang mainit na hininga nito kaya pakiramdam ko nakikiliti ako.

Niyakap ko rin naman ito.Minsan nga para akong tanga na pag napapatingin sakanya naiiyak ako.Ewan ko ba!Siguro lang kasi,Sobrang saya ko na naging kaming dalawa talaga sa bandang huli.Hindi ko nga maimagine kung ano ako ngayon kung hindi siya ang nakatuluyan ko.Sobrang mahal na mahal ko kasi siya at hindi ako mag sasawang sabihin at ipadama sakanya iyon araw-araw.

Hinalikan ko naman ito sa buhok nito bago natulog narin.Maaga rin naman akong nagising para ipag luto ito at yung dalawang anak namin nang almusal.Pumapasok na kasi sa school yung dalawa.Nang magising nga yung dalawa at nakaayos na,Halos magkagulo na naman kami sa hapag kainan.Madalas kasing mag-asaran yung dalawa naming anak

"Mommy,Si kuya oh"Sabi ko naman sa inyo eh,Ayan na nag-sisimula na naman sila

"Hardey,Alam mo namang.."

"I know Mom!"Maikling sagot nito na hindi na ako pinatapos sa sasabihin ko

Ito kasing anak namin na lalaki,tahimik lang at may pagka masungit.Ang sabi sakin ni Harley sakin nagmana nang pagiging masungit ang anak namin at yung bunso naming anak na babae na pinangalanan naming Heily ay sakanya nag mana nang pagiging makulit at magulo.Grabe,Nakakasakit sila nang ulo minsan lalo na pag nag jamming ang Mag ama na kumanta.

Pakiramdam ko sasabog yung ulo ko minsan,Alam nyo naman na trying hard lang kumanta ang asawa ko.Tapos sasamahan pa nang bunso naming anak na trying hard din kumanta eh di wala na!Sabog na yung ear drums naming dalawa ni Hardey yung panganay naming anak na lalaki.Akala ko nga matitigil na yung dalawa sa pag babangayan pero may round 2 parin pala

"Shut up Heily!Nalalagyan nang laway mo yung food ko"

"Daah,ikaw kaya yung tumatalsik yung laway"

Napapa buntong hininga nalang ako at iniwan na yung dalawa sa kusina,Bahala silang mag bangayan,Magbasagan pa sila nang plato ayos lang.Wala na akong time para sawayin sila nang sawayin,Busy rin kasi ako sa art store ko at gigisingin ko muna yung asawa ko na mukhang nahimbing nang tulog at hindi pa bumababa nang kusina.Wag nyong isipin na wala akong kwentang ina at pinababayaan ko lang yung anak ko sa ganun.

Pinalaki namin sila ni Harley na hindi pala asa sa magulang at sinanay rin naman namin sila sa mga tama at maling gagawin.Pag kasi kinampihan mo ang isa sa kanila hindi matatapos ang bangayan nila.Mas maganda pang huwag kanang humalo para manahimik silang dalawa.Pero syempre pag alam namin ni Harley na sobra na yung nagagawa nung isa dun talaga kami nagiging tunay na magulang sakanila.

GETTING BACK TO EACH OTHER'S ARMS(completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon