PAGE-12-

12.5K 132 6
                                    

PAGE-12-

Seryoso itong nakatingin sakin habang hinihintay yung sasabihin ko dito.ilang buntong hininga muna yung pinakawalan ko bago hinawakan at pinisil-pisil ang dalawang palad nito na ngayon ay mahigpit kong hawak

"i need to go."bakas ang kalituhan sa mukha nito sa sinabi ko

"ano iyon Hon?"

"kailangan kong mawala nang tatlong buwan."

"hah?para san?"

"i know na nasasaktan na kita at hindi ko kayang dumating sa point na talagang mas masaktan pa kita.kaya sa tingin ko ito na ang dapat gawin."

"hindi ko maintindihan."hinaplos nito yung pisngi ko

"nabanggit ko saiyo noon na namatay ang kauna-unahang babaeng minahal ko.isang linggo pagkatapos nang libing niya,nawala ako sa sarili ko,isang taon din akong halos parang nabaliw noon.at dahil doon ipinasok ako sa rehab para ipagamot nang taong kumupkop sakin dahil sa sobrang depression at pag-sisi sa sarili."umiling ito at tinitigan akong maigi

"hindi ko parin maintindihan."muli akong bumuntong hininga sa sinabi nito at hinigpitan pang lalo ang pagkapit sa kamay nito

"akala ko ayos na ang lahat,akala ko wala na yung takot ko sa buhay,akala ko wala nang babalik pa sa nakaraan ko pero mali ako.akala ko ang paglimot sa nakaraan at tanggapin nang buong puso ang lahat ang siyang makakapag papasaya sating dalawa pero dinalaw na naman nila ako at dahil doon muli na namang bumalik ang demonyo nang katauhan ko."

"ang ibig mo bang sabihin magpapa.."

"tama ka sweety,mag papagamot ulit ako para mawala ang takot at galit na unti-unti na namang bumabalik sa pagkatao ko.natatakot akong masaktan kita,mapagbuhatan nang kamay,natatakot ako na baka.."mariin siyang pumikit at pabigla itong niyakap "natatakot akong mangyari ang nasa panaginip kong napatay kita"

"Hon.."may garalgal sa tono nang boses nito

"bumalik na naman sweety,sa tuwing pipikit ako,sa tuwing matutulog ako palagi ko siyang napapanaginipan,sumisigaw sa panaginip ko at humihingi nang tulong,humihingi siya nang tulong kasama nang kapatid ko."hindi na niya napigilan pa ang pag daloy nang luha sa kanyang mga mata

"ang..ang kapatid mo?"tumango-tango siya habang yakap parin ito

"ang kapatid kong namatay noon..ang kapatid kong pinatay din pala noon."kumalas ito sa pagkakayakap sakin at awang ang mga labing pinakatitigan ako

GETTING BACK TO EACH OTHER'S ARMS(completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon