PAGE-46-

8K 94 7
                                    

PAGE-46-

Nagising nalang akong  nasa isang puting kwarto.napangibit naman ako nang pagbangon ko nasanggi ko ang kamay ko.naka-swero pala ako.isang seryosong mukha naman ni Near ang bumungad sakin na nakaupo pala sa sulok nang kwartong pinag-lalagyan ko

“anong nangyari?”tanong ko na kinalapit nito sakin at marahang umupo sa gilid nang kama ko

“nawalan ka nang malay kagabi,nagkataon kasi na nadaanan kita habang pauwi ako galing sa ka-meeting ko”

“ganun ba!pwede naba akong umuwi?wala naman siguro akong sakit”bumuntong-hininga naman ito at seryoso parin na nag-salita

“may sinabi sakin ang doctor”tumaas naman ang kilay ko dito

“ano naman sinabi niya?wala naman sigurong kwenta,maigi pang iuwi muna ako,hindi ko pa natatawagan sila Mama”

“ok na,natawagan ko na sila”

“anong sinabi mo?sinabi mo bang..”umiling ito na para bang nakuha yung ibig kong sabihin

“don’t worry,hindi ko sinabing na-ospital ka”

“ok,thanks.gusto ko nang umuwi”sasagot sana ito nang biglang pumasok yung doctor

“Good morning Ms.bronte,may masama kapa bang nararamdaman?”umiling naman ako

“wala naman”tumango-tango naman ito at bumaling kay Near,para naman naunawaan ni Near yung tingin nang doctor dito,bigla nalang kasi itong lumabas nang kwarto para maiwan kaming dalawa nang doctor

“may problema ba Doc?pwede na siguro akong umuwi!”nag-salita naman ito at sinagot yung tanong ko,halos hindi ko na nga naintindihan yung sinasabi niya,napatingin nalang ako dito sa huling mga sinasabi nito

“pinapayuhan kitang mag-ingat,bibigyan kita nang gamut na kailangan mong itake,kung sakali naman na hindi mo na maramdaman ang mga sintomas na sinabi ko,makakabuti iyon saiyo pero kung dumadalas na at tumatagal,mag-rerecomenda na ako saiyo nang ibang doctor.inaasahan kong babalik ka ulit sakin sa isang linggo para sa another check-up mo”

“ok..”tanging yun nalang ang nasabi ko sa Doctor

Napapailing na parang gusto kong matawa sa nalaman ko.siyang pasok naman ni Near at nakita ako na hawak nang mahigpit ang kumot na nakalagay sakin pagkalabas nang doctor.

“Odin?”ngumiti lang ako dito

“uuwi naba tayo?”

“ayos ka lang ba?alam ko na yung..”bumutong-hininga naman ako

“mangako ka saking walang makakaalam nito”

“pero..”

GETTING BACK TO EACH OTHER'S ARMS(completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon