PAGE-20-

10.5K 102 11
                                    

PAGE-20-

Habang tulog na tulog itong nakaharap sakin at nakayapos,dahan-dahan kong hinahaplos ang kamay ko sa mukha nito.ala-una na nang madaling araw pero mulat na mulat parin siya.parang ayaw na nga niyang ipikit ang mga mata para lang hindi ito mawala sa paningin niya

Bumangon siya at pumunta sa kabinet kung saan makikita niya ang Black notebook nito.isang buntong-hininga muna ang pinakawalan niya bago lumabas nang kwarto at nag-tungo sa kusina kung saan malaya niyang mababasa ang laman niyon

nanga-ngatal na binuklat niya ang kauna-unahang pahina nang notebook na iyon.pinatatag niya ang sarili para mabasa at mapaghandaan ang kung ano mang mababasa niya doon.

-APRIL,8,2012-

On the day of my b-day My parents died on car accident, I was nine yearls old then.ako at ang nakakabata kong si Merly lang ang nakaligtas.

napakagat labi siya sa nabasa niya.yun lang ang tanging laman nang unang pahina nang black notebook.mukhang ang notebook na ito ang nagsilbing Diary ni harley.sinunod niyang tignan ang second page

(2nd page)HI,MOM! Hi,DAD

i'm sorry!kung hindi dahil sakin hindi kayo mawawala.i'm so sorry Mom,dad.i miss you and i don't know what to do i'm so scared.please, help me and Merly to survive.

(3rd page) Hi,Mom,Hi,Dad

pinalayas kami ni Merly sa bahay natin dahil wala na daw kaming karapatang tumira doon.ginawa ko pong lahat para mapanatili kami doon hanggang sa makahanap ako nang trabaho.pero wala na akong nagawa pa.sa isang sulok nang park kami tumitira ngayon.ayos naman kahit papano nagagawa naming kumain.nag try akong pumasok mag trabaho kahit taga linis lang nang kotse at sapatos.pero huwag kayong mag-alala kaya namin itong dalawa

(4 page) Hi,Mom,Hi,Dad

Pinag-aaral kaming dalawa ni Merly nung isang matandang lalaki..ayaw niyang sabihin samin ang pangalan niya,Grandpa nalang daw ang itawag namin sa kanya,sobrang bait niya samin.sa isang private niya nga ako pinag-aral eh,nga pala Mom,Dad.nakatira na kami ngayon sa isang maliit na bahay,galing ulit yun dun sa matandang lalaki.pero minsan sumasideline parin ako para may pera kaming ipon.

(page 5)Hi,Mom,Hi,Dad

May niligtas akong batang babae kanina sa school,mukhang kaidaran lang siya ni Merly.mga 8 years old.tinutukso kasi siya dahil sa pagkabulag niya.hindi naman tama yun diba?hindi naman purkit bulag ka eh,tatratuhin nalang siyang ganun.simula sa araw na iyon Mom,Dad pinako ko sa sarili kong po-protektahan ko siya katulad nang pag protekta ko kay Merly.

Medyo nanlamig siya nang mabasa ang nilalaman nang page5.hindi niya malaman kung bubuklatin niya ang susunod na pahina para mawala ang paglakas nang kabog nang dibdib niya,

(page6)Hi,Mom,Hi,Dad

Nakilala ko na po yung batang niligtas ko.ang ganda nang pangalan niya,kasing ganda din po niya.oopss,huwag niyo pong isipin na may gusto ako sa kanya,bata pa po ako para magkagusto sa kanya.pero alam niyo po ba,hindi ko sinabi yung pangalan ko sa kanya.ang sabi ko sa kanya tawagin niya akong future husband niya.ayos lang po yun diba?hehe,nga po pala minsan sinasabi ko sa kanya yung kulay nang langit,pati yung kulay nang mga bulaklak.minsan po ginagabi akong kasama niya pero hindi naman po ibig sabihin nun na pinababayaan ko na si Merly.ang lungkot niya kasi kaya hindi ko matiis na hindi siya samahan,binibilang ko nga din po sa kanya yung mga bituin eh,ang kulit kasi bilangin ko daw po.as if naman mabibilang ko iyon lahat.pero alam niyo po sa tingin ko Crush ko na po siya.hehe,secret lang po natin yan hah.

GETTING BACK TO EACH OTHER'S ARMS(completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon