PAGE-30-

10.3K 96 16
                                    

PAGE-30-

Nagtulong-tulong yung mga taong kasama nila tito Rod para madala agad sa ospital yung mga taong nasaktan kabilang sila Near,kaden,throwie,harley at lolo ni Harley.si uncle jonas naman ang nag-asikaso nang labi nang Daddy ko,

Si Mama kasi eh,hindi na halos makausap sa sobrang pagka shock at pag-iyak sa pangyayari.ginamot din naman yung mga sugat ko nang madala nadin ako sa ospital.pagkatapos eh,hinanap ko kung nasaang room sa ospital si Harley.

Nasalubong ko pa si Nina na panay ang iyak dahil sa kalagayan ni Throwie.maayos nadin naman daw ito pero nagkaroon nang bali ang right leg nito kaya,baka matagalan ito sa ospital.nandun din naman si Yzhel na niyakap ako at sinabihang magpakatatag.

tumango lang naman ako dito at nagpaalam na para puntahan na si Harley sa room nito.pagbukas ko naman nang pinto eh,nandun si Ara.tumango lang naman ito sakin at nag-paalam nadin na lalabas nang kwarto para makapag-usap kami ni Harley

gising naman ito at paupong nakaupo sa kama.walang umiimik sa aming dalawa.ala-una na nang madaling araw sa relo ko.umupo ako sa gilid nang kama nito paharap dito.tumingin naman ito sakin at pabigla akong niyakap nang mahigpit

"natatakot ako..natatakot akong matulog,natatakot akong ipikit yung mga mata ko!natatakot akong baka pag-gising ko hindi na kita maalala."tuloy-tuloy na bumagsak ang luha ko sa sinabi nito

"mahal na mahal kita Harley."

"mahal na mahal din kita,dito ka lang sa tabi ko,huwag kang aalis!ayokong matulog,ayokong makalimutan ka.ayoko kasi mahal na mahal kita."yumakap ako nang mahigpit dito

totoo!nakakatakot nga,hindi ko akalain na mas magiging matimbang ang takot ko sa bagay na ito kaysa sa takot na naranasan ko kanina sa kamay nang mga armadong lalaki at sa Daddy ko,

"hindi ako aalis..dito lang ako."narinig ko ang marahas na pag-hinga nito

napahawak pa ito sa balikat ko.kaya,inangat ko ang mukha nito.ang mga mata nito parang pipikit na.ngayon naba ang oras na makakalimutan na niya ako?pinatong pa nito yung mukha sa leeg ko.

ramdam ko ang mabilis na pag tibok nang puso nito at ang malalim na pag-hinga.pinilit kong magpakatatag dahil ayokong tanggapin na sa oras na makatulog siya at magising.wala na..hindi na niya ako matatandaan pa.

"kung sakaling malimutan ko kung sino ka,kung anong pangalan mo,kung pano ka ngumiti at tumawa,kung pano natin minahal ang isat-isa.please do remember that.."humugot ito nang malalim na pag-hinga at niyakap ako nang mahigpit

hindi ako umimik at nanatili lang na nag-hihintay sa kadugtong na sasabihin nito.ramdam ko ang pagbagsak nang luha nito sa leeg ko at mahinang pag-hikbi nito.kagat labing medyo tinunghay ko ang mukha ko para maibsan yung pagdaloy nang luha ko

"please remember that you're my life..my everything..and you're the reason why my heart is still beating..I LOVE.."

GETTING BACK TO EACH OTHER'S ARMS(completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon