PAGE-48

7.6K 94 4
                                    

PAGE-48-

“anong meron?bakit ganyan ang mga mukha niyo?”sita ko sa mga ito nang maging maayos na ang pakiramdam ko at makalabas nang kwarto kasama si Near

“yang sampid na babaeng yan!”duro ni Nina kay Yvon na parang mangangain nang tao sa itsura

“hindi ko kasalanan na tatanga-tanga ka at hindi mo nakita ang paa ko kaya nadapa ka”

“you!!”inawat naman agad ito ni Harley,si Throwie naman hinila si Nina sa tabi niya

“pasensya na Nina”

“bakit ka manghihingi nang sorry sa tangang babaeng yan!”

“shut up Yvon!shut up!tama na pwede ba!”nagulat naman kami nang bigla itong sinigawan ni Harley

“pasensya narin pare..”hingi din nang paumanhin ni Throwie dito,balak pa ngang mag-salita ni Nina kaso hinila na ito ni Throwie palayo para hindi na magkasagutan

Sunod-sunod na nag-sialisan naman ang lahat,ang natira na nga lang kami ni Near,Kaden,Harley at yvon.nagkatinginan naman kami ni Harley,pero umiwas na ako at nag-simula narin maglakad palabas nang resthouse.sumunod naman sakin si Near at Kaden

“anong nangyari sayo kanina,bakit nawala ka?”napatingin naman ako kay Kaden na nagtanong.lumayo naman si Near para makapag-usap kaming dalawa

“wala naman!trip ko lang magpabuhat kay Near”

“talaga?hindi ba pag-papaselos ang ginawa mo?”

“pagpapaselos?”taas kilay kong tanong

“oo!napagselos mo kasi ako,kung gusto mong magpabuhat dapat ako nalang tinawag mo”

“ulol!”nakangiti kong hampas sa braso nito

“pero seryoso,si Harley ang sama nang tingin kanina sa inyo,sa sobrang badtrip hindi umiimik kahit pinipilit ni Yvon na mag-salita at maligo”

“ah.talaga?”balewala kong sagot,kahit deep inside natutuwa ako sa nalaman ko

“oo kaya!ano bang drama mo?dapat inaagaw mo si Harley dun sa babae niya,sa ginagawa mo pinaglalapit mo pa silang dalawa”

“hayaan mo sila.maiksi lang ang buhay para pag tuunan ko pa nang pansin ang taong ayaw naman ilaan sakin”hindi naman nakaimik si Kaden

Pag-tingin ko naman dito,nakatingin ito kay Harley na nakatayo at parang na stuck sa pagkakatayo sa gilid namin.napatingin din naman sakin si Kaden na parang binabasa kung ano ang gagawin ko.sigurado naman kasing narinig nito yung usapan naming ni Kaden

“ahh..kailangan ko nabang umalis?”napapakamot sa batok na tanong ni Kaden

GETTING BACK TO EACH OTHER'S ARMS(completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon