PAGE-40-

9.4K 103 7
                                    

PAGE-40-

"ako na nga.."

"ako na sabi"

"bakit ba ang  kulit mo?"asar na  bulyaw sakin ni  Codilyn

"ako pa ngayon yung makulit?samantalang ikaw nga ang pinaka makulit sa lahat nang makulit"nagtatalo kami dahil lang sa pag-akyat sa puno nang mangga

"sinabi ko naman sayo,kaya kong umakyat at kuwanin yung manggang yun"turo nito sa isang kulumpol  na mangga

"sinabi ko rin naman sayo na delekado at ako nalang ang aakyat"

"ano bang akala mo sakin tatanga-tanga at  hindi  ko kayang akyatin  yan"napapahawak sa sintido na napailing-iling ako dito

"then go!bahala  kana''gumilid ako sa may  isang puno at  nakahalukipkip na pinagmasdan ito.

Umirap naman ito sakin at nag-umpisang umakyat.unang pag-akyat nito dumausdos agad ito.pangalawang try naka-kyat naman kahit papano pero nabali yung hinahawakan nitong isang sanga na kinalaglag nito.

Mabuti na nga lang at mababa lang yung pinagbagsakan nito.pangatlong try halatang nahihirapan na ito.kahit na hindi naman ganung kataasan yung punong mangga na inaakyatan nito delikado parin pag nagkamali ito nang bagsak.

"sumuko kana,hindi mo kaya!"sigaw ko na kinainis nito

"kaya ko at hindi ako susuko"muli itong nagpumilit na umakyat pero tulad kanina,muli itong nalaglag

"I told you,hindi mo kaya!"

"will you shut up!nawawalan ako nang diskarte"

"wow!diskarte bang matatawag yung ilang beses ka nang nahulog?"hindi na naman ako nito inintindi at muling umakyat ang kaso muli itong dumausdos

"arrgghh.bwisit!"

"suko na?"nang-aasar kong tanong,muli naman itong tumayo at namaywang na hinarap ako

"i said shut up!"

"then,make me!"nilahad ko yung dalawang kamay ko na tipong hinahamon ko ito,

Gitil na lumapit naman ito sakin at hinila ang shirt ko.akala ko nga sasampalin ako sa sobrang pikon pero bigla nalang ako nitong hinalikan na kinagulat ko.

GETTING BACK TO EACH OTHER'S ARMS(completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon