Encantadia: A Love Untold [C...

By AmihanMaxTine

278K 7.4K 2.4K

One Enchanted World A Queen A Prince Four Kingdom Five Magical Gems A War of Good and Evil One Great Love L... More

Ω Kabanata I Ω Ang Pagbabalik sa Lireo
Ω Kabanata II Ω Ang Kapasyahan ni Mine-a
Ω Kabanata III Ω Ang Sayaw ng Pag-Ibig
Ω Kabanata IV Ω Maskara
Ω Kabanata V Ω Ang Reyna
Ω Kabanata VI Ω Reyna Amihan
Ω Kabanata VII Ω Ang Itinadhana ni Emre
Ω Kabanata VIII Ω Pagdadalang-Diwata
Ω Kabanata IX Ω Mga Nababagabag na Damdamin
Ω Kabanata X Ω Mine-a
Ω Kabanata XI Ω Lihim
Ω Kabanata XIII Ω Si Lira
Ω Kabanata XIV Ω Ang Prinsipe ng Sapiro
Ω Kabanata XV Ω Ang Pagkawala ni Alena
Ω Kabanata XVI Ω Ang Galit ng mga Sang'gre Ω
Ω Kabanata XVII Ω Pagtatagpo Ω
Ω Kabanata XVIII Ω Agam-agam ni Amihan
Ω Kabanata XIX Ω Ang Katotohanan Ukol kay Ybarro
Ω Kabanta XX Ω Bugso ng Kapangyarihan
Ω Kabanata XXI Ω Ang Reputasyon ni Danaya
Ω Kabanata XXII Ω Ang Kaparusahan kay Danaya
Ω Kabanata XXIII Ω Ang Katuparan ng Plano ni Pirena
Ω Kabanata XXIV Ω Ang Pagbagsak ng Lireo
Ω Kabanata XXV Ω Ang Pagkagapi ni Amihan
Ω Kabanata XXVI Ω Ang Kantao, ang Dyamanteng Lira At ang Maskara ni Hara Amihan
Ω Kabanata XXVII Ω Mga Itinakdang Pagtatagpo
Ω Kabanata XXVIII Ω Ang Pagkikita nila Danaya at Lira
Ω Kabanata XXIX Ω Ang Pagbabalik
Ω Kabanata XXX Ω Ang Muling paghaharap nila Amihan at Pirena
Ω Kabanata XXXI Ω Ang Misyon nila Danaya at Lira
Ω Kabanata XXXII Ω Ang Pagbabalik ng Ala-ala ni Alena
Ω Kabanata XXXIII Ω Ang Damdamin ni Amihan
Ω Kabanata XXXIV Ω Ang Kapahamakan kay Lira
Ω Kabanata XXXV Ω Ang Basbas kay Lira mula sa Devas
Ω Kabanata XXXVI Ω E Correi....... Hara
Ω Kabanata XXXVII Ω Ang Muling Pagkikita nila Amihan at Alena
Ω Kabanata XXXVIII Ω Ang Paghingi ng Kapatawaran ni Amihan kay Danaya
Ω Kabanata XXXIX Ω Ang Anak ni Hara Amihan
Ω Kabanata XL Ω Ang Pagliligtas ni Rehav Ybrahim sa Hara Amihan
Ω Kabanata XLI Ω Si Caspian
Ω Kabanata XLII Ω Ang mag-Inang Amihan at Lira
Ω Kabanata XLIII Ω Ang Punyal ng Sandugo
Ω Kabanata XLIV Ω Isang Pamilya
Ang Apat na Sang'gre
Ω Kabanata XLV Ω Si Kahlil
Ω Kabanata XLVI Ω Ang Panlilinlang ni Pirena
Ω Kabanata XLVII Ω Bugna
Ω Kabanata XLVIII Ω Edi Sanctre
Ω Kabanata XLIX Ω Ang Batis ng Katotohanan
Ω Kabanata L Ω Rehav ese Adoyaneva
Ω Kabanata LI Ω Mga Maitim na Balak ni Adhara
Ω Kabanata LII Ω Ang Sumpa ni Ether
Ω Kabanata LIII Ω Mga Mapaglarong Puso
Ω Kabanata LIV Ω Amarteya Lireo
Ω Kabanata LV Ω Ang Pangako Ni Ybrahim
Ω Kabanata LVI Ω Ang Dalawang Kahilingan
Ω Kabanata LVII Ω Ang Itinadhana Para kay Amihan
Ω Kabanata LVIII Ω Ang Pagsisilang ni Amihan
Ω Kabanata LIX Ω Ang Paglalakabay Patungong Devas
Ω Kabanata LX Ω Ang Pagbabalik Ng Ala-ala nila kay Lira
Ω Kabanata LXI Ω Ang Galit Ni Hara Amihan
Ω Kabanata LXII Ω Ang Pagpaparaya ni Alena
Ω Kabanata LXIII Ω Ang Agam-agam ni Pirena
Ω Kabanata LXIV Ω Ang Huling Mensahe ni Mine-a
Ω Kabanata LXV Ω Ang Kapatawaran
Ω Kabanata LXVI Ω Hadezar
Ω Kabanata LXVII Ω Halik ng Pamamaalam
Ω Kabanata LXIII Ω Ang Katuparan ng Propesiya kay Amihan
Ω Kabanata LXIX Ω Isang Bagong Simula
Encantadia: Ang Ikalawang Yugto
Ӝ Kabanata LXX Ӝ Ang Encantadia
Ӝ Kabanata LXXI Ӝ Ang Pagbangon
Ӝ Kabanata LXXII Ӝ Ang Bagong Etheria
Ӝ Kabanata LXXIII Ӝ Ang Huling Pagsubok para kay Lira at Mira Ӝ
Ӝ Kabanata LXXIV Ӝ Avisala, E Correi
Ӝ Kabanata LXXV Ӝ Ang Kasiyahan sa Lireo
Ӝ Kabanata LXXVI Ӝ Ang Apat na Kaguluhan sa Encantadia
Ӝ Kabanata LXXVII Ӝ Katotohanan at Panlilinlang
Ӝ Kabanata LXXVIII Ӝ Si Lirios
Ӝ Kabanata LXXIX Ӝ Pagkakabihag
Ӝ Kabanata LXXX Ӝ Isang Alok
Ӝ Kabanata LXXXI Ӝ Ang Brilyante ng Apoy
Ӝ Kabanata LXXXII Ӝ Ang Tunay na Danaya
Ӝ Kabanata LXXXIII Ӝ Ang Pagbagsak
Ӝ Kabanata LXXXIV Ӝ Enamuya
Ӝ Kabanata LXXXV Ӝ Ang Pagbalik Sa Nakaraan
Ang Kasaysayan ng Lumang Encantadia ayon sa kalatas na sinulat ni Raquim.
Cast and Characters of EALU: Enamuya Arc
Ӝ Kabanata LXXXVI Ӝ Ang Pagkawala ng mga Brilyante
Ӝ Kabanata LXXXVII Ӝ Ang Pagdadalang-Diwata ni Ornea Ӝ
Ӝ Kabanata LXXXVIII Ӝ Ang Muling Pagkikita
Ӝ Kabanata LXXXIX Ӝ Si Amihan, Ng Kaharian ng Lireo
Ӝ Kabanata XC Ӝ Ang Sapiryan at ang Diwata
Ӝ Kabanata XCI Ӝ Sila Memen at Ornea
Ӝ Kabanata XCII Ӝ Sang'gre laban sa Heran
Ӝ Kabanata XCIII Ӝ Ang Ina ng mga Sang'gre
Ӝ Kabanata XCIV Ӝ Si Mine-a
Ӝ Kabanata XCV Ӝ Si Mine-a at si Cassiopei-a
Ӝ Kabanata XCVI Ӝ Ang Pagliligtas
Ӝ Kabanata XCVII Ӝ Pagmamahal
Ӝ Kabanata XCVIII Ӝ Si Raquim, si Mine-a at si Hagorn
Ӝ Kabanata XCIX Ӝ Lireo
Ӝ Kabanata C Ӝ Ang Paglusob
Ӝ Kabanata CI Ӝ Ang Inang Brilyante
Avisala
Kabanata CII: Ether
Kabanata CIII: Pagbabalik sa Kasalukuyan
Kabanata CIV: Pag-Iisang Dibdib
Kabanata CV: WAKAS
Avisala Eshma

Ω Kabanata XII Ω Panlilinlang

2.3K 77 4
By AmihanMaxTine

Ω  Kabanata XII Ω
Panlilinlang

Ω


                  Nagtuloy sa batis si Ybarro pagkagaling sa Lireo di mawala sa kanya ang ngiti sa kaalaman na may anak na siya ngayon.

         "Ybarro!" Napatayo sya ng may tumawag sa kanyang ngalan at nakita nya ang kawal na si Hitano at nakatutok na sa kanyang leeg ang espada. May kasama din itong isa pang kawal.

          "Hitano" sambit ni Ybarro at hinawakan ang espada niya.
          "Wag mo nang tangkain pa." Sambit ni Hitano. Marahang tumayo si Ybarro.

           "Anong kailangan mo sa akin Hitano?" Tanong niya saka siya umurong para mailabas niya ang kanyang espada at itinutok din sa kawal.

          "Kailangan ko ay ang mawala ka sa landas namin ni Alena!" Galit na sigaw ni Hitano saka niya sinugod si Ybarro na sinangga nito ng espada nito.

          Sumugod din ang kawal na kasama ni Hitano at parehong kinalaban sila ni Ybarro. Tinadyakan ni Ybarro si Hitano na ikinatumba nito saka hinarap niya ang isa pang kawal ngunit nakatayo si Hitano at nasugatan siya nito sa tagiliran.

          "Aaargggh!" Napaluhod si Ybarro sa ginawa ni Hitano.
          "Katapusan mo na Ybarro!" Galit na sabi ni Hitano at kanya na sanang isaksak kay Ybarro ang espada niya ng hubarin ni Ybarro ang kanyang balabal at inihagis kayla Hitano na ikinatumba ng mga ito saka nagmadali si Ybarro na tumakbo palayo.

..........

          
           "Pashnea!" Sigaw ni Hitano Inis na hinagis nya ang balabal ng mapatingin sya dito at nakita niya ang bahid ng dugo ng mandirigma.

           Isang plano ang kanyang naisip.

           "Hitano anong gagawin natin ngayon baka magsabi ang mandirigma kay Sang'gre Alena?" Nangangambang sabi ni Liton, ang kawal na kasama niya.

          "Wag kang mag-alala may naisip na akong plano....at malaki ang gagampanan mo doon." Nakangising humarap sa kawal si Hitano at kanya itong sinaksak na ikinamatay nito.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
             "Agane.... Nasaan ang aking.... Nasaan si Pirena?" Tanong ni Hagorn ng mapansin niyang wala ang diwata.

         "Panginoon nakita ko siya kaninang kasama si Gurna na umalis wari ko ay may binabalak ang sang'gre" sagot ni Agane sa kanya. Napatiim bagang si Hagorn. May plano ang diwata na di niya alam. Sana lang ay sa ikabubuti nila dahil kung hindi siya mismo ang kikitil sa buhay ng alibughang sang'gre ng Lireo.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

.
.
               Nakikinig si Amihan sa mga panukala ng kanyang mga konseho ng walang pasabi ay lumitaw sa kanilang harapan si Pirena. Agad na kumilos ang mga kawal at tinutukan ng sibat ang alibughang sang'gre ng Lireo.

          "Ano ang ginagawa mo dito Pirena?" Tanong ni Amihan saka siya tumayo sa trono.

           "Narito ako para makipag-usap sayo Amihan." Sambit ni Pirena.
           "At sa tingin mo Pirena hahayaaan ka naming maka-usap si Amihan na pinagtangkaan mong paslangin?" Galit na sabi ni Danaya sa nakatatandang kapatid.

           "Ngunit di ba natin pagbibigyan kahit saglit man lang si Pirena?" Tanong ni Alena.

           "Ssheda Alena ano naman ang ating panghahawakan na totoo ang mga lalabas sa bibig ni Pirena?" Galit na turan ni Danaya.

          Tiningnan naman ni Amihan ang nakayukong si Pirena saka niya naalala ang inihabilin sa kanya ng kanilang ina.

         "Mga konseho, mga Dama...at mga kawal iwan niyo muna kami." Sambit ni Amihan.

        "Ngunit Amihan...." Di pag-sang-ayon ni Danaya ngunit tinaas ni Amihan ang kamay tanda na pinatatahimik na muna niya ang nakababatang kapatid. Isa-isa namang umalis ang mga kawal, konseho at dama sa bulwagan ng Lireo.

           "Ngayon Pirena magsalita ka." Sambit ni Amihan na umupo muli sa trono nasa magkabilaang gilid naman niya nakatayo sila Alena at Danaya.

           "Gusto kong sabihin na nagsisisi na ako sa aking mga nagawa.....sa ating ina....sa inyo mga kapatid ko lalo na sayo Amihan." Nagsimulang tumulo ang luha ni Pirena.

           "Magtitiwala ka ba sa kanya Amihan? Minsan na siyang nagsinungaling sa atin pagtitiwalaan pa ba natin si Pirena?" Tanong ni Danaya sa Hara na puno ng pagdududa sa panganay na kapatid.

           "Ngunit nagbitiw ako ng salita sa ating ina....na muli kong pagkakaisahin tayong magkakapatid." Sambit ni Amihan.

          "Na siya namang dapat mangyari di ba Amihan." Nakangiting sambit ni Alena saka ito lumapit kay Pirena.

           "Kung bibigyan kita muli ng pagkakataon na makabalik isa lang ang hihilingin ko sayo Pirena." Sambit ni Amihan.

         "Kahit ano man iyon Amihan Ibibigay ko." Sambit ni Pirena.
         "Kung gayon ay ibalik mo sa akin ang brilyante ng apoy." Matigas na sabi ni Amihan na ikinagulat ng tatlo lalo na ni Pirena.

         "K-kung iyan ang iyong nais kamahalan." Sambit ni Pirena at kanyang inilabas ang brilyante ng Apoy.

         "Brilyante ng apoy ika'y aking ipinagkakaloob sa aking reyna." Sambit ni Pirena at kusang lumipat ang brilyante ng apoy mula sa kamay niya papunta sa kamay ni Amihan.

          "Mabuti Pirena...makakabalik ka nang muli sa Lireo." Sambit ni Amihan.

         "Avisala Eshma Amihan...aking Reyna." Sambit ni Pirena na pinahid ang luha nya saka siya niyakap ni Alena.

         "Masaya ako at nagbalik ka na Pirena." Sambit ni Alena kay Pirena na niyakap din niya. Samantalang di maitago sa muka ni Danaya ang pagdududa sa panganay na kapatid saka ito umalis ng bulwagan.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

              Halos matumba si Ybarro ng dumating siya sa kuta ng mga mandirigma dahil sa sugat niya sa tagiliran.

          "Ybarro!" Gulat na sabi nila Paco at Wantuk na agad tinulungan si Ybarro na makapasok sa kubol nito agad naman na pumasok dito si Apitong ng malaman ang nangyari sa anak.

          "Anong nangyari kay Ybarro?" Nag-aalalang sabi ni Apitong. At nakita niyang walang malay si Ybarro.

         "Di namin alam amo....basta't dumating na lamang siya na may sugat....ngunit nagamot naman na ito ng ating kasamahan dito." Sabi ni Wantuk.

          "Ngunit ano nga kaya ang nangyari kay Ybarro? Sino ang may gawa nito?" Nagtatakang sabi ni Apitong.

           "Masasagot lamang natin yan Amo....kung gigising na si Ybarro." Sabi naman ni Paco. Napatango naman si Apitong sa sinabi ni Paco.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
               "Danaya ano ang ginagawa mo dito sa silid ni Lira?" Tanong ni Alena ng madatnan niya si Danaya na pinagmamasdan ang anak ng kanilang reyna.

         "Naisip ko lamang na bigyan ng encantasyon ang ating hadia....lalo na at bumalik na si Pirena." Sambit ni Danaya
          "Talaga bang di na babalik ang pagtitiwala mo kay Pirena?" Tanong ni Alena sa bunsong kapatid.

          "Hindi hanggat di niya napapatunayan muli ang kanyang katapatan sa Lireo at sa Hara Amihan." Sambit ni Danaya saka niya inilabas mula sa kanyang palad ang brilyante ng lupa.

          "Brilyante ng lupa....sinasamo ko ang iyong kapangyarihan........ dinggin ang aking encantasyon para sa aking hadia na si Lira.....bigyan siya ng panghabang-buhay na proteksyon ang aking hadia na si Lira laban sa aking kapatid na si Pirena." Pagbibigay ni Danaya ng encantasyon kay Lira saka lumiwanag ang brilyante ng lupa na tanda ng pagdinig ng brilyante ng lupa sa kanyang encantasyon.

            Inilabas din ni Alena ang kanyang brilyante ng tubig.
           "Brilyante ng tubig...sinasamo ko ang iyong kapangyarihan....... dinggin ang aking encantasyon bigyan mo ang aking hadia ng isang napakagandang tinig na magpapagaan at magpapalambot sa puso ng kung sino mang makaririnig." Nakangiting sabi ni Alena at nagliwanag ang brilyante ng tubig tanda ng pagdinig nito sa kanyang encantasyon para sa kanyang hadia.

           Saka nakangiting nagkatinginan sila Alena at Danaya.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

             Habang inaayos ni Ades ang mga liham ng hinaing ng mga asqillesue ay may naalala si Amihan na matagal na niyang nais itanong sa punong dama.

         "Ades bago mamatay ng Ina.... May binabanggit siyang Ybrahim....may nakikilala ka bang Ybrahim?" Tanong ni Amihan sa punong dama na nagulat sa tanong ng reyna magsasalita na sana ito ng pumasok si Aquil.

             "Mahal na reyna naririto si Hitano para kayo ay kausapin." Sambit ni Aquil kay Amihan. Kaya naman naagaw nito ang pansin ni Amihan at binigyang daan si Hitano. Pumasok si Hitano na may dalang balabal na may bahid ng dugo.

          "Ano ang iyong sasabihin Hitano at ano ang hawak mo?" Sambit ni Amihan at kanyang pinagmasdan ang balabal na sa wari niya ay pamilyar sa kanya.

         "Ang hawak ko ay ang balabal ng mandirigmang si Ybarro." Sambit ng kawal. Napatayo naman si Amihan sa sinabi ni Hitano.

          "At ang bahid ng dugo na nariyan?" Tanong ni Amihan na may kaba sa dibdib.

           "Ang bahid ng dugo ay sa mandirigma sapagkat kanyang pinaslang ang ating kawal na si Liton ng magtangka siyang pumasok sa Lireo.... siya ay nasugatan ni Liton bago ito namatay." Sabi ni Hitano

            "At si Ybarro?" Sambit ni Amihan na napahawak kay Ades pagkat may pakiramdam siyang di niya magugustuhan ang sasabihin ni Hitano.

           "Siya ay napaslang ko dahil sa aking pagtatangol kay Liton na namatay din naman." Salaysay ni Hitano.

          Parang malakas na pagsabog para kay Amihan ang sinabi ni Hitano. Siya ay napa-upo.
          "Sigurado ka bang napaslang mo ang mandirigma Hitano?" Tanong ni Aquil.

           "Di ko sigurado pero kung buhay man siya.....alam niyo na ang kapalit ng pagpaslang ng isang mababang uring nilalang sa isang kawal ng Lireo ay kamatayan din......kaya Mashna Aquil bigyan niyo ako ng pahintulot na halughugin ang kuta ng mandirigma para malaman kung napaslang na nga ba siya." Sabi ni Hitano.

            "Ssheda Hitano....di mo gagawin yan.....sige na umalis na kayo ng aking silid tanggapan." Sambit ni Amihan na pinipigilan ang kanyang mga luhang maglandas sa kanyang pisngi, yumukod naman ang tatlo saka sila lumabas.

         Pagkasarado ng pintuan ay agad na tumayo si Amihan at kinuha ang balabal ni Ybarro at tuluyan nga kumawala ang kanyang luha para sa mandirigma.

          "Ybarro......" Mahinang sabi niya habang tumatangis.
.
.
.
.
.

.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
#TheConflictsBegin
Comments and Votes

Continue Reading

You'll Also Like

67.1K 1.4K 31
Mahal ni Lira ang kanyang Ashti Alena. Mahal din niya ang kapatid/pinsan na si Kahlil. Ngunit mas mahal niya ang kanyang inay at gagawin niya ang lah...
214K 5.2K 74
Ito ay isang fan fiction story tungkol sa pagmamahalan nila Ybarro/Ybrahim at Amihan. Pagkatapos mapatalsik ni Amihan sa Lireo ni Pirena isa lang an...
100K 296 72
PART 1 Naghahanap ka ba ng pangalan para sa character mo? Well feel free to browse this and find the name you're looking for! -- Do you need names fo...
19.2K 141 21
When the Sexy surgeon Wandee Ronnakiat becomes involved with boxer Yeo Yak and their relationship develops from friends with benefits to something mo...