Falling for Mr. Wrong (A Shar...

By imnotkorina

146K 4.7K 981

Alam ni Corazon kung ano ang mga katangiang hinahanap niya sa isang lalaki para masabing ito na si Mr. Right... More

FALLING FOR MR. WRONG (A SharDon Fanfic)
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
EPILOGUE
SPECIAL CHAPTER: Mr. Right

CHAPTER 9

3.4K 146 32
By imnotkorina

CORAZON

Marahan niyang tinulak ang dibdib ni Donny upang ilayo ang sarili niya dito. Awtomatikong bumagsak ang kanyang paningin sa lupa. Ang buong akala niya ay wala nang irarahas ang tibok ng puso niyang mabilis na tuwing nariyan ito pero nagkamali siya.

Kung kanina ay naiiyak pa siya sa ginawa ng kanyang pinsan sa sapatos niya, ngayon ay masyado na siyang abala para sa ibang damdamin. And just like before, she can't explain why her heart has to beat this way for him. Hindi na nga siya magtataka pa kung marinig na ni Donny iyon sa sobrang lakas ng pagtibok.

"Corazon..." masuyong tawag ni Donny sa kanya. Malayo sa matalim nitong titig habang tinatanong kung sino at kung bakit siya umiiyak kanina.

"U-Uuwi na ako. May...gagawin pa pala ako sa bahay," aniya na hindi pa rin masalubong ang tingin nito.

But his hand on her arm didn't let her go easily. Hinila lang rin siya nito muli pabalik sa puwesto niya sa harapan nito. At dahil nanghihina pa rin ay basta na lamang sumusunod ang katawan niya rito.

"No. Not until you tell me the problem. Bakit ka umiiyak kanina? May nang-away ba sa'yo? Tell me..."

"W-Wala nga!" mabilis niyang sansala sa sinabi nito. "Napuwing lang ako."

"Ang luma naman ng excuse mo," walang bakas ng humor sa pagkakasabi nito no'n.

Pagbuntong-hininga niya ay nahagip niya ng tingin ang mga kaibigan nitong nasa tindahan pa rin kung saan galing si Donny na pinapanood silang dalawa. Kita niya ang pinipigil na tawa nina Marco at Edward. Ang mga babae naman ay matapang ang tingin sa kanya na para bang kahit ang kausapin man lang ni Donny ay hindi siya karapat-dapat.

Hinawakan niya ang braso ni Donny habang hinihila ang sariling braso mula dito, "Donny, hinihintay ka na ng mga kaibigan mo. Huwag mo na ako'ng pansinin—"

Ngunit mas lalo lamang humigpit ang kamay nito sa kanyang braso. At sa halip na makinig sa kanya at balikan ang mga kaibigan nito ay nagsimula ito'ng maglakad habang hila-hila siya palayo.

"Donny, ano ba! Sabi ko pabayaan mo na ako!" sigaw niya rito habang nagpupumiglas. Hindi niya maiwasang maalala ang gabi ng Sagala kung saan ay hatak-hatak din siya nito ng ganito!

"Dahil ayaw mo'ng magsalita, mag-date na lang tayo," he said as if he said something normal.

Date?! Ano?! "Hoy! Ano ba'ng date ang sinasabi mo? Huwag mo nga ako'ng pag-trip-an! Bitawan mo ako ngayon na nang masapak kita!"

He chuckled. May nakatakas na pagka-aliw doon ngunit kita niya pa rin sa mga mata nito ang bakas ng inis para siguro sa kanina. Why is he so affected, she doesn't know. Maybe he just hates seeing girls cry? After all, may nanay at kapatid ito'ng babae.

Ngunit sa hilatsa ng pagmumukha ng lalaking ito ay imposible namang wala na ito'ng napaiyak na babae. He looked like he's born to break many hearts. At siguro karamihan doon ay basta na lang nahulog at nasaktan nang hindi naman nito sinasadya.

Natameme siya sa naisip. Naramdaman na lang niya ang paghinto nilang dalawa sa waiting shed sa gilid ng kalsada. Nakita niya sa harapan ang paaralan kung saan siya nagtapos ng elementarya. Lalong nangunot ang kanyang noo.

"Ano'ng—"

"Rodel," nakikipag-usap na pala si Donny sa kung sino'ng nasa kabilang linya ng cellphone nito. "Alam kong nakikita niyo kung nasaan ako ngayon. Lumapit kayo dito at isama niyo ang kotse."

Pinatay nito ang tawag matapos sabihin iyon sa pormal na tono. Nilingon siya ni Donny habang ibinabalik sa bulsa ng suot ang cellphone. His perfect brows were furrowed. Mamumula ang labi nitong halos mag-isang linya. He's still frustrated she can tell.

"A-Ano ba'ng ginagawa mo? B-Bakit hindi mo na lang ako pauwiin?" nagsumikap siyang huwag mag-iwas ng tingin kahit na naiilang sa lantarang paninitig nito sa kanya.

Why is he looking at her with so much interest and curiosity? Ah, dahil nga pala nagtataka ito sa kung bakit ganito ang itsura niya kahit na hindi naman ganoon katigas ang kanyang kilos.

"Well, that's your fault. Umiyak ka."

Mas lalo siyang naguluhan sa sinabi nito, "Ano?! Bakit? Bawal na ba umiyak ngayon?"

"Bawal. Lalo na kapag ikaw. Lalo na kapag nakikita ko," mataman nitong sinabi at hindi na muli nagsalita hanggang sa huminto ang isang itim na kotse sa harapan nilang dalawa.

Hindi pa rin nakakalma ang puso niya sa rigodon nito. Ano'ng ibig sabihin ni Donny doon? At...para saan ang kilig at sayang nararamdaman niya ngayon? What the hell? Ano'ng nangyayari?!

"Sir..." ang boses ng lalaking umibis mula sa sasakyan ang nagpahinto sa kanyang pag-iisip.

Nakilala niya ito bilang isa sa mga bodyguards ni Mayor Gregory na siya ring humabol kay Donny noong tumakas ito sa Sagala. Isang pormal na tango ang ibinigay nito sa kanya nang mapansin ang kanyang presensiya bago ibinalik kay Donny ang atensiyon.

"Give me the key," lahad ni Donny sa palad.

Doon nasira ang blangko at matigas na anyo ng bodyguard. Nabakas dito ang pagtataka. "S-Sir...?" alanganin na rin ang tinig nito.

"Sabi ko akin na ang susi niyang sasakyan."

"Pero...hindi pa po kayo nagpapaalam kay Mayor."

Tila nawawalan ng pasensiyang napabuntong-hininga si Donny. The nerves on his arm protruded. Hindi niya alam kung ano'ng pumasok sa kukote niya at hinaplos niya iyon para lang kalmahin ito. Nilingon siya ni Donny at mas lalong naging palaisipan sa kanya ang anyong nakikita niya sa mga mata nito.

Binitawan niya ang braso nito at nahihiyang nilingon ang suot niyang tsinelas. What the hell?

"Tawagan niyo si Mayor at kayo na ang bahalang magsabi sa kanya. Sumunod din kayo kung gusto niyo. Just remain hidden as usual," ginalaw nito ang palad. "Akin na ang susi."

Kahit paano ay mas naging kalmante ito. Hindi nga lang niya maiwasang hindi maguluhan sa itinawag nito sa sariling ama. Mayor? Kailangan ba sa ganoong paraan pa rin i-address ni Donny ang papa nito?

Suminghap ang bodyguard tanda ng pagsuko. Iniabot nito ang susi sa naghihintay na kamay ni Donny bago nagpaalam at umalis. Nakatitig pa siya sa papalayong lalaki nang maramdaman ang palad ni Donny sa kanyang likod habang marahan siyang itinutulak patungo sa sasakyan.

"Saan ba kasi talaga tayo pupunta?" nakabukas na ang pintuan ngunit hindi pa rin niya magawang pumasok.

"You'll know when we get there. Get in," pilit nito sa kanya hanggang sa huli ay sumuko na lang din siya.

Pumasok siya sa sasakyan kahit hindi sigurado kung saan sila papunta at kung ano ang gagawin nila. Umikot si Donny patungo sa driver's seat. Inilagay nito sa ignition ang susi ngunit bago buhayin ang sasakyan ay nilingon siya nito.

He looked so damn hot behind the wheel. Madalas niyang nakakalimutan na mas matanda nga pala si Donny sa kanya ng ilang taon. Ngayon ay mas naramdaman niya ang agwat ng kanilang edad.

He's a grown up man while in his eyes she's still a little girl. Kung bakit nakadama siya ng pagka-irita sa isiping inaalo siya nito ngayon dahil iniisip nito na bata pa siya ay hindi niya maipaliwanag.

"Your seatbelts, little girl," pinisil nito ng dalawang daliri ang kanyang baba.

Napaawang ang kanyang bibig. Matalim niya ito'ng nilingon pagkatapos. The side of his lips lifted in amusement. Sinuot nito ang sariling seatbelts habang ginagawa niya rin iyon para sa sarili. Hindi nagtagal ay nagsimula nang umusad ang sasakyan.

Nanatili sa labas ng sasakyan ang kanyang mga mata. Paglampas nila sa residential area ay puro malawak na bukirin at berdeng bundok na ang kanyang nakikita. But after a while the view changed again into somehow modernized establishments. Ngayon niya napagtantong matagal-tagal din siyang hindi nalagi dito sa sentro.

Pumarada ang sasakyan ni Donny sa mall na pinaka-malapit sa lugar nila. Namamangha niya ito'ng pinagmasdan mula sa labas. Bibihira lang din siya magtungo dito at sa mga piling okasyon lang. Hindi tuloy siya makapaniwala na sa ordinaryong araw ay makakapunta siya dito.

Kung hindi gumalaw ang seatbelts niya ay baka nanatili pa rin siyang nakatitig sa labas. Nakita niya si Donny at nahiya nang maabutang ito na mismo ang nagtatanggal sa seatbelt niya.

"A-Ako na..." ngunit huli na dahil naalis na nito iyon.

His eyebrows rose. Inilag niya ang tingin dito at basta na lang narinig ang ingay ng nagbukas na pinto. Patungo sana ito sa panig niya ngunit mabilis niyang binuksan ang kanyang pintuan at bumaba.

Ngayon ay tinitingala na naman niya ito. "Mall?"

"Why? Where do you expect us to date? Of course, it has to be at the mall." Ngumisi ito. Ngayon ay naiinis na talaga siya sa sinasabi nito! Ano'ng date?!

"Tara na," hinawakan nito ang kanyang kamay tulad ng kung paano niya palaging ginagawa. Magkasalikop ang mga daliri nila at naiinis siya dahil alam niyang para dito ay walang ibig sabihin ang paghahawak-kamay nila.

"Huwag mo na ako'ng hawakan! Hindi ako tatakas!" Kung iyon pa rin ang iniisip nito kaya ayaw siyang bitawan!

Mabilis ito'ng pumayag. Sa halip na maginhawaan ay mas lalo lang siyang nairita. Ngayon hindi na lamang para kay Donny kung hindi para sa kanya na rin!

Nawala lang iyon nang tuluyan na silang makapasok nito sa loob. Everything seemed so unusual in her eyes. Hindi niya magawang pigilan ang mga mata sa pagsuyod nito sa buong lugar na para bang nasa ibang bansa na sila at hindi sa sentro lamang ng bayan.

"Hey, little girl! Come here!"

Binalingan niya si Donny at nakitang ilang metro na din ang layo nito sa kanya. Isinenyas nito ang kamay para palapitin siya. Iyon ang kanyang ginawa.

"Tigilan mo ang pagtawag ng 'little girl' sa'kin! Hindi na ako bata," naka-ismid niyang sabi.

"Okay," nangingiti ito'ng nagkibit-balikat.

Hindi niya magawang panatilihin ang pagkakabusangot ng kanyang mukha kahit na ano'ng pilit niya. Naglakad si Donny at sumunod siya. Gaya ng laging nangyayari ay kapuna-puna ang mga babaeng napapahinto pa para lang sipatin ito'ng lalaki sa tabi niya.

Talaga bang ganito na lang palagi ang eksena kapag kasama niya si Donny? Hindi yata puwedeng walang babae ang magdadalawang-tingin o mapapatitig kapag nakasalubong ito. It's because his mere presence demands attention. His looks and built demand praises.

Pinasadahan niya ng daliri ang buhok at nagliwaliw na lamang sa patingin-tingin sa mga damit na nadadaanan nila. Nadikit ang mga mga mata niya sa isang magandang damit na nakikita niya mula sa salaming dingding ng isang boutique. Hindi niya namalayan ang paghinto at lantarang paninitig dito.

It's a simple chiffon white dress with surplice neckline. Ang laylayan nito ay ilang pulgadang mataas sa tuhod. Sinilip niya ang gilid at nakitang naka-criss-cross ang strings na disenyo ng damit sa likod.

"Wow..." nangiti siya at namangha sa damit na iyon. Nakita niya ang nakasabit na price tag at nangiwi naman sa presyo. "Three thousand pesos? Ilang banana cue kaya ang iluluto at ibebenta ko para mabili 'to." tila lutang niyang sinabi sa sarili.

"I think that would look good on you, angel."

Napalundag siya nang ma-realize na nasa tabi na naman pala niya ulit si Donny. Sinipat nito ang damit at napatango-tango baka naka-ngiting nilingon siya.

"W-Wala naman ako'ng balak bilhin 'yan," ngumuso siya saka binalik ang tingin sa damit. "Tinitignan ko lang."

"Pero bagay talaga sa'yo."

"Oo na."

He chuckled. Pabiro nitong ginulo ang kanyang buhok. Lumayo siya at inirapan ito.

"May mga damit pambabae namang komportable, Corazon. I just don't think that it's right to hide that beauty behind men's clothes."

Hindi na naman naging kampante ang puso niya dahil sa sinabi nito. Ano ba'ng meron at palagi siyang niloloko ni Donny ng ganito?! Dahil ba alam nito ang epekto ng mga sinasabi sa kanya? At natutuwa ito'ng nagiging uneasy siya?! Buwisit!

"Tara na nga! Sa'n ba tayo pupunta at nang matapos na para maka-uwi na ako kaagad. Hindi ako nagpaalam kay Tiyang. Malalagot ako do'n."

Hindi niya maintindihan kung bakit nagtiim-bagang si Donny at halatang nagalit sa sinabi niya. May mali ba siyang nabanggit? Ngunit nawalan na siya ng pagkakataong usisain ang tungkol doon nang tumango ito at magpatiuna muli sa paglalakad.

Mas tahimik siya ngayong sumunod. Nagtaka lamang nang pasukin nito ang isang kilalang ice cream parlor. Sumunod siya dito sa loob.

Sa counter ay naka-tingin si Donny sa kanya. Hinihintay ang kanyang paglapit. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman habang naglalakad palapit dito at mataman nitong pinapanood.

"What do you want?" he asked her in his deep baritone voice.

Ilang sandali pa iyong nag-proseso sa isip niya bago niya tuluyang naintindihan. Tumingala siya sa menu. Ililibre ba siya nito? Date nga daw 'di ba? Siguro gano'n. But even that idea seemed like a huge joke to her! Date ba talaga 'to o trip lang talaga nitong mag-treat dahil nga nakita siya nitong umiiyak kanina?

"Hmmm?" untag nito sa kanya.

Kung hindi pa niya naramdaman ang init ng hininga nito sa kanyang tenga ay hindi niya pa mapapansin kung paanong lumipat ito sa likuran niya. Ang mga braso nito ay nasa magkabila niyang gilid. His hands were holding the edge of the counter pinning her on her spot.

Tanging ulo niya lang ang kanyang naipihit para pagmasdan ito. He's so close that her sight only reached the view of his Adam's apple. The way it bobbed up and down bothered her more than it should. Inosente ito'ng naka-tingin din sa menu habang siya ay halos malagutan na ng hininga habang nakasandal sa dibdib nito.

Nang tignan siya nito ay mabilis niyang ibinalik sa listahan ng ice cream ang kanyang tingin. Sinubukan niyang umusog palayo ngunit sa posisyon nila'y imposibleng mangyari iyon.

She felt something warm on her head. Para bang may nagpatak ng halik sa gilid ng kanyang ulo. Ngunit guni-guni lang siguro iyon. Mas gusto niyang paniwalaang ganoon kaysa ang kastiguhin si Donny sa maaaring ginawa nito. Ang reaksiyon ng cashier na nasa likuran ng counter ay parang nagkumpirma lang sa 'guni-guni' niya.

Pinilig niya ang ulo. "W-Wala bang ube ice cream?"

Donny's chest vibrated as he laughed fondly on her ear.

"N-Nako, Ma'am, wala po kaming ganoong flavor," nahihiyang sabi no'ng crew.

"How about Double Dutch, little girl? That's my favorite."

Tumango siya. Iyon ang hininging order ni Donny at iyong pinaka-malaking size pa ang pinili nito. Nagpasalamat siya't kailangan na nitong magbayad. Nang lumayo ito sa kanya ay saka pa lamang siya siguro nakahinga ng maluwag.

Nayanig ang buong pagkatao niya sa mumunting eksena nilang iyon. And the kiss he'd given on the side of her head, damn it. Naglalaban ang puso at isip niya dahil kapwa niya gusto at ayaw ang nangyayari.

Naupo sila sa isa sa mga mesang naroon. Sa gilid ay natatanaw niya ang malaking fountain sa labas na atraksiyon sa mall na ito. Sa halip na sa kanyang harapan pumuwesto si Donny ay nilipat nito ang upuan sa kanyang tabi.

D-in-istract niya ang sarili sa pagtikim sa ice cream na in-order nito. Iyong ube flavor talaga ang paborito niya pero hindi niya rin maikailang masarap ito'ng napili ni Donny.

"Sasabihin mo na ba sa'kin kung bakit ka umiyak kanina?" bigla ay kausap nito sa kanya.

She sighed, "Talaga bang hindi mo kakalimutan iyan?"

"Hindi. Bakit kasi hindi mo masabi-sabi?" balik-tanong nito sa kanya.

Dahil kahit na ganoon si Kristine ay hindi niya ito magawang siraan sa ibang tao! She;s still her family! Kahit na ba hindi siya nito ganoon ituring. Kailanman ay hindi naging tamang manakit o manira kahit ba nagawan ka rin ng mali ng taong iyon. She's never that kind of person.

"H-Hindi naman seryoso, eh. 'Y-'Yung rubber shoes ko kasi na pinanglalaro ko, naitapon. Hindi naman sadya..." yumuko siya sa kanyang pagkain at sumubo ng ice cream.

"So...wala ka nang magagamit?"

She nodded. "Luma na iyon pero maayos pa naman. Nagagamit ko pa. Kaya...nanghihinayang ako. Iyon lang naman iyon."

"Sino'ng nagtapon?"

Hinarap niya ito, "Hindi nga sadya!"

Tumaas ang dalawang kilay nito. There's humor in his eyes but there's also something else. Something dangerous. "Why are you so defensive? I'm just asking."

Napipilan siya dahil doon.

"Is it...your aunt? Or Kristine? Your cousin?" kuryoso nitong tanong.

"Kumain na nga tayo. Huwag na natin pag-usapan iyon. Hindi naman mahalaga," hinarap niya muli ang ice cream at sumubo ng ilang beses para hindi na mapilitan pang magsalita.

"Ina-abuso ka ba sa inyo?" pagkaraan ay tanong nito.

"Hindi!" mabilis niyang tanggi. "Hindi ganoon si Tiyang." Oo at madalas ay masungit ito pero gaya nga ng sabi niya ay kailanman hindi sila napagbuhatan nito ng kamay. Sila ng kanyang kapatid.

"Si Kristine? Inaaway ka?"

"Ba't ba tinatanong mo?"

"Bakit kasi hindi mo na lang ako sagutin?"

Napasinghap siyang muli. Hindi niya ito tinignan ng diretso sa mga mata nang sumagot, "H-Hindi."

"But she doesn't like you? I can tell. No'ng araw ng game mo at naka-usap ko siya ay halos hindi niya gustong sagutin ang mga tanong ko tungkol sa'yo. She kept on changing the topic."

Naka-kunot noo siya nang lingunin ito, "A-Ano namang tinatanong mo sa pinsan ko?"

"Well, just random things like...what's your favorite color, favorite food, subject etc. Tinanong ko rin kung may boyfriend ka na. Hindi rin sinagot, eh. Si Myriah kaya tanungin ko?"

Hindi niya alam kung matatawa o mabu-buwisit sa lalaking ito. Talaga bang pinagtatatanong nito ng ganoon ang pinsan niya?!

"Do you want me to talk to her for you? Hindi maganda ang ginawa niya sa'yo."

Natauhan siya sa sinabi nito. "A-Ano? Wala namang ginawa sa'kin ang pinsan ko! Sabi ko nga hindi sadya iyong nangyari. Walang may kasalanan."

"You are obviously lying, Corazon. Hindi ko maintindihan kung bakit mo pa siya pinagtatakpan. O kung bakit umiyak ka lang imbis na komprontahin siya dahil doon sa ginawa niya."

"Ayaw ko'ng magsimula ng away," bumuntong-hininga siya. "'Tsaka, gamit din naman talaga niya iyon. Ipinasa lang sa'kin pero kanya pa rin. Kaya may karapatan siyang gawin ang kahit na ano'ng gusto niyang gawin do'n."

"See? 'Di umamin ka rin."

Kahit naman itanggi niya ay nabuko na siya nito. Umirap siya at sumubo muli ng ice cream.

"Bakit kapag nagawan ka ba ng mali, ano'ng ginagawa mo?" she asked him.

Huli niya kung paanong nagulat ito sa kanyang tanong. Nagtiim-bagang ito pagkatapos at kinain na rin ang ice cream na kanina pa hindi nagagalaw. Nagtaka man sa biglang pananahimik nito ay nagpatuloy siya sa pagsasalita.

"Ayaw ko'ng makipag-away, Donny. At mas lalong ayaw ko'ng gumaganti. Hindi kasi masarap sa pakiramdam na alam mo'ng may nasaktan ka kahit na sabihin mo pang nauna naman sila. Kahit kailan walang rason ang makakapag-justify na tama lang manakit ng iba dahil nasaktan ka din naman nila."

Umiling si Donny. His jaw remained clenched. Para bang nais siyang salungatin ngunit kinakalma muna ang sarili. That's her belief. Kung hindi man ito sang-ayon ay problema na nito iyon.

He remained quiet the whole time. Parang pinagsisihan niya tuloy ang mga sinabi niya. Ngunit tuwing binabalik-balikan naman niya iyon ay hindi siya makahanap ng kahit na ano'ng mali doon.

Nang matapos kumain ay umalis din sila doon. Ang buong akala niya ay uuwi na sila ngunit nang magtungo si Donny sa fountain ay sumunod lang din siya. Bawat minuto ay nagbabago ang kulay sa ilalim nito na nagre-reflect sa tubig na tila sumasayaw sa sariling ritmo.

Naaliw siya sa panonood na nang biglang magsalita si Donny ay bahagya pa siyang napalundag.

"So...you have never been mad at your parents? Pinagpalit kayo ng papa mo sa ibang babae. Your mom...she left you and your sister too, right? Hindi ka pa rin galit sa kanila? Kung hindi sana nila kayo iniwan sana wala kayo sa poder ng tita mo at may nagtatanggol sa'yo," tila naghahamon nitong sinabi, hindi niya alam na hanggang sa mga oras na iyon ay hindi pa rin nito pinapakawalan ang paksa nila kanina.

"Hindi," sinabayan niya iyon ng iling.

From the fountain, his gaze slowly turned to her. Then he smiled sarcastically as if he didn't believe what she said. "Are you lying again?"

Umiling siyang muli. "Nasaktan ako, oo. Hanggang ngayon siguro masakit pa rin sa'kin. Pero hindi ako nagtanim ng galit sa kanila. Siguro dahil bata pa ako no'n. Kung kasing-edad siguro ako ni ate noong mga panahong iyon...baka katulad niya rin ako."

"Why? What's with your sister?"

Nagbuga siya ng hangin at tumingin sa harapan kahit na lagpas na sa fountain ang kanyang tingin, "Nagre-rebelde si Ate. Kahit si Tiyang nawawalan na ng pasensiya dahil sa pagiging pasaway niya minsan. Pero alam kong hindi naman talaga niya sinasadya iyon. Nadadala lang siya ng galit at sakit."

"Mas naiintindihan ko pa iyong Ate mo kaysa sa'yo."

"Ano'ng gusto mo'ng gawin ko? Sirain ko ang buhay ko? Ano naman mapapala ko kung gagawin ko iyon? Malalaman ba ng mga magulang ko? Babalik ba sila sa'min? Magbabago na ba ang mga nangyari noon? Hindi naman 'di ba? Walang punto kung gagawin ko iyon, Donny. Kung magre-rebelde pa ako para sa isang bagay na tapos at nangyari na. Ayaw kong maiwan sa nakaraan. Gusto kong umusad. At hindi iyon mangyayari kung hindi ako magpapatawad."

Wala siyang narinig na kahit na ano'ng tugon dito.

"Pero naiintindihan ko din naman ang kapatid ko. Kung mahirap magpatawad, mas mahirap naman makalimot. Alam ko..." at iyon ang dahilan kung bakit may checklist siya ng mga katangian ng lalaking dapat niyang mahalin.

She can be very forgiving. Ngunit ang ulit-ulitin ang pagkakamali ay hindi rin naman tama. Dapat ay may matutunan sa bawat karanasan. That's how it should be.

"Iniisip ko na lang na mga magulang ko pa rin iyon. Sila ang dahilan kung bakit buhay ako at ang kapatid ko. Siguro sapat na dahilan na iyon para patawarin ko sila sa pag-abanduna sa'min ni Ate."

He just stood there and stared at her the whole time. Ngumiti siya dito pagkaraan. Humalukipkip si Donny at gustuhin man niyang malaman kung ano ang iniisip nito ay hindi niya magawa. He's hiding his thoughts expertly.

"Remember what I told you last night? About this girl that caught my interest?"

Nagulat siya sa biglang pagliko ng topic nila. Ngunit kahit ganoon ay tumango siya. "Iyong magandang taga-Maynila?"

Ngumuso ang mga labi nito sa pinipigil na ngiti. His eyes obviously amused. "She's not from Manila. But...anyway...I lied. Truth is, I already told her that I like her. And not just once. Kaso hindi siya naniniwala. Tingin mo dapat kong sabihin sa kanya ulit?"

Nalilito man ay tumango siya, "B-Baka maniwala na kapag nakulitan sa'yo."

He laughed. Ngunit hindi nagtagal ay muling nag-seryoso din. Nakatitig na lang ito sa kanya ulit. Matagal. May kung ano'ng pakiramdam ang gumapang sa buong pagkatao niya habang nilalabanan ang titig nito.

She knew she's feeling something wrong. Hindi dapat ganito. Hindi dapat ganito ang pakiramdam. Lalong-lalo na na hindi dapat niya ito nararamdaman kay Donny.

"Corazon..." ang ganda ng bigkas nito sa pangalan niya. Mas lalo lamang umigting ang kakaibang pakiramdam sa kanya. "Gusto kita at seryoso ako."

Continue Reading

You'll Also Like

6.9M 23.3K 6
Bubbly and fierce, Mariz Ochua, is not a typical secretary. She worked hard and was getting ahead when all of a sudden, the CEO for whom she was a se...
22.8M 512K 50
[A published book under PSICOM Publishing Inc. ] In a world where sunshine meets corporate storms, Nisyel Love's life takes a thrilling twist when sh...
141M 5.4M 131
Masarap mapunta sa Section na may pagkaka-isa. Meron mang hnd pagkaka-unawaan, napag-uusapan naman. Panu kung mapunta ka sa Section na ikaw lang ang...
106M 2.1M 50
Marriage is normally one's happily ever after in the movies, but for Aemie Ferrer-Roswell, it's just the start of a seemingly unending adventure. Can...