Falling for Mr. Wrong (A Shar...

By imnotkorina

145K 4.7K 981

Alam ni Corazon kung ano ang mga katangiang hinahanap niya sa isang lalaki para masabing ito na si Mr. Right... More

FALLING FOR MR. WRONG (A SharDon Fanfic)
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
EPILOGUE
SPECIAL CHAPTER: Mr. Right

CHAPTER 8

3.4K 139 78
By imnotkorina

CORAZON

Their team won the match. Nakisali siya sa kasiyahan ng mga kasamahan niya ngunit naging panandalian lang iyon nang lumapit si Donny sa kanila. He congratulated them before giving his full attention to her.

"Tara na—"

"Hindi pala ako puwede," naka-ngiti niyang sabi dito. There's just no point for her to dislike him again. Wala naman ito'ng ginawang masama. "Uuwi na ako."

Kumunot ang noo ni Donny at ang ngiti ay tuluyang napalitan ng simangot, "Why?"

Tumanggi siyang sumagot. Hinarap niya si Myriah na tahimik sa may gilid at hinila ang braso nito para maka-alis na doon.

"Corazon!" she heard Donny shout.

"Donny! Tinatawag ka ni Kristine! Tambay muna tayo sa'min!" ang tinig ni Edward ang sumunod niyang narinig.

Mas lalo niya lang binilisan ang paglalakad. Mabuti na nga lang at hindi na nagtanong pa si Myriah sa kanya at sumunod na lang. Binagalan lang nila ang lakad nang medyo makalayo na sa plaza.

"Mukhang may nagse-selos," parinig nito sa kanyang tabi.

Hinihintay lang pala nito ang pagkakataon.

"Hindi ako nagse-selos 'no. Ba't ako magse-selos?"

"Wala naman ako'ng sinabi, ah! Defensive nito. Sabi ko si Aling Juana nagse-selos na naman do'n sa kabit umano ng asawa niya," tinuro nito ang mag-asawang halos araw-araw na lang yata nag-aaway at nagbubunganga sa bakuran ng mga ito.

Inirapan niya si Myriah. Narinig niya ang halakhak nito sa kanyang tabi at mas lalo lamang siyang nairita.

"Crush mo na 'no? Si Donny?"

Humigpit ang hawak niya sa strap ng kanyang gym bag. "C-Crush? Hindi ko crush 'yun. Inis nga ako doon."

"Baka inis-inisan ka do'n. Kasi 'di mo matanggap na nagu-guwapuhan ka rin."

Gigil niyang hinarap si Myriah. Nanunukso pa nitong tinuro ang mukha niya, "Guilty'ng guilty naman 'yang itsura mo, Raz."

"Tsk, ewan ko sa'yo! Basta hindi ko crush 'yung Donatong 'yun! Ang kapal kaya ng labi no'n. Kala mo nakagat ng bubuyog, eh. 'Tsaka ang itim-itim niya. Kanina nga akala ko lumulutang 'yung puting t-shirt. Siya nap ala 'yun."

Bumunghalit ng tawa si Myriah dahil sa kanyang sinabi. She tried to laugh with her ngunit naging pilit lamang iyon. Alam niyang kinukumbinsi niya lang ang sarili niya para sa kung ano. And pointing out his flaws will help her do that but, sadly, it didn't. Dahil hindi naman totoo ang mga sinabi niya.

Donny's lips and complexion were perfect. Walang babae ang hindi mabibighani sa gandang lalaki nito dahil kapuri-puri naman talaga iyon. Baliw lang ang magsasabing hindi guwapo si Donny at siguro nga nahihibang na siya.

"Grabe ka naman, Raz! Parang hindi naman. Parang bitter ka lang, eh. 'Yan, pabebe pa. Taboy ka kasi ng taboy no'ng ikaw ang pinapansin tapos ngayong may nakitang maganda saka ka magmumukmok diyan," naiiling nitong sabi.

Mas mabuti nang hindi na lang siya magsalita. Naiinis lang kasi siya. Hindi kay Myriah at sa mga sinasabi nito kung hindi sa sarili niya. Dahil ayaw man niya iyong aminin sa sarili niya, kahit paano, ay may katotohanan sa mga sinasabi nito.

Pagkauwi ay ginawa niya ang lahat ng gawaing-bahay para lang maging abala at hindi na lumipad pa kung saan ang kanyang utak.

Nagliligpit na sila ni Maymay ng pinagkainan nang dumating si Kristine. Alam niya na kaagad na masama ang timpla ng kanyang pinsan base na rin sa pagkakabunsagot ng mukha nito. Matalim ang tinging ibinigay nito sa kanya kaya naman mabilis din siyang nag-iwas ng tingin.

"Kakain na ako..."

Binalingan niya si Kristine nang magsalita. Nakita niyang nanatili sa kanya ang mataman nitong titig dahilan upang mag-iwas muli siya ng tingin.

"Ako na ang—" si Maymay ngunit mabilis na pinutol ng pinsan niya.

"Ano pang tinatayo-tayo mo diyan, Raz? Sinabi ko nang kakain na ako 'di ba!"

Nag-isang linya ang kanyang mga labi. Tumango siya nang bahagyang makalma. Anak pa rin ito ng tiya niyang nagmamay-ari ng bahay na ito at dahilan kung bakit may tinitirhan sila ng Ate niya at nakakain kahit paano. The least thing she could do is to be patient with her cousin.

"Dadalhin ko lang sa kusina 'to," bahagya niyang itinaas ang mga pinggan.

"Puwes, dalian mo!" padarag na hinila ni Kristine ang upuan bago naupo doon. "Linisan mo nga 'tong mesa, Maymay!"

"Nalinis ko na 'yan—"

"Ipapalinis ko ba sa'yo kung nakikita kong malinis na? Talaga bang puro tanga ang mga taong nandito!"

Nakita niya ang pag-iling ni Maymay ngunit ang agad ding pagsunod sa utos ni Kristine. Wala naman silang magagawa.

Inihanda niya ang pagkain ng kanyang pinsan. Nagdadabog na bumalik si Maymay sa kusina. Halatang naiinis dahil sa pagma-maldita ni Kristine sa kanila.

"Nakakabuwisit talaga! Kala mo siya nagpapalamon sa'tin, eh, hindi naman! Pinsan mo ba talaga iyon? Hindi ako naniniwalang parehas kayo ng dugong nananalaytay diyan sa mga ugat ninyo," nailing na lamang itong muli.

"Huwag mo nang pansinin. Maiinis ka lang."

Bumalik siya sa dining room pagkasabi no'n. Nasa cellphone na ang atensiyon ni Kristine ngunit nang siguro'y madama ang pagdating ng kanyang presensiya ay nagtaas ito kaagad ng tingin. Ang talim doon ay nanatili.

Nilapag niya ang pagkain sa harapan nito. Inayos niya maging ang mga kubyertos sa plato nito bago sinalinan ng juice ang tall glass na naroon. Paalis na siya nang biglang matisod. Lumikha ng matinding ingay ang nahulog na tray.

Tinignan niya si Kristine. She was certain that her cousin tripped her! At hindi nga siya nagkamali. Ang ngiting naglaro sa mga labi nito ang siyang kumumpirma lamang no'n.

Dinampot niya ang tray at tumayo. Ni hindi man lang niya ito kinastigo tungkol sa ginawa nito. Para saan pa? She wouldn't be sorry anyway. Baka siya pa ang baliktarin at biglang maging kasalanan niya ang lahat.

Hindi niya maiwasang mapa-isip sa ikinilos ng kanyang pinsan. Noon naman ay nabubuhay itong hindi siya pinapansin kahit na kitang-kita niya palagi ang pagka-asar nito sa kanya sa hindi niya malamang dahilan. Nagkakasya na ito sa simpleng pag-irap sa kanya at pag-ikot ng mga mata. Ngayon lamang siya nito direktang sinigawan at tinisod ng ganoon.

Ano'ng problema no'n? Pinilig niya ang ulo at binalewala na lamang ang nangyari kanina. Sa tabi niya ay ang ate niyang mahimbing na ang tulog. Hindi ito sumama sa mga barkada nito buong araw dahil hindi niya ito naamuyan ng alak nang umuwi at hiling niya na lang ay sana magtuloy-tuloy na iyon.

Napaigtad siya nang biglang tumunog ang kanyang cellphone para sa isang mensahe. Mabilis niya iyong pinindot bago pa man magising ang kanyang ate sa ingay. She put it on silent mode before opening the message sent by an unknown number.

"Corazon..."

Kumunot ang kanyang noo at pumintig ng kakaiba ang kanyang puso. Hindi niya alam kung bakit boses ni Donny ang narinig niya sa kanyang isip habang binabasa iyon. Ni hindi nga niya alam kung kanino iyon galing...

Pinabayaan niya iyon sa kabila ng kuryosidad niyang malaman kung kanino nagmula ang text. May ideyang lumilitaw sa isip niya ngunit hindi niya iyon matanggap. What now? He asked around for her number? Ang ganda naman pala niya kung gano'n!

Nag-vibrate ang phone at lumiwanag. Lumunok siya ng maka-ilang ulit bago binuksan ang mensahe galing sa parehong numero.

"Hey, still up? –Donny"

Mas lalo lamang lumukso ang kanyang puso nang ito mismo ang mag-kumpirma sa hinala niya. Ngunit nang maisip niya ang nakita niyang pakikipag-usap dito kanina ay kung ano'ng pait ang lumukob sa didbib niya.

Binaba niya ang cellphone sa mababang cabinet nang hindi tinutugunan si Donny. May takot sa kanya na hindi niya alam kung saan nagmumula. Basta ang alam niya ay kailangan niyang lumayo. Kailangan niyang itigil ang kung ano mang nagsisimulang ito...

Maka-ilang ulit na nag-vibrate ang telepono para sa mensahe. Pumikit siya ng mariin at sinubukang huwag iyong pansinin kahit na lumilikha ito ng ingay sa mesang pinagpapatungan.

"Corazon, ano ba 'yang cellphone mo! Sagutin mo na nga lang iyan!" inis na reklamo ng Ate niya na nabulabog na pala no'n.

Mabilis siyang bumangon at kinuha ang kanyang mumurahing cellphone. Tumatawag na si Donny kaya pala hindi matahimik ang cellphone niya! Lumabas siya ng kuwarto bago iyon sinagot. Tahimik na ang buong paligid at patay na ang lahat ng ilaw.

"Ano bang—"

"Finally, you, little girl!" putol nito sa kanya.

Bumuntong-hininga siya. Bakit nga ba niya ito sinagot ulit sa halip na pinatay na lang sana niya ang cellphone? Hindi siya nag-iisip.

"Ano'ng kailangan mo? Bakit ka napatawag?" she talked in a hushed tone. "'Tsaka saan mo nakuha ang number ko?"

"Your friend gave it to me. What was her name again? Ah, Myriah..."

Talaga nga naman!

"Your number's been with me for quite a while already but I'm not a fan of texting kaya ngayon lang kita sinubukang i-contact."

Kaya pala ganoon na lang ang mga ideya ni Myriah sa kanya! Nahingi na pala dito ni Donny ang numero niya!

Sinapo niya ang noo nang pumitik ang kanyang sentido, "Oh, ano ngang kailangan mo? Istorbo ka naman sa pahinga, eh."

"Galit ka na naman ba sa'kin? We're fine yesterday and a while ago before your match started. A-Are you...mad...because of the..." tumikhim ito. "Kiss?"

Parang gusto niyang mapa-ubo dahil doon. "Hindi!" nalito siya sa sariling sagot. "A-Ang ibig kong sabihin hindi ayos sa'kin 'yung ginawa mo pero hindi ako galit dahil doon!" Is she even making any sense right now?

She heard his deep manly chuckle on the other line. Para bang napakagandang musika no'n sa kanyang pandinig. Pinilig niya ang ulo dahil naliligaw na naman ng landas ang kanyang isip.

"So, okay lang iyon sa'yo? So..." binitin nito iyon ng ilang sandali. "I can do it again?"

Halos mapaupo siya sa sahig nang mangatog iyon dahil sa sinabi ni Donny! Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman. Ang mainis ba o ma-excite? Letse, Corazon, saan galing iyong huli?

"Siyempre, hindi! Subukan mo lang ulit gawin iyon sisikmuraan na talaga kita!"

"I'm just kidding," tumawa itong muli.

And now she's disappointed. Swear, she's going nuts! Taliwas kasi sa dapat niyang nararamdaman ang mga nararamdaman niya dahil sa lalaking ito! Mali yata talagang hinayaan niya ito'ng makalapit sa kanya noong una pa lang.

"Pero bakit ka nga nag-walk out kanina? I told you I'm going to treat you after your game. Don't try to fool me with your excuses, I can feel that something's really off. Tell me, little girl," malamyos ang tinig nito.

Hindi niya maintindihan kung bakit tila inaalo siya nito. Na kung sakaling sabihin niya ang mali ay handa nitong gawan ng paraan iyon.

Why is he giving her his attention anyway? Bukod sa dinala niya ito sa tabing-dagat noong unang beses nilang magkita ay wala siyang ibang maalalang nagawa niya para paboran siya ni Donny ng ganito.

Ayaw man niyang maging assuming ay binibigyan nga siya nito ng mga ideya. But maybe he's just being nice? Na kung siguro ay ibang tao ay ganito rin ang gagawin nito? She just can't think of any logical explanation as to why he seemed to be so...interested with her.

"Wala nga..." umiirap niyang sagot.

Donny sighed as if frustrated by her answer. "You really are a girl, Corazon. You're so complicated."

Fight rose to her throat when he said that. "Ako pa ngayon ang komplikado? Eh, ikaw nga ito'ng pino-problema ako kahit na hindi naman dapat!" nagbuga siya ng hangin. Naupo siya sa tiled na sahig ng kusina bago sumandal sa kitchen cabinet.

Ilang sandali itong hindi umimik. Kung hindi pa siguro niya naririnig ang paghinga nito sa kabilang linya ay iisipin niya nang naputol na ang kanilang tawag.

"Yeah," he said finally. "You're right. What you did shouldn't be my problem." Para bang kahit na siya ang kausap nito ay hindi naman para sa kanya ang sinasabi ni Donny.

"Oh, 'di ba?"

Isang malalim muli na buga ng hangin ang pinakawalan nito, "But I'm just...really so bothered."

Pagkakataon naman niya ngayon upang matahimik. She could hear the confusion in his voice. Na para bang kahit ito mismo ay nalilito sa sariling mga salita. Even more confused than she is. Ano'ng ibig nitong sabihin?

Tumikhim siya upang linawin ang lalamunan. Kailangan niyang mag-isip ng ibang paksa dahil para bang naging mabigat na ang hangin sa pagitan nilang dalawa dahil doon.

"N-Nakilala mo na pala ang pinsan ko? Si Kristine? Naalala mo iyong sinabi ko sa'yo na dapat siya ang magiging partner mo sa Sagala. Sayang. Kung hindi ka kasi tumakas no'n—"

"Bakit naman ako manghihinayang?" sansala nito sa sinasabi niya.

"K-Kung sabagay. Makikilala mo pa rin naman siya kahit na hindi ka nagpunta no'ng—"

"Why does it matter if I'll meet her or not?"

"Maganda siya 'di ba? N-Naisip ko lang na baka...m-magustuhan mo..." humina ang tinig niya sa huling sinabi.

Kung bakit parang bumagsak ang loob niya sa sariling ideyang ay hindi niya na mahanapan pa ng katanggap-tanggap na rason.

"Well, I agree. She's beautiful. Actually, her likes are my type. Fair skinned, chinita with long straight hair and beautiful lips..."

Ang mas lalong pagbigat ng kanyang dibdib ay hindi niya maintindihan. She wanted to change the subject right away for no apparent reason! Hindi ba siya ang nagsimula nito? Bakit ngayong si Donny na ang tumatangay sa kanya sa usapan ay pait ang rume-rehistro sa kanya?

Tinignan niya ang sarili. She's fair skinned. It runs in their genes that even when she stays long under the sun her skin remains fair. Her eyes, it's not really that chinita. It was kind of almondy but not very chinky. And her hair is not long. Ang gupit no'n ay maikli at parang pinag-trip-an ng barbero. Ang labi niya ay hindi niya naman masabing maganda.

What the hell? Ano'ng gustong palabasin nitong mga iniisip niya?

"But...there's this girl who already caught my attention. At tingin ko siya ang pinaka-maganda sa lahat ng babaeng nakilala ko," his tone was marked with amusement and fondness.

Napipilan siya dahil doon. This is crazy. The way she's feeling pain right now is so crazy! Ano naman kung may nagugustuhan na palang babae si Donny? Ano naman kung hindi siya iyon? Masyado na ba siyang nalulunod sa panunukso sa kanila na hindi niya na napansin ay pinaniniwalaan na pala niya?

Masabi nga ito kay Myriah at sa iba pa niyang kaibigan na inaasar si Donny sa kanya. There's no way he would like her. And there's no way she would want him to like her too! They were both out of each other's leagues! They were both not each other's types!

"S-Sinabi mo na ba iyan sa kanya?" kunwari'y interesado niyang tanong. She just can't shut him out now that he's opening up to her. Masyado na siyang masama no'n.

"Hindi," mabilis nitong sagot.

"Bakit?" Sa kapal ng mukha ng lalaking 'to, may tinatago pa ba 'tong ka-torpehan sa katawan? O kahit hiya man lang?

"Bakit nga ba hindi ko masabi?" balik-tanong nito sa kanya.

Kumunot ang kanyang noo, "Ewan ko sa'yo?"

Narinig niya ang tikhim ng ngiti ni Donny ngunit hindi na iyon sinundan pa ng kung ano. Nahihiwagaan tuloy siya sa babaeng tinutukoy nito. Taga-Maynila siguro?

"Sige na, sige na. Good luck diyan sa babae mo. Sana masabi mo na sa kanya iyan at nang matahimik ka na."

He grinned, "Okay, Corazon."

Wala na siyang maisip na magandang balik kaya nagpasya na siyang tapusin na ang tawag, "Matutulog na ako. Good night."

"Good night. See you tomorrow."

"A-Ah...S-See you."

"Okay..." she could hear the smile in his tone.

Tuluyan niya nang tinapos ang tawag. Nanatili pa siyang nakatulala doon ng sandali bago bumalik sa kuwarto at nagsumikap matulog. Ngunit bago nagtagumpay ang antok na hilahin siya, walang ibang ginawa ang utak niya kung hindi ang ipakita ang imahe ni Donny sa kanyang isip.

She decided to jog the next day. Tingin niya kasi ay iyon lamang ang makakapagpatuwid ng isip niyang ina-amag na nitong mga nakaraang araw. Lalo na kagabi. Naisip niya ring daanan ang plaza para makita kung ano ang susunod na schedule ng laro nila para sa linggong ito.

Ngunit ilang oras na yata ang lumipas ay hindi niya pa nakikita ang sapatos niya kung saan niya ito huling nilagay. Kanina, bago siya gumawa ng mga gawaing bahay, ay nakita niya pa ito sa paanan ng dresser sa kuwarto nila ng kanyang kapatid ngunit ngayon ay wala na ito doon.

"Ano'ng hinahanap mo?"

Ang tinig ni Kristine ang nagpatuwid sa kanyang tayo mula sa paghalughog sa kitchen cabinet kahit na ilang beses niya na iyong tinignan at wala namang nahanap. Hawak nito ang baso kung saan ay nangangalahati na ang tubig.

"I-Iyong sapatos ko. Nasa kuwarto ko lang kanina pero ngayon ay hindi ko na makita," sagot niya kahit na nag-aalangan dahil sa pagtatanong nito.

"Sapatos?" patuyang kumunot ang noo nito. "Ah, iyong sapatos ko?"

Tumango siya.

Ngumisi ito, "Bakit ginagamit mo pa ba iyon? Pinatapon ko kasi kay Maymay iyong mga basura. Naisama yata iyon." Nag-kibit balikat ito. "Mukha kasing basura, eh."

"A-Ano?" hindi siya makapaniwala sa ginawa ni Kristine! "Pero ginagamit ko pa iyon!" Paano na ang liga? Paano na ang pagva-varsity niya? Luma na nga iyon pero nagagamit pa naman niya!

Pinagtaasan siya ng kilay ni Kristine. Halatang hindi nagugustuhan ang kanyang tono, "Oh, kasalanan ko pang mukhang basura ang mga ginagamit mo? Edi, kunin mo kung mahahanap mo!" Kristine smirked before walking away.

Tinakbo niya ang palabas sa bahay ng kanyang tiya. Agad niyang tinungo si Maymay na nagwa-walis sa bakuran. Nilingon siya nito at agad niyang nakita ang guilt sa mga mata nito.

"R-Raz—"

"Nasaan iyong sapatos, Maymay?" tanong niya rito.

"K-Kasi...iyong pinsan mo..." pumikit ito ng mariin bago hinilamos ang palad sa mukha. "Pinatapon niya sa ilog. P-Pasensiya na. Hindi ko—Teka, Raz!"

Tumatakbo pa lang ay nangingilid na ang luha sa mga mata niya. Hindi niya alam kung saan nagmumula ang galit ni Kristine sa kanya para gawin ito. Kahit na iyong inis nito sa kanya ay hindi niya alam kung ano ang dahilan.

Sinubukan niyang kunin ang loob nito noon at makipagkasundo. But she realized her cousin can't simply like her, wala nang rason, basta hindi siya nito gusto. Kaya dumistansiya siya at tahimik na lang na tinanggap ang lahat ng masasakit na salita at pang-iirap na ginagawa nito sa kanya.

Pero ngayon ay hindi niya na mapigilan ang pagsama ng loob. Bakit kailangang pag-initan pa ni Kristine ang simple at lumang sapatos na iyon? Ano ba'ng makukuha pa nito? She has everything. Samantalang siya ay walang-wala namang binatbat dito.

Ano'ng makukuha nito kung gagawin iyon?

Tuluyan nang bumagsak ang luha niya nang marating ang tabing ilog. Naghanap siya sa pag-asang baka may maisasalba pa ngunit mukhang wala na talaga. Mabilis at marahas ang agos ng tubig. She can swim ngunit magpapakamatay lang ang susubuking languyin ang ilog na iyon na walang nakaka-alam kung gaano kalalim.

Now, how can she buy another pair of shoes? Makabili man siya ay iyong sa palengke lang ang kaya ng pera niya. Magsasayang lang siya dahil baka isang gamitan lang iyon at sira na din kaagad. Hindi naman kasya ang pera niya para sa mamahalin at mga sapatos na mabibili sa mall.

Lugmok ang kanyang loob nang maglakad pauwi. Hindi na niya inisip pang kastiguhin si Kristine o ang isumbong ito sa kanyang tiya dahil alam niyang wala namang mangyayari. Kahit na ano'ng gawin nito, sa huli, dahil siya ang may pangangailangan at binibigyan ng tulong, siya ang hindi papanigan.

Siya ang may mali.

Pinunasan niya ang luha at nagulat nang mag-angat ng tingin ay nakita niya si Donny. Nasa may tindahan ito na malapit sa bahay ng kanyang tiya. He's wearing an ombre shirt and dark short pants. May hawak ito'ng plastic na may lamang softdrinks sa kamay habang magkasalubong ang kilay na nakamasid sa kanya.

Inilag niya ang tingin dito. At kahit na naiiyak sa inis at pagkabiga, ay hindi nabigo ang puso niya na tumibok sa paraan kung paano ito tumitibok kapag nakikita si Donny.

Nagpatuloy siya sa paglalakad.

"Hey, Corazon..." tawag nito sa kanya ngunit hindi siya huminto. He's with his friends. Baka nga kaya nandoon ang mga iyon ay dahil hinihintay si Kristine.

Pinatigil siya ng kamay nitong nagtungo sa kanyang braso. His grip was firm and gentle at the same time. Dahil sa panghihina ay hindi niya na nagawang makapalag.

"Why are you crying?" he asked, his tone is a little...mad.

Umiling siya at tinignan ito. Wala na ang softdrinks sa kamay ni Donny. Nasa kanya ang buong atensiyon nito.

"Wala? Hindi ka iiyak kung wala," mas lalo siya nitong hinila palapit. Ngayon dalawang kamay na nito ang nasa magkabila niyang braso. "Sino'ng nagpaiyak sa'yo?"

His expression was harsh. She'd never seen him angry but now he is. Hindi na kinakikitaan ng ngiti ang mga mata at mga labi nito. Bigla ay parang naging ibang tao ito sa kanyang harapan.

"Damn it, tell me, who made you cry!" tumaas ang tono ni Donny.

Umiling lamang siyang muli. Of course, she can't tell him it's Kristine! Para naman siyang naninira no'n. Ngunit nangilid muli ang luha sa mga mata niya nang maalala kung ano ang ginawa ng pinsan niya.

Isang malutong na mura ang pinakawalan ni Donny. Maingat ang hinlalaki nitong pinapawi ang luha sa kanyang mukha kahit kita niya ang labis na galit at frustration sa anyo nito.

Itinaas niya ang kamay sa palapulsuhan ni Donny para palisin iyon ngunit sa halip na magpaubaya at lumayo ay kinabig siya nito upang yakapin.

She failed to process everything. Huminto yata ang utak niya sa paggana nang maramdaman ang init ng katawan ni Donny at pinagsamang tigas at lambot ng katawan nitong nakayakap sa kanya.

"Tell me who made you cry," he whispered. She closed her eyes as she felt his lips on her ear. "And I'll make, whoever that is, pay for your tears."

-------------------------------------------

A/N: 'Yung Kristine po dito ay hindi si Kristine from PBB Lucky 7 Teens HAHAHA! 

Continue Reading

You'll Also Like

111K 2.1K 45
(BOOK 1) Si Azalea Elania Jules, bumalik sa Espanya buong bakasyon, dahil may business ang kanyang mga magulang. Pero may nakilala siyang lalaki na p...
2.6M 67.6K 33
She hates it when he gets cold and bosses her around. She hates him for always being there to stop her in her wicked games. She hates him for making...
234K 4.7K 53
"Here, Under the Stars... What if our paths crossed again?" Four years after her heart got broken, successful music producer and CEO, Magui Feola, we...
66.9K 1.6K 45
Be thankful, that somehow, somewhere, someone is happy... simply because you exist. *** If you are reading this story on any other platform other th...