He Choose To Stay (HHMR BOOK...

By Miss_Aech

253K 8.5K 4.3K

History repeats itself, but it's the other way around. He'll be the one to chase. He'll be the one to suffer... More

He Choose To Stay (HHMR BOOK 3)
The Beginning
HCTS 1 - #Kismet
HCTS 2 - #Secret
HCTS 3 - #Sydney
HCTS 4 - #TrueFeelings
HCTS 5 - #Assume
HCTS 6 - #SpecialFriend
HCTS 7 - #Trigger
HCTS 8 - #Australia
HCTS 9 - #DoctorMontesor
HCTS 10 - #Plan
HCTS 11 - #Criminal
HCTS 12 - #Safe
HCTS 13 - #GetHerBack
HCTS 14 - #WeirdFeelings
HCTS 15 - #Textmate
HCTS 16 - #BadThoughts
HCTS 17 - #Camperdown
HCTS 18 - #Scared
HCTS 19 - #Hurt
HCTS 20 - #CutOff
HCTS 21 - #RollerCoaster
HCTS 22 - #Afraid
HCTS 23 - #String
HCTS 24 - #Closer
HCTS 25 - #Fair
HCTS 27 - #Mad
HCTS 28 - #His
HCTS 29 - #ThePast
HCTS 30 - #Karline'sWedding
HCTS 31 - #Interview
HCTS 32 - #Home
HCTS 33 - #Chance
HCTS 34 - #LittleByLittle
HCTS 35 - #Tanga
HCTS 36 - #RedGuy
HCTS 37 - #Love
HCTS 38 - #Big
HCTS 39 -#StupidDecision
HCTS 40 - #ExtremePain
HCTS 41 - #Official
HCTS 42 - #KryptonDay
HCTS Special Chapter #K&K
HCTS 43 - #ThisTime
HCTS 44 - #Havoc
HCTS 45 - #PTSD
HCTS 46 - #SoCloseSoFar
HCTS 47 - #Revelation
HCTS 48 - #Dejavu
Announcement

HCTS 26 - #Akin

3.8K 170 73
By Miss_Aech

Recap: Nagconfess na po sa kaniya si Akiro. Hahaha! May naghihintay pa ba dito? Thank you for waiting guys!


Next Update: WTBTL :) Can I ask for your support din sa WTBTL? Dear Fern? Hahaha! If you're reading those stories of mine too, thank you so much! Labyouu 😘😘


Enjoy reading! 😉


***


Kirt's POV





Damn, damn, damn!



Bakit ganito? Sobrang gulo talaga sa pakiramdam. Sobrang gulo! Sa sobrang gulo parang gusto ko nalang ibunggo ulit ang ulo ko sa pader para makaalala na.


Akiro likes me? Noon pa? Pinipigilan niya lang? Damn it! Why is that my heart can't stop aching for a moment, ha? Why can't my mind focus on being fair!?


Ayokong maging unfair kay Dewlon. Ayoko ding saktan si Akiro. And I'm so fucking torn! Why would Akiro do this to me?


Sa halip na dumiretsyo sa condo ko ay dumiretsyo ako sa shop ni VG. I need VG even though we're not in good terms after I left for Sydney, she's my friend. I won't have a grudge on her. Tsyaka hindi naman kami nag-away talaga.


I need to drink. I need to forget. I need to party! I can't invite Arianna with me kasi mukhang hindi pa kami maayos.


Kabado akong pinark ang sasakyan ko sa gilid ng shop ni VG hanggang sa tuloyan akong makapasok.


I wear a disguise so her customers won't recognize me. Ang hirap hirap mag-disguise minsan, lalo na kung di mo mapakita ang beauty mo.


Her crew told me she's in her office so dirediretsyo akong pumasok doon. She was shocked when she saw me entered her office.


"K-kirt?" tanong niya. Ngumiti ako ng tipid. "Nakabalik kana?" dugtong na tanong ni Vg at ngumiti din pabalik sakin.


Tumayo siya para lapitan ako, "We're done our taping in Sydney, konte nalang ang itataping namin dito..." sagot ko at lumapit sa kaniya at umupo sa harap niya.


Umupo ulit siya. Medyo naiilang siyang tumingin sakin. "Cool naba tayo? Hindi mo ko pinapansin sa twitter," tanong niya, nakanguso.


Napangiti ako at tinampal ang kamay niyan sa lamesa, "Nakalimutan ko na nga kung bakit ako nagtampo sayo!" biro ko at humalakhak.


Natawa narin siya at napailing, "Di nga? I know di mo lang talaga ako matiis," sabi niya at ngumisi ng malapad.





Ngumuso ako. Alam kong si Dewlon ang Prince Charming ko. But, still, I want to hear it from her.


May inabot ako sa kaniyang paper bag, "Alam na alam mo, ah! Oh, pasalubong!" sabi ko.


"Waaaah, thank you, Kirt-kirt!" excited na sabi niya at hinablot ang paper bag para buksan.


Habang binubuksan niya ay nagsalita ako, "I have fun in Sydney. Sa tingin ko, tuloyan na akong nakamove on sa pantasya ko kay Akiro," sabi ko kaya naman tumaas ang kilay niya at tumingin sakin. Now she's interested!


Binigyan niya ako ng curious look niya, "At bakit naman? Tinamaan kaba sa mga foreigner doon?" tanong niya sakin.


Ngumuso ako. Kung hindi sasabihin ni VG sakin ang tungkol sa nakaraan ko, I should let her say something about it. Kahit konteng impormasyon tungkol kay Dewlon.


Umiling ako, "Nope, he's a Filipino too. Doctor siya sa Sydney. Siya 'yung nagturo sakin sa mga session ko..." sagot ko at tumingin sa kaniya.


Ngumiti siya ng nakakaloko, "So his a doctor? Gwapo ba? Hot ba?" dirediretsyong tanong niya. Excited for some information.


Ngumuso ako at tumango. "He's handsome. And way too hot. Alam mo bang siya ang cover ng GQ magazine ngayong month?" patanong na sabi ko.


Bigla naman siyang natigilan sa sinabi ko. Nawala bigla ang excitement sa mukha niya kanina. Nag-iwas din siya ng tingin. Alam niya kaya kung sino? Knowing her, updated siya sa mga magazines.


If she doesn't know him, ang tipikal na VG ay magtititili na dahil ang crush ko'y cover ng GQ magazine. But, she didn't squeal and over react. She's silent.


"Alam mo ba kung sino? His name is Dewlon Scott Montesor..." sabi ko sa kaniya at bahagyang sumandal sa upuan, waiting for her bad expression about hearing his name.


What's about Dewlon Montesor na parang ayaw nilang sabihin sakin? Mas lalo akong nacu-curious sa kaniya...


Imbis na matulala siya ay ngumiti siya ng malapad, "I know him, Kirt. Yun ba ang gusto mong malaman?" seryosong tanong ni VG sakin. "Nakita ko na siya sa maraming magazine with Jeiko Valerio and others..." dugtong niya.


Natigilan ako sa sinagot niya. Oh? Is that it? Pero siguro totoong nasa mga magazine nga si Dewlon. And I think nakita ko nga rin siya. Sa Bachelors magazine.


Bumuntong hininga ako, "I only want you to know, I'm not asking if you know him. Bakit magkakilala ba kayo? Do you know each other? Well, I doubt that, 'cause he lived in Cebu City and he also studied there so it's impossible that you two know each other, right?" seryosong tanong ko, trying to catch her with her face expression.


Even though she's an actress, she's not good at acting she doesn't know. She's not good at lying. Her face becomes red and her eyes aren't looking straight at me. That's how she look right now.


Napalunok ako, "You don't need to answer. I just want you to know 'cause I know you're my friend, VG. At gusto ko lang ding malaman mo, natutulongan niya akong maalala ko ang lahat. At gusto ko lang ding malaman mo, na alam kong isa si Dewlon sa mga nakalimutan ko..." seryosong sabi ko at tipid na ngumiti.


Napatingin siya sakin. Gulat sa huling sinabi ko. Bigla siyang napakagat labi. Her eyes are kinda teary. Seryoso siyang tumingin sakin.


"Di mo alam kung anong pinapasok mo, Kirt. Do you want to destroy what you are right now? Isa ka nang sikat na artista na itiniting---"


"Artistang walang alam sa nakaraan niya! I really don't know why I believed all of you that it's fine not to remember. When all this time, para akong tanga! Tangang walang alam sa nakaraan ko. So, please, VG, mababaliw nako, tulongan mo 'ko. Help me remember my past..." I pleaded and looked at her with eyes bloodshot.


May tumulong luha sa mga mata niya kaya nag-iwas siya ng tingin sakin. Nakaramdam ako ng guilt dahil nasigawan ko siya. I don't want her to cry because of me. Problema ko to pero dinadala ko siya, pero wala akong choice. She's part of my memories. She knows something, I know.


Napapikit siya ng mariin, "Please, VG..." I begged. "I know you know him. Si Dewlon ba ang prince charming ko nung high school tayo?" tanong ko sa kaniya.


Dumilat siya at diretsyong tumingin sakin, "Ayoko sabihin sayo kasi baka sumakit ang ulo mo. Mabuti siguro 'kong magpatulong ka nga sa kaniya. Unti-untiin mo, Kirt..."


"But he's the only one I want to remember. Lahat, pero hindi ko alam kung saan ako mag-uumpisa..." mariing sabi ko.


Napakagat labi siya, "Sa Cebu...sa Cebu ka mag-umpisa, Kirt. Sa Cebu kung saan alam kong nangyari ang lahat..." seryosong sagot niya.


Natigilan ako sa sinabi niya. Pakiramdam ko biglang nanlumo ang buong katawan ko at nabuhusan ito ng malamig na tubig.


Sa Cebu? Naaala ko si Heero at ang buong Kismet na taga Cebu. Si Dewlon na taga Cebu. Bakit sa Cebu kung ang sabi nila Mama hindi naman ako umalis ng Manila?


Biglang kumirot ang ulo ko kaya napadaing ako sa sakit.


"Kirt!" tawag ni VG at dinaluhan ako.


Hinawakan ko ang ulo ko dahil sa kirot na naramdaman ko. I tried to endure the pain. Binigyan ako ng tubig ni VG.


"Wala ka bang pain killer?" tanong niya. Tinuro ko ang bag ko kaya agad niyang binuksan at hinanap ang gamot.


After I've taken the pain killer, umayos na ang pakiramdam ko.


"Wala ba 'yang side effects?" tanong niya sa'kin. Hinihingal pa akong tumingin sa kaniya. Hinawakan ko ang kamay ni VG.


"T-thank you..." sabi ko. "Thank you for telling this to me..." dugtong ko.

Ngumiti siya ng hilaw saka niya ako hinampas ng mahina then laughed a bit, "Para kana kasing baliw! Sinasabi ko na nga bang sasakit ulo mo, eh! Tigas talaga ng ulo mo!" singhal niya.


Ngumiti ako, "Let's go to my parents. Samahan mo ko, VG. Ikaw nalang ang makakapitan ko sa ngayon..." pakiusap ko.


--





"Dahan-dahan naman, Kirt, ano ba!" sigaw ni VG habang nasa loob kami ng sasakyan at ako ang nagmamaneho.


Hindi ko siya pinansin dahil ng mahimasmasan na ako sa opisina ni VG ay sumiklab na ang galit ko para sa mga magulang ko.


VG's convincing me not to hate my parents. Bakit hindi? Kinuntyaba pala lahat nila mama at papa ang mga kaibigan ko! At kahit ang mga kaibigan ko daw sa Cebu!


"Inaalala ka lang ng Mama at Papa mo, okay? They have their reason! At ang reason na'yun ay malalaman mo lang kapag nasa last level kana ng pag-aalala mo!" sabi niya.


Di ko siya tinignan at pinansin. Seryoso akong nakatingin sa kalsada at mabilis na pinatakbo ito.

Alam kong may rason sila Mama, but they lied to me. Pinagkait nila sakin ang alaalang sana unti-unti nilang binabalik sakin, hindi 'yung pinanatili nila akong walang alam ng limang taon! At napakatanga ko rin para hindi seryusuhin noon ang kalagayan ko!


3:30 PM ng makarating kami sa amin. Ang punyemas na traffic kasi sa Manila di mawala-wala!


"Calm down, okay? Alalahanin mong matatanda na ang mga magulang mo kaya dapat mahinahon ka. Wag mong sunggaban! Malilintikan talaga ako sa Mama mo!" sabi niya papalabas kami ng sasakyan ko.


Tama si VG sa sinabi niya kaya medyo kumalma ako. Baka atakihin pa sila ako a ang ma-guilty imbis na sila.



Pinapasok kami ng kasambahay. Mabuti nalang at narito na sila sa bahay. Kating-kati nakong malaman mismo sa kanila ang nalalaman ko ngayon.


Pagkapasok na pagkapasok ko bahay ay naabutan ko sila Mama sa salas. Nag-uusap sila ni Papa at walang alam na narito lang ako sa likod nila.


"Babalik daw ulit sa Pinas sabi ni Luke..." sabi ni Papa kay Mama.


Napahilot ng sentido si Mama, "Bakit pa? Akala ko busy na siya dahil sa kompanya nila?" sagot ni Mama. "Baka papunta na nga si Kirt ngayon dito..." dugtong ni Mama.


"Paano na, Mina? Paniguradong magtatano--"


"Ma, Pa..." tawag ko sa kanila at humakbang papalapit sa kanila.


Sabay nila akong nilingon at parehong gulat ang mga mukha nila, lalo na't kasama ko pa si VG.


"K-kirt...kanina ka pa diyan?" tanong ni Papa at napatayo na at ganoon din si Papa.


Pinanatili ko ang seryosong mukha ko. As much as I want to hug them dahil na miss ko rin naman sila, nanaig ang galit na nararamdaman ko ngayon.


"Ba't di ka nagsabi na pupunta ka? Hindi pa ako nakapagluto..." sabi ni mama at sinubukang ngumiti.


Napalunok ako at ikinuyom ang dalawang kamay. Tumingin muna ako kay VG na mukhang natetense bago bumaling ulit sa mga magulang ko.



Umangat ang labi ko, "Para ano pa? Alam niyo rin namang pupunta ako dito, diba? And you also expected na marami akong dalang tanong para sa inyo..." malamig na sabi ko.


Natigilan silang dalawa. Nag-iwas ng tingin si Papa at bahagyang tumalikod habang si Mama ay nakatingin sakin at pati na kay VG. Alam 'kong may kutob na si Mama.



"And you we're right. Marami akong tanong na alam 'kong hindi niya naman ako sasagutin ng totoo. Kaya, lumapit ako sa mga taong alam 'kong tutulong sakin..." sabi ko kaya pareho silang tumingin sa katabi ko.


Kumirot ang puso ko. So, VG was right. Kinuntyaba nila ang mga kaibigan at kahit sila Jayren at Warren.



"...taong sawa ng makita akong ginagawang tanga ng magulang ko!" asik ko.



Sumakit ang dibdib ko. Humapdi ang mata ko at may nagbabadyang luhang gustong lumabas.



Tumungo si Papa habang si Mama ay seryoso at bakas ang galit sa mga mata niya. Hindi 'yun para kay VG, kundi para sa akin.



"Hindi ka namin ginagawang tanga, Courtney Eunice! Wag mo kaming sigawan na parang hindi naman ginagawa ito para sa ikabubuti mo!" mariing singhal ni Mama.


"Sa ikabubuti ko nga ba, Ma? Hindi ko alam kung bakit ayaw niyong maalala ko ang nakaraan ko. Hindi ko alam kung bakit kailangan mo pang kuntyabahin lahat ng kaibigan ko para wag lang maalala. At hindi ko alam kung bakit tinago niyo sakin na sa Cebu ko pinagpatuloy ang High School ko bago ako mag-aral sa Thaguro, nag-college pa ako sa Cebu!" galit na galit na sabi ko.





"Para ano pa!? Para ano pa at maalala mo ang lahat! Nandito kami ng Papa mo! Nang mga dati mo ng kaibigan dito! Masaya kana sa buhay mo ngayon Courtney! Bakit kailangan mo pang lumingon sa nakaraan!?" galit na sagot ni Mama.



Tahimik lang si Papa na nakaupo sa uouan at nakahawak sa mukha niya.






Bumuhos ang luha ko. "Para saan pa? Para maging buo ulit ako! Dahil di niyo alam kung paano mabuhay na alam kong kulang! Limang taon akong nabulag dahil abala ako sa pag-aartista! Ngayong, kailangan ko ng balikan ang dating ako, ipagkakait niyo?" sabi ko habang umiiyak.


Natigilan si Mama sa sinabi ko. Natahimik siya. Rinig ko ang pag-iyak ni Papa at nakita ko ang pagtulo ng luha ni Mama.




"Wala akong pakialam kung anong maaring rason kung bakit ayaw niyong maalala ko ang lahat. Wala akong pakia--"


Biglang tumayo si Papa at seryosong tumingin sakin habang mapupula ang mata.


"Gusto mo bang masaktan ulit, ha? Ginawa namin to ng Mama mo dahil para sa iyo rin! Hindi mo alam kung gaano kami natakot ng mama mo nung nalaman naming nag-aagaw buhay ka! Na wala kaming nagawa!" halos napiyok na sabi ni Papa.



Natigilan ako sa sinabi ni Papa. Seryoso siya at naramdam ko ang sakit na naramdaman niya. But what about me?


"Alam 'kong hindi ako naging mabuting anak ninyo noon, pero alam 'kong may mga kaibigan pa ako na alam kong magpapakalakas sakin. Na alam kong bumubuo sakin bukod sa inyo ni Mama," sabi ko at pumiyok narin.



"Kung nasaktan man ako noon, hindi ko kailangang tumakas sa dapat kong naramdaman noon. Dahil kahit anong mangyari, kung 'yun dapat, ganoon dapat! Masakit man o hindi! Hindi ko kailangan takasan 'yun..." sabi ko.


"Pupunta ako sa Cebu pagkatapos ng taping namin. Pagkatapos ng premier ng movie namin. Nagpapalam ako sa inyo dahil kinikilala ko pa kayong magulang ko, pero kung pipigilan niyo ko, kakalimutan ko muna 'yun pansamantala..." seryoso at maawtoridad na sabi ko at tinalikuran na sila.


Sumunod si VG sakin. Rinig ko pa ang pagtawag nila Mama sakin na bumalik ako doon pero mabilis ang lakad ko pabalik sa kotsye.




Umiiyak ako buong byahe. Si VG na ang nag-drive pauwi sa condo ko. Hinayaan niya akong umiyak. Tumunog pa ang cellphone ko pero wala muna akong pakialam sa nangyayari sa mundo ngayon.



"Gusto kong magparty, VG! MAGBAR TAYO!" naiiyak na aya ko sa kaniya.


Tinignan niya ako ng may disgust sa mukha, "Bar? 5:30 ng hapon? Ganyan ang mukha mo? Sabog ka? Tapos artista ka pa? No way! There is no way na panget tayong pupuntang bar!" sabi ni VG at napalitan ng excitement ang boses niya.


Kahit umiiyak ako natawa ako sa sinabi niya. Hindi ako nagkamali sa nilapitan ko. VG will surely be the best. Nakakalungkot isipin na hindi ko maalala ang mga kaibigan ko sa Cebu.


Saktong ala sais y media ng makarating kami sa condo ko. Iniwan niya muna ako roon at hiniram ang sasakyan ko para makapag-ayos pa siya.


Kinalma ko ang sarili ko sa condo. Wala pa si Manang Cecil sa condo, hindi ko pa nasasabing nakauwi nako kaya baka sa susunod na araw pa siya umuwi dito.




Naligo muna ako bago umidlip kaonte dahil pagod ako sa mga nalaman ko sa araw nato. Idagdag mo pa na kakauwi ko lang galing Australia.


8:00PM ng maghanda ako para sa lakad namin ni VG. Susundin niya ako ng 9:00PM sa condo at plano niya ring mag-sleep over sa condo ko mamaya.


Nagsuot ako ng wig at glasses para di ako makilala. Kahit baduy ang mukha, I'll make sure sexy naman ako sa katawan. Even if I need to disguise myself, I need to wear appropriate dress..


Naglagay ako ng concelear sa mukha ko dahil medyo namamaga pa ang mata ko dahil sa iyak ko at idagdag mo pang umidlip pa ako.


I put some make up. Smokey eyes para di ganoon ka halata ang mata ko. I put some dark nude lipstick. Nilagay ko ang wig na short hair na color copper brown tapos di ganoon ka kapal na glasses.


A maroon leather sleeveless dress ang sinuot ko na above the knee. It wraps my whole body kaya I know even though I look weird stand out parin.


Dumating si VG naka-disguise narin. She's wearing glasses too ngunit mahaba ang buhok niya at may bangs. She's wearing a purple tube dress but she's covering it with her black cardigan.


Napagdesisyunan naming pumunta sa isang high end bar ni VG. Doon sa Prive sa may Fort Bonifacio. Saktong 10PM nang makarating kami sa Prive.


Nang makapasok kami ay pinagtitinginan kami ng mga tao. I know they think we're some chick with glasses. But, I didn't come here to collect people's compliment. I want to have fun and get drunk!


I ordered my favorite tequila when I went on the bar counter. Kakaiba ang tingin ng bartender sakin at ang bruhang VG kinindatan pa 'yung bartender. Napahalakhak nalang ako, mukhang hindi lang ako ang mag-eenjoy ngayong gabi.


Nakadalawang shots ako ng tequila. Iniwan ako ni VG sa bar counter kaya medyo awkward ako sa bartender na kanina pa nakatitig sakin. Nginitian ko nalang siya at umorder ulit ng dalawang shots.


"Mukhang may problema ka, Miss, ah?" tanong ng bartender sakin.


Tumungo ako para di niya ako makilala pero sinilip niya ako. "Heart broken ako kaya wag mo kong kausapin!" singhal ko at binago ang boses at tumunog umiiyak.


Tumawa siya, "Parang kanina lang ay masaya kayo ng kaibigan mo, Miss..." sabi niya.


Inangat ko ang mukha ko kaya nagulat siya. Hindi dahil sa nakilala niya ako dahil sinamaan ko siya ng tingin. "Wag ka ngang FC..." sabi ko at bahagyang tumaliko sa kaniya. Sayang at gwapo pa naman siya, masyadong madaldal.


Humalakhak siya, "Bartenders like me are tend to be sociable and if I'm making you uncomfortable then, sorry..." sabi niya at tunog hindi sincere. Mukhang natutuwa pa siya...


Umeenglish na pala ang mga bartenders. Well, hindi ko dapat maliitin ang mga katulad nila. Malamang di sila makakapasa sa Prive dahil foreigner ang madalas na customer dito.


"Just give me more shots, mister bartender..." sabi ko sa kaniya at tumingin sa paligid. I think I need to go to the dance floor para makaalis na dito sa lalakeng to.


"Oh-kay! Here's your honey tequila..." excited na sabi niya and I was a bit surprised when he leaned forward, "Miss Sydney Salvador..." bulong na dugtong niya.


Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Paano niya nalaman? My god! Tinarayan ko pa siya! Gosh!


"You're not good at disguising, Miss," sabi niya sabay kindat.


Napaawang ang bibig ko. Damn it! Sino ba ang lalakeng ito? Nilapag niya ang shots na inorder ko sa harap, "Castielle, nice to meet you..." sabi niya sabay lahad ng kamay sakin.


A/N: Castielle is pronounced as Caschel :)


He smiled at me widely. Ngumiti nalang ako sa kaniya ng peke. Now that he finally knows who I am then I should behave.


Tinanggap ko ang kamay niya and we shook hands. "Nice meeting you too..." sagot ko at ngumiti ng plastic sa kaniya.


Pagkatapos kong inumin ang last shot habang siya'y naghuhubad na ng apron niya ay umalis ako sa bar counter para lumapit sa dance floor. Pagewang-gewang na akong naglalakad.


Alam kong lasing nako pero kaya ko pa namang sumayaw at magsaya! Wala namang makakakilala sakin kaya there's no need. Sumayaw ako sa gitna ng mga tao and then I bumped into a woman na sana hindi ko nalang nabangga.


It was Alexandrea, kung minamalas ka nga naman. Tinignan niya ako ng may suspicion sa mukha. At nang nakilala niya ako ay ngumiti siya, "I think I found something interesting tonight," sabi niya ng may ngiti sa labi.


Humalukipkip ako, "Well, I found something plastic tonight..." mimicking her voice.


She smirked, mapula na siya and I know she's a little bit drunk like me. May kasama siyang mga babae na mga alipores niya but I don't mind their stares.


Biglang may humawak sa braso ko. Nanlaki ang mata ko ng makita si Castielle na nakangiti. His wearing a sky blue polo and even though it was a simple polo he looked like a goddamn celebrity.


Inalis ko ang kamay niya sa braso ko, "Ano ba?" inis na tanong ko at sinamaan siya ng tingin.


Tumingin ako kay Drea na nakatingin kay Castielle, "Well, would you look at that, Castielle Ongcuanco..." malanding sabi ni Drea, malalapad naman ang ngiti ng mga alipores niya.


"Hi, Alex. Nice to meet you again, mind if I dance with this woman?" tanong ni Castielle kay Drea sabay turo sakin.


Sumimangot ang mga mukha ng mga alipores ni Drea habang naka-smirk naman siya, "Well, of course, Casty..." sabi niya kaya naman tinalikuran niya na kami.


Nawala nga si Drea, pumalit naman si Castielle. Bwesit lang? Kailangan 'kong mag-ingat dahil baka set up to para siraan ako sa showbiz. Nandito pa si Drea.


He started dancing kaya tinalikuran ko siya. He held my arm once again kaya sinamaan ko siya ng tingin.


"If you don't want to be exposed and be trending tomorrow, dance with me..." pang-bla-blackmail niya.


Mas sinamaan ko siya ng tingin at saka nagsimula ng sumayaw kaya naman natawa siya ng malakas. Wala akong magawa kaya bahala na. Ilang minuto din kaming nagsasayaw hanggang sa may hawak na akong inumin habang sumasayaw.


Di ko na nga namalayan na wala na akong suot na glasses dahil nahulog na sa kakatalon. Lasing na ako kaya di ko na alam ang nangyayari. Ang tanging importante ay makasunod sa magandang beating ng kantang tumutunog.


Hinawakan ni Castielle ang bewang ko at inilapit sa kaniya. Wala akong nagawa dahil wala nakong maisip. Gumiling nalang ako at uminom ng tequila'ng hawak ko.


I was dancing when I saw a familiar face heading to our direction. I even saw Drea. Kinukuhanan niya ako ng video or picture. A familiar man got her phone and left Drea shocked.


Habang papalapit siya ay ipinikit ko ang mata ko. Lasing na nga talaga ako! Nakikita ko ang taong imposibleng narito ngayon.


As soon as I opened my eyes I felt Castielle hands left my waist. I saw a man's back blocking Castielle to me.


"Back off, Ongcuanco. She's my girl..." sabi ng isang pamilyar na baritonong boses.


Kumurap-kurap ako at sinubukang silipin ang lalakeng nasa harap ko na nakatalikod. Nang humarap siya ay nanlaki ang mata ko. Kinusot ko ang mata ko dahil imposibleng nandito siya.


Hinawakan niya ang bewang ko at iginiya paalis ng dancefloor. Hinawakan ko ang tiyan niya upang maging ebidensya na totoo siya at ng marealize kong totoo siya ay bigla akong napatingin sa seryoso at medyo galit niyang mukha.


Bumilis ang tibok ng puso ko ng tumingin siya sakin. His dark eyes were making me even more drunk.


"W-why are you here?" tanong ko.






"I really hate seeing you touched, baby. Akin ka lang dapat...akin lang..." seryosong sabi niya na nagpabilis ng tibok ng puso ko.

Continue Reading

You'll Also Like

885K 17K 39
Sa bawat pagpatak ng ulan ang hatid nito ay kasiyahan, sa iba naman ay kalungkutan Sa bawat pagkalanta ng isang bulaklak umuusbong ang isang pang mas...
78.1K 6.2K 37
Tatlong taon matapos mapabilang ni Chancey sa pamilya, naging pressure sa kanya ang pagkakaroon ng anak bilang anak ng Ikauna. Sa araw ng pagkabunyag...
54.7K 1K 52
Isang tipikal na estudyante lamang si Flare Dela Fuente na nais patunayan ang sarili sa lahat. Ayaw niyang may nadidisappoint sa kaniya lalong lalo n...
975 58 33
NOTE: This story is still ongoing and it is not complete yet, so stay tuned for the next chapters that we will publish next time and I hope you enjoy...