DLSU One Shots

By redcalore

45K 996 135

This is a compilation of "one-shots" of the DLSU ships. All of the plots, & events here are purely from the a... More

Mutual (1) - TinDrei
Mutual (2) - TinDrei
Who could have thought? - JeMik
Flipped - CieVan
Arcade - ThomAra
'Til Next Time - JeMik
At Last (1) - ThomAra
At Last (2) - ThomAra
Perfect Strangers - KibMille
Cotton Candy - TinDrei
I. Fangirl - MiCci
Cheerleader - ThomAra
II. Fangirl - MiCci
Standing Strong - ThomAra
A New Blessing - JeMik
All Yours - MiCci
MVP - ThomAra
Forgiveness - KibMille
Babygirl - MiCci
To: VSG - ThomAra
From: TCT - ThomAra
To: TCT - ThomAra
From: VSG - ThomAra
Champ - KibRee
Words Unsaid - ThomAra
Author's Note
Alapaap - TinDrei
Ligaya - ThomAra

Opposite - ThomAra

1.9K 42 0
By redcalore

Nakakapag-panibago talaga ngayon, sanay kasi ako na nasa probinsya, yung tipong hindi ganun ka-crowded at ibang-iba talaga buhay dito sa Maynila.

Pero ano pa nga bang magagawa ko? Sasayangin ko pa ba 'tong scholarship na binigay sakin?

Ako nga pala si Victonara S. Galang, probinsyanang taga Angeles, Pampanga at ngayo'y pagsamatalahang nakatira sa Maynila.

"Araaaa!"

Me: Mika! Bakit?

Mika: Tara kain tayo sa Agno, since kakatapos lang naman ng training natin.

Eto nanaman yung mga nagniningning niyang mga mata pag pagkain ang pinaguusapan.

Me: Osige, sasama ba si Kim at Carol?

Mika: Hindi na daw, kuntento na sila kasama ang magkambal. Hmph, pinagpalit tayo!--Joke (laughs).

Palakad kami papuntang Agno, tapos may napansin akong naglalandian, este magkasintahan sa may SJ walk.

"WALANG FOREVER!" Nagparinig ako para maasar sila, charot. Eh sa totoo naman kasi na walang forever! Magb-break rin sila! Oo na, ako na bitter.

Mika: Huy ano ka ba! Makasabi ka naman!

Siniko naman ako ni Mika, hala 'to, bakit masyadong affected?

Me: Bakit ka affected? Meron ka bang jowa? At kahit anong sabihin mo, hindi rin naman tumatagal yung mga kyemeng ganyan.

Nag crossed-arms ako at deretsyo lang tingin ko.

Mika: Oo meron, hihi. Si Jeron Teng! Yung soon-to-be King Archer beh, sobrang swerte ko nga dun eh..

Okaaaay, so makikinig ako sa mga kilig stories niya habang papuntang Agno? Hehe, not fun.

Mika: Besh, eto na bacsilog natin! Yiipeee!

Me: Mika, ang childish mo kahit ang laki mong tao (laughs)!

Mika: Maka-laking tao ka naman! Basta, kakain nalang ako.

At yun, nagsimula na siyang lumamon, mukha ngang nilalasap lahat eh. Gutom siya ih.

"Miks!" Imbis na si Mika, ako yung tumalikod. Hala, gwapo naman netong lalaking 'to, mas gwapo parin ako btw.

Mika: JEROOOON!

Nilapitan niya yung boyfriend niya tas niyakap, kinamusta, tapos yun. Tekaa, ang familiar nung mukha nung bansot na kasama niya.. Ahh naalala ko na, eto yung may kalandian kanina.

"Ikaw? D-diba ikaw yung kaninang sumigaw ng w-walang forever?"

Me: Oo, ako nga yun. Bakit ka nga pala nauutal? May problema ba sakin?

Napayuko siya tapos tinapik siya ni Jeron sa balikat niya.

"Um, sorry, mahiyain lang kasi talaga 'to. Btw, Jeron nga pala." Nilahad niya yung kamay niya at nakipag-shake hands naman ako.

Gantong lalaki? Mahiyain? Sayang, ma-itsura pa sana. Buti nagka-girlfriend pa 'to. For sure, torpe 'to dati.

Matapos nun sila na kasama namin buong hapon, okay naman silang kasama. Parang chill-chill lang.

Mika: Ara, sorry talaga, sige na.. Mauna ka na sa dorm ha? Kung gusto mo sumabay ka kay Thomas, si Jeron kasi e--

Andito kami ngayon sa may puno, pabulong-bulong pa 'to si Mika, I'm sure naririnig naman siya.

Me: Mika, shh. Okay lang sakin! Alam ko naman na uunahin mo yang babe time mo kesa sakin, charot. May pupuntahan rin kasi muna ako.

Mika: Ahh ganun? Sige, bye naaa!

Tumakbo siya tapos hinila na si Jeron paalis, nagmamadali eh. Baka kasi hindi siya makauwi sa dorm ng tamang oras.

Naiwan kami dito ni Thomas at nagkatinginan pa kami.

Thomas: Ara? Gusto mo bang ihatid kita sa dorm niyo?

Medyo okay na agad kami ni Thomas kasi sinabi ko sa kanya na wag siya mailang sakin, hindi ko naman siya kakainin.

Me: Huh? Hindi na. Kaya ko sarili ko. At tsaka, may pupuntahan pa ako.

Thomas: Edi sasamahan kita sa pupuntahan mo, baka kasi malagot ako kila Mika pag napahamak ka.

Ano ba 'to? Nagpapakilig o sadyang ganto lang siya?

Um-oo nalang ako para maiparating ko na wala namang malisya yung pagsama niya sakin. Kasi WALA naman talaga.

Nasa labas kami ng 7/11 at nakasandal ako sa may mirror at naninigarilyo, katabi ko si Thomas at hanggang ngayon tinitingnan niya parin ako.

"What's your prob? Gusto mo rin?" Sabi ko sa kanya at tinaas ko yung sigarilyo ko.

Thomas: Huh? No.. Ngayon lang kasi ako nakakita ng babaeng naninigarilyo, what I mean is yung friend ah.

Me: Ahh, wag ka magalala, hindi naman ako rebel. Pinagbubutihan ko parin studies ko, rinerespeto ko parin mga magulang ko, hindi naman ako bastos or whatsoever. Sadyang ganto lang talaga ginagawa ko at kung ano-ano pang mga kakulitan.

Thomas: That's good to hear. Pero I'm not judging you o kung ano man, pero hindi mo ba naiisip health mo?

Napaisip-isip ako sa sinabi niya, hindi ko pa kasi nar-realize yun eh, sobrang dalas ko rin naman kasi 'tong gawin.

Me: Hayaan mo na, minsan ko lang naman 'to gawin, kaya chill ka lang.. Pag gusto ko lang magmuni-muni o 'di kaya stressed ganun.

I spent 2 minutes smoking and then 10 minutes to have a chat with Thomas. We talked about our personal lives, what our interests are and so much more.

Thomas: Shall we go?

Tumayo siya sa bench na inuupuan namin at inabot yung kamay niya sakin. Medyo nailang ako kaya hindi ko tuloy agad hinawakan kamay niya.

Thomas: (laughs) Don't worry Ars, may girlfriend ako.

Nakarating kami sa dorm namin ng 8:30pm, buti nga umabot pa kami eh. Kasi 9pm curfew namin.

"Salamat Thomas." Ngumiti ako sa kanya at bumaba sa kotse niya.

Pagbukas ko ng pinto may mga unan na lumipad at nagsitamaan sakin.

"HOOY!! ANO MERON??" Sigaw ko at naka-defense stance pa ako.

Cyd: Umayos ka nga Bictonara!

Carol: Lagot ka inday! Kanina ka pa hinahanap ni Inay.

Sabi naman ni Carol ng naka-pamewang pa.

Cienne: Tsk tsk, ikaw naman kasi Ye! Iniwan mo si Ara!

Aba, aga dumating ni damulag ah.

Camille: Very very bad Mika..

Sabi ni Camille with matching pa-iling iling pa.

Mika: Mga gaga, akala ko ba ang pinagiinitan natin dito si Ara? Bakit napunta na saakin?

Kim: Eh baby bully natin 'to si Arsy eh!

Pagyakap naman sakin ni Kim. Hanggang sa sina ate Cyd, Camille, Cienne, at Carol ay niyakap narin ako.

Mika: So iiwan na ako sa ere? Ganunan nalang ba?

"ASAN SI ARA?!" Napatalon ako ng biglang may sumigaw sa may entrance door namin, leche medyo malapit pa naman ako dun!

"Bye Ara! We love you!" Aba't iniwan ako ng mga napaka-BAIT kong kaibigan.

Paktay na.

5am palang, gumising na ako. Kailangan ko pa kasi magdilig ng mga halaman, tapos mamaya maglilinis pa ako ng dorm. Eto kasi yung nagsilbing parusa ko dahil late ako nakauwi kagabi.

Kahit 8:30pm sakto pa akong dumating, sinermonan pa ako ni ate Mich kasi daw sobrang nag-alala na sila sakin, lalo na't halos rookie palang ako.

Bumaba na ako at nagdilig ng mga halaman. Tapos after nun, naligo na ako at inayos yung mga damit at gamit ko. May training pa kasi kami mamaya.

"Ara, ayus-ayuin mo yung mga serves mo, wag masyadong malakas at wag masyadong mahina ha? Diskarte!" Sigaw ni Coach Ramil.

"Ara!" Lumapit sakin si Cienne tapos ngumiti.

Me: Ano kailangan mo?

Sabi ko sa kanya at patuloy paring pumapalo ng mga bola.

Cienne: Sungit mo bes? Meron ka? Dejoke lang. (laughs) Sa Saturday kasi, merong party. Dun daw sa bar, nakalimutan ko pangalan pero basta yun! And kung gusto mo lang sana, sama ka samin.

Bar? Gora ako diyan, sa Pampanga pumupunta rin ako sa mga bar dun, kasama ko pa nga yung mga ka-tropa ko eh.

Me: Sure. Sino mga kasama?

Cienne: Tayong bullies, then sina Jeron, Thomas, kuya LA and kuya Almond lang.

Me: Bakit tayo lang?

Cienne: Wag mo ako tanungin niyan, dapat si Mika, ayun yung gala queen eh. Osya! Magp-practice pa ulit ako ng mga digs ko.

Nasa bleachers kami ngayon at nagpapahinga, pinag-break muna kasi kami ni coach. Napatingin ako kung saan naka-pwesto ang GA at nakita kong pinupunasan ng pawis nung babae si Thomas. Baka yun yung girlfriend niya.

"O ineng, baka naman may lumabas na kidlat diyan galing sa mga mata mo?" Sabi ni Kim sakin.

Me: Sus! Hindi kaya.

Camille: Anong hindi? Eh halos patayin mo na sila sa mga tingin mo eh

Carol: Bakit baks? Selos ka?

Pang-aasar naman ni Carol. Wow, ako? Magseselos ako sa kanila?

Me: Ano ka, iba crush ko no.

Mika: Ay taray daks, sino yan?

Me: Si Bang Pineda.

Nabuga ni Kim yung gatorade na ininom niya tapos napa-nganga naman sila Mika.

Carol: Bakla naman! May sapak ka ba sa ulo?

Mika: Sa kadami-daming babae diyan, yung bruhang yun pa yung napili mo? At tsaka, ang daming gwapong Green Archer diyan oh!

Camille: Nako, 'di ako pabor diyan, ninakaw niya kaya yung kabiak nung Converse kong sapatos.

Umirap pa si Camille habang sinasabi yun.

Mika: Pwede ba daks? Kung pipili ka, yung maayos-ayos, tingnan mo nga Twitter niya oh. Hindi yata uso sa kanya yung kahihiyan, lakas ng loob mag-tweet ng ingles mali-mali naman grammar!

Me: Teka nga lang, hindi niyo pa masyadong kilala si Bang! Makasabi naman kayo diyan!

After training, gumala muna ako sa Glorietta para makapag-relax muna. Medyo nakaka-stress narin kasi.

Naglalakad ako ng biglang may nabangga akong babae.

"Ay miss sorry!"

"Hindi, okay l--Ara? Ara Galang?" Natameme ako kasi pakshet ang ganda ni ate. Pero paano niya ako nakilala?

Me: Oo ako nga yun, paano mo 'ko nakilala? Ikaw ba? Ano pangalan mo?

"Arra rin, pero double 'r'. Arra San Agustin. Sikat ka kasi sa school tinatawag ka narin kasi nilang taft talent eh."

Me: Ahhh, ganun ba. Wait, diba ikaw yung girlfriend ni Thomas?

Arra: Oo ako nga yun, pano mo nalaman?

Me: Friends kasi kami, tapos na-kwento ka niya sa'kin.

Arra: Ohhh, punta tayong Starbucks, para makapag-usap tayo ng maayos.

Pagpunta naming SB, nagtawanan kami, kwentuhan at iba pa. Marami rin pala kaming things in common pero siya, yung tipong girly tas ako naman boyish.

To be honest, naiinsecure ako, bakit ganun? Siya binayayaan ng kagandahan tapos ako hindi?

After a long and stressful week, finally weekends na. Kaya eto, nasa kwarto kami tapos naghahanda na sila ng mga damit nila para mamayang gabi.

"Beshies! Ano ba pwede kong suotin mamaya?" Tanong ni Mika samin.

Cienne: Mikang! Wag mo akong gagayahin ah. Ang akin kasi yung sweater kong green tapos maong shorts with a pair of Vans.

Mika: Sus naman Cienne! As if! Syempre kailangan ng originality.

Kim: Ang aarte niyo, pupunta lang naman sa bar.

Camille: It's not JUST a bar Kimmy.

Me: Wews Camille may ganun pang nalalaman?

Carol: She's actually right Arabells.

Kim: Manahimik na nga kayo! Sige na, pag patuloy niyo na yang mga kaartehan niyo.

Matapos yun, tinext na ni Mika sina Thomas, sabi nila aalis na daw kami ng mga 5pm, eh 4:30pm na sa orasan namin kaya hinihintay nalang naming sunduin kami.

Nakadating kami sa bar tapos dumeretsyo kami sa isang room, siguro reserved lang yun para saamin.

LA: O, minsan lang ako mag-aya ng ganito ah! Super mini-party lang 'to, more on get-together na nga lang eh.

Almond: Andoon sa may gilid yung mga alak and snacks if you want. Basta free kayo gawin lahat.

Kaming bullies nag-kwentuhan lang at nag-hintay na malasing.

Siguro mga ilang oras narin nakalipas, baka nga mga 8pm na eh, kaya nag-aayos na ng mga gamit at sarili sila Jeron kahit lasing na.

Ako hindi parin talaga eh, mataas kasi alcohol tolerance ko. Kaya kering-keri.

Buti nalang talaga may driver sila kuya Almond, kundi lagot na. Walang makakapagdrive.

LA: Ara.. Ikaw nalang mag-drive sa sasakyan ni Thomas ha? Baka mabangga pa eh. Saluhmut.

Sabi ni kuya LA sakin habang pa-gewang-gewang na. Well, I have no choice, kesa naman mapahamak pa 'tong kaibigan ko.

Pasalamat nalang 'tong si Thomas dahil natuto na ako mag-drive simula palang nung grade 6 ako. Nakarating ako sa gate ng dorm nila at lumabas na ng kotse ni Thomas para buhatin siya.

Knockout na knockout! Aba, buti nalang kamo na lasing siya, kung hindi, 'di rin ako papayag na gawin 'to.

Me: Thomas ano ba yan, ang bigat mo.

Habang alalay ko si Thomas, kakatok pa sana ako sa pinto, kaso bigla nalang 'to bumukas. Hindi na ako magtataka kung mananakawan sila ngayong gabi.

Binagsak ko si Thomas sa sofa nila at kumuha ng tabo na may tubig at nakita kong may malinis na towel sa may cr nila, kaya dinala ko yun at lumapit kay Thomas para punasan yung mukha niya.

Habang ginagawa ko yun nagulat nalang ako ng bigla niyang hawakan kamay ko at nagsalita habang nakapikit.

Thomas: Ang ganda-ganda mo Ara..

Sus! Malamang girlfriend niya tinutukoy niya, wag kang assumera Galang! At diba sabi mo gwapo ka? Kaya dapat, hindi ka papayag na sabihan ka ng maganda!

Thomas: Kahit nung unang pagkikita palang natin.. Naisip ko na sana akin ka nalang..

Nakalipas ang isang buwan, wala akong ginawa kundi iwasan si Thomas, naaawa na nga ako sa tao, kasi feeling niya may mali siyang ginawa nung gabing hinatid ko siya sa dorm nila.

Alam niyo yun? Yung feeling na iniiwasan ka ng isang tao tapos walang-wala kang alam kung bakit..

"Arabella! Samahan mo ko sa dorm ng Green Archers, may ia-abot lang ako kay Jeron." Sabi ni Carol habang nakahilata ako dito sa kwarto namin.

Me: Iba nalang.. Wag ako.

Carol: Pag hindi ka bumangon diyan kukurutin kita sa tagiliran mo! Arte mo naman kasi, may mga churva ka pang nalalaman na pag-iiwas, tapos ni-isa samin wala kang sinabihan na dahilan.

Umupo siya sa tabi ko at umupo narin ako sa kama.

Carol: Mapagkakatiwalaan mo naman ako Ara eh, sa ganda kong 'to? Hindi mo ko pagkakatiwalaan? Nako! Very very impossible.

Napa-buntong hininga nalang ako at sinabi sa kanya lahat-lahat.

Carol: O TO THE M TO THE G! Ayun naman pala! Ihh! Sabihin mo nalang sa kanya yan bakla!

Me: Ayoko Carol, ayokong mas lumala pa.

Carol: Ay grabe siya oh, kung ayaw mo sabihin, edi samahan mo nalang ako. Bilisan mo na diyan! Baka malamon ako ng reyna.

Pagpunta namin sa dorm ng Archers akala ko makaka-alis agad kami, kasi dinaldal pa ni Carol si Gab, edi eto, nasa sala nila kami tapos ako nakatingin lang sa kanila.

Alam ko namang sinasadya 'to ni Carolita.

Gabby: Ara, pa-suyo naman oh, kunin mo sa kwarto ko sa taas yung cellphone koo. Salamaaat!

Magagaling talaga!! Wala akong nagawa kundi sundin siya, tutal nasa dorm nila ako.

Nakita ko yung cellphone ni Gab sa ibabaw ng desk niya, kaya kinuha ko ito at paalis na sana.. Nang biglang may sumarado ng pinto tapos ni-lock.

Thomas: Ara, I'm freaking tired. Pagod na pagod na ako kaka-habol sayo! Simpleng dahilan lang naman hinihingi ko, bakit ba parang sobrang big deal nun sayo?

Sa boses niya, halatang nagmamakaawa at naga-alala siya.

Thomas: Ara naman oh, mag-salita ka.. W--

Me: Thomas, hindi ko kasi kayang mahulog sayo.

Nanlaki mga mata niya nung narinig niyang sabihin ko yun, well, it's now or never..

Me: Hindi pwede, at ayoko! OA ko diba? Simpleng pag-tibok lang ng puso feeling ko maf-fall agad? Pero kasi diba doon rin nags-simula yun? Na-inlove na ako Thomas, at alam na alam ko na 'to. Hindi ko rin ma-explain kaya inis na inis ako sa sarili ko. Pero ang problema kasi.. Hindi talaga eh.. Bawal..

Thomas: Bakit Ara? Palagay mo ba sasaktan kita? Lolokohin kita? Hindi ako ganun Ara, kung sa tingin mo dahil kay Arra San Agustin 'to? Wag ka mag-alala wala na kami.. Kas--

Me: Kasi ganun rin nararamdaman mo sakin? Pwes, Thomas tigilan mo na yang mga nararamdaman mo para sakin, kasi wala ring mapagha-hantungan yan, masasaktan ka lang.

Thomas: Pero bakit nga?! Sabihin mo sakin yung dahilan please! Nagmamakaawa ako.

Me: KASI MAGKA-IBA TAYO, MAGKA-SALUNGAT TAYO, OPPOSITE TAYO! Kung ano ako ngayon eto lang ako! Wala ng magbabago! Kasi baka pag nagbago ako para sayo, masaktan lang rin ako sa huli, ayoko na. Hindi ko na ulit gagawin yung pagkakamaling yun..

Thomas: Ar--

Me: Sorry, pero hanggang dito nalang tayo.

Thomas: Ara hindi, kahit pagtabuyan mo pa ako hindi ako bibitaw. Nahulog na rin ako sayo, at hindi ko na 'to sasayangin pa. Give us a chance Ara, please? I promise, hindi kita sasaktan. Ipaglalaban kita hanggang huli. Pagbigyan mo na ako.. Please?

Me: Pero Thom, paano kung bigla nalang magbago tingin mo sakin? Paano kung hindi mo ko matanggap ng buong-buo?

Thomas: Ara hinding-hindi mangyayari yun, ngayon pa nga lang tanggap na tanggap na kita eh.

Me: (sighs) Okay Thomas, I'll give us a chance. (smiles)

Thomas: Thank you Ara!

Niyakap niya ako tapos sabay kaming bumaba ng hagdanan.

Carol: Yes! Bati na sila oh! Teka, picture muna kayoo. Huhu sobrang bet!!

Pagkatapos kaming picture-an ni Carol sinend niya yun kay Thomas para siya nalang daw magp-post, wala pa sigurong 5 minutes bigla nalang nagvibrate phone ko tapos may nag-notif.

@iamthomastorres: thank you @VSGalang  😊💚 instagram.com/p/asWyghIkljop

***

Writer's Note: Hello!! Any thoughts? 😄 Paalala ko lang po, yung mga nakasulat dito all from my imaginations kaya hindi po lahat dito totoo. 🙌 And btw, POV lang po talaga 'to ni Ara, wala na pong POV for Thomas oki? 😋

Continue Reading

You'll Also Like

96.5K 3.5K 57
There's one person who are meant for us ... One person that will let us feel how perfectly imperfect we are. When Mikha met Aiah's eyes she knew at t...
355K 6.8K 112
First 🤩😍 read na guys
37.8K 1.1K 72
Compilation of Vhoice stories.
2.6K 577 130
Park Jimin- a.k.a- Jess/jass Min Yoongi- a.k.a- Red Kim taehyung- a.k.a- Fatima Jeon Jungkook-a.k.a- Luigi Kim Namjoon- a.k.a- Neil Kim Seokjin- a.k...