I. Fangirl - MiCci

1.4K 26 8

3RD PERSON'S VIEW

Papunta si Michelle at Bettina sa Razon para panuorin yung training ng Green Archers, mga ordinaryong estudyante lang rin sila na nag-aaral sa DLSU.

Lagi silang pumupuntang Razon lalo na pag may training yung mga hinahangaan nila, pero ang pinaka-paborito nila sa Green Archers ay yung rookie na si Ricci Paolo Rivero.

"Bettina ano ba! Oo may training sila pero diba may thesis ka pa?" Alalang tanong ni Michelle kay Bet.

"Ahh ehh, oo, pero last na 'to! Kasi sa next training nila 'di na talaga ako pwede manood."

"Hay nako! Iniwan mo pa talaga si Noreen para dito ah? Ano ka ba, asa ka naman na magiging close at magugustuhan ka ni Cci no!"

"Excuse me Michelle Cobb! Hindi naman natin nap-predict ang future diba? Malay mo naman."

"Excuse me rin Bettina Caceres, napaka-assumera mo, ni hindi ka nga makapagpakilala kay Ricci at hindi ka pa nga niya nanonotice eh! Tapos ganyan pa pangarap mo."

"Ay nako dami mong satsat! Halina dun, baka 'di natin maabutan training nila." Madaling-madali naglakad si Bettina dahil excited na siya makita yung ultimate crush niya.

"Iiihhh!! Ang galing talaga ng Ricci ko!" Kilig na kilig si Bettina habang pinapanood maglaro si Ricci.

"Ano pa nga ba mae-expect ko? Lagi namang ganito si Bettina pag nakikita niyang naglalaro si Ricci." Sabi ni Michelle sa isip nya.

Actually, si Bettina naman talaga yung wild talaga na fan, yung tipong alam na alam yung schedule nila, yung mga paborito niya, family members niya, kaibigan niya, yung ayaw niyang may nam-miss siyang game. Halos lahat na rin alam niya, kulang nalang eh ipakasal na siya dun eh.

Samantalang si Michelle naman, parang tama lang, kilala niya si Ricci at nag-gwapuhan at nagagalingan siya dito. Nagkataon nga lang yun eh, dahil bestfriend niya si Bettina, sinasama siya pag manonood siya ng games or trainings.

"Cci tingnan mo yung babae sa may bleachers oh! Nandito nanaman kasama yung babaeng laging tumitili." Bulong ni Aljun kay Ricci.

Napatingin si Ricci sa bleachers at pinagmasdan yung mukha nung babaeng tinutukoy ng kaibigan niya.

"Ahh oo, lagi yang andito, tapos nakikita ko rin yang nanonood ng games natin minsan."

"Maganda siya bro, try mo kayang pormahan."

"Ayan ka nanaman Aljun ah, yung mga porma-porma mong yan, kaya pala ang dami mong ex eh."

"Hoy! Hindi kaya! Imbento 'to."

"Masyadong defensive? At ano ka ba, fan yan eh."

"So? Akala ko ba everybody deserves to be loved? May pa-ganun ka pang nalalaman tas sasabihin mo fan lang yan."

Napaisip-isip si Ricci sa sinabi ni Aljun, at ulit siyang napatingin dun sa babaeng nasa bleachers na nanonood sa kanila.

"Melecio, Rivero, tama na yang pagd-daldal niyo! Back to training!" Saway ni Coach Aldin sa kanila.

MICHELLE'S POV

DLSU One ShotsBasahin ang storyang ito ng LIBRE!