Words Unsaid - ThomAra

799 27 1

"Huy sumikat na si haring araw andiyan ka padin sa may bintana! Hinihintay tayo nila Kimmy sa baba." Nang matauhan ako sa sinabi ni Mika, kinuha ko na bag ko at bumaba.

Sana kasi..

"Ara, okay ka lang?" Pasakay na ako ng van ng biglang hinawakan ni Cienne kanang balikat ko. Ngumiti nalang ako. Syempre kahit masakit, ngiti lang diba? I can endure the pain kahit may sudden jolt hahaha charot.

Ilang oras ng nakakalipas simula nung gabing yun, hindi ko alam kung bakit pero parang sising-sisi ako nung ginawa ko yun. Bakit ba kasi hindi ko nalang sinabi yung totoo?

Yung katotohanang--

"Andito na tayo!" Sigaw ni Carol.

"Kaloka, nag-van pa tayo eh malapit lang naman pala 'tong pupuntahan natin." Reklamo ni Mika.

"Aba't magpasalamat ka nalang at may nasakyan diba." Sagot ni Kimmy.

Pagbaba namin, dumeretsyo na kami sa mga sari-sarili naming kwarto. Bale roommate ko si Cams. Sila, nagsibihisan na ng swimsuit, samantalang ako, white floral dress lang na may suot na sandals. Hindi naman pang mall, yung appropriate for beach wear naman.

Lumabas na kami ni Camille; and as usual, may comment agad si baks.

Mika: Ara! Napaka-conservative mo naman! Sayang ganda kung hindi ipapakita.

Kim: So wala kang mapapakita?

Mika: Ay nagsalita..

Kim: Sino, ikaw ba?

Mika: Ay nagsalita ako! Sabi ko nga diba?

Me: Okay lang yan Mika, kayo nalang muna magtampisaw sa dagat, wala ako sa mood.

Ningitian ko sila, pero alam kong hindi pa yun sapat para makumbinsi sila na okay lang ako. Okay nga lang ba? 

Pero deep inside, alam kong naiintindihan rin nila ako. Kaya tumungo nalang si Cienne at umalis na sila. Nakaupo lang ako sa isang bench habang tinitingnan sila.. Ang saya siguro makisama no? Kaso wala din eh, parang hindi ko ramdam yung vibe na yun.

"Hinay lang Arsy, baka matunaw mga kaibigan natin." Tumingin ako sa tabi ko tas nakita ko si Kim.

Me: Pamatay ba titig ko? (laughs)

Kim: Oo, tawa mo din pamatay. Mag-tigil ka nga Ara, wag mong pagpilitan sarili mong sumaya, dadating at dadating din yan. Alam kong masakit, kaya take time. Give some space for yourself. Wala naman tayong hinahabol na oras dito eh.

Nagulat ako sa sinabi ni Kimmy. Maloka 'to, pero maaasahan mo siya pagdating sa mga ganito. Niyakap ako ng Kim at umiyak lang ako. Para akong tanga diba?

Me: Ay sorry Kimmy!! Napaiyak pa tuloy ako.

Pinunasan ko mga luha ko at ngumiti padin.

Kim: Gaga, wag ka magsorry. Never naging kasalanan na umiyak okay?

Me: Thank you, Kim.

Nung mags-sunset na, nag-bonfire kami. Nakapalibot kami sa apoy tas gumagawa ng s'mores. 

Carol: O? Asan si Camille?

Cienne: Hala oo nga no? Ewan ko, baka may inasikaso lang.

"Ops, may kailangan mag-open up diyan.." Lahat sila nagsitinginan sakin nung sinabi ni Mika yun.

Cienne: Hindi mo pwedeng kimkimin lang yan Ara, ilabas mo yan.

Carol: Andito naman kami para makinig sayo no!

Huminga muna ako ng malalim, at tumingin sa kanila. Halata nga sa kanilang mga mata yung pag-aalala nila. Ang swerte ko nga naman.

Me: Guys, ang hirap lang. Ang hirap yung matatabunan ka ng mga pagsisisi, yung tipong, nanghihinayang ka kasi hindi mo nagawa o nasabi yung isang bagay na sana matagal ko nalang din sinabi. Lalo na't, hindi naman madaling makawala sa nararamdaman ko na 'to. Ano na? Ano na mararating neto?

Hindi ko namalayan yung mga luhang dumadaloy sa mga pisngi ko. Tumayo si Mika, tas tumabi sakin. Niyakap niya ako then nakigaya nalang din yung iba.

"Araaaa!! May naghahanap sayo, nasa cottage natin siya." Pagmamadaling sabi ni Camille.

Nauna ako at pumunta dun. Habang palapit ako ng palapit, napapamilyar ako sa figure na yun. Hanggang sa yun nga.. Siya nga.

"Ara.." Ganun padin, ganun padin yung malambing niyang boses at bigla niya akong niyakap.

As usual, eto nanaman, umiiyak nanaman ako. Napaka-iyakin mo Ara.

"Thomas ano ginagawa mo dito?" Tiningnan niya ako sa mga mata ko at..

Bigla niya akong hinalikan.

Nabuhayan ako at hindi ko inakala na mangyayari 'to.

Me: Thom, paano ka napadpad dito?

Thomas: Ara, sa tingin mo ba hahayaan nalang kitang iwan? Syempre hindi diba.

Me: Pero bakit? Ano ba meron sakin?

Thomas: Kaya kita kinausap kahapon kasi aamin ako. Aaminin ko na. Aaminin ko na mahal kita. Kaya hindi ko alam kung bakit ka nalang biglang umalis na umiiyak. Kinabukasan, kinausap ko si Camille. Hindi ko kakayaning magiging ganun ka Ara, nag-aalala ako ng sobra.

Me: Natatakot kasi ako..

Yumuko ako dahil hindi ko siya kayang tingnan ng deretsyo.

Thomas: Bakit ka natatakot? Dahil ba sa mga sinabi ko? Wag ka mag-alala, hindi naman kita pinipilit na magustuhan mo ko pabalik. Sinabi ko lang 'to kasi hindi ko na kayang itago sa sarili ko. Etong pagmamahal ko sayo? Ibang-iba 'to. Walang makakatalo neto.

Me: Hindiiii yun! Natatakot ako nung araw na yun kasi hindi ko din alam kung tatanggapin mo ko dahil mahal din kita. Hindi ko nga aakalain na magmamahal ka ng isang Ara Galang.

Thomas: Bakit naman? Ara kung alam mo lang.. Kamahal-mahal ka. You deserve genuine happiness and love. At kung okay lang sayo, gusto ko sanang ibigay o iparamdam sayo yun. Iingatan kita at mamahalin ng buong puso ko.

Tumingala at tiningnan ko na siya sa mga mata niya.

Etong lalaking 'to?

Matagal ko ng mahal.

Matagal ko ng nakasama.

Matagal ko ng naging kaibigan.

At matagal ko na ding pinangarap na mapasaakin.

Aangal pa ba ako?

Me: Yes Thomas. Tatanggapin kita.

Pinakita niya ulit yung nakakatunaw niyang ngiti at hinalikan ulit ako. Ramdam na ramdam ko na yung saya ng mga puso namin ngayon, at may tiwala akong tatagal 'to.

Sa lahat ng pagsisisi na naramdaman ko..

It only took 2 words to make this love a reality.

***

Writer's Note: So ang tagal kong nawala hahaha. Shookt ako sa views and likes guys!!! Thank youuuuu! Love na love ko kayong lahat huhu. Kamsahamnidaaa! Sana nakabawi ako kahit papaano hihi. :--)

DLSU One ShotsBasahin ang storyang ito ng LIBRE!