Flipped - CieVan

1.1K 18 0

CIENNE'S POV

Me: Ano ba yan AVO! Kakatapos lang ng relasyon niyo ni Julia may kapalit na agad? Tigilan mo nga yang pananakit ng mga damdamin ng mga babae. Tao rin sila no!

Nakakahilo naman tong si AVO, mas mabilis pa siya sa wifi namin sa pagpapalit ng babae.

Sa totoo lang? Nasasaktan ako pag nagk-kwento si AVO tungkol sa mga babaeng gusto niya o yung mga babaeng balak niyang ligawan.. Tanga ko kasi no? Mainlove ba naman sa childhood friend mo.

"Huy Cienne!"

"H-haa?" Nabalik ako sa realidad ng pitikin niya noo ko.

AVO: Tutulungan mo ko diba?

Me: Ahh oo, sino ba yan?

AVO: Si Hannah. Hannah Gonzales.

Me: Hannah? Eh katabi ko yun eh, lagi ko yung partner sa mga tasks.

AVO: Close kayo? That's good news! Kailangan bukas okay na lahat, alam mo naman strategies ko diba? Eto bilhin mo muna yung mga andito sa listahan na ibibigay ko sayo then pakilala mo ko, you know how to do it na diba? Just go with the flow nalang ulit.

Tumayo na siya at naglakad palayo. Lintek na yan, kung alam mo lang sana.

Sa pagpapakilala kay AVO, hindi naging mahirap, sikat rin kasi yun, kaya madami ng may kilala sa kanya.

It's been a month simula nung niligawan ni Arnold si Hannah, at siguro ilang weeks lang siya nanligaw, sinagot agad ni Hannah. Sana ako nalang yun, ay hahaha.

Pero ngayong gf na ni Arnold si Hannah syempre kumalat sa buong school. Magpapahuli pa ba yan?

Kada recess at lunch, pati na nga rin uwian eh. Magkatabi yan, KASAMA NAMIN. Nakakabadtrip nga eh, imbis na kaming dalawa lang nagu-usap may isa pang dagdag, pda pa sila ah! Hindi manlang nahiya.

Kaso pano ba yan guys? Walang forever.

Eh ano pa bang magagawa ko? Mukhang kay Hannah na talaga na-fall yan si AVO, kasi kung ic-compare mo siya sa mga naging ex niya? Halos buong mundo na ibigay niya sa kanya eh, 'di katulad nung mga past niya.

"Girl!" Napalingon ako sa likod ng makita ko si dora--este Kim pala, Kim Fajardo. Believe it or not, mas girly pa sakin yang loka na yan!

Me: Bakit kimmy?

Kim: Samahan mo naman ako sa mall! Uwian narin naman eh, please bes?

Me: Ano? Bibili ka nanaman ng damit? Ang dami mo ng damit diba? Puputok na nga yung cabinet mo eh.

Kim: Ahhh ganon? Baka gusto mong sab--

Inakbayan ko nalang siya para manahimik na.

Me: Sabi ko nga maganda ka. Tara! Gora na!

Nakarating kami sa MOA. Siguro 5pm? Basta mga ganung oras. Nandito kami ngayon sa department store, ako nakaupo malapit sa fitting room. Si Kim kasi kung ano-ano pang piniling mga damit kaya ang tagal!

"(laughs) Ano ba!" Wait teka, parang pamilyar ata yung boses na yun ah?

Nag-ala ninja ako at nagtago sa may mga damit at sinundan yung boses na yun.

Sabi na eh, si Hannah yun. Malanding 'to, sa department store pa talaga nakikipaglandian kay AVO. Nawalan na ako ng interes dahil baka masuka at masaktan lang rin ako sa makikita ko.

"Ano ba Dave!"

Ay iba naman pala kalandian. Nakadapa na ako para ma-picture-an sila at para mas magandang view.

DLSU One ShotsBasahin ang storyang ito ng LIBRE!