Cotton Candy - TinDrei

1K 26 2

TIN'S POV

Me: Ate Cyd! Tara kain tayo sa Agno.

Cyd: Sandali lang, ayusin ko lang 'tong mga gamit ko tas diretsyo na tayo doon.

Kakatapos lang namin mag-training at pati rin yung pags-shower. Natira kasi kami ni ate Cyd dito dahil may importante daw pupuntahan sila ate Mika.

Cyd: Hindi ka manlang nagsuklay o kahit nagpunas ng buhok mo. Tingnan mo oh! Basang-basa.

Me: Okay lang yan ate Cyd! Matutuyo rin naman yan.

Cyd: Bahala ka, whatever makes you comfortable nalang. At tsaka, wag ka nga muna mag-cellphone habang naglalakad! Baka mabangga ka pa niyan eh.

Me: Ateeee kaya ko 'to! Don't worry. (smiles)

Habang naglalakad kasi kami ay nakatutok lang ako sa phone ko, I can manage rin naman, except nalang kung may shu-shunga shungang babangga sakin.

"Ganto kasi yan--" Aray! Sakit nun ah!

Me: Pwede ba! Tingnan mo dinadaanan mo!

Napasigaw ako dahil sa pagkainis ko. Leche! Pati buhok ko nadamay. Sana pinakinggan ko na nga lang rin si ate Cyd kanina, tingnan mo. Yung cotton candy niya kumapit sa buhok ko.

Guy: Wow ah, coming from you?

"Bro, wag mo na patulan." Sabi nung kasama niya, aba dapat lang!

Cyd: Sorry Andrei, Aljun. Medyo makulit rin kasi 'tong baby ko.

Ahhhh, so si Andrei pala 'tong nakabangga sakin, tas si Aljun yung kasama niya. Wait.. Andrei? Caracut? Yung shiniship sakin? If I know lang na may ugali rin pala 'tong nakakairita, pinigilan ko ng kiligin sa mga kwento ng mga shippers namin no!

Andrei: Fine. Basta ate, pakisaway nalang ulit next time. Nasayang tuloy cotton candy ko.

Me: EH IKAW NAMA--

Andrei: Hep! May klase pa ako at wag mo kong sisimulan. Tch, bye ate Cyd! (waves)

Aljun: Tsk, hay nako Willie (mumbles). Bye ate Cyd! (smiles)

ANDREI'S POV

Nasa Razon ako ngayon at hinihintay ibang teammates ko, training kasi namin eh. Inagahan ko na pag dating ko para hindi na ako magmamadaling pumunta dito pag mal-late na ako. Hassle kasi eh!

Kib & Aljun: WILLIE!!

Eto nanaman sila, sarap umpugin ng mga 'to eh. Joke lang! Love ko 'tong dalawang 'to no!

Lumapit silang dalawa sakin at nakiupo sa bleachers, nags-suot kasi ako ng sapatos. For sure, maghahanda na rin 'tong mga 'to.

Aljun: Alam mo ba Kib, yang lalaking yan pumatol pa sa babae kanina.

Me: Anong pumatol? Loko ka ah! Diba nga 'di ko na siya tinuluyan pa.

Aljun: Eh kahit na! Parinig ka ng parinig kanina, parang tuloy ikaw yung babae. Nako naman, cotton candy lang nasayang ah!

Kib: Tss. Pano ka makaka-diskarte niyan willie? Kung yang unang babaeng na yan nag-iinit na ulo sayo. Teka, sino ba yan?

Aljun: Ano nga ulit pangalan nun bro? Tri, Trish, Ti..

Me: Tin, Ernestine Tiamzon.

TIN'S POV

Kianna: WAAAAAHH!!! TINTIN BA'T MO SINUNGITAN?!!!

Ayan, nag-drama na po si ate Kianna. Umarangkada na ang pagiging president of ships niya. At dahil dun lahat ng mga ships pinu-push niya, kasama nga dun yung TinDrei eh.

Me: Ate naman kasi, nakakairita siya eh!

Kianna: Hindi yun excuse Tin! Lahat naman tayo naiirita diba? Pero, huhu sayang talaga yun.

Me: Bahala ka na nga diyan ate Kianna. (laughs) Punta muna ako sa tindahan magpapaload ako!

Kianna: Teka, sama ako!

Ang bipolar naman neto ni ate. Kanina umiiyak na ewan tas ngayon biglang bumalik sa normal. Intense nga siguro regla neto, dejoke lang.

Habang papunta kami sa tindahan ni Aling Presy, may nadatnan akong familiar na figure at mukha. Hindi ba si?

Kianna: Aljun!

Hala, sina Aljun, Kib at Andrei! Asdfgihjk wrong timing!

Aljun: Hi ate Kianna! O? Tin, ikaw nanaman! (laughs)

Kib: What a coincidence nga naman. (smirks) Kianna san kayo pupunta?

Me: Umm, pupunta po--

Kianna: Pupunta ako sa 7 eleven tapos si Tin pupunta kay Aling Presy, kasi diba magpapaload ka?

Me: Huh? Dib--

Kianna: Kayo Kib? San kayo pupunta?

Kib: Ahhh kasi pupunta rin kaming 7 eleven ni Aljun. Diba?

Akala ba nila 'di ko nahahalata yang pinag-gagawa nila? Tss.

Aljun: Oo, tapos si Drei pupunta rin kay Aling Presy.

Andrei: Ano? Edi sasama nalang ako sa inyo!

Kib: Ano ka ba! Gusto ni Thomas ng chichirya dun kay Aling Presy!

Andrei: Eh wala namang pinagkaiba yun eh. High ka ba?

Aljun: Ahh basta! Tara na!

Bigla nalang nagsi-takbuhan at iniwan kami dito. Ang awkward tuloy.

Habang papunta kami sa tindahan, nabalot kami ng katahimikan, ano pa nga bang paguusapan namin matapos nung nangyari kanina?

Andrei: S-sorry... Sorry sa inasta ko kanina sayo.

Me: Huh? W-wala yun!

Andrei: Weh? Sure ka?

Me: Oo, hehe. Sorry na rin, sinungitan pa kasi kita kanina.

Andrei: It's okay. (smiles)

O kalma ka girl! Ngiti niya lang yan!

Andrei: Oh wait! Ayun oh, may nagtitinda ng cotton candy! Gusto mo?

Me: Cotton Candy? Diba yun yung kumapit sa buhok ko kanina? (laughs)

Andrei: Ay oo nga pala! (laughs) Edi let's start again!

So yun na nga nangyari, imbis na magpaload ako at bumili siya ng chichirya. Nauwi kami sa pagbibili ng cotton candy magdamag.

Me: Andrei, thank you nga pala! (smiles) Siguro hanggang dito mo nalang muna ako ihatid sa may gate namin.

Andrei: Sige, bye Tin! Goodnight. (smiles)

Me: Goodnight rin! (giggles)

***

Writer's Note: Please comment your thoughts para malaman ko kung may kailangan po ba akong ibago. 😄 Thank you in advance. 💚

DLSU One ShotsBasahin ang storyang ito ng LIBRE!