From: VSG - ThomAra

872 37 11

Kahit sinabi ko kay Ara na 10am meet-up namin, 9am ako pumunta, kasi ako rin naman nag-yaya baka ma-late pa ako. Ayoko ng masayang 'tong pagkakataon na 'to kung dadating nga siya.

Andito ako sa kitaan namin ni Ara dati, may bench dito tapos puro halaman lang, pero hindi siya yung tipong lugar na ma-insekto, mahangin rin kasi dito kaya presko.

Bago ako pumunta dito syempre bumili ako ng mga pagkain ko at pagkain rin ni Ara kung dumating siya.. Sana nga dumating siya. Nagdala nalang ako ng libro and powerbank incase na ma-lowbatt agad phone ko.

Medyo napatalon ako nung biglang nag-vibrate yung inuupuan ko, yun pala phone ko lang, tumatawag kasi si Kim.

"Thomaaaas!!" Napalayo ko sa tenga ko yung cellphone sa lakas ng sigaw ni Kim.

"Ano yun Kim? Sakit sa tenga!"

"Pasalamat ka nga tinawagan kita eh, si Bang daw naka-uwi na!!" Aga naman umuwi? Akala ko ba buong linggo?

"Ha? Ang aga naman? Diba sabi mo sakin isang linggo siyang mawawala?"

"Hay, sana nga hindi na siya bumalik eh.. Pero merong mas kailangan tayong alalahanin si Ara wala daw sa condo nila, kaninang umaga pa daw. Tapos may iniwan daw siyang sulat.. Para sayo."

Agad-agad akong nakipagkita kay Kim at sinabi kong sabay kaming pumunta sa condo nila Ara.

Pagdating namin dun, kumatok kami at bumungad ang nakasimangot na mukha ni Bang. Nakakatakot.

"O ba't kayo andito? Wala nga si Ara diba?" Pagtataray niya samin.

"Wag ka mag-alala hindi ka namin tinotokhang, yung sulat kasi." Pumasok nalang si Kim sa loob at nakita yung sulat na nakapatong sa coffee table.

"Sorry sa pag-abala." Is-sarado ko na sana yung pinto ng biglang hawakan ni Bang braso ko.

"Siguro naman masaya ka na Thomas no? Salamat ah!" Tinulak niya ako at sinarado yung pinto ng malakas.

"Luh? Lakas ng tama nun? Anong problema nung gagang yun?" In-assist ako ni Kim at binigay sakin yung sulat.

Thomas,

Alam kong hindi pa huli ang lahat, diba may pag-asa pa naman? Sorry sa lahat ng sakit na nadulot ko sayo, sorry kung pinahintay kita ng matagal. Pero eto na ulit ako, kung hindi mo ako matatanggap okay lang, ako naman ngayon ang maghihirap para sayo.

Tinext ako ni Bang ng madaling araw, uuwi na daw siya, kaso kailangan ko na din umalis kaya iniwanan ko siya ng may dalawang sulat. Isa para sa kanya at isa para sayo.

Nabasa ko yung text mo, pero mas okay sana kung magkita tayo kung nasan ako ngayon.. Yung lugar kung saan tayo unang nagkatinginan? Sana naaalala mo pa yun.

Andito lang ako, hihintayin kita.

-- V

"Ano sabi sa sulat?" Ngumiti nalang ako at tumakbo paalis. Pero narinig ko parin yung sigaw sakin ni Kim.

"Sira-ulo ka! Wala akong dalang pamasahe! Jusko magsama nga kayo ni Victonara!"

Alam ko kung saang lugar yun, parehas naming paborito yun eh, kasi dun kami nagt-training noon. Sa Razon.

Pagpasok ko dun parang wala namang tao, sobrang tahimik. Hanggang sa nakarinig ako ng bola, siguro basketball yun kasi parang din-dribble eh.

Papunta ako dun sa lugar kung san ko naririnig yun at may nakita akong babae na nags-shoot. Likod palang kilala ko na, kaya nilapitan ko siya at binackhug.

"Mmmm, bango." Sabi niya, hays ang cute talaga ng boses neto.

"Sniff awaaay." Mas hinigpitan ko pa yung hug ko sa kanya dahil miss na miss ko na talaga 'tong gawin.

"Tara laro tayo!" Inagaw ko sa kanya yung bola at nagdribble-dribble. Pero parang 'di siya gumagalaw kaya humarap ako sa kanya habang hawak yung bola.

Siguro kung yelo kaming dalawa kanina pa kami lusaw, grabe maka-tingin 'tong babaeng 'to. Ang lala eh.

Naglakad siya papunta sakin at nagulat ako ng bigla niya ako halikan, medyo hindi pa nagp-process sakin kaya nakatayo lang ako, nung patagal na ng patagal, niyakap ko na siya.

"I missed you so much Thomas, promise, hinding-hindi na kita iiwan." Tiningnan ko siya sa kanyang mga mata at ngumiti.

"At hinding-hindi na kita papakawalan ulit Ara, mahal na mahal kita alam mo yan." Hinalikan ko siya sa noo niya at narinig ko siyang tumawa.

"Ang cheesy mo kainis. I love you." Sabi niya sakin.

"I love you too." Then I kissed her again, ghad I love this girl. Doon natapos ang napaka-drama naming storya, sa lahat ng mga sakit na naranasan ko, sa pag-aasa ko, nauwi rin pala sa napaka-gandang bagay.

-

I'm sorry for the late update 💕 medyo nawala po kasi ako, nakalimutan ko na kung san tutungo yung storye hehe 😅 I hope you guys liked it naman 😊 thank you for reading!! and thank you rin po sa mga comments and votes niya, sobra-sobra ko pong na-appreciate yun. 😋 Pwede rin po kayo mag-request if you want. Lash you all!! 💚

(Sorry if may typographical or grammatical errors hindi na po kasi ako nakapag-proofread)

DLSU One ShotsBasahin ang storyang ito ng LIBRE!