Forgiveness - KibMille

1.1K 24 14

CAMILLE'S POV

Oh how I hate morning classes! Kanina pa ako inaantok, pero talagang pinipilit ko magising. Sayang naman yung paghihirap at pagt-tiyaga ng mga magulang ko kung matutulog lang ako diba?

"Bring out any piece of paper, it can be a yellow pad or bond paper or whatever." Sabi ng medyo conyo naming prof.

"You'll write an essay about.."

"Sorry sir! I'm late." May isang chinitong lalaki biglang pumasok ng room. Wow pa-special? Like, 25 minutes na nakakalipas at pinili niya paring pumasok?

"You're always late Mr. Montalbo. (sighs) Will you just sit beside Ms. Camille Cruz?"

"Pardon, but who is this 'Camille Cruz' you're saying sir?"

Another wow! Eh ako na yata yung dakilang Camille Mary Arielle Cruz dito sa La Salle at hindi niya pa talaga ako kilala ah? Baka masaksak ko siya.

"That's me! Bakit may angal ka?" Sabi ko with matching pag-taas pa ng kamay, akala mo recitation eh no?

"Meron, mananaksak ba yang baba mo?"

"Aba't sinusubukan mo ko ah?"

"Kung maga-away lang kayo dito sa class ko, pwede naman kayo lumabas. Since may 50 minutes pa ako, pwede na rin muna kayong mag-date sa labas if you want." At biglang nag kantyawan yung mga ibang estudyante dito sa room.

"Sir mas gugustuhin ko pang umupo sa tabi niya kesa makipag-date sa kanya no! Ew."

Inirapan ko nalang yung gagong yun, sinisira araw ko eh.

KIB'S POV

"O eto last na for this subject. You'll have a research paper, pero by group siya. 3 students per group, eh dahil 23 lang kayo sa class, may magp-pair."

Hala, wala akong mga ka-close dito, minsan lang kasi ako pumasok sa class na 'to eh. Ano ba yan Kib!

Iniikot ko yung mga mata ko (hindi literal ah) sa paligid hanggang sa natanaw ko na palapit si miss topak sa prof namin. Ibigsabihin ba nito?

"Kaninong group ang kulang? O sino pa yung natira?"

After the groupings yung natitirang 20 minutes nalang ay yung pakikipag-usap sa fellow groupmates mo or sa sitwasyon ko, pakikipag-usap sa ka-partner ko. Anak nga naman ng kamalasan oh.

Camille: Wala ako sa mood para makipag-usap o makipag-discuss sayo ng mga eklat na 'to.

Me: Pano pa kayo ako diba? Miss topak!

Camille: Excuse me naman sir pa-special! Akala mo kung sinong pa-importanteng tao na pumapasok na late.

Inirapan pa ako ni Camille. Dudukutin ko yang mga mata niya eh.

Me: May dahilan kasi ako diba? Simula nung iwan kami ng nanay namin ako na halos yung naga-asikaso sa mga kapatid ko kasi yung tatay ko nasa trabaho.

Camille: T-talaga? Broken family kayo?

Ay hala? Naniwala siya! Grabe yung mukha niya awang-awa talaga.

DLSU One ShotsBasahin ang storyang ito ng LIBRE!