Perfect Strangers - KibMille

1.1K 12 7

CAMILLE'S POV

Nasa bahay kami ngayon at nag-aayos ng mga gamit at sarili para sa game mamaya. May laro kasi ang F2 Logistics at syempre s-suportahan ko si kambal at si ditse. (of course sila Ara rin)

"Ano ba yan Cienne! Mal-late na tayoooo!" Eto na nga, natataranta na si ate Cha dahil nga naman sa kabagalan neto ni Cienne.

Cienne: Ate Cha ba't ba kasi hindi nalang tayo sumabay sa teammates natin eh!

Sagot naman ni Cienne habang paikot-ikot narin kakahanap nang mga kulang-kulang na gamit niya.

Cha: Sino ba kasi yung late na gumising diba?

Nakapamewang na sabi ni ate Cha.

Kalaban nila Cignal today and 2-0 na ang laban which means leading ang F2 with 2 sets. Mag-isa lang ako dito na nanonood, kasi wala naman si Anton. Naisipan ko munang mag-cr sandali dahil sasabog na nga yata 'tong pantog ko.

Sa sobrang pagmamadali ko, nakabangga pa ako ng lalaki, a part of me says na parang pamilyar mukha niya, pero parang wala lang sa kanya yung pagka-bangga ko kaya hinayaan ko nalang.

KIB'S POV

Pabalik na ako sa upuan namin dahil nanonood kami ng game. May nabangga nga ako eh, pero mukhang nagmamadali kaya binalewala ko nalang. Kasama ko ang mag-amang pagong na sina Thomas at Andrei.

Andrei: Grabe! Nakaka-dalawang quarters na sila oh!

Proud na sabi ni Andrei.

Me: Ungas! 2 sets kasi! Hindi quarters. Tsk. (umiling) Naglalaro yung future girlfriend mo tapos wala kang alam diyan.

Binatukan ko siya at umupo. Pano ba naman two quarters?! Wow ah, basketball 'to?

Thomas: Yaan mo yan Kirell, for sure, pag gumawa na yan ng move kay Tin lagi na yang manonood ng volleyball games. Bagal mo kasi kumilos paps!

Ginulo naman ni Thomas yung buhok ni Andrei at tumawa.

Andrei: Coming from you kuya Thom? Eh mas malala pa nga kabagalan mo eh.

Ayan na, umarangkada na yung payabangan nila kung sino pinakamabagal. Torpe problems, buti nalang hindi ako torpe. Bacolod Inasal King kasi 'to eh.

"MVP of the game! F2 Logistics Cargo Movers' team captain, Charleen Cruz!" Lumapit kami sa lugar kung san iniinterview si ate Cha. Ang galing niya nga talaga! She's really fit to be called Ms. Everything.

Si Thomas at Andrei ay nag fanboy mode nanaman, trip daw nilang mag-stay para mapanood ng buo interview ni ate Cha at makapagpa-picture. Pero sabi rin naman ni Thomas nad-diretsyo pa siya sa girlfriend niyang si ate Ara.

Nauna nalang rin ako sa kotse namin, nakasandal ako ngayon malapit sa may side mirror habang nagt-twitter.

@kibmontalbo: Congratulations F2 Logistics! @chaarcruz @cienneycruz @VSGalang @mikareyesss @kimfajardo9 @KiannaDy @dawnt_ask ++

@jeronteng: ay sayang may sumablay paps! @kibmontalbo di kasi player eh.

@mikareyesss: @jeronteng lamna. @kibmontalbo ;)

"Ahhh sige bye!---Ok see you tomorrow ah. I love you!" Napalingon ako dahil biglang may babaeng nagsasalita. Mukha rin namang may kausap siya sa phone niya..

Paglingon ko, hindi ko aakalaing yung babaeng mahal ko simula pa nung isang taon ay yung makakatapat ko ngayon.

CAMILLE'S POV

Umiwas ako sa direksyon niya at pumunta sa ibang lugar. Unsuccessful nga lang plan ko kasi nahabol niya ako, hinawakan niya braso ko at iniharap niya sarili ko sa kanya.

"Camille.. Usap tayo please.. Miss na miss na kita." Nagulat nalang ako ng bigla niya ako yakapin ng mahigpit.

I miss you too Kib, pero past is past..

Me: K-Kib..

Nilayo niya yung sarili niya sakin at napayuko nalang ako, kasi sa totoo lang pigil na pigil na ako. Hindi ko kasi pwedeng ilabas lahat ng mga nararamdaman ko sa kanya.. kasi nga, tapos na.

Kib: S-sorry Cams.. Sorry dahil hinabol pa kita hanggang dito.. Sobrang miss na talaga kasi kita, akalain mo 1 year na nakakalipas tapos ikaw parin laman neto?

Tinuro niya kung san naka-lugar yung puso niya at yumuko.

Kib: Pero I guess.. Ikaw halatang okay na lahat sayo, masaya ka na ulit..

He gave me a weak smile then sighed.

Kib: Camille.. Is there any chance ba.. Is there any chance na? Pwede pa ulit maging tayo? I'll do everything for you! Sana lang payagan mo kong ma-restore ulit lahat ng moments na meron tayo noon.

Me: Sorry Kib.. Wala na talaga eh, tapos na... But... we can still be perfect strangers right?

***

Writer's Note: Short but sad one-shot, para maiba naman. Para 'to sa mga KibMille (Kib Montalbo-Camille Cruz) shippers, buhay pa ba kayo? 😩 Huhu wala ng ganap eh 😢 Anyways good vibes nalang lagi. And let's support them both. 💚

DLSU One ShotsBasahin ang storyang ito ng LIBRE!