Opposite - ThomAra

1.6K 39 0

Nakakapag-panibago talaga ngayon, sanay kasi ako na nasa probinsya, yung tipong hindi ganun ka-crowded at ibang-iba talaga buhay dito sa Maynila.

Pero ano pa nga bang magagawa ko? Sasayangin ko pa ba 'tong scholarship na binigay sakin?

Ako nga pala si Victonara S. Galang, probinsyanang taga Angeles, Pampanga at ngayo'y pagsamatalahang nakatira sa Maynila.

"Araaaa!"

Me: Mika! Bakit?

Mika: Tara kain tayo sa Agno, since kakatapos lang naman ng training natin.

Eto nanaman yung mga nagniningning niyang mga mata pag pagkain ang pinaguusapan.

Me: Osige, sasama ba si Kim at Carol?

Mika: Hindi na daw, kuntento na sila kasama ang magkambal. Hmph, pinagpalit tayo!--Joke (laughs).

Palakad kami papuntang Agno, tapos may napansin akong naglalandian, este magkasintahan sa may SJ walk.

"WALANG FOREVER!" Nagparinig ako para maasar sila, charot. Eh sa totoo naman kasi na walang forever! Magb-break rin sila! Oo na, ako na bitter.

Mika: Huy ano ka ba! Makasabi ka naman!

Siniko naman ako ni Mika, hala 'to, bakit masyadong affected?

Me: Bakit ka affected? Meron ka bang jowa? At kahit anong sabihin mo, hindi rin naman tumatagal yung mga kyemeng ganyan.

Nag crossed-arms ako at deretsyo lang tingin ko.

Mika: Oo meron, hihi. Si Jeron Teng! Yung soon-to-be King Archer beh, sobrang swerte ko nga dun eh..

Okaaaay, so makikinig ako sa mga kilig stories niya habang papuntang Agno? Hehe, not fun.

Mika: Besh, eto na bacsilog natin! Yiipeee!

Me: Mika, ang childish mo kahit ang laki mong tao (laughs)!

Mika: Maka-laking tao ka naman! Basta, kakain nalang ako.

At yun, nagsimula na siyang lumamon, mukha ngang nilalasap lahat eh. Gutom siya ih.

"Miks!" Imbis na si Mika, ako yung tumalikod. Hala, gwapo naman netong lalaking 'to, mas gwapo parin ako btw.

Mika: JEROOOON!

Nilapitan niya yung boyfriend niya tas niyakap, kinamusta, tapos yun. Tekaa, ang familiar nung mukha nung bansot na kasama niya.. Ahh naalala ko na, eto yung may kalandian kanina.

"Ikaw? D-diba ikaw yung kaninang sumigaw ng w-walang forever?"

Me: Oo, ako nga yun. Bakit ka nga pala nauutal? May problema ba sakin?

Napayuko siya tapos tinapik siya ni Jeron sa balikat niya.

"Um, sorry, mahiyain lang kasi talaga 'to. Btw, Jeron nga pala." Nilahad niya yung kamay niya at nakipag-shake hands naman ako.

Gantong lalaki? Mahiyain? Sayang, ma-itsura pa sana. Buti nagka-girlfriend pa 'to. For sure, torpe 'to dati.

Matapos nun sila na kasama namin buong hapon, okay naman silang kasama. Parang chill-chill lang.

Mika: Ara, sorry talaga, sige na.. Mauna ka na sa dorm ha? Kung gusto mo sumabay ka kay Thomas, si Jeron kasi e--

Andito kami ngayon sa may puno, pabulong-bulong pa 'to si Mika, I'm sure naririnig naman siya.

DLSU One ShotsBasahin ang storyang ito ng LIBRE!