'Til Next Time - JeMik

1.1K 15 0

JERON'S POV

"Go Mika!" Nasa MOA Arena ako kasi I'm cheering for her. Ilang years narin kaming close.. At ilang years na rin kaming nag-tatago. Before pa, other fans ship us kasi daw bagay kami, and dahil din dun sa closeness daw namin. If only lang..

They won the game, andito ako sa dug-out with Thomas kasi syempre sasalubungin niya yung girlfriend niya. At ako naman, hinihintay si Mika.

"WOOOOOH!!" Narinig ko yung mga hiyawan ng Lady Spikers pagkapasok nila ng dug-out.

Kianna: Ehem ate Ye! Prince Charming mo andito oh.

Sabi ni Kianna at tumawa. Eto talagang Kianna na 'to, kahit kailan! Makulit talaga.

Mika: Tsk. Inggit ka lang, wala si Marck.

Kianna: Ate naman, pinaalala mo pa. (laughs)

Lumapit siya sakin at niyakap ako. I hugged her back and kissed her on the forehead.

Me: Congrats Miks, you did great.

MIKA'S POV

Nag-dinner kaming Lady Spikers at umuwi agad sa dorm. Pagod na pagod rin kasi kami eh, syempre! Game 1 na kaya ng finals. Buti nalang panalo kami. Pero kahit ganun, kailangan all out parin sa trainings at sa game 2, kasi hindi natin alam kung ano yung magiging lakas na ipapakita ng Lady Eagles diba?

Kim: Mika, andun si Jeron sa baba, hinahanap ka. Papuntahin ko ba dito sa kwarto?

Sabi ni Kimmy pagka-bukas niya ng kwarto naming wafs.

Me: Ahhh, sige sige.

Matagal narin kami ni Jeron, hindi lang talaga namin pinapaalam. Siguro alam ng fans na magkasama kami most of the time. Pero as bestfriends lang yung alam nila. Hindi katulad ng mga teammates namin na alam na kami na talaga.

JERON'S POV

"Mika?" Sabi ko habang binubuksan ko yung pinto. Ang dilim kasi eh. Pagka-pasok ko, binuksan ko yung ilaw at sinarado yung pintuan. Pagka-harap ko naman, nagulat nalang ako ng may biglang yumakap sakin ng mahigpit.

Mika: Jeron.. Paano na yan? Malapit na..

Me: I know.. I'm sorry kung wala na akong magawa, ang hirap-hirap para sakin isipin na, ako nga 'tong lalaki tapos hindi ko alam gagawin ko para ma-save relationship natin.

Umupo kami sa kama tapos hinawakan ko mga kamay niya.

Me: I know it's hard, pero siguro tinetest lang tayo ng tadhana diba? Maybe wala pa tayong maisip na solution ngayon, pero I promise you, soon, we can show how we really love each other to the world freely.

Makita siyang umiiyak? Yun yung weakness ko. Feeling ko nanghihina ako at guguho na mundo ko, and of course with that naiiyak nalang rin ako.

Mika: Jeron bakit ganun? Wala na ba talagang pag-asa?

Natigil ako sa tanong niya. Hindi ko alam kung paano ba 'to..

Me: Wala n-na kasing makaka-tigil kay mama..

I cupped her face with my hands at tumingin ng diretsyo sa mga mata niya.

Me: But please, kapit lang tayo ah? Mika.. Kapit lang.

MIKA'S POV

Ara: Uy daks chill ka lang.. Game 2 ngayon, malapit na natin mauwi ulit ang korona. Okay?

Pinat ni Ara shoulder ko at bumalik ulit kila Carol. Well, nakaka-kaba naman talaga. Pero hindi ko rin talaga mapigil yung feeling na malungkot, kasi this day kailangan na namin maghiwalay.

"Ate Mika?" Tumingin ako sa likod ko kung sino yung nakatayo at tumawag sakin. Si Cess pala. Tumabi siya sakin at sinide hug ako.

Justine: Ate Mika, wag ka na umiyak. It may be your last day with him. Pero wag tayong mawalan ng pag-asa, malay niyo po hindi lang talaga 'to yung tamang oras.

Umiiyak na pala ako? Hindi ko napansin.

Me: Thank you Cess.

Hinug ko rin siya pabalik at tumayo na dahil pupunta na kami sa court.

3RD PERSON'S POV

Nanalo narin ang Lady Spikers at nauwi narin ang korona. Syempre sobrang saya ng LaSallian Community and the fans.

Kaso sa lahat ng 'yon, may dalawang nagta-tanging hindi talaga matago ang kanilang kalungkutan.

Hindi sumama si Mika sa victory dinner nila. Sayang man sa isip ng mga teammates niya dahil malaki yung cinontribute ni Mika na points, pero tinanggap nalang ng team niya yung desisyon niya pati narin ang mga coaches niya.

Kasalukuyang nasa isang tahimik na lugar si Mika at dun niya binubuhas lahat ng mga nararamdaman niya.

"BAKIT KAILANGAN MAGING GANITO?! BAKIT KASI KAMI PA! ANO BA! GULONG GULONG NA AKO!" Sigaw ni Mika habang umiiyak. Napa-upo nalang si Mika at patuloy-tuloy yung daloy ng mga luha niya.

"Mika.." Nagulat si Mika ng marinig niya yung boses na yun. Yung boses na galing sa taong mahal niya.

"Jeron.." Tumakbo si Mika papunta sa kanya at niyakap siya.

Jeron: Mika, I-I'm sorry.. Pinuntahan ko si mama kanina, pumayag na si papa pero sadyang nag-matigas talaga si mama. S-sorry..

Umiyak narin si Jeron dahil hindi niya na kinaya yung mga nangyayari ngayon.

Mika: (sniffs) Okay lang.. Jeron b-baka, ganito talaga tayo. Baka hanggang dito lang talaga tayo.

Yumuko si Mika pero umiiyak parin ng sobra-sobra.

Jeron: Mika wag mo sabihin yan.

Hinawakan ni Jeron ang magkabilang pisngi ni Mika at napayuko.

Mika: Jeron may 3 minutes pa tayo. Then after nun wala na. T-tapos na tayo.

Jeron: Kahit tapos na tayo, gagawa at gagawa parin ako ng paraan. Mika.. Hindi dito matatapos ang lahat.

***

Writer's Note: Ang lungkot ng story na 'to pero sana nagustuhan niyo parin. Para naman mabago emotions niyo ng slight hahaha joke. Sana i-comment niyo po thoughts niyo, thanks in advance. 💚

DLSU One ShotsBasahin ang storyang ito ng LIBRE!