To: TCT - ThomAra

738 27 9

Naalimpungatan ako at nakita ko nalang sa alarm clock ko na tanghali na pala. Naligo na ako tapos nagluto, nagmamadali ako ngayon dahil madami ako kailangang ayusin at tapusin.

After kong mag-toothbrush kinuha ko yung phone ko at tinext si Kim. Mabilis naman siyang nag-reply, pumayag siya na sumama mamaya. Tinext ko kasi yung bullies kagabi para makipagkita, huli ko ng na-text si Kim kasi natulog ako.

Sa bahay kami nila Cienne pumunta, wala daw kasi tao dun kundi silang dalawa ni Cams.

Carol: Arsyyyy!!

Sigaw ni Carol pagdating ko sa bahay nila Cienne.

Cienne: Muñoz?

Carol: Gaga mas malupit pa dun.

Cienne: Sino?

Carol: Si Arsy Galang!

Mika: Anak ng tinapa Carol, mag-tino ka nga! Ang corny!

Binatukan ni Mika si Carol kaya natawa ako.

"Upo na kayo, eto may dala akong mga inumin at snacks, kuha lang kayo sa kusina pag kulang." Sabi ni Camille habang papunta samin na may dala-dalang tray.

Kim: O? Ano nang pagu-usapan natin?

Lahat sila nagtinginan sakin kasi ako naman talaga nag-yaya neto, nag-volunteer lang sila Cams na sa bahay nila.

Me: Umm, s-sorry nga pala.. Sorry kung naging OA ako kahapon, sorry kung hindi ko manlang pinansin lahat ng tanong niyo sakin pati mga advice niyo.. Nadala lang talaga ako ng galit, lungkot at sakit.

Carol: Baks, naiintindihan ka naman namin. Alam naman naming hindi naging madali para sayo 'to eh.

Cienne: Ang tanong lang namin, bakit mo nga ba ginawa?

Mika: Baka nap-pressure ka ah, 'di kami ganun, take your time.

Me: Hindi, okay lang, masyado na kasi ako sigurong nagtatago sa inyo.. At handa naman na akong sabihin eh.. Umm, ang totoo kasi niyan natakot ako, dahilan parin naman yung sinabi ko na gusto ko malaman kung mahal niya ba talaga ako, kasi ayoko nung nahulog na talaga ako sa kanya.. T-tapos biglang masisira lahat.. Takot akong masaktan.

Eto nanaman ako umiiyak, sabagay, sanay na naman sila Mika dito. Hindi lang naman ako ang may drama sa buhay sa aming magkakaibigan.

Inabutan ako ni Camille ng tissue at hinagod yung likod ko since katabi ko lang naman siya.

Me: Pero ano nga namang nangyari diba? Nabaliktad, ako nang-iwan.. Tapos ako nananakit sa kanya.. (sniffs) Hindi ko na alam gagawin ko.

Kim: Mahal mo ba?

Me: Oo naman..

Kim: Wala palang problema eh.

Mika: Makasabi ka niyan parang wala si Bang, syempre mahihirapan rin yung tao.

Kim: At kelan ka pa naging kakampi ni Bang?

Mika: Huh? Anong kakampi? Ungas ka ba? Ibigsabihin ko kasi baka mahirapan si Ara!

Kim: Edi sabihin mo nalang kay Bang na ayaw mo na siyang lokohin, kasi pag tumagal pa 'to baka mas masaktan siya ganun.

Cienne: Sure ka bang hindi maloloka yun ha?

Carol: Mukha pa lang mukha ng loka-loka eh.

Me: A-ayoko.. Sayang yung mga taon na tinagal namin.

Camille: Aanhin mo yung mga taong yun kung 'di naman parehas ang nararamdaman niyo sa isa't-isa?

Me: Sige.. Pagi-isipan ko nalang. (sighs) Thank you talaga guys.

Carol: Walang anuman girl! Ano ka ba, ano pa ba silbi nating magkakaibigan kung hindi magdadamayan.

Mika: Teka paano yung letter? Na-kwento na samin ni Kim yun eh.

Me: Ewan ko nga kung sasagutin ko pa eh.. Pero alam niyo yun? Parang kailangan ko..

Cienne: Kailangan mo talaga, naghihintay yung tao eh.

Matapos naming pag-usapan yun nagkulitan nalang kami para mawala-wala muna yung kalungkutan. Hindi na rin kami masyadong nagpagabi kasi may mga kanya-kanyang gawain kami.

Pag-uwi ko biglang tumunog yung phone ko.

From: 0929-XXX-XXXX

Hi Ara.. Si Thomas 'to, umm I hope na-receive mo na yung letter at nabasa mo na, hindi ko talaga mapigilan sarili ko na i-text ka.. Sorry. Pero may sasabihin sana ako, sana pansinin mo. Pwede ba tayo magkita bukas? Sa dating tambayan natin. Para may closure na ako na wala na akong pag-asa sayo, pag dumating ka, ibigsabihin pwede pa.. Pag hindi.. Hindi na kita kukulitin. Please Ara? I'll wait for you from 10am to 11pm.

Sorry again for disturbing you.. Good night, and I love you still.

Pupunta ba ako?? Ara.. Kailangan mo na pag-isipan 'to. Hindi na 'to pwede palagpasin.

Nakita ko nanaman yung papel at panulat ko dun sa table ko na halos hindi ko nagalaw kahapon.

Umupo ulit ako dun at napa-isip.

Ayoko na, ayoko na may nasasaktan, kailangan ko na 'to tapusin, kailangan ko na mag-simula ulit. May lubos mang masasaktan--kahit ako, pero feeling ko ito yung tama eh.

Nagsimula na ako magsulat at alam kong matatagalan ako dito.

Sana.. Sana tama 'tong desisyon ko.

-

Sorry guys kung may mga typographical errors 😊 Last na part na po yung next na iu-update, sana basahin niyo rin po hihi. Thank youu!! 💕

DLSU One ShotsBasahin ang storyang ito ng LIBRE!