To: VSG - ThomAra

1K 30 1

Maraming hindi naniniwala sa forever, pero ako? Oo. Murahin niyo man ako dahil napaka-bitter niyo, wala akong pake. Kasi alam ko naman sa sarili ko na..

Forever kong mamahalin si Victonara Salas Galang.

Eww, cheesy diba? Pero I can't help it.

Anyways, eto ako ngayon, nagsusulat, dahil ang dami-dami kong gusto sabihin sa kanya.

Dear, Ara..

Naalala mo pa ba? 5th year mo na sa UAAP nun, nanood pa nga ako ng finals game diba? Alam kong naiinis ka, dahil ayaw mong may ganap ang ThomAra, pero bakit ba? Bakit ba ayaw mo? Bakit ba ang bitter mo?

Dahil ba sa nangyari sa ating dalawa?

Ano pa ba magagawa ko? Nangyari na eh, at tsaka niyaya lang naman talaga ako ni Jeron, pumayag naman ako kasi ang sabi ko wala namang malisya.

Wala nga ba?

Hindi man kayo nanalo nun, alam kong masaya ka parin, ikaw pa? Kilalang-kilala kita, syempre Ara kita eh.

Ay, hindi na pala. Sorry.

Alam kong masaya ka kasi andun ka sa court, naglalaro kasama yung mga pinaka-mamahal mong teammates pati na rin coaching staff niyo. Dahil rin sa mga fans niyo na patuloy na sumusuporta sa inyo.

Pero bakit ganun? Bakit nung nagkatinginan tayo parang galit ka sakin, ano ba nagawa ko?

Dahil ba..

Dahil ba affected ka parin?

Habang patagal ng patagal yung panahon, season 79 na para sa Men's Basketball, alam mo bang ang tanga ko? Umaasa kasi ako na manonood ka kahit isang beses manlang, kahit nasa gen ad ka lang okay lang, basta alam kong andun ka.

Kaso syempre, hindi naman lahat ng umaasa natutupad ang pangarap, nung nanood si Camille tinanong ko pa siya kung andun ka. Niloko pa nga ako eh, sabi niya oo nanonood ka daw, pero biro lang.

Then nung mga finals na namin, dun nagsimula yung mga 'ganap' na sinasabi ng mga ThomAra fans, saya nga nila eh kasi sabi nila may pagkakapitan pa sila.

Eh ako ba Ara may pagkakapitan pa ba ako?

Sus, hay nako Thomas, yan ka nanaman, syempre wala no. Diba?

Tapos, a few weeks, birthday mo na! Remember? Nung fan pa kita noon binabati mo ko so nung napansin kita binabati na rin kita.

Dati batian lang, tapos dati rin nagkatuluyan.

Sana pwede balikan yun, sana pwede balikan yung mga masasayang ala-ala natin. Kahit isang pagkakataon lang? Please?

Alam kong may mahal ka ng iba, kaso ang bilis naman yata, nawala lang tayo nun malaman ko nalang after ilang weeks or months meron na?

Ganun ba ako ka-bilis mapalitan?

Sabagay, sabi nga nila baka meron siya na wala ako. Kasi kaya nga diba minsan napapalitan kasi merong something dun sa pangalawa na nahigitan yung binibigay nung una.

Ang sakit. Ang sakit-sakit.

Mas okay pa sana kung klaro eh, yung klaro kung bakit mo ko hiniwalayan, kung bakit mo ko binitawan. Ang last na narinig ko nalang sayo bago mo ko iwanan..

"Ipaglaban mo ko"

Bakit naman biglaang ganun? Hindi pa ba sapat lahat? Anong nagawa ko?

Ang dami kong gusto itanong, pero dahil mahal kita pinaglaban kita.. Pinaglaban kita ng patago kasi sabi mo ayaw mong malaman ng iba yung tungkol sa atin.

Eh kaso binalewala mo naman ako,

Ara papaikot-ikutin mo nalang ba lagi ako?

Hindi ako galit, hindi ko kayang magalit sayo, kaya lahat isinisi ko na sakin.

Masakit lang kasi iniwan mo nalang ako basta-basta sa ere.

Sinasabi ko 'to lahat sayo kasi ang dami ko nang beses na nag-reach out sayo, hindi mo naman ako pinapansin, dinaan ko nalang tuloy sa sulat para hindi ka na mapagod kaka-iwas sa akin.

Ara, Aasa ulit ako ah? Aasa ako na sagutin mo lahat ng tanong ko.. Kahit wag mo na ako bigyan ng isang pagkakataon, masakit man yun pero titiisin ko, basta maipaliwanag mo lang sakin.

Pero wag na wag mo kakalimutan 'to.

Andito parin ako, nakabantay, naghihintay at nagmamahal sayo. Hinding-hindi kita iiwan.

-- T

-

Hi guys! I'm back, nabitin po ba kayo? 😂 Don't worry may tatlong parts pa po 'to, gusto ko po kasi bumawi ng bongga, tagal kong nawala eh.

Thank youu po sa mga nagc-comment sa one-shots ko, sobrang na-appreciate ko po yun hihi 💕

Lots of love xx, sana mag vote, comment and i-share niyo po 'to. 😚

DLSU One ShotsBasahin ang storyang ito ng LIBRE!