From: TCT - ThomAra

747 32 11

Biglang nagyaya si Mika ng dinner dahil miss niya na daw kami, libre niya daw. Edi pumayag na kami, minsan lang manglibre yan, kuripot kasi eh.

Dun kami kumain sa bonchon, si Kim, Carol (sumama si girl kasi hindi daw siya magpapahuli), Cienne, Camille and of course si Mika, yung mga kasama ko. Grabe na-miss ko talaga sila.

"Yes! Kumpleto na ulit tayo! Parang dati lang." Sabi ni Cienne. "Oo nga eh, yung parang dati lang na si Kimmy halos maubos na kalahati ng ulam." Biro ni Carol.

Kim: Excuse me, nag bagong buhay na ako, tingnan niyo nga oh, wala pang laman plato ko.

Mika: Talagang walang laman yan, eh ubos na first batch mo eh.

Me: Jusko Kimmy, ang takaw ahhh.

Kim: Sorry na! Mga walang-hiya kasi kayo pinagod niyo ako kaka-set.

Camille: Wow si Kimmy napapagod? Bago yun ah.

Me: Bagong-bago talaga.

Mika: Gusto ko balikan yung noon, yung sabay-sabay tayo nagt-training, nant-trip tayo..

Carol: Tinatago natin yung sapatos ni Cienne tapos ibibigay natin pag malapit na umiyak.

Cienne: Kapal! Hindi ako ganun.

Me: Ahh, so ibigsabihin gusto mo balikan yung mga panahon na kayo pa ni Kiefer?

Mika: Hala siyaaa, hindi no! Syempre past na yun, at tsaka may Alyssa na yun, move on na bes.

Camille: Pero ako gusto ko rin balikan yung time na fangirl pa si Ara kay Thomas.

Natigilan ako dun, lahat rin sila natahimik pero si Mika at Carol ngumisi lang.

Carol: Oops, triggered.

Me: Triggered mo 'to.

Mika: Ayan na nga.

Camille: Eh ano na ba balita Ara? Nakakagulat naman kasi, parang nung sinabi mo samin na break na kayo biglang meron ka ng bago. Ganun-ganun lang?

Cienne: Baka naman rebound mo lang si Bang?

Mika: Bakit niya pa kailangan ng rebound kung mahal niya naman talaga si Thomas? Ara.. Minahal mo nga ba talaga si Thomas? Kasi sigurado akong mahal ka ni Thomas eh. Sa lahat ba naman ng binigay at pinakita niya sayo.

Me: Minahal ko naman.. At tsaka ano ba yang sinasabi niyong rebound ko si Bang? Hindi ahh..

Kim: Hindi nga ba? Ara, kilala ka namin. Nakakapagtaka lang kasi pinaasa mo si Thomas, may pa-sabi-sabi ka pang "Ipaglaban mo ko" binabalewala mo naman!

Cienne: Ay true!! Naaalala ko yan, yung kwento mo samin nun na gusto mo ipaglaban ka niya para malaman mo kung mahal ka ba talaga niya o hindi. Daming arte. (laughs)

Carol: Ano na Ara?

Me: Ano na? Edi mag move-on na! Ang tagal-tagal na kasi niyan binubuhay niyo pa ulit eh, tapos na. Wala na, wala ng babalikan.

Mika: Osya! Edi wala, hindi mo kailangan magalit Ara, sinasabi lang namin 'to sayo kasi naga-alala kami, bigla ka nalang kasi tatapos ng isang malaking bagay ng walang explanasyon at dahilan na sinasabi.

Camille: Kung yan gusto mo, sige, papabayaan ka na namin, pero tsaka na namin sasabihin lahat ng gusto namin sabihin pag ikaw na mismo ang pumunta at maki-usap samin.

Cienne: Hay nako! Kumain na nga tayo, masyadong seryoso.

Carol: Bilisan niyo na at handa ng lumafang si Kim.

Nagsitawanan na ulit sila at naki-sabay nalang rin ako sa trip nila.

Pagkatapos namin kumain pumunta na kami sa parking lot, may kanya-kanya kaming dalang sasakyan except lang kay Kim, kaya sakin siya sasabay.

DLSU One ShotsBasahin ang storyang ito ng LIBRE!