He Choose To Stay (HHMR BOOK...

By Miss_Aech

253K 8.5K 4.3K

History repeats itself, but it's the other way around. He'll be the one to chase. He'll be the one to suffer... More

He Choose To Stay (HHMR BOOK 3)
The Beginning
HCTS 1 - #Kismet
HCTS 2 - #Secret
HCTS 3 - #Sydney
HCTS 4 - #TrueFeelings
HCTS 5 - #Assume
HCTS 6 - #SpecialFriend
HCTS 7 - #Trigger
HCTS 8 - #Australia
HCTS 9 - #DoctorMontesor
HCTS 10 - #Plan
HCTS 11 - #Criminal
HCTS 12 - #Safe
HCTS 13 - #GetHerBack
HCTS 14 - #WeirdFeelings
HCTS 15 - #Textmate
HCTS 16 - #BadThoughts
HCTS 17 - #Camperdown
HCTS 18 - #Scared
HCTS 19 - #Hurt
HCTS 20 - #CutOff
HCTS 21 - #RollerCoaster
HCTS 23 - #String
HCTS 24 - #Closer
HCTS 25 - #Fair
HCTS 26 - #Akin
HCTS 27 - #Mad
HCTS 28 - #His
HCTS 29 - #ThePast
HCTS 30 - #Karline'sWedding
HCTS 31 - #Interview
HCTS 32 - #Home
HCTS 33 - #Chance
HCTS 34 - #LittleByLittle
HCTS 35 - #Tanga
HCTS 36 - #RedGuy
HCTS 37 - #Love
HCTS 38 - #Big
HCTS 39 -#StupidDecision
HCTS 40 - #ExtremePain
HCTS 41 - #Official
HCTS 42 - #KryptonDay
HCTS Special Chapter #K&K
HCTS 43 - #ThisTime
HCTS 44 - #Havoc
HCTS 45 - #PTSD
HCTS 46 - #SoCloseSoFar
HCTS 47 - #Revelation
HCTS 48 - #Dejavu
Announcement

HCTS 22 - #Afraid

3.9K 130 32
By Miss_Aech

I'm sorry guys for my late update. Busy lang sa school. Yung mga naka-latin na lines, means memories 'yun na naalala ni Kirt. Just saying, baka malito kayo. Mahaba-haba update ngayon so...Enjoy Reading!

***

Kirt's POV

Nagising ako sa tunog ng alarm clock ng phone ko. I'm so not in a mood right now to wake up exactly 7AM to get ready. Anong oras nadin kaming nakauwi kagabi and I'm so freakin tired.

But, I guess itong pagod na nararamdaman ko ay walang wala sa pagod ni Dewlon ngayon. Buong araw siyang nag-drive kahapon. I wonder if he can handle waking up this early. Sana bukas nalang 'yung taping eh!

Kinuha ko ang phone ko sa bedside table at nagsimulang hanapin ang pangalan ni Dewlon sa contacts ko. I know, I need to cut him off in my life but something happened last night, habang na sa roller coaster kami.

I don't know but it's just weird. Pakiramdam ko may alam si Dewlon sa nakaraan ko. Pakiramdam ko siya na ang mga sagot sa mga katanungan ko. Nagtipa ako ng text message para kay Dewlon.

Ako: Good morning :)

I know he wouldn't reply dahil baka natutulog pa 'yun. Then, I wonder what happened last night between him and Graisyl. I wonder what is the real score between them.

Naalala ko pa ang nakabusangot niyang mukha ng bumalik kami ni Dewlon. She wanted to say something but, obviously there's something stopping her. Ano kaya 'yun?

Naghanda na ako para sa taping namin sa araw nato. Aattend kaya si Dewlon gayong parang kailangan niya na talagang umuwi sa pamilya niya at kung hindi ako nagkakamali sa New York daw 'yun.

I don't know what to feel. Siguro nasasayangan lang ako sa kaniya kung sakali mang bumack out siya. He's perfect to be Dr. Zamiel, but I prefer him as a leading man.

Not that, Akiro wasn't enough. Dewlon just have the angst to me and have this alluring charisma. Damn, I really can't make myself stop complementing him in my head.

And, I guess, my plan of cutting him off will be postponed muna. I think I need him. When we ride the roller coaster, sumama ang pakiramdam ko lalo na nung malapit na kaming sumakay.

Habang pinanonood ko ang mga taong nag-eenjoy ay sumakit ang ulo ko. I don't know if that's because of tiredness or hungriness but when my head started to see some of blurred scenes, alam 'kong isa 'yun sa mga alaala kong nawala.

"Haaay, grabe kinakabahan ako!" sabi ko sa harap sa isang lalake.

His face wasn't that blurred much. He's not that skinny because he have this built. Maputi siya at itim ang buhok. His face is familiar. Could this be my prince charming? Ngunit ang lalakeng naging boyfriend ko pula ang buhok. Naalala ko pa! Magkaiba kaya silang tao?

"Edi alis na tayo dito." walang ganang sagot nito.

And that guy was so cold to me. Bakit ko to kasama gayong parang ayaw naman akong kasama ng lalakeng 'yun?

"Sabihin mo nalang kasi na takot ka!" sabi ko at tumawa.

Kumunot ang noo niya. "Anong ako? Ikaw ang nagsabing kinakabahan ka tapos ako pa ang takot?" di makapaniwalang tanong niya.

"Weeeh!? Bakit di mo nalang sabihin sakin na 'Wag kang matakot, Eunice. Andito lang ako' para tumuloy pa tayo?" tanong ko sa kaniya.

'Yung mga nung lalake sobrang pamilyar. Sa sobrang pamilyar aakalain 'kong si Dewlon ang lalakeng 'yun. He have the same built pero nagmature na ang katawan niya. His hair isn't red but hazelnut just so it fits his wonderful face.

Habang pinagmamasdan ko si Dewlon kagabi ang masasabi ko lang ay nababaliw nako. Imposimbleng magkakilala kami ni Dewlon dahil taga Cebu siya. Sa pagkakaalam ko wala naman kaming kamag-anak sa Cebu.

"Grabe kasi makatili yung mga nakasakay. Kinakabahan tuloy ako..." sabi ko at napahawak pa sa dibdib ko dahil ang bilis ng tibok nito.

Idagdag mo pa ang mga nakikita ko sa isip ko. Bigla bigla nalang ako nakakaalala ng mga parte ng memories ko. Hindi naman ganito noon? Hindi naman posibleng nakapunta nako sa Luna Park kasama ang ganoong lalake.

Dewlon smiled at me and gave me an assure looked, "Wag kang matakot, Eunice. Andito lang ako..." sabi niya.

Napangiti ako sa sinabi niya. Pakiramdam ko namumula ako, pero madilim naman kaya hindi naman niya siguro mapapansin.

Pero may naalala ako sa sinabi niya. Yan ang mga katagang sinabi ko sa lalake. Now, I realized his voice was actually the same as the guy in ny memory, pero imposible dahil napakasuplado naman nung lalake habang si Dewlon ay iba. Basta iba.

Nang makasakay na kami hindi ko parin maalis sa isip ko ang lalakeng nakasama ko sa roller coaster. Hanggang sa hinawakan ni Dewlon ang kamay ko upang iangat sa ere tumili ako pero kasabay nun ang isang pamilyar na boses na umalingawngaw sa ulo ko.

"You know...sometimes your stupidness amaze me. Sorry for everything I've said this morning. I'm sorry for being a jerk..."

Napatingin ako kay Dewlon. Bakit siya nag-sosorry sakin? Siguro kanina kaya nagsosorry siya. But did he just said I'm stupid?

"Okay lang..." sagot ko at ngumiti sa kaniya pero nag-iwas ako ng tingin sa kaniya. Nakasakay parin kaya kami sa roller coaster.

"Okay lang ang ano?" tanong niya ng malakas dahil sa lakas ng sigaw ng mga kasama pa namin sa likod.

Hindi parin ako makatingin sa kaniya, "Diba nagsosorry ka? So, I said it's okay to me, Dewlon. Sorry din dahil dinala ko si Akiro sa supposed to be lakad natin. Nauna kasi siyang nagyaya sakin, nakalimutan ko lang..." pasigaw rin na sabi ko at tumingin sa kaniya hanggang sa huminto na ang sinasakyan namin.

Nakakunot ang noo niya, "Does your head hurts? May naalala kaba?" tanong niya habang tumatayo kami. Inalalayan niya pa ako sa pagtayo.

Natigilan ako sa sinabi niya. May alam ba siya? May alam ba siya tungkol sakin? Kaya ba parang siya ang lalakeng nasa alaala ko?

"P-paano mo nalaman?" gulat na tanong ko sa kaniya.

Bahagyang napaawang ang bibig niya sa sinabi ko, "Did you forget that I was the doctor treated you? Kaya ko alam ang kalagayan mo. So, did your head hurts? Ano ang mga naalala mo?" nag-aalalang tanong niya sakin. Kitang-kita sa mga mata niya ang pag-aalala.

Bumilis ang tibok ng puso ko. "Sumama lang ang pakiramdam ko. Yeah, I did remember some, but still I can't identify the person..." but you resemble him.

Napakurap siya sa sagot ko. Napabuntong hininga siya at biglang hinawakan ang ulo ko gamit ang isang kamay niya. Hinimas niya ang likod ko.

"Please tell me if it hurts. I'm a doctor..." malumanay na sabi niya. Tumingin ako sa kaniya at tumango.

It's fucking weird that he resemble my prince charming. Alam 'kong may alam siya tungkol sakin, pero bakit niya tinatago sakin? Bakit di siya magpakilala?

If he's my prince charming, kung totoo man ang conclusion ko. Kung hindi man ako assuming. Kung hindi man ako nagkakamali...

Ba't di siya magpakilala sakin diba? My confession to him was emabarassing nung high school. He rejected me kaya bakit kami magkasama sa roller coaster? Nagdadate ba kami? Bakit naman kami mag-dadate kung hindi naman maayos ang pakikitungo niya sakin doon?

Kung si Dewlon nga ang prince charming ko and that means he's rude and cold to me, pero bakit ang Dewlon ngayon ay iba?

I really need to find my memories. Kung paano? Si Dewlon. Si Dewlon ang maaring sagot. So, I should not shut him down. I don't have to cut him off. I need him in finding my whole memories back.

"Dadating ba si Dewlon?" tanong ni Manager sakin habang nasa set na kami. Wala si Akiro, wala din si Dewlon.

Kanina pa ang text ko kay Dewlon pero wala man lang siyang reply. Kahit si Akiro, eh.

Ang ending, cancel ang taping dahil kay Dewlon at Akiro. Kami nalang ang nagtaping. Advance nga masyado 'yung mga scenes. Puro skip lang kami. Buti, di galit si Direk Mela kay Dewlon, for sure kay Akiro, oo.

Manager Roa gave me a coffee, "From Akiro..." sabi niya.

Awtomatikong hinanap ng mata ko si Akiro sa paligid. "Asan na siya?" tanong ko at tinanggap ang kape.

"He called me to gave you coffee, you want coffee at 8AM. Lim said his not in a good condition. Masakit daw ang tiyan..." pabulong na sagot niya.

Damn, naalala pa pala ni Aki ang sinabi kong 8AM is my coffee time. We drink coffee sa SB sa baba ng BEC. I don't know why is he being like this...again.

"Bakit hindi ko 'to alam? He could have said so, baka magalit si Direk Mela sa kaniya..." nag-aalalang sabi ko.

Manager pursed her lips, "Alam na ni Direk. Ayaw niya lang pasabi sayo. I think he's embarassed. Lim just informed me. Ano ba ang pinaggagawa niyo kahapon? Dewlon called to Direk, nasa New York na siguro si Dewlon ngayon." sabi ni Manager.

And just like that the topic changed. Namilog ang mga mata ko sa sinabi niya. May kung ano ring kumirot sa puso ko. Shit!

"U-umalis siya?" tanong ko and disappointment is evident in my voice.

I don't know why I'm hurt. It's just not feel right. Pakiramdam ko wala akong karapatang masaktan ng dahil sa kaniya. Pakiramdam ko nagmumukha akong tanga.

Why would I be hurt? Damn it.

Binigyan ako ng mapaglarong tingin ni Manager, "Mamimiss mo ano? Hindi ba nagpaalam sa'yo?" tanong niya.

Ngumuso ako at umiling, "So what if he didn't? It's not like he's obliged to report to me his whereabouts," matabang na sagot at sumimsim sa kapeng binigay niya.

Hindi man lang siya nagpaalam!

Nagkibit balikat si Manager Roa at ngumiti ng mapang-asar, "I'm just asking, dami mong sagot. You're too obvious..."

"Ms. Salvador..." biglang may tumawag saking babae. She's one of the staff here sa set.

Kumunot ang noo ko ng tignan ko ang babae. May dala siyang malaking bulaklak and I can't help but to be curious.

"Yes?" tanong ko sa kaniya while looking at the bouquet na bitbit niya.

She smiled at me, "Someone delivered this. It's for you, Ms. Salvador," sabi niya sabay abot sakin ng boquet of flowers.

Kumunot ang noo ko habang tinatanggap 'yun. Naramdaman ko ang pagsiko ni Manager Roa sakin at dumungaw pa sa bulaklak na hawak ko.

Kahit lito ay ngumiti ako sa babae, "Thanks," sabi ko at inusisa ang bulaklak.

"There's an envelope, Sydney. Open it." utos ni Manager na halatang excited.

I bit my lips. Kanino naman to galing? But, when I saw my name Eunice written in the envelope I know it was from him. Why would he do this? Kinukurot nanaman ang puso ko.

Binuksan ko ang envelop at bahagyang tinago kay Manager. Nginitian ko lang siya dahil mukhang disappointed siya dahil nilayo ko sa kaniya 'yung letter.

I'm going back to NYC for a while. I'll be back. If your head hurts because you remembered something just don't hesitate to call my number, I'll contact someone from S.H. to check you. Bye, Eunice. Hope you love this flower. Take care of yourself while I'm gone...

Napakagat labi ako habang nagbabasa ng sinulat niya. Hindi nakaligtas sakin ang malinis niyang sulat kamay. Damn, even his hand written looks good.

I don't why he's this worried. Ang pinanghahawakan ko lang ay dahil doctor siya at siya nga ang prince charming ko, but I absolutely know we didn't end up together.

I just realized something. If I like him before, then this weird feelings for him right now is actually I feel back then. Siguro, dahil naalala ko siya kaya bumalik ang nararamdaman ko. For sure, I moved on. He rejected me so ...damn it!

Hindi ko tuloy alam kung anong dapat 'kong maramdaman. How can he be like this? Papaanong ganito ang trato niya sakin ngayon? Nakokonsensya ba siya sa pambubusted niya?

Sino ba talaga siya!? I want to fucking remember him! Ayokong pagtawanan niya ako dahil baka alam niya ng attracted ako sa kaniya, at attracted nanaman ulit ako kahit may amnesia ako.

If only I could remember my boyfriend na hindi ko man lang alam kung sino o kung kilala ba siya ni Dewlon. Damn! Bakit di pa kasi ako makaalala? So that alam ko kung anong irereact ko..haaay.

Bigla akong napahawak sa ulo ko. Damn it! Ang sakit ng ulo ko. Tumili ako sa sobrang sakit kaya dinaluhan ako ng ibang staff.

I thought of calling Dewlon pero how can I call him if I can't even feel my whole body sa sobrang sakit? Stupid, Dewlon.

I passed out. I woke up in the hospital again. Akiro was there at the side of my bed leaning his head. Hinaplos ko ang ulo niyang malapit sa ulo ko.

Bigla siyang bumangon at ng makitang gising ako ay bahagyang nanlaki ang mata niya, "Are you okay?" tanong niya at bahagyang napatayo.

His worried eyes made me smile. "I'm fine, Aki." sagot ko.

Tumango siya, "You passed out. Do you remember something?" tanong niya, curiousity is evident on his face.

Napakurap ako sa tanong niya. Bumuntong hininga ako. I can't tell him what I remember lalo na't tungkol ito kay Dewlon. Ayokong mamisunderstand niya pero bakit ba ayoko?

Wala naman namamagitan saming dalawa ni Akiro but looking at him right now so worried about me, makes my heart melt. Still, there's Akiro in my heart despite there's this prince charming...there's this boyfriend or ex boyfriend...showing in my memories.

I don't know what will happen if I found out who's my recent boyfriend after I got myself bumped and the one who bumped me runaway even though that driver knew I was in a critical condition.

Pero isa lang ang narealized ko. If my recent boyfriend love me, why didn't he showed up to me like in the movies? I know this is reality but I can't help but to think that he left me because I can't remember him. He left me because I'm useless girl who can't remember him.

Now, even though I remember him, I know I won't go back. I won't find him. Yes, it might sting but sometimes getting hurt is a good thing too. So I can be strong enough to handle everything, lalo na sa kondisyon ko ngayon.

Balik taping na kami pagkalipas ng isang araw. Ito na ang part kung saan magkikita kami ni Akiro. Bubuo kami ng love story. He was left by his fiancee and I escaped from Zamiel's cage. He's caging me, but not he did not plan to marry me. That's why we broke up.

Hindi pa namin nagagawa ang scene na'yun dahil wala siya that's why we're skipping a lot. Sa mga araw nayun ay wala man lang Dewlon na nagparamdam kahit sa text.

Habang ineensayo ko ang mga linya namin ni Dewlon ay ginalingan ko. I don't know if I can do it properly while looking to his face. While his presence makes me insane. Baka bigla nalang akong mahimatay dahil pilit ko siyang inaalala.

I need more memories of him. I need my memories to be clear hindi blurred! Kailangan 'kong makumpirmang siya nga si Prince Charming. Tatlong araw na siyang wala and I don't know kung kailan siya babalik.

Sometimes, I can't help myself to think about him. Kung kailan siya babalik. Ito na nga ba ang sinasabi ko. It hurts my heart kahit alam 'kong babalik pa siya, paano kung tuloyan na siyang maglaho sa buhay ko?

Now that I assumed that he's part of my memories and also a person na minsan ko naring nagustuhan ay mas lumalala ang nararamdaman 'kong kakaiba para sa kaniya.

It was 2:30PM ng matapos ang scene namin for today. Nasa malaking ship kami ngayon and we're just waiting for this ship to get us to the shore.

Nagseselfie ako ng maramdaman ko ang pagtabi ni Akiro sakin. "Let's take a pic." sabi niya at tinutok niya ang phone niya sa harapan namin.

I posed everytime he clicked. Same old days when Akiro and I was really close.

"Post ko to sa IG." sabi niya habang nakatingin sa phone niya.

Nagkibit balikat ako, "Let me guess, sabi ni Manager Lim?" tanong ko sa kaniya at bumuntong hininga.

Manager Roa and Manager Lim always want us to update our social medias to update our fans sa aming dalawa. Minsan gusto kong mag-post ng broken quotes pero baka makiusisa lang ang fans at maging trending nanaman. Aish.

Natawa siya, "No, why would Manager Lim asked me to do that?" tanong niya.

Napatingin ako sa kaniya, "Syempre, he want us to update our social medias para malaman ng mga fans na sweet tayo dito sa Sydney..." sagot ko, a matte of factly.

"How can we do that if you're busy with someone else? You're sweet with someone else. Fans might get crazy" matabang na sabi niya kaya natigilan ako.

Napakagat labi ako at bumuntong hininga, "Akiro, Dewlon and I are just friends..." sabi ko at binigyan siya ng assured looked.

I don't know why I don't want him to think that way. His bitter eyes provoke me from saying those words. I know I feel something for Dewlon, but I know I still have feelings for Akiro too.

Nakakatawa ngang isipin na ang dalawang lalakeng to ay pareho akong binasted. Shit. Ngayon ko lang narealize...

"Are you sure? That's not what I saw when we're in Luna Park..." sabi niya and there his bitter tone again.

Napakagat labi ako at umiling sa kaniya, "We're just friends. Siguro kung gusto mo ko iisipin kong nagseselos ka. But, you're not so why are you asking me this?" tanong ko sa kaniya at tinaasan siya ng kilay.

Nag-iwas siya ng tingin at ngumiti. Muli siyang tumitig sakin, "I'm jealous so what could that be mean?" tanong niya giving me the chills.

Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya. Ngumiti siya sakin, "Let's go somewhere after this..." sabi niya at ginulo ang buhok ko bago tumayo. Iniwan niya akong half opened ang bibig.

3PM ng makababa kami sa ship. Hanggang ngayon ang bilis bilis parin ng tibok ng puso ko. I don't know but this is overwhelming.

Ano kaya ang ibig sabihin ni Akiro sa sinabi niya? Gusto niya na ba ako? Argggh! Bakit pa siya dumadagdag sa isip ko? But damn, I don't know if this is right. To be happy about the fact that maybe he likes me now when I like Dewlon too...

Hindi ako mapakali habang pababa. Nasa likod ko lang si Akiro at paminsan-minsan ay alam kong malapit talaga siya sakin that I can almost feel his breath in my neck. Tumatayo tuloy ang balahibo ko.

Habang pababa ako ay biglang may tumawag sakin sa phone. Nang gumalaw ako upang dukutin 'yun ay naramdaman ko pa si Akiro sa likod. Nang makita ko kung sino ang tumawag ay nanlaki ang mata ko.

Napakagat labi ako, "So your call mates now, ha?" bulong ni Akiro sa tenga ko kaya tumayo nanaman ang mga balahibo ko at bolta boltaheng kuryente na ang nararamdam ko sa katawan ko. Damn, Akiro.

Hindi ko alam kung sasagutin ko ba ang tawag niya gayong nandito si Akiro sa likod. I decided not to answer the call at tinago ang phone sa bulsa ko.

Tutal, hindi man lang siya nagparamdam sakin nung mga nakaraang araw when in fact I always greet him good morning and good night everyday through text.

"Bakit di mo sinagot?" tanong niya sa likod ko.

Napalunok ako, "It's crowded in here..." sagot ko nalang.

"Ah..." tipid na sagot niya.

Hindi pa kami tuloyang nakababa nang makita ko si Dewlon na nakahilig sa kaniyang sasakyan. Suot niya ulit ang kaniyang itim na wayfarer. Nakasuot siya ng brown khaki shorts and then a black polo but he unbuttoned it until his chest. Napakagat labi ako. Sobrang gwapo naman niya!

Nanlaki ang mata ko. Nandito na siya? What the?? Nakita kong inilagay niya ang kaniyang cellphone sa tenga niya. Tumunog ulit ang cellphone ko kaya naman agad ko itong kinuha sa bulsa.

Nanginginig ang kamay 'kong sinagot 'yun. "Since when did you came back?" tanong ko sa kaniya, not minding the crowd and Akiro at my back.

I saw him smile, "An hour ago. Direk Mela told me you're in a ship so I decided to go straight here and wait for you..." malambing na sabi niya.

I tried to smile because I don't want him to see na nagulat ako sa lambing ng boses niya. Damn, it!

Parang kani-kanina lang ay si Akiro ang prinoproblema ng puso ko ngayon naman siya? Nakakaloka na! Nagagawa nilang palundagin ang puso ko eh hindi naman nila ako gusto. Ako lang naman ang nakakaramdam nito. Wala silang assuance so why would I feel guilty. Damn!

"W-why did you go straight here? Wala kabang jetlag?" tanong ko. Hanggang sa tuloyan na kaming nakababa.

"Wala, I want you to go with me somewhere..." sabi niya at nakita kong binaba niya na ang phone niya kaya naman binaba ko narin.

Lumapit siya sakin habang ako nakatayo lang naghihintay sa kaniya. Aba't siya ang lumapit, nu. Tsyaka ano daw? May gusto siyang puntahan namin? Pero, teka, ang sabi ni Akiro may pupuntahan daw kami.

Nilingon ko si Akiro sa likod. And he was just near me kasama si Manager Lim at iba pang cast members. Pagtingin ko naman kay Dewlon ay nilapitan siya ng ibang staff asking where did he go.

Pabalik-pablik ang tingin ko sa kanilang dalawa. They were looking at me even though some people are talking to them.

Kung aalis kami ni Akiro, ibig sabihin hindi kami pwedeng umalis ni Dewlon. Tsyaka pagod pa si Dewlon sa byahe so I think kay Akiro muna ako sasama.

Unang lumapit si Dewlon sakin. Inalis niya ang kaniyang wayfarer at tumingin sakin. Ayan nanaman ang puso ko. Ngumiti ako sa kaniya at ganoon din siya.

"May atraso ka sakin..." sabi niya at pinanliitan ako ng mata.

Kumunot ang noo ko at pinanliitan din siya ng mata. "Ano? Sa pagkakatanda ko ikaw 'yung may atraso ka sakin." taas noong sabi ko.

He chuckled, "What's that? Everson told me you were sent to the hospital but you didn't call me before you passed out..." sabi niya.

I smirked, "Do you think Dr. Genius that I can actually make a call when my head is breaking like shit?" tanong ko sa kaniya giving him a glare.

Natawa siya, "That's why I have plan B. Everson will tell me if you're sent in the hospital..." sagot niya and wiggled his brows.

Unti-unting nawala ang pagkunot ng noo ko. Napangiti ako at napanguso, "I don't know why are you so worried about me to make a Plan B," sabi ko at nakipagtitigan sa kaniya. Ha! Akala niya siya lang ang may kayang makipagtitigan.

Natigilan siya sa sinabi ko but he then chuckled, "That's Doctor Dewlon Montesor to you..." sabi niya at nakipagtitigan sakin.

Ako na ang nag-iwas ng tingin. Damn, malulusaw ata ako sa mga titig niya.

"So? Wanna go for some adventure?" excited na tanong niya. "The speedboat will take us to it..." dugtong niya and wiggled his brows again.

Bigla naman akong nakaramdam ng excitement sa sinabi niya. Will I go to him? Will I take Akiro to us?

"Can I take Aki--"

"I also want to say something to you so I think I can't let you take him." diretsyong sabi niya.

Napaawang ang bibig ko. Kung pipiliin ko si Dewlon, magtatampo nanaman si Akiro dahil hindi ko nanaman siya sasamahan. Bakit kasi ang wrong timing magyaya ni Akiro, e?

"Ah ganoon ba? Pero kasi, una akong niyaya ni Akiro umalis. Maybe tomorrow, pwede pa naman siguro, diba?" tanong ko sa kaniya.

Natigilan siya sa sinabi ko. Nilingon ko si Akiro at papalapit na siya samin.

"Maybe, next time. Magpahinga kana lang siguro, Dewlon." sabi ko at tinapik ang balikat niya bago siya talikuran upang lumapit kay Akiro.

I don't know why my heart is protesting, but I know this it the right thing to do. If Akiro likes me then, I should stick with him. I shouldn't be like this.

Oo at iniisip kong si Dewlon nga ang prince charming ko, but if he really does then it is dangerous to let my feelings for him grow.

Yes, I won't cut him off but I should stop my heart from falling again to him, kung siya talaga 'yun. Because he rejected me and who knows if he's just really helping me para matandan ko ang lahat.

And who knows if he's one of those person I hate because of breaking my heart. Now, I'm starting to be afraid remembering my past. Afraid that I might regret remembering it all...

Continue Reading

You'll Also Like

1.2M 22.9K 55
[COMPLETED - Taglish] Kim Everton, a girl who is on a mission to ruin her best friend's wedding. Join Kim on her journey on how she ruined her best f...
20K 548 52
"There is only one great love in the life of a person." (Completed) ~Credits sa book cover :)
54.7K 1K 52
Isang tipikal na estudyante lamang si Flare Dela Fuente na nais patunayan ang sarili sa lahat. Ayaw niyang may nadidisappoint sa kaniya lalong lalo n...
145K 11.4K 52
HER: Si Kaitlyn, anak ng CEO. Sa kanyang pagpasok sa Westbridge University, muli silang nagtagpo ng lalaking una niyang hinalikan. Galit ito sa kany...