Meeting My Ex As My Professor...

By ma_rgarita

498K 10.9K 563

Naya never imagined that she will be meeting her ex ever again. Akala nya nang maghiwalay sila ay maayos na a... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
LAST CHAPTER

Chapter 40

6.4K 142 11
By ma_rgarita

"Nag kiss kayo?!" Bulalas ni Sandy na ikinasamid ko naman at ikinalaki ng mga mata ni Neeon. Agad kong kinuha ang juice ko at ininom iyon at sinamaan ng tingin si Sandy na gulat na nakatingin sa akin.

"What else, Naya? Hanggang kiss lang ba yan o more than kiss?" Tanong nya pa kaya naman natawa na si Neeon. Lalo kong sinamaan ng tingin si Sandy.

"Nag kiss lang kami!" Sabi ko sa kanya. Rephrasing in my mind, sobrang daming kiss and more than kiss na nainterupt ng nasunog na adobo. Kung hindi nasunog ang adobong niluto ko kagabi ano pa kaya ang nagawa naming dalawa?

"San kayo nag kiss?"

Sinamaan ko ulit sya ng tingin.

"Sa kwarto mo ba? O sa bed mo? O sofa?"

Inusod ko ang plato ng kinakain kong lasagna at agad na hinampas si Sandy sa balikat. "Ano bang klaseng tanong iyan?!"

"Sagutin mo nalang."

Umirap ulit ako.

"So, Naya. Ganito yan, kapag nagkiss ang mag ex, hindi ba't ibig sabihin nun balikan na? Right, baby?" Nilingon ni Sandy si Neeon at tinanguan sya nito. "Nagkabalikan na ba kayo?"

"I don't know." Tanging sagot ko. Totoo, hindi ko alam. Hanggang ngayon ay naguguluhan parin ako sa nararamdaman ko sa kanya. Sa kabila ng maraming halikang naganap hindi parin ako sigurado sa nararamdaman ko kay Calix. Tuwing nakikita ko sya ay naaalala ko parin ang mga nangyari pitong taon na ang nakalipas. Hindi ko parin alam kung napatawad ko na si Calix.

I just know, gusto kong nararamdaman ang presensya nya. Gusto ko kapag hinahalikan nya ako at niyayakap. Gusto ko kapag nasa tabi ko sya.

"Seems like you're confuse." Ani Neeon.

He's right. I'm confuse. Hindi ko alam kung ano kami ni Calix.

Bumuntong hininga ako at kinuha ang cellphone kong naramdaman kong nagvibrate ito.

--
Hey, angel. Are you free for dinner?
--

Plus there's Paolo. Paolo has been nice to me all through out, katulad ng sinabi nya sa akin na nililigawan nya ako. Hindi ko alam anong sasabihin ko sa kanya.
--
Hello, babe!
--

At ito si Bastein na alam kong malaki ang galit kay Calix.

"Sabihan mo si Paolo at si Baste tungkol dito. I mean, Naya, kailangan nilang malaman ito. Lalo na si pinsan, alam mo namang gusto ka nun. Diba nga nililigawan ka nya." Dinig kong sabi ni Sandy kaya nilingon ko sya nakatingin din sya sa phone ko.

Tama nga sya. I should tell them the truth.

*
"You have done it well! Congrats sis." Nakangiting sabi ni James, he spread out his arms to give me a hug.

Niyakap ko naman sya pabalik.

"Thanks for the help, bro." Kumalas ako sa pagkakayakap nya ang nginitian sya.

He told me how proud he is and mom and tito Greg too, about my successful deal with Mr. de Real. We're just waiting for the company lawyers to finish the contract and have it signed by Calix then we're all good.

"Sir, excuse me. Mr. Celestino's in the line and wants to talk to you." Bungad ng sekretarya na kapapasok lang ng opisina ni James.

Tumayo naman agad si James sa kanyang swivel chair at nagpaalam sa aking sasagutin lang sandali ang tawag. Pumasok sya sa isang pinto na patungo ng conference room na nakakonekta sa opisina nya kayat naiwan akong mag-isa sa opisina ni James.

Napalibot ang tingin ko sa kabuuan ng opisina ni James. Itong lugar na ito ay halos katulad ng opisina dati ni daddy nang nabubuhay pa ito. Magkatulad sila ng taste pagdating sa styles. Minsan nga nakikita ko si dad kay James.

Tumayo ako sa kinauupuan ko at naglakad patungo sa table ni James. Napangiti ako ng makita ulit ang picture frame doon.

Nandoon ang picture naming magkakapatid. Danie, Jerome, James and me. Napapangiti ako ng malawak tuwing nakikita ko ito.

Napadako ang tingin ko sa pile ng folders sa gilid ng table ni James. Napansin ko ang isang folder na unahan nito na may nakasulat sa gilid, de Real. Hindi ko naman alam kung bakit nagkaroon ako ng interes na buksan iyon at tignan ang nakalagay sa loob.

Dated June 2014. That was seven years ago.

Pagbukas ko ng folder ay agad na bumungad sa akin ang isang bungkos na legal papers na nakasaad ang iba't ibang salita katulad ng 'Major shareholder, Nina Nicdao, has decided to pull out her shares from de Real enterprises.'

Napakunot ang noo ko nang mapagtanto ko ang petsa na nakasulat sa papeles na hawak ko. This happened the same month before Calix left for abroad.

Nilipat ko pa ang ibang pahinang kasunod non.

I haven't known. Ang pagkakaalam ko ay ang parents ni Calix ang umalis at nagtapos ng communication between sa kanila at ni mommy. Lumipad ang pamilya nila pa ibang bansa at tuluyan ng pinutol ang ugnayan sa mommy ko. Nagpaalam si Calix dahil critical ang kalagayan ng dad nya dahil sa sakit nito sa puso.

"You're interested about the past?"

Napabaling ang tingin ko sa nagsalita. Nandyan na pala si James. Nakangiting nakatingin sa akin.

I smiled at him too. "Medyo lang."

Nagpaalam ako kay James na basahin at intindihin din ang lahat ng nakasulat don.

Sa pagkakaunawa ko naging malaking kawalan ang nangyari sa company ng mga de Real dahil sa pag withdraw ng major shareholder nila na si mommy.

Pagkatapos kong basahin ang laman ng folder na iyon ay nagpaalam narin ako kay James na uuwi na.

It so happened na nalugi na ang company ng parents nila Calix at Kairo after ng nangyari, kaya baka iyon narin ang rason kung bakit nga umalis ang pamilya nila. O baka rin hindi iyon ang rason,masyado lang sigurong imaginative ang utak ko.

"Ayyy, buntis na palaka!"

Napalingon agad ako sa kotseng bumusina sa harapan ko. Nagbukas iyon ng bintana kayat nakita ko ang tao na nasa loob non.

"Ang lalim naman ng iniisip mo." Nakangiting sabi niya at lumabas ng kotse nya.

"Paolo, bakit nandito ka?" Tanong ko sa kanya habang pinagmamasdan syang palapit sa akin.

"I don't even know."

"Weh?"

Tumawa sya. "You promised me a dinner, nakalimutan mo na ba?"

Tahimik lang akong nakinig sa mga kwento sa akin ni Paolo habang nagddrive sya papunta sa isang fine dine resto na pupuntahan namin.

"Paolo... I have something to tell you." Paguumpisa ko sa kanya ng matapos nyang sabihin sa isang waiter ang orders namin. Nilingon nya naman ako at nginitian. "Yes?"

I smiled at him too.

Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag ang namamagitan sa aming dalawa ni Calix. Kung papaano ko sasabihin sa kanya na tigilan nya ang panliligaw sa akin. Sa totoo lang kaibigan ang turing ko sa kanya.

Hindi ko alam.

Clueless din ako.

"Something you want to say, angel?" Nakangiting tanong nya.

Hindi ko maibuka ang bibig ko. Hindi ko alam anong una kong sasabihin.

"May problema ba?" Tanong nito, siguro napansing hindi ko masabi ang gusto kong masabi.

Umiling ako. "Kamusta na pala sa work?" Pagliligaw ko ng topic.

"It's fine. Had been very busy for the past days but it's alright, at least I'm learning." Nakangiting sabi nya. "How about you angel? Kamusta na ang work? How's it going with that Calix?" He asked.

Napahinto ako sa naging tanong nya. I cleared my throat. "It's alright. Yeah, I closed the deal we're just waiting for the contract."

Napangiti sya sa narinig nya. "Great, you won't have to see your ex that often."

"Actually, Paolo, I have something to tell you. About Calix... I'm..." hindi ko natuloy ang nais kong sabihin nang may mahagip ang paningin ko ng isang pamilyar na babae.

"Si Leila." Bulong ko ng lalong mamukaan ko pa sya ng mabuti. Leila's here, in the same restaurant were in. Nakaupo sya hindi kalayuan sa table namin. Mag-isa lang syang nakaupo doon habang nakatingin sa entrance ng restaurant like she's waiting for someone.

"Sino? Kakilala mo?" Tanong ni Paolo, nakatingin rin sya kay Leila.

Tinanguan ko sya. Oo, papanong hindi ko makikilala ang bruhildang babaeng yan? She ruined my life. Ang babaeng walang ibang ginawa kundi maliitin ang pagkatao ko at ipahiya ako sa lahat every chance she gets. Iyang babaeng yan na ubod ng sama ng pagkatao. Yes, I know her.

Napagpasyahan ko na lamang na ipagkibit balikat ang presensya ni Leila at muling harapin si Paolo. Ilang sandali lang rin naman ay dumating agad ang order naming pagkain kayat kumain nalang kami habang nagkikwentuhan. But then suddenly napahinto ako nang makita ko ang lalaking dumating at lumapit kay Leila.

It knocked the hell out of me once I found out kung sino ang lalaking iyon. Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa kinauupuan ko. It's Calix.

Just what the hell. Bakit nagkikita ang dalawang ito?

Agad na tumayo si Leila nang makita nya ang pagdating ni Calix. She was smiling from ear to ear as she kissed Calix on the cheek.

Teka? Am I seeing things right? Calix gave Leila before sitting on the chair in front of her.

Gusto ko silang puntahan don, sugurin at kwestyunin. Gusto kong lapitan si Calix at sigawan. Gusto kong sampalin ang mukha ni Leila at hatakin ang buhok nya hanggang sa makalbo sya.

Pero, bakit Naya? Anong karapatan mong gawin iyan? Kayo ba ni Calix?

Napatikhim ako. Hindi kami ni Calix pero alam kong may karapatan akong magalit. Kagabi lamang ay kasama ko sya muntikan pang may mangyari sa aming dalawa. Kagabi lamang paulit ulit nyang ibinubulong sa tenga ko kung gaano nya ako kamahal. May karapatan akong magalit.

"You're torturing your food, angel."

Nilingon ko si Paolo.

Napakunot ang noo nya. "Hey, what's wrong? Why are you crying? Are you alright?" Nagaalalang tanong niya kayat agad naman akong napahawak sa pisngi ko. Napatulo ang luha ko dahil sa inis hindi ko manlang napansin iyon.

Umiling nalang ako kay Paolo at agad na pinahiran ang mga luha ko. Sumubo ako ng pagkain pero nawalan na ako ng gana, I lost my appetite.

All I can feel is throbbing pain on my chest. Para akong sinaksak sa sakit na nararamdaman ko.

"I want to go home, Pao." Mahinang sabi ko at inilapag ang hawak kong kutsara, kinuha ko ang tubig at ininom iyon bilang pangpakalma. "Umalis na tayo dito." Dagdag ko pa at isinukbit ang aking bag. Tumayo ako at ganon din sya. Paolo payed the bill.

"Sigurado ka bang ayos ka lang?" Tanong nya habang naglalakad kami papalabas, nadaanan nanamin ang kinauupuan nila Leila at Calix nang hindi nila ako napapansin.

Leila's smiling at him. They are both smiling. I hate them. I just felt so betrayed by Calix.

"Ouch!"

"Aray."

Napahinto ako sa paglalakad at napahawak agad sa hips ko nang may batang makatunggo sa akin, nasaktan ako sa pagkakatunggo nya kaya alam kong nasaktan din ang batang babae. Agad akong lumuhod para makita syang nakahawak sa ilong nya.

"Mommy!" Iyak ng bata. Maybe she's around, three or four years of age.

"Sorry, baby. I'm sorry. Are you okay?" Nagaalalang tanong ko at hinawakan ang kamay niya para tanggalin iyon sa pagkakahawak sa ilong nya.

"It hurts!" Nagluluhang sabi nya.

I was about speak nang marinig kong may tumawag sa bata. Agad akong napatayo nang makita kong si Leila iyon.

"Bianca! Are you okay? What happened?" Nagaalalang tanong ni Leila sa bata.

"Mommy! I was looking for you when I bumped unto the lady!" Pagsusumbong nito. Lumapit ang bata kay Leila habang umiiyak ito.

Mommy... she's Leila's daughter. Pinagmasdan kong maigi ang istura ng bata. Hindi ako maaring magkamali, kamukha ito ni Leila, at mayroong resemblance ng de Real. Napailing ako. Totoo ba tong nakikita ko? Tama ba ang naiisip ko?

Did Calix had a child with Leila?

Malakas ang pakiramdam ko na tama ang naiisip ko.

"Naya." Napatingin sa akin si Leila. "Naya, is that you?" Hindi makapaniwalang tanong nya.

I felt a lump in my throat. Calix had a child with her.

"Naya, do you still remember me?" Leila asked.

Paano kita makakalimutan?

Magsasalita pa naman sana sya nang sumulpot sa gilid nya si Calix. Even Calix looked surprised to see me. Agad syang napansin ng bata kayat nilapitan sya nito at niyakap sa bewang. Kahit sino ang makakakita nito, alam na si Calix ang ama ng batang iyan.

Para kong mabubulunan at hindi makapagsalita. Hindi ko alam kung paano ako napunta sa sitwasyon na ito. How could Calix do this to me? Paano nya ako nagagawang saktan ng ganito?

Huminga ako ng malalim. I tried to compose myself. I don't want to make a scene. Madiin kong kinagat ang pang ibaba kong labi at mabilis na tumalikod sa kanilang lahat.

Diretso akong naglakad papalabas. Pilit na pinipigil ang lahat ng luha ko.

"Do you still love him, Naya?"

Napahinto ako sa paglalakad nang marinig ko ang tanong sa akin ni Paolo. Hinarap ko sya, hindi ko na napigil at tuluyan nang nagsibagsakan ang mga luha ko.

"Your ex, do you still love him?" He asked again.

I shook my head. "I don't know. I don't know, Paolo." I sobbed.

Tahimik syang lumapit sa akin at niyakap ako. Hindi ko mapigil ang malalakas na hikbing nanggagaling sa akin. "Hindi ko alam... hindi ko na alam anong dapat kong maramdaman."

Naramdaman ko ang marahan nyang pagtapik sa likod ko. Tahimik lang sya habang inaalo ako sa pag iyak.

"Litong lito na ako, Paolo." Mahinang sabi ko.

Sandaling humiwalay sa yakap nya sa akin si Paolo. Hinawakan nya ang pisngi ko at marahang pinahiran ang luha ko. "You should talk him."

Napailing ako sa sinabi nya.

"You should talk to him. Alamin mo kung anong nararamdaman mo. Do this for yourself, angel." Sandali nyang pinagmasdan ang mukha ko. Napabuntong hininga sya at nginitian ako ng malungkot. "I'll wait for you in the car." He said before letting go of me.

"--Naya."

Pareho kaming napalingon ni Paolo sa tumawag sa akin. Paolo nodded at me before walking out of the scene. Naiwan kaming dalawa ni Calix.

"Naya, you misunderstood---"

"I don't want to hear any excuses, Calix. I've seen enough." I cut him off. Huminga ako ng malalim at marahas na pinahiran ang mga luha ako. "So you came back just to mess with me. Para gaguhin ulit ako. Para paglaruan ang nararamdaman ko. I let you touch me, kiss me, just so you can hurt me again." Tumawa ako ng mapanuya at umatras papalayo sa kanya. "You're still seeing her. Ang tanga tanga ko talaga. Nag pauto nanaman ako sayo." Kinagat ko ng madiin ang labi ko at asar na kinuyom ang mga kamao ko.

"That woman. Alam ko alam mo kung anong ginawa nya sa akin. Kung gaano nya ako sinira. You know how much I hate her... you know what Calix? I hate you too. I hate you. I loathe you."

Tahimik lang syang nakatingin sa akin na parang nasasaktan.

Oh come on, Calix! Wag kang magkunyari.

"Pagod na ako, Calix. With all this bullshit." Tinakpan ko ang mukha ko gamit ang dalawa kong kamay. Pilit kong pinigil ang mga hikbing kusang lumalabas sa bibig ko. Naramdaman ko ang marahang pagyakap sa akin ni Calix.

"I'm sorry, Naya..." he whispered. "It's not what you think. I'm not seeing Leila, I have no child with her. Naya believe me."

Huminga ako ng malalim at pinilit na kumalas sa yakap nya but Calix is much stronger than I am. Hindi ako makalayo sa kanya.

"Bitawan mo ko, please. Please, let go of me." Pagmamakaawa ko. Maya maya pa ay naramadaman ko ang pabitaw ng yakap nya sa akin.

Nagulat ako nang bigla syang lumuhod sa harapan ko at niyakap ang bewang ko. "Naya, maniwala ka sa akin. I'm not playing with your feelings. Totoong mahal kita. I came back because I love you. Please, love. Please hear me out."

Tahimik akong umiiyak habang pinagmamasdang nagmamakaawa si Calix habang nakaluhod sa harapan ko.

Huminga ako ng malalim. My lips were trembling. "I don't know what to belive in anymore, Calix." Pinunasan ko ang pisngi ko na basang basa ng mga luha. "I don't know kung kaya pa kitang paniwalaan. I don't think I'm able of trusting anymore."

Paulit ulit na napailing si Calix. Mas lalong napahigpit ang yakap nya sa bewang ko.

I smiled bitterly. Tininaas ko ang kamay ko upang marahang tanggalin ang yakap nya sa bewang ko. "Please, Calix. Let's just end whatever it is that we have. Please, let this be the last time we see each other. Wag mo na akong puntahan, nagmamakaawa ako sayo. Pakawalan mo na ako." Madiing sabi ko bago tumalikod sa kanya.

I know it's better off this way.

Sana ito na ang huling beses na iiyak kaming dalawa. Ito na ang huling beses na makita namin ang isa't isa. Sana pagkatapos ng gabing ito ay matapos na ang lahat.

Continue Reading

You'll Also Like

35.1M 1.2M 37
Agatha suffers from a rare disorder that makes her sleep in a long period of time. But what happens when the modern-day sleeping beauty meets an idio...
1.2M 53.3K 69
(COMPLETED) After enrolling on her new school, Rue thought that her life would be peaceful unlike with her old school. She loves figthing back then b...
656K 14.6K 57
Published under IMMAC PPH Cyienna Calixta Marcielo-more on-Ciara Callista Martell, a Runaway Royalty to get away from what her mother wants, running...
28.2M 1M 68
(Academy Series #1) The Gonzalez heir, Kairon, was sent to Garnet Academy to ensure his safety against the suspected hierarchy war. Appointed as the...