Artistahin

By PaulitoX

450K 5.9K 569

Modern day beauty and the beast story. Sundan ang kwento ng binatang di nabiyayaan sa panlabas na kaanyuan sa... More

Prologue
Chapter 1: Enan
Chapter 2: Artistahin
Chapter 3: The Ex
Chapter 4: Pag Iwas
Chapter 5: Pagbagsak
Chapter 6: Habulin
Chapter 7: Proposal
Chapter 8: Kontrata
Chapter 9: Revelation Day
Chapter 10: Celebrity
Chapter 11: Duda
Chapter 12: Believe
Chapter 13: Friends
Chapter 14: Closer
Chapter 15: Siya
Chapter 16: Depensa
Chapter 17: Peace
Chapter 18: Level 2
Chapter 19: First Date
Chapter 20: Tuliro
Chapter 21: Doubt
Chapter 22: Level 3
Chapter 23: Dilema
Chapter 24: Damage Control
Chapter 25: Surpise Visit
Chapter 26: Surprise Visit II
Chapter 28: Girlfriend
Epilogue
Maraming Salamat!!!

Chapter 27: Munting Tibok

13.7K 192 19
By PaulitoX

Chapter 27: Munting Tibok

Minulat ni Cristine ang kanyang mga mata, una niya nakita ay si Enan na nakaupo sa tabi ng kama at pinagmamasdan siya. “Good morning” bulong niya sabay ngumiti. “Sorry, masama tuloy simula ng araw mo pagkat ako una mong nakita” sabi ng binata.

“I smiled didn’t I?” pacute ng dalaga. “Sabagay buhay ka pa” biro ni Enan. “Sana wag ka magalit pala, I woke up around one then di ko makuha tulog ko so I cleaned your room” pacute ng dalaga. “Nakakahiya nga e, pero okay ba tulog mo? Kung gutom ka tiis ka muna kasi nag early grocery parents ko” sabi ng binata.

“Hala sabi ko wag special treatment diba? Alam mo ba pag wala ka sa condo ang kinakain lang namin ni Jelly ay tuyo, paborito ko kasi yon e” sabi ng dalaga. “Imposible ka na” sabi ni Enan. “Totoo, pag off ko at bakasyon automatic yan, fried rice, sunny side up egg tapos tuyo. Then minsan pinapasunog ko talaga para crispy then may sawsawan na suka” kwento ng dalaga.

“Liar” sabi ng binata. “True, bisita kita kaya special pinapaluto ko pag alam ko pupunta ka doon” sabi ng dalaga. “So bisita kita kaya dapat special din kakainin mo pag nandito ka” sabi ni Enan. “For now, pero next time sana wag na” sabi ni Cristine.

“May next time pa?” tanong ng binata. “Ay…so I am not welcome here?” tanong ng dalaga. “That is not what I meant, of course lagi kang welcome dito. Pero okay lang ba talaga natutulog ka dito sa bahay namin?” tanong ni Enan.

“I see, sige di na mauulit” bulong ng dalaga sabay nagsimangot. “Uy teka lang, welcome ka dito anytime pero syempre inaalala kita. We are friends pero babae ka e” sabi ng binata. “Girlfriend” bulong ng dalaga kaya natawa si Enan. “Sabagay” sabi ni Enan. “Kung ayaw mo isipin na ganon e di friend, pero pag si Violet siguro wala ka reklamo ano?” banat ni Cristine.

“Bakit mo ba lagi…” sabi ng binata at may napansin siyang kakaiba sa kanyang kwarto. “Inalis ko lahat, your room looked so gloomy with all those violet stuff around. Don’t worry I placed them inside the box under your bed” sabi ni Cristine.

“My room looks good” sabi ni Enan sabay napangiti. “Violet is a gloomy color, kalalake mong tao may violet teddy bear ka” banat ni Cristine. “I was supposed to give that to her pero I didn’t have the chance” sabi ni Enan. “Teka nga babangon na ako para ibalik na yung mga violet stuff mo. Baka mamaya sabihin masyado na ako pakialamera” sabi ni Cristine.

Nagulat si Cristine nang hinigaan siya ng binata, natili siya at kunwari tinutulak palayo si Enan pero sa totoo naghahanap siya ng timing para mayakap ito. “I said my room looks good” sabi ng binata at doon na bumalot ang mga kamay ng dalaga sa katawan niya.

“Sinasabi mo lang yan kasi nandito ako” bulong ni Cristine. “I can move on” bulong ng binata kaya hinaplos ng dalaga ang kanyang pisngi. “Kaya ko nga inalis mga yon e, kasi pag nakikita mo sila naalala mo lang siya” bulong ni Cristine.

“Iniisip ko lang na baka may chance pa…baka nagkamali lang siya” sabi ni Enan. “Alam mo kahapon yung role playing natin, sabihin natin totoo na tayo talaga tapos sinabi mo mga yon sa akin…masakit parin e” sabi ni Cristine.

“So palpak yung adlib?” tanong ng binata. “Hmmm for me yes. Syempre pag boyfriend kita gusto ko one hundred percent sa akin ka. Kahit sabihin mo naman na meron pang feelings na natira na konti e…there will always be that fear of losing you”

“Syempre pag tayo, gusto ko tayo lang at walang sabit na. Kahit sabihin mo 99.9% percent you are mine but there is always that tiny percentage that I may lose you to her” sabi ni Cristine. “Grabe ka pala, pag acting talagang nilulugar mo talaga sarili mo sa role mo” sabi ni Enan.

“Para makatotohanan diba? Kaya nga acting e, you have to make it look real” sabi ng dalaga. “Pero bakit di mo inadlib yan kahapon? E di sana mas maganda yung palitan natin ng linya pag pinasok mo yan kahapon” sabi ng binata.

“E pano pa ako magsasalita e akala ko maghahalikan na tayo e” sabi ng dalaga at nagtawanan sila. “Oo nga ako din nautal ako e, parang nagka brain freeze ako bigla…Tiny you kissed a guy before, ganon ba talaga yung feeling pag malapit na kayo magkiss?” tanong ni Enan.

“What did you feel?” tanong ni Cristine. “Uy teka ha, yung noo sa noo effect na yon napanood ko sa anime, dalawang lalake yon na fighters, nag forehead to forehead sila kasi yung isa gusto na sumuko tapos yung isa gusto pa lumaban. E effective siya kaya ginawa ko yon para magmukhang serious talk din” kwento ng binata.

“You caught me off guard but yeah it was a good move” sabi ni Cristine na nakangiti. “Good, sabi ko naman sa iyo artistahin ako e” landi ng binata at nagtawanan sila. “E yung mga sumunod?” tanong ng dalaga. “Ewan ko sa iyo” sabi ng binata. “What do you mean ewan mo? You rubbed your nose against my nose” sabi ng dalaga.

“Duh, akala ko ikaw yon, alam mo naman na nirerespeto kita” sabi ng binata. “Ikaw yon” sabi ng dalaga at lalong lumaki ang ngiti sa mukha. “I swear I didn’t do it on purpose, akala ko ikaw, di nga dapat ako gagalaw pero basta nalang gumalaw ulo ko kasi it felt nice…muntik na nga ako maduling kakatitig sa iyo sa takot e but I saw that okay ka lang naman so iniisip ko na ah baka ganito talaga yon” kwento ni Enan.

“I swear too it wasn’t me” sabi ni Cristine. “E ano nangyari?” tanong ni Enan. “Magaling tayong artista, nagpatangay tayo sa roles natin so our bodies did the rest” sabi ng dalaga. “So are you trying to say ganon talaga yon pag maghahalikan na?” tanong ni Enan.

“Honestly me and my ex were never that intimate. I liked him and he liked me and so basta nalang nangyari first kiss namin. Pero past na yon, it turned out that parang trophy girlfriend lang pala ako” bulong ng dalaga.

“Wag mo nga ibahin usapan, stick to the topic” banat ni Enan kaya napangiti ang dalaga. “Bakit ano ba pinag uusapan natin?” tanong niya. “Tayo, bakit mo sinisingit singit yang ex mo?” sabi ng binata. “Oh so gumaganti ka? Kasi ayaw ko pag usapan natin si Violet kaya ayaw mo din kinukwento ko ex ko ganon?” landi ng dalaga.

“Kasi may gusto ako itanong” sabi ni Enan, naramdaman ng dalaga na para na siyang kiti kiti kaya labis siyang nakiliti sa itatanong ng binata. “Ano yon?” sagot niya. “Ah..so you say our bodies just moved or reacted ng kusa” sabi ng binata. “I did, why?” sagot ni Cristine.

“So, we were intimate as you say” sabi ng binata. “We were, get to the point Enan” lambing ng dalaga na kinikilig na. Huminga ng malalim ang binata sabay naglakas loob na, “Role playing nga yon…ah alam ko peke tayo…pero kung sakali man na hindi tayo..” bigkas ng binata sa nanginginig na boses.

“Kiss?” tanong ni Cristine sabay pigil kilig siya. “Ah..e kasi intimate na tapos sa movies naman doon bumabagsak diba?” sabi ng binata. “Kahit sa totoong buhay, so ang tanong mo ay kung hahalikan ba talaga kita?” tanong ng dalaga.

“Uy grabe ka naman no, pero oo” banat ni Enan at nagtawanan sila. “Well depende sa flow” sabi ng dalaga. “Anong flow?” tanong ng binata. “Like kahapon we got intimate because nadala tayo sa roles natin, if it got intense then maybe pero we will never know because you looked away” landi ng dalaga.

“Pati naman ikaw ha” sabi ni Enan. “You looked away first, if you didn’t look away then malay natin” landi ng dalaga at nagtawanan sila. “Ako ba nauna?” tanong ng binata. “Oo kaya, or I think sabay lang” sabi ng dalaga.

“So what if I didn’t look away?” tanong ni Enan. “Then I would not have looked away too” pacute ng dalaga. “So if we didn’t look away then what?” tanong ng binata. “Ewan ko, pano natin na malalaman ngayon e we both looked away” sabi ni Cristine.

“Safe answer, its okay alam ko naman na hindi mangyayari” sabi ng binata. “Subukan mo sabihin na mandidiri ako sa iyo at sasakalin kita” banta ng dalaga. “Pero totoo ba yung sinasabi nila na di mo makakalimutan yung first kiss mo?” tanong ni Enan.

“Siguro, ewan ko kasi I only had one boyfriend so naalala ko talaga first kiss ko. Nasagot sana kita if you didn’t look away kahapon” landi ng dalaga kaya natawa si Enan. “Malamang hindi kasi I have never kissed a girl so I don’t know how to kiss. Therefore if ever maalala mo parin first boyfriend mo” sabi ng binata.

“Bakit mo ba dinidiin yang issue na yan? Nagpaparinig ka ba?” landi ng dalaga. “Uy hindi ha! Parang nastuck lang utak ko sa naramdaman ko kahapon. I know acting lang yon pero..it may not happen again. Di ako nagpaparinig, what am I trying to say is that when we get on with our lives na talaga baka never ko na maeexperience yon”

“Kaya kahit acting siya, it was nice, and it’s the closest to the real thing that I may not be able to experience this life time” drama ng binata. “Hay Enan, tsk dito ka nga ang bigat mo” sabi ng dalaga.

Nahiga si Enan at si Cristine naman ang sumandal sa kanya. “Tiny malaki kama ko pero baka malaglag ka kaya…” banat ni Enan sabay niyakap ang dalaga. Tawang tawa si Cristine pero sa tawa niya tinago ang kanyang kilig. “If you want to hug me just hug me, dami mo pa palusot” sabi ng dalaga.

“Ayaw ko naman isipin na taking advantage ako at malay ko ba kung nandidiri ka sa akin pero umaakting ka lang na hindi” sabi ng binata. “Gusto mo talaga mag away tayo ano?” sabi ni Cristine. “Just saying” bulong ni Enan.

“Well in fairness masarap yakap mo, I feel safe and comfortable honestly” bulong ni Cristine. “My room looks nice pero parang may kulang bigla” sabi ni Enan. “Gusto mo ibalik ko yung mga violet stuff?” tanong ng dalaga.

“Wag na…Tiny you are wearing my shirt” bulong ng binata. “I know, akin na ito tapos kukunin ko pa yung red one and the dark green one pag uwi ko” sabi ng dalaga. “Welcome to Enan’s Shopping Center, please feel free to take what you want” banat ng binata at nagtawanan sila.

“I like wearing oversized shirts pag natutulog ako, oh tapos yung blue pa pala kukunin ko din siya kasi maganda tela niya. Don’t worry papalitan ko sila ng bago” sabi ng dalaga. “Wag na no, take what you want” sabi ni Enan.

“Madami kang damit, so fashionista ka din pala” sabi ng dalaga. “Di naman, kailangan lang talaga mag compensate, magsuot ng maganda para naman mapansin kahit papano. At karamihan diyan bigay lang ng mga tito at tita ko na nasa abroad” sabi ng binata.

“Alam mo labs itigil tigil mo yan self pity mo. Its not nice. Makinig ka naman kasi sa akin” lambing ng dalaga. “Nagpapakatotoo lang” sabi ni Enan. “Honestly mas gusto ko pa yung ikaw na oozing with confidence kesa na ganyan na nagdradrama. Pag marinig ulit kita na nagdradrama ng ganyan aawayin talaga kita” banta ng dalaga.

“Tiny, inaantok ako” bulong ni Enan. “Ako din e” sabi ng dalaga. “Pero gusto ko dito” bulong ng binata. “Ako din pero…” bulong ng dalaga. “I get it, sige aalis ako” sabi ng binata. “No, pero gusto ko ganito” sabi ng dalaga sabay dahan dahan siya umikot at humarap sa binata.

“Like this” bulong ni Cristine sabay sinandal niya ulo niya sa dibdib ng binata sabay dahan dahan yumakap. “Oh sure” sabi ni Enan. “You have to embrace me back” bulong ni Cristine kaya yumakap din ang binata sa kanya.

“Pati yung maroon” bulong ni Cristine. “Favorite ko yon” bulong ni Enan. “Akin na yon” sabi ng dalaga. “Sige na nga, all of a sudden di kita matiis” bulong ng binata. “What did you say?” tanong ng dalaga. “Wala” bulong ni Enan.

Samantala sa condo unit ni Cristine kinakabahan na si Arlene. “Hinatid daw siya kina Enan tapos sinabi mag day off siya” kwento ni Jelly. “Natulog siya doon? Did you try to call her?” tanong ni Arlene.

“She will be fine, oh you should see her Facebook profile photo. Pinalitan niya kahapon” landi ng bading at napangiti si Arlene nang makita photo nila ni Enan. “Tignan mo nga naman o parang she is having fun” sabi niya.

“Ang dami niya inupload pero di ko alam sino yang mga yan” sabi ni Jelly. “Baka mga kaibigan ni Enan, teka matanong nga kita, is she acting or totohanan na talaga ito?” tanong ni Arlene.

“Di ko alam, pero honestly I like Enan. Nung una oo aminin ko na against ako sa plano niyo pero alam mo parang nagagamot niya si Cristine e. Di na siya masungit lately, palangiti kaya lang parang sirang plaka na inuulit ulit mga joke ni Enan. Di niya alam di niya bagay magpatawa pero hala sige tawa ka lang at baka maging bruha nanaman siya” kwento ng bading kaya nagtawanan sila.

“Kinakabahan lang ako talaga kasi baka nadadala lang siya sa kabaitan ni Enan. O kaya baka nadala sa awa dahil sa sad story ng binata. May possibility din nab aka nadala lang emosyon niya dahil nga sa mga nagawa ni Enan. I too like the changes in her but natatakot lang ako baka in the end one of them is going to get hurt” sabi ni Arlene

“Bakit mo naman nasabi yan?” tanong ni Jelly. “Enan does not like her, I can feel it. Kahit sabihin mo maganda si Cristine pero puso niya para doon sa Violet ba yon?” kwento ni Arlene. “Excuse me, Enan told me he likes Cristine a bit” sabi ni Jelly.

“Totoo ka? He told you?” tanong ni Arlene. “Well piniga ko sa kanya, kasi nung nagprapractice sila e parang napansin ko titig na titig siya kay Cristine and then he kept saying maganda siya. Siguro nadadala din emosyon niya dahil nga ang bait ni Cristine sa kanya, amazing nagagamit ko yung term na yon bigla sa kanya” sabi ng bading at lalo sila nagtawanan.

“Showbiz nga naman o, kaya madaming love teams at madami din hiwalayan dahil sa mga false feelings na ganyan e” sabi ni Arlene. “I know right, well wala na tayo magagawa kasi pareho naman silang artista” banat ni Jelly.

“Deep inside I wish sana totoo. You know kailangan natin prangkahin si Cristine pagbalik niya” sabi ni Arlene. “Oo nga agree ako diyan kasi pareho lang naman sila masasaktan sa huli. Kung meron talaga so be it, pero kung nadala lang dahil sa fake love team e kailangan natin pigilan ito” sabi ni Jelly.

Nung hapon na yon nakarating na yung SUV na itim sa harap ng bahay nina Enan. Nagpaalam na si Cristine pero napansin ni Enan na parang ayaw umalis ng dalaga. “What is wrong?” tanong ng binata habang naglalakad sila papunta sa gate.

“Wala naman, masaya lang ako. Kaya lang parang bitin” sabi ng dalaga. “I don’t get it, panong bitin?” tanong ng binata. “Well you know its been all work for me at ngayon lang ulit ako nagbakasyon ng ganito without my family”

“When I am with them busy parin utak ko na nag iisip what else do they need. Are they really okay? Sapat na ba talaga naibigay ko. Pero dito parang di ako nag iisip ng kung ano ano pa. Para bang relaxed lang ako kasi alam ko you will keep me safe and anytime you can cheer me up” sabi ng dalaga.

“Fake boyfriend or friend alam mo naman gagawin ko talaga sa iyo yon e” lambing ni Enan. “I know kaya parang ang hirap umalis, parang gusto ko lang nandito ako kasama ka” sabi ng dalaga sabay tinignan reaksyon ng binata.

“Honestly, it was fun being with you as a friend and not as an actress” sabi ng binata. “Really? As a friend?” tanong ng dalaga. “Well more of a bestfriend kasi parang super close tayo” bulong ng binata at napangiti talaga si Cristine.

“It’s a start” bulong niya. “Anong start?” tanong ng binata. “Ha? I mean ito, pagiging magbestfriend natin, diba? Dito nagsisimula yon diba?” palusot ng dalaga. “Oo nga” sabi ng binata sabay nagulat talaga yung dalaga nang yakapin siya ng binata sabay hinalikan sa pisngi na sobrang lapit sa kanyang mga labi.

“Enan” bulong niya sabay nagtitigan sila. “Shhhh nakadungaw yung kapitbahay, keep it real diba?” bulong ng binata. “Ow..keeping it real then” sagot ni Cristine sabay paspas niya binigyan ng smack sa labi ang binata.

Pareho sila napalunok at natulala, pareho sila nakaramdam ng kakaibang kuryente sa buong katawan nila. “Tiny you just kissed me” bulong ni Enan. “Smack lang, keep it real nga e” bulong ng dalaga.

“Tiny yumakap ka kasi parang magcocollapse ata ako” bulong ni Enan kaya yumakap ang dalaga at nagpipigil ng tawa. “Warningan mo naman ako kasi, ginulat mo ako kaya tuloy utak ko parang ayaw magfunction” bulong ng binata kaya napahalakhak na talaga si Cristine.

“I have to do it again, ready?” bulong ng dalaga. “Wait, baka masira image mo kaya ako naman pero pano ba yung smack?” bulong ng binata kaya napakagat si Cristine sa dibdib ng binata para pigilan ang kanyang kilig at tawa. “Basta idikit mo close lips mo sa lips ko” bulong ni Cristine.

“Flat to flat, parang ang pangit tignan, diba dapat naka kuhol formation?” biro ni Enan kaya laugh trip yung dalawa. “Game” sabi ng dalaga kaya huminga ng malalim si Enan sabay inismack ang dalaga sa labi. Ninerbyos siya pagkat si Cristine parang natulala at di gumagalaw.

“Oh no, that bad?” tanong ng binata. Ngumiti ang dalaga sabay hinaplos ang kanyang labi, “It was nice” bulong niya sabay namula na ang kanyang mga pisngi. “Are you sure? Nadiin ko ba masyado? Did I hurt you?” bulong ni Enan. “No labs, it was perfect” pacute ni Cristine. 

Continue Reading

You'll Also Like

3.6K 249 18
Aiko Fritchzer lives in the town of Thirstians Valley, where poor people and children who grow up without talents and skills are live there. Aiko gre...
628K 5.8K 15
PUBLISHED UNDER VIVA-PSICOM. This story isn't completed anymore, the ending is already deleted. You can read the whole contents in its book version f...
696K 13.5K 62
Ang huling yugto sa kwento ng ating INTERGALACTIC BAE
1.2M 7.4K 7
Love story ng isang maligno at ng isang babaeng mahilig mag basketball.