GETTING BACK TO EACH OTHER'S...

By KimVerly

637K 6.9K 764

ito na po yung book2 nang getting to now each other on bed..basahin muna ang book1 bago ito para hindi malito... More

GETTING BACK TO EACH OTHER ARMS
PAGE-1-
PAGE-2-
PAGE-3-
PAGE-4-
PAGE-5-
PAGE-6
PAGE-7-
PAGE-8-
PAGE-9-
PAGE-10-
PAGE-11-
PAGE-12-
PAGE-13-
PAGE-14-
PAGE-15-
PAGE-16-
PAGE-17-
PART-18-
PAGE-19-
PAGE-20-
PAGE-21-
PAGE--22--
PAGE-23-
PAGE-24-
PAGE-25-
PAGE-26-
PAGE-27-
PAGE-28-
PAGE-29-
PAGE-30-
PAGE-31-
PAGE-32-
PAGE-33-
PAGE-34-
PAGE-35-
PAGE-36-
PAGE-37-
PAGE-38-
PAGE-39-
PAGE-40-
PAGE-41-
PAGE-42-
PAGE-43-
PAGE-44-
PAGE-46-
PAGE-47-
PAGE-48
PAGE-49-
PAGE-50-
AUTHORS NOTE:PASASALAMAT
THE LAST PART(EPILOGUE)
SPECIAL CHAPTER

PAGE-45-

9.1K 115 16
By KimVerly

PAGE-45-

Mugtong mga mata at sabog na buhok,kung may makakakita saking batang maliit ngayon siguro matatakot sakin at mapapagkamalan akong bruha.inalis ko ang tingin sa salamin at nag-tuloy na pumasok nang banyo

Agad din naman akong bumaba sa kusina pagkatapos kong maligo,wala naman akong nadatnang tao pagbaba ko.mukhang wala pa sila Mama,sabagay at alasiete palang naman nang umaga.ininit ko lang naman yung pizza na nasa ref at iyon ang kinain ko

Napapikit naman ako nang makaramdaman nang pagkahilo at panlalabo nang paningin.minabilis ko nalang yung pagkain.balak ko nga sanang pumunta nang art store pero tinamad naman ako at minabuti nalang ang mamasyal

Hindi ko na nga dinala yung kotse ko at pinili nalang na mag commute,nakasakay din naman ako agad sa bus na tumigil,puno na nga kung tutuusin at isa nalang yung natitirang bakante,yun eh,dun sa tabi nang lalaking nakahood at nakasandal sa bintana nang bus na tipong natutulog

Nag-simula nang umandar yung bus,sa pag-andar niyon nauntog yung lalaking katabi ko,hindi naman ito nag-abalang idilat ang mga mata at bahagya lang na tumunghay at muling sinandig yung ulo sa may bintana nang bus.

Nagulat naman ako nang nang makilala ito,nag-pigil nga akong maiyak at bumababa nang bus nang oras na iyon.bakit ba palagi nalang kami nagkikita nito sa bus?bahagya naman akong umayos sa pag-kakaupo nun,sakto bigla namang nagpatugtog yung driver nang bus.napatingin pa nga ako dito nang marinig yung kanta

'what can i do?

'the love that we had is torn in two'

'so you take the smiles from all of our years'

'i'll take the tears'

Tulad nang lyrics nang kanta siguro nga,saming dalawa siya lang dapat ang sumaya.siya lang dapat,marami na siyang napag-daanan na palagi nalang ako ang inaalala niya,siya ang palaging taya.

Kung tutuusin nga,tama naman talaga siya,saming dalawa siya ang pinakanasaktan.yung lahat nang sakit na nararamdaman ko,kulang pa yun sa mga nawala sa kanya

'now i realize that you're no longer mine'

'but i'm hoping that the pain will ease in time'

'although you're leaving,i won't say goodbye'

'because i know you're here with me inside'

Tinaas ko yung kamay ko para pindutin yung button para mapatigil yung bus at makababa na ako.nagulat naman ako nang bigla itong gumalaw at hawakan ang braso ko at ibaba iyon

"Harley?"ngumiti naman ito at bigla nalang akong niyakap

"let's talk"bigla naman huminto yung bus at hinila ako nito patayo.

Bumababa kaming dalawa at naglakad nang kaunti,muli naman kaming sumakay sa isang tricycle na pinara nito.gulat na napa-awang naman ang bibig ko nang dalhin ako nito sa likod nang isang lumang building kung saan kami nangakong magkikita pagkatapos nang sampung taon

"panong?"ngumiti lang ito saglit at nakapamulsang humarap sa dagat

"wala pa akong naalala pero nagtanong ako kay Throwie sa lugar na ito,ito yung lugar na palagi kong napapanaginipan kasama ang babae na ikaw pala,siguro ito na yung tamang place para sabihin kong hinding-hindi na kita pakakawalan pa"

"anong sabi mo?"bigla naman nangilid yung luha ko nun

"i'm sorry,kung nasaktan kita sa mga nasabi ko,pero nang matapos tayong mag-usap at malaman ko ang lahat,hindi ako pinatulog nang pag-iisip na pag pinalampas ko yung sandali na hindi sundin yung puso ko,sa bandang huli alam ko mag-sisisi ako nang sobra"

"pano na yung babae na.."ngumiti naman ito nang pilit at tuluyan nang humarap sakin

"kaya nga gusto kitang maka-usap,buntis siya at.."

"what?nabun..God.."napabuntong hininga naman ito

"nabuntis ko siya nung nasa canada ako nakatira,dalawang buwan na yung tiyan niya"naiiling na napahawak ako sa sintido ko,pakiramdam ko sa nalaman ko sumasakit ang ulo ko

"nabuntis mo pala siya,pananagutan moba siya?"umiling naman ito

"mag-uusap kami mamaya tungkol sa magiging anak namin,susuportahan ko naman lahat nang pangangailangan niya"

"sa tingin mo ba tama yung gagawin mo?''

"alam kong mali pero ikaw ang mahal ko''

"pano kung hindi siya pumayag?"sa tingin ko kasi sa babaeng yun,malaki ang gusto niya kay harley

"gagawin ko ang lahat para sating dalawa,hintayin mo lang ako maayos ito"

"pero harley..''niyakap naman ako nito

"ikaw lang ang tanging babaeng minahal nang puso ko,ikaw lang at ikaw lang ang minahal nito kahit nawalan pa ako nang ala-ala,nasaktan ka nang sobra at ramdam ko yun,tapusin na natin ang pag-hihirap nating dalawa,kahit anong mangyari gagawin ko ang lahat maging tayo lang sa huli"naiiyak na niyakap ko rin naman ito

"mag-hihintay ako,patawarin sana ako nang magiging anak niyo kung magiging sakim ako na angkinin ka,pero lalaban din ako harley para sating dalawa hanggang sa huli"mas lalo naman humigpit ang yakap nito sakin

"i love you"

"i love you too Hon"

Nag-tagal lang kami nang ilang oras doon bago umalis para kumain sa isang sea food restaurant.hindi ko nga alam kung bakit sabay-sabay na napalingon samin yung mga taong nasa loob din nang restaurant pag-pasok namin,

Bahagya naman akong lumingon sa likod namin ni Harley,malay ko kung may artista palang dumating na nasa likod namin at inakala ko lang na kaming dalawa yung pinagtitinginan.

"ganda mo kasi,akala tuloy nila artista ka"napatingin naman ako dito nang mag-salita ito

"yung totoo?"

"oo nga.."pinag-hila pa ako nito nang upuan sa napili naming lamesa na pag-pupwestuhan

"baka naman may mali sa itsura ko,baliktad ba suot ko kaya..."bigla naman ako nitong hinalikan nang mabilis sa labi

"i told you maganda ka,kaya bigla silang napatingin"nahihiya namang hinampas ko ito sa braso,napangiti kasi yung mga taong nakatingin samin nang halikan ako nito

"baliw ka talaga"tumawa lang naman ito at nag-order na.Dumating naman agad yung inorder nito,ang dami ngang sea food na halata mong fresh na fresh.

"kain na tayo"hindi uso kutsara at tinidor lahat nakakamay,kaya nakikamay narin ako

Si Harley naman ang taga himay ko.binibigyan lang ako nito nang kakainin nalang.ang saya-saya nga naming dalawa nang matapos kaming kumain at lumabas nang restaurant.sobrang busog na busog naman kami

Nag-libot pa nga kami nito sa mall,nasalubong naman namin si Kaden na nagtatakang nagpabalik-balik pa ang tingin sa kamay naming magkahawak at sa mukha naming dalawa ni Harley

"mukhang may dapat kang sabihin sakin?"seryosong sabi nito na kinangiti ko lang

"pwedeng nexttime nalang?"umiling-iling naman ito

"sorry,pero hindi na uso yung nexttime"hindi naman umiimik si Harley saming dalawa

"ok..okay"akmang maglalakad na sana kaming tatlo nang bigla kaming matigilan at mapatingin sa babaeng nagsalita sa likod namin

"babe's,nandito ka din pala,mabuti nalang at nagkita tayo"bahagya pa akong napa-atras nang tabigin ako nito at pabiglang hinalikan si Harley sa labi

"Yvon.."

"why?naglalambing lang naman eh,sino ba sila?"

"ah,siya si.."hindi na nito pinatapos na pag-salitain si Harley

"ah,yes!siya yung utusan mo sa bahay niyo diba?"turo nito sakin na kulang nalang tagain ko ang daliri nito

"Yvon,she's my.."

"friend.."sagot ko na kinapagtaka nang tingin ni Harley sakin,ewan ko ba kung bakit yun yung lumabas sa bibig ko imbis na soon to be housewife niya

"i see,at siya ang boyfriend mo?"

"he's also a friend"sagot ko

"ok,shall we go,i'm so hungry na babe's,kanina pa kasi ako naglilibot dito sa mall hindi pa ako nag-lalunch"umiling naman ako,halos isang oras palang nang kumain kami ni Harley

"busog pa ako,kayo nalang"hihilahin ko na sana si Kaden nang bigla itong mag-salita ulit

"join us,minsan lang ako mag-yaya,huwag niyo na akong tanggihan"

"sige,gutom narin naman ako,"pag-sang ayon ni Kaden na kinadilat nang mata ko dito

Isang pang-asar na ngiti lang naman ang binigay nito sakin,nauwi tuloy kaming lahat sa Max's.kahit sinabi kong hindi ako kakain,etong si Kaden binilhan pa ako,si Harley naman eh walang imik pero ramdam mong naiinis ito.lalo pa nang subu-subuan ito ni Yvon

"nga pala,gusto mo bang maging ninang nang magiging anak namin?"tanong nito sakin na kinangiti ko nang plastic

"why not"

"buntis ka pala?"tanong ni kaden dito

"yes,two months na at si Harley ang ama"

"ah,talaga?anong balak niyo?"nangangati naman akong batukan itong si Kaden sa mga pinagtatanong nito

"syempre,meron na!nagbabalak na kaming magpakasal na dalawa"bigla namang nasamid si Harley nun,hinimas-himas pa nga ito ni Yvon sa likod

"ano bang pinag-sasabi mo?"iritang sabi nito

"sinasabi ko lang yung totoo sakanila,wala naman masama diba?totoo naman na buntis ako at.."

"yes you are!pero huwag mo akong pangunahan sa mga bagay na gagawin ko"natigilan naman si Yvon dito,kami naman ni kaden nanatili lang na tahimik

"hinahamon mo ba ako Harley?"

"mag-uusap tayo,huwag dito"

"bakit nahihiya kaba?nahihiya kabang nabuntis mo ako hah?"napatayo naman si Harley nang tumayo si Yvon at sumigaw,napapatingin na nga samin yung ibang kumakain doon

"Yvon,i said not here"kitang-kita sa mukha ni Harley na galit narin ito

"hindi ako makakapagyag na hindi mo ako panagutan,tinitiyak ko sayo magpapakamatay ako pag-iniwan mo ako"

"Yvon.."hinabol naman ito ni Harley palabas,tumingin pa nga ito sakin saglit na tinanguhan ko lang

"complicated pala talaga?"

"yeah,ayos na nga sana kami,nalaman na nga niyang ako ang minahal niya sa nawala niyang ala-ala"

"really?"gulat na sambit nito

"yeah,nag-punta siya kagabi,pagka-alis mo siyang dating niya,mag-damag ko ngang iniyakan yun kagabi,dahil nagalit siya sakin,pero kanina nag-kasabay ulit kami sa bus at nag-usap,sinabi niya sakin na nakabuntis siya at gagawin niya ang lahat para kami parin sa huli"

"hay!ayos ang buhay niyong dalawa daming pag-subok,sino bang gumawa nang love story niyo nang mapa-salvage na?"bahagya naman akong natawa dito

"ewan ko nga ba,may saltik ata sa buhay yung kupidong napunta saming dalawa."

"pero seryoso,anong balak mo?narinig mo yung sinabi niya,balak niyang magpakamatay pag hindi siya pinanagutan ni Harley"

"hindi ko alam,naawa din naman ako dun sa babae,hay!ewan,hindi ko talaga alam"ginulo naman nito yung buhok ko

"basta,nandito lang ako pag-kailangan mo"tumango lang naman ako,

Umalis narin naman kami nang mall pagkatapos nitong kumain at bumili nang shirt at pants.hinatid nalang ako nito sa art store ko,pinili ko kasing magpahatid doon.maganda narin na may mapag-libangan ako

Nakatanggap pa nga ako nang tawag sa isang kliyente na gustong kumuha nang gawa ko,sa makalawa tuloy makikipag-kita ako sa isang japanese,para ibigay yung painting na gusto nito.nagkita-kita naman kami ni Nina at  Yzhel sa bar.

namiss ko din kasama sa gimmick ang dalawang ito,parehas ko nang course ang dalawa pero family business nang mga ito ang pinili nilang patakbuhin.kaya,busy talaga sa mga buhay ang mga ito,hindi katulad ko na hawak ko ang oras ko.

"kamusta naman kayo ni Harley?"pambungad na tanong ni Nina

"ayos na sana kaso may sumingit"

"what do you mean may sumingit?"

"sumingit,katulad mo bigla nalang sumisingit sa usapan"pambabara ko kay Yzhel na tinawalan lang nang mga ito

"may babae akong nakita na hinahabol niya sa mall kanina lang"

"yun ang sinasabi kong singit"sabi ko kay Yzhel

"wag mong sabihing may girlfriend na siya?"napatango naman ako sa sinabi ni Nina at kinuwento sa mga ito ang lahat

"ano ba naman yan,baka naman hindi si Harley yung ama nung bata at pinapaako lang sakanya"

"oo nga naman Odin,pano nga kung hindi kay Harley yun?"pag-sang ayon naman ni Nina kay Yzhel

"pero pano kung sakanya nga?"

"yun lang,pero diba nga sabi mo,gagawin ni Harley ang lahat para maging kayo parin,kilala mo si Harley,hindi yan nagmimintis sa pangako niya,nung pinangakuan ka niyang ikaw lang ang mamahalin niya kahit wala na siyang ala-ala,nangyari parin,ikaw parin yung hinanap nang puso niya"

"nandun na nga tayo Yzhel,pero kasi yung babae nagbabalak siyang magpakamatay pag hindi siya napanagutan ni Harley"

"bat ang tagal naman,gawin na niya ura-urada nang wala nang hadlang sa inyong dalawa"pinandilatan ko naman nang mata itong si Nina,dahil sa sinabi

"oo nga at mahal ko si Harley,pero hindi ko yata kakayanin kung may mag-bubuwis na naman nang buhay dahil lang sakin,may sanggol siyang dinadala,dalawa silang mawawala kung sakaling gawin niya iyon"

"anong gagawin mo?igi-give-up si Harley para mag-wagi ang lukaret na iyon at sila ang magkaroon nang magandang ending sa buhay,pano ka naman?till the end kanang luluha ganon?"ininom ko naman yung isang basong alak at bahagyang umiling

"ewan ko,kung magiging ganun nga,maigi pa nga sigurong igive-up ko na siya,pakiramdam ko kasi parang hindi naman kami talaga para sa isat-isa,ang dami-dami na naming napagdaanan pero hanggang ngayon wala parin nangyayari,pakiramdam ko ba yung pag-iibigan naming dalawa ay hindi talaga pu-pwede,sa tuwing ipipilit kasi namin na maging kami palagi nalang may nasasaktan at nawawala"

"kaya mo yan Odin,basta sundin mo lang kung anong isinisigaw nang puso mo,may laban kapa,buntis lang siya pero hindi sila kasal."ngumiti lang naman ako sa sinabi ni Yzhel at nag-simula nang mag-inom nang mag-inom

Hindi naman marami yung ininom ko,yung tama lang na hindi ko na kakailanganin pang magpahatid kay Nina at Yzhel.halos alas-dose narin nang maisipan naming umalis nang bar.

"sure kang hindi ka magpapahatid samin?"paniniguro ni Nina

"oo,sige na.ingat kayo"wala kasi akong dalang kotse,mas trip ko kasi talagang mag commute ngayon.

Naglakad-lakad pa nga ako sa kalsada,hindi naman nga ako lasing kaya matino parin akong maglakad.malayo narin yung nalalakad ko nang maramdaman kong nahihilo na naman ako,napakapit pa ako sa poste nang meralco nang tuluyan nang manlabo ang paningin ko.

Ang bilis-bilis din nang tibok nang puso ko,pinilit ko pang tumayo pero tuluyan na akong natumba.may naramdaman pa akong bumuhat sakin bago ako tuluyang lamunin nang dilim.

>___________<

AN:

nainip ba kayo sa ud,hoho..sorry naman,malapit na itong matapos,mga anim na chapter nalang..nga pala may design kami nang shirt nang team 'CODEY'tignan niyo sa gilid ko,nagustuhan niyo ba yung design?malay niyo mamigay ako nang shirt sa mga mababait kong reader..xd,keep reading..

love

kimverly

Continue Reading

You'll Also Like

322K 6.5K 13
GENTLEMAN series 12: Raphael Padilla Every woman fantasized him. Every girls desire him. Lahat sila ay magkakandarapa para lang mapansin niya. Lahat...
110K 6.2K 20
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
182K 4.2K 14
Cognac-Mateo Abarde—ang binatang umiikot ang buhay sa sports at pagkahilig sa kompitisyon. Pilipino-Pakistan, ipinanganak sa Spain pero mas gustong t...
762K 26.9K 72
Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.