Artistahin

By PaulitoX

451K 5.9K 569

Modern day beauty and the beast story. Sundan ang kwento ng binatang di nabiyayaan sa panlabas na kaanyuan sa... More

Prologue
Chapter 1: Enan
Chapter 2: Artistahin
Chapter 3: The Ex
Chapter 4: Pag Iwas
Chapter 5: Pagbagsak
Chapter 6: Habulin
Chapter 7: Proposal
Chapter 8: Kontrata
Chapter 9: Revelation Day
Chapter 10: Celebrity
Chapter 11: Duda
Chapter 12: Believe
Chapter 13: Friends
Chapter 14: Closer
Chapter 15: Siya
Chapter 16: Depensa
Chapter 17: Peace
Chapter 18: Level 2
Chapter 19: First Date
Chapter 20: Tuliro
Chapter 21: Doubt
Chapter 22: Level 3
Chapter 24: Damage Control
Chapter 25: Surpise Visit
Chapter 26: Surprise Visit II
Chapter 27: Munting Tibok
Chapter 28: Girlfriend
Epilogue
Maraming Salamat!!!

Chapter 23: Dilema

12.9K 204 20
By PaulitoX

Chapter 23: Dilema

Ilang araw ang lumipas masaya si Enan na nagkwekwento kina Shan at Clarisse tungkol sa mga ensayo nila ni Cristine. “Grabe siya, halimaw talaga as in halimaw” sabi ng binata. “What do you mean?” tanong ni Clarisse. “Parang perfectionist siya sa work. Alam mo magdedeliver siya ng line, tapos titigil at sasabihin na mali siya”

“Grabe ako nga natulala lang sa galing niya tapos sasabihin niya mali. Grabe siya talaga, kaya nga ginagalingan ko talaga e. Sa totoo ako yung madaming mali pero she corrects me and even teaches me how to act my role” kwento ni Enan.

“So pare totoong artistahin ka na?” biro ni Shan. “Oh no, I think this was not meant for me. Kaya ko pero grabe pag siya nakapareha mo, manliliit ka o kaya matututulala sa husay niya. Siguro doon ako sa singing, ahem ahem…it’s a small world after all..” birit ni Enan kaya napahalakhak talaga si Clarisse.

“So sa kanya na acting tapos ikaw artistahin sa singing nalang?” tanong ng dalaga. “Sinasabi ko lang yon, huh di ko pa pinapakita ang aking hidden true skills. Ayaw ko lang siya manliit kaya di ako nakikipag engage sa kanya” banat ni Enan. “Oh no here we go again” sabi ni Shan at nagtawanan silang tatlo.

Pagdating nila sa parking area naunang lumabas si Enan para mag inat. May nagtawanan agad sa malayo, “Goodluck pare ha” sigaw nung isa. Lumabas si Clarisse at tinignan si Enan, “Goodluck saan?” tanong niya. “Ewan ko, hoy baka naman kinalat niyo na artista na talaga ako ha” sagot ni Enan.

Pagdating nila sa main campus mas madami silang napansin na nagtatawanan. “Why are they laughing?” tanong ni Shan. “Enan, grabe pare ginulat mo kami ha” sabi ni Greg. “Pare ano ba meron?” tanong ni Enan. “Oh come on dude, pero pare seryoso ka ba talaga o nagpapatawa ka lang?” hirit ni Gregory.

“Ano ba kasi yon?” tanong ni Clarisse. “Mister Commerce pare seryoso ka?” tanong ni Jason habang papalapit kasama si Tommy. “Ano?” bigkas ni Enan sa gulat. “Nakita namin pangalan mo sa list of candidates” sabi ni Tommy. “Enan is this true?” tanong ni Clarisse at napanganga ang binata sa gulat.

“So sa iyo ko ba ipapasa ang trono?” biro ni Shan. “Pare hindi ko alam yan, bakit naman ako sasali diyan?” tanong ni Enan. “Hindi nakakatawa ito Enan, kilala kita at pag seryoso ka naman hindi na ikaw yung Enan na kilala ko” sabi ni Clarisse. “Like I said bakit ko naman ipapahiya sarili ko sa pagsali sa ganyan?” tanong ni Enan.

“Baka lumalaki na ulo mo porke girlfriend mo artista. Porke nakikipractice ka sa kanya. Enan this is not funny” sabi ni Clarisse. “Sasabihin niyo kilala niyo ako tapos ganyan kayo? Why the hell would I put myself into such embarrassment? Tangina araw araw na nga pasakit tapos ilalagay ko pa sarili ko mas malaking kakahiyaan? Shit” bigkas ni Enan sabay nagmadaling umalis.

“Ano ba yan Clarisse, pigilan mo din naman kasi bibig mo paminsan minsan. Makinig ka din naman kasi sa kanya” sabi ni Tommy sabay umalis din. “Masakit yung sinabi mo Clarisse, yun lang” bulong ni Greg kaya biglang natauhan yung dalaga. “Shan” lambing niya. “Oh no I wont help you this time, sana nakinig ka sa kanya muna” sagot ng nobyo niya.

Pagsapit ng dismissal dumiretso si Enan sa condo unit ni Cristine. Nagulat si Jelly pagbukas ng pinto, “Wala kayo practice today” sabi niya. “I know, bad day lang ako at di ko alam saan ako pupunta” sabi ng binata. “Actually bad day din niya e kaya nandon siya sa kwarto nakakulong” sabi ng bading.

Naupo yung dalawa sa sofa, “Buti ka pa protektado ka ng LGBT, pwede ka ba makiusap sa mga fairy god motherlings niyo na ilakad naman nila na isama yung P. Madami naman kami mga pangit kaya pwede ba isama niyo kami LGBTP para naman maprotektahan din kami?” bulong ng binata.

Naawa si Jelly kaya dumikit siya sa binata, “Tell me what happened” sabi niya. “Ewan ko ba, may hangganan din ang lahat e. May grupo nga kaming mga pangit pero tuwing Halooween lang kami bibida” sabi ni Enan at natawa talaga si Jelly.

Bumukas ang pinto ng kwarto, “Bakit ka tuma…oh hi Enan” sabi ni Cristine na biglang nag ayos at tinago ang isang folder sa likod niya. “He is having a bad day like you” sabi ni Jelly. Tumayo ang bading at umalis pagkat lumapit si Cristine at nakitabi sa binata.

“Tell me about it” lambing ng dalaga. “No, kaya ko naman, ikaw what is your problem?” sagot ni Enan. “Wala din” sagot ni Cristine. “Sige na, ano problem?” lambing ng binata. “Yung photo niyo sa fastfood, nag trending and now she is in trouble. Breach of contract” sabi ni Jelly.

“Why did you have to tell him?!” sigaw ni Cristine. “Oh shit, its my fault” sabi ni Enan sabay hinaplos niya noo niya. “Tsk Jelly kasi sabi ko wag na sasabihin sa kanya e” sabi ng dalaga. “Tama lang, don’t get mad at her, how can I fix this? Shit kasalanan ko yon” sabi ng binata.

“Don’t worry about it” bulong ng dalaga. “Sorry talaga, kahit sabihin mo its okay I can see na malungkot ka at problemado” lambing ng binata. “Wala yon” sagot ni Cristine. “Meron, ang alam ko pag ganyan may babayaran ka na multa diba? How much?” tanong ni Enan.

“Wrong timing lang…mga ipon ko napunta sa pagawa ng bahay ng kapatid ko” bulong ni Cristine. “Bakit wala kayo bahay kaya ka nandito sa condo? Diba childstar ka so wala ka ipon?” tanong ng binata.

“Sira meron, may bahay na kami pero I just stay here kasi its closer. Ayaw ko sila malapit dito para di sila madamay sa mga issues. Yung kapatid ko gusto ko wala na siya proproblemahin later on that is why pinapagawan ko narin siya ng bahay niya. Investment narin, he can sell it later on, I really don’t care na basta gusto ko siya bigyan ng bahay niya din”

“Sixteen na siya so I bought him a car too.  I opened a business for my parents, last summer I took them to the States. Doon napunta lahat ng ipon ko” bulong ng dalaga. “You rarely talk about them, do they know about me?” lambing ni Enan.

“They know about you, tinatawagan ko naman sila each night” sabi ni Cristine. “Tell me more” bulong ni Enan kaya dumikit ang dalaga at nagulat siya nang hawakan ng binata ang kamay niya. Hiniga ni Cristine ulo niya sa balikat ng binata sabay napangiti.

“Sixteen years ago, three years old ako noon. Tinakbo namin mama ko sa ospital kasi manganganak na. That time e walang pera daddy ko kasi katatapos lang ng bagyo at nasira bahay namin. So napunta sweldo niya at ipon para sa pagpapaayos ng bahay namin. Di pa dapat due mama ko e, my dad applied for a loan already para sa paghahanda sa pagpapaanak ng mama ko”

“Then one day basta nalang nag labor mama ko, ayaw kami tanggapin sa ospital kasi wala kami pera. Kailangan daw mag down payment kami kasi CS mangyayari. My dad was crying, my mom was in pain, iyak nalang ako ng iyak. Daddy ko nagmamakaawa na talaga sa doctor noon, he was on his knees crying and begging pero mas kailangan pa ng doctor yung pera”

“I remember screaming and crying so hard already then someone approached us. He carried me and wiped my tears. He asked my dad if gusto daw nila ako mag artista kasi sakto daw naghahanap sila ng bata for their movie. Pero bago pa makasagot papa ko that old guy told the doctor na sagot niya lahat”

“Ganon lang talaga, isang salita lang niya inasikaso na mama ko. That is how I started. One shot lang dapat para isang movie, we were not expecting to be paid kasi nga akala namin kabayaran na yung pagsagot niya sa lahat ng hospital expenses. Pero he still paid us, then he offered that I become a permanent talent”

“Umunlad buhay namin bigla then nung nakaluwag na talaga kami…I saw my parents very happy. Ibang iba sa nakita ko that day sa ospital na sobrang kawawa itsura nila. I promised myself gagalingan ko talaga, ayaw ko na maulit yung nangyari sa amin na para kaming basura lang”

“Here is a secret…pag drama scenes…inaalala ko yung sakit nung araw na yon sa ospital. Doon ako humuhugot, up to this day whenever I remember the faces of my parents…lalo na iyak ng papa ko” bulong ni Cristine.

Tumulo na mga luha niya pero ang dalaga nagulat nang niyakap siya ng mahigpit ng binata. “I get it now, kaya pala napaka seryoso mo” bulong ni Enan na pinunasan ang mga luha ng dalaga gamit thumb niya. “I want to give them a good life, ayaw ko na maulit yung nangyari noon” bulong ni Cristine.

“Shhhh I get it now. Siguro mansion pinagawa mo para sa parents mo ano?” lambing ng binata at biglang nahiya si Cristine. “Maliit lang bahay namin noon, sobrang liit, it only had one room at doon kami lahat” bulong ni Cristine. “Ah kaya pala gusto mo malaki para may privacy parents mo, baka narinig mo nung ginagawa nila kapatid mo” biro ni Enan at napatawa niya talaga yung dalaga.

“O kaya sa salas nila siya ginawa” hirit ni Enan at napahalakhak si Cristine. Sa pag galaw ng dalaga nasilip ni Enan yung laman ng folder. Kinuha ito ng binata at sabay binasa. “Don’t!” sigaw ni Cristine sabay kinuha yung folder at inupuan.

“Walang wala ka ba talaga?” tanong ni Enan. “Meron pero ayaw ko na talaga maulit yung noon. What if may nangyari? What if masama tapos wala ako pera para sa hospital. What if…” bigkas ng dalaga at bigla siya nautal nang hinalikan siya ng binata sa noo.

Nanigas si Cristine, nakahawak ang binata sa kanyang mukha at muling hinalikan sa noo. “Ewan ko pag effective to pero nung hinalikan mo ako tumalab” bulong ni Enan kaya napangiti sobra si Cristine.

Nagkatitigan yung dalawa, “It did” bulong ng dalaga. Pilit na kinuha ni Enan yung folder, sabay nila binasa yung laman at napansin ng dalaga na kumunot noo ng binata. “Matagal na nila ako nililigawan to do a photoshoot for their magazine” bulong niya.

“So malaki yung bayad?” tanong ni Enan. “Medyo pero at least may matitira sa ipon ko in case of an emergency” sabi ng dalaga. May kumatok, binuksan ni Jelly yung pintuan at si Arlene pala yon. Paglapit palang niya nagulat si Cristine nang punitin ni Enan yung kontrata para sa magazine shoot.

“Enan!” sigaw ni Cristine. Tumayo ang binata at lalong pinagpupunit yung kontrata. “Alam ko fake relationship lang tayo…I cant let you do this. I am so sorry. Please don’t make me beg you, don’t do this Tiny” sabi ng binata.

“Alam ko madali lang ulit magrequest ng papers pero Tiny please wag. Yung tseke ko nasa bahay pa, sa iyo na yon. Kung may ipon ka pa ibayad mo na muna tapos kunin mo tseke mo para sa emergency money ng family mo. Alam ko pag alis ko pwede mo tawagan yung magazine company…pero Tiny please don’t” sabi ng binata.

Natulala sina Jelly at Arlene habang si Cristine napangiti. “Okay” bulong niya. Basta nalang nag walk out yung binata, sinubukan siya habulin ni Jelly pero di niya ito nahabol.

Kinabukasan lalo sumama loob ni Clarisse pagkat maaga daw umalis si Enan sa bahay nila. Pagdating naman sa school hindi nila mahanap yung binata. Maski tawagan nila hindi ito sumasagot kaya si Clarisse nilambing ang nobyo niya. “Help me” bulong niya.

Samaantala sa loob ng isang malaking office building nag antay si Enan. Mula umaga hanggang hapon nandon siya nag antay para lang makausap yung boss ng kumpanya. Alas singko na ng hapon, lumabas yung boss para kausapain yung receptionist.

“Anne kindly get us dinner, mukhang mag eextend meeting namin” sabi ng matanda. “Sir, that gentleman has been here since nine this morning and he wants to talk to you” bulong ng dalaga sabay tinuro si Enan sa waiting area.

“He looks familiar” sabi ng matanda. “Siya po yung boyfriend ni Cristine” sabi ni Anne. “Oh oo nakita ko siya sa commercial. O sige send him inside at bibigyan ko nalang sila ng break muna” sabi ng matanda.

Tinawag si Enan, ang binata dumiretso sa conference hall, “Ay sir wait, antayin mo muna sila lumabas…” bigkas ng dalaga pero nakapasok na si Enan sa loob. Napatingin ang lahat ng mga executive sa kanya, papatayo palang sila pero ang binata biglang nagsorry.

“Its my fault sir. Please don’t take it out on Cristine” sabi ni Enan habang nakayuko ulo niya. Lahat napatingin sa boss, magsasalita palang siya sana pero si Enan biglang nagsalita muli.

“I waited for her, alam niyo naman ang artista nag eextend sila ng shooting hours. Papaauwi na kami pero gutom na talaga ako. Kahit pagod po siya inaalagaan niya ako. Sorry po kung unang restaurant na nakita namin e yung sa kalaban niyo”

“Hindi ko naman po alam na endorser siya sa inyo. Wala po ako alam sa ganyan. I was just hungry and she was too kind to take me to the nearest fastfood. She was tired, I was hungry, all I ordered was fries para lang po sana magkalaman tiyan ko. Yun lang kasi kaya ko bilhin that time…nahihiya ako sa kanya, I don’t let her treat me. If only I knew bawal doon e hindi na po sana kami tumigil”

“Please don’t take it out on her. Sa akin nalang po. Kahit pagbayaran ko nalang po. Wala ako pera, estudyante lang po ako kaya kung okay sa inyo magtratrabaho nalang po ako sa isang fastfood chain niyo hanggang sa mabayaran ko yung dapat na babayaran niya sa breach of contract”

“Please don’t blame her, siguro sa pagod niya nakalimutan narin niya po at ako po kasi iniisip niya. Eto po nasa akin pa po yung resibo o, fries lang po talaga inorder ko doon. Siguro may camera din sila para macheck niyo. Please don’t take it out on her, sa akin nalang po” sabi ni Enan.

Napalingon siya sa paligid, lahat ng executive nakaupo at nakangiti sa kanya lalo na yung boss. “Actually we were going to talk about that later iho. Since ganon pala yung kwento then we can take it off our list, what do you say ladies and gentlemen?” tanong ng matanda at lahat sumang ayon sa kanya.

“Sir, turo niyo lang po saang branch niyo ako gusto magtrabaho. Pero nag aaral pa po ako kaya okay lang ba kung after classes ako papasok? Kahit hanggang closing or kung twenty four hours kayo basta tirhan niyo ako ng six hours para matulog kasi papasok pa po ako” sabi ni Enan. “Iho you can go, tell her not to worry anymore” sabi ng matanda.

“Sir?” bigkas ni Enan sa gulat. Nagsulat bigla yung matanda sa isang papel tapos pinaabot ito sa binata. “Take that, kanina ka pa daw nag aantay. You look tired and hungry so meron kaming branch sa baba, pakita mo lang yan and you can eat anything you want…maybe you can try our fries” sabi ng matanda at natawa si Enan.

“Honestly mas masarap fries nung kalaban niyo pero twister fries niyo ang masarap. No offense po ha at maraming salamat po talaga sa pag unawa niyo” sabi ng binata. Natawa yung matanda at nginitian nalang yung binata. Pag alis ni Enan lahat sila nagtitigan.

“I saw him this morning, so you mean to say he waited the whole day?” tanong ng isang babae. “Very admirable, there is something to that story he just told us. I saw their commercial…keeping it realistic…I have an idea” sabi ng matanda sabay napangiti ng husto.

Samantala sa condo nagring phone ni Arlene. Pagkatapos ng tawag agad niya sinugod kwarto ni Cristine, “Bad news?” tanong ng dalaga. “I think so, pinapatawag tayo for a sit down meeting” sabi ni Arlene.

“Shit, sino ba kasi nagpalaki nung issue na yon?” sabi ni Cristine sabay nagdabog. “Would you like me to contact the magazine company?” tanong ni Arlene at napaisip ng matagal ang dalaga. “No, I made a promise to Enan” bulong ni Cristine.

“Honestly ayaw ko din” bulong ni Arlene at napangiti ang dalaga. “Nung pinunit niya yung contract…that was just so awesome…just saying” dagdag ni Arlene.

Nahiga ang dalaga sa kanyang kama, “He is a good guy isn’t he?” bulong niya. “He is” sagot ni Arlene. “Things happen for a reason…pareho kami may problema kahapon…I told him mine pero I never got the chance to ask him what his problem was” sabi ng dalaga.

“Mas inuna pa niya problema ko..he is a good guy” sabi ni Cristine. “Are you starting to like him?” tanong ni Arlene at nagtitigan yung dalawa. “Is it wrong if I answer yes?” tanong ni Cristine.

“Di naman, why Cristine do you like him?” tanong ng manager niya at napangiti nalang ang dalaga.

Continue Reading

You'll Also Like

2M 30.1K 200
[BOOK 1& 2] Gusto niyo bang magbasa ng Love Quotes? Eh Jokes? Magsagot ng Logic ba gusto niyo? Gusto niyo ba ng quotes na pwede mong gamitin pang...
696K 13.5K 62
Ang huling yugto sa kwento ng ating INTERGALACTIC BAE
3.6K 249 18
Aiko Fritchzer lives in the town of Thirstians Valley, where poor people and children who grow up without talents and skills are live there. Aiko gre...
158K 2K 59
#167 in Humor (Oct. 24,2017) #146 in Humor (Dec.28,2017) Umuwi si Damian sa hacienda ng lola niya para kalimutan ang babaeng minahal niya na siyang n...