Artistahin

By PaulitoX

450K 5.9K 569

Modern day beauty and the beast story. Sundan ang kwento ng binatang di nabiyayaan sa panlabas na kaanyuan sa... More

Prologue
Chapter 1: Enan
Chapter 2: Artistahin
Chapter 3: The Ex
Chapter 4: Pag Iwas
Chapter 5: Pagbagsak
Chapter 6: Habulin
Chapter 7: Proposal
Chapter 8: Kontrata
Chapter 9: Revelation Day
Chapter 10: Celebrity
Chapter 11: Duda
Chapter 12: Believe
Chapter 13: Friends
Chapter 14: Closer
Chapter 15: Siya
Chapter 16: Depensa
Chapter 17: Peace
Chapter 18: Level 2
Chapter 19: First Date
Chapter 20: Tuliro
Chapter 21: Doubt
Chapter 23: Dilema
Chapter 24: Damage Control
Chapter 25: Surpise Visit
Chapter 26: Surprise Visit II
Chapter 27: Munting Tibok
Chapter 28: Girlfriend
Epilogue
Maraming Salamat!!!

Chapter 22: Level 3

13.5K 182 11
By PaulitoX

Chapter 22: Level 3

Sabado ng umaga sa loob ng isang grocery tahimik si Enan habang tinutulak yung shopping cart. “Labs I told you just get what you want” sabi ni Cristine. “Okay lang ako” sagot ng binata. “Kumuha ka na, kahit ano gusto mo” sabi ni Jelly na naghakot ng mga junk food.

“Do not be shy, sige na kuha ka lang” sabi ng dalaga. “Hindi naman pero mixed emotions ako kasi. Kinakabahan ako sa practice tapos first time ko pa maki sleep over sa bahay ng babae” sagot ng binata. “At bakit? May binabalak ka?” tanong ni Jelly.

“Wala, ikaw may binabalak ka?” sumbat ni Enan kaya natawa si Cristine. “Uy be nice to Jelly, siya yung cook natin” sabi ni Cristine. “Ah ganon ba? Saan dito yung mga gamot? Daan tayo drug store” biro ni Enan at lalong natawa yung magandang artista.

“Enan ano yung mga favorite food mo?” tanong ni Jelly. “Ah madami” sagot ng binata. “Good, so tell me yung mga ayaw mo at yon nalang iluluto ko” banat ng bading. “Tiny, yung role ko ba e manggugulpi? Sana may action scene ano para isama natin si Jelly” sagot ni Enan. “Hey you two stop it, get along” sabi ng dalaga. “She started it” sabi ng binata.

“She? Thank you” pacute ni Jelly. “You are welcome, kaya galingan mo magluto” hirit ni Enan kaya laugh trip si Cristine. “Hay naku kayong dalawa talaga, sige na labs get what you want” sabi ng dalaga. Napalingon si Enan tapos dahan dahan tinignan si Cristine.

“Kasya ka ba dito?” tanong ng binata sabay hinaplos yung cart. Ang dalaga namula ang mga pisngi at nanigas. “Ha?” bigkas niya kaya si Jelly tumalikod at biglang kinilig. “Ikarga na kita?” tanong ng binata at lalong nanginig si Cristine at napanganga.

“Boom! O ha so master pasado na ba acting ko?” tanong ni Enan. “Ay” bulong ni Jelly sabay dahan dahan tinignan si Cristine. Ang dalaga nagbungisngis at biglang kinurot ang binata. “Honestly it was superb, napaniwala mo ako” sagot ng dalaga.

“Sabi ko naman sa iyo di kita bibiguin e” sabi ni Enan at biglang niyakap ni Cristine braso ng binata sabay hiniga ulo niya sa balikat nito. Si Jelly napangiti at hinila yung cart para siya nalang magtulak.

Pagdating sa condo tumulong si Enan sa pagliligpit ng mga pinamili. “Sige na doon ka na at ako na bahala dito” sabi ni Jelly. “Jelly natatakot ako magkamali” bulong ng binata. “Wag ka matakot, kung magalit man siya sa iyo wag mo dibdibin. Ganyan talaga siya pagdating sa trabaho, focused yan kasi e. Pag may nagkakamali nasisira focus niya” kwento ng bading.

“Lalo mo naman ako tinakot e” sabi ni Enan. “Eto secret natin, pag alam mo magagalit na siya haplusin mo kamay niya tapos lambingin mo sabay magsorry ka agad. Pero take note heartfelt dapat” bulong ni Jelly. “O sige, shit baka yun nalang gagawin ko buong araw” bulong ng binata. “Ikakatuwa pa niya” bulong ng bading sabay bungisngis.

Nagsimula na magensayo sina Cristine at Enan sa salas, ang binata muling binasa script niya habang ang dalaga nakangiti lang pagkat nakikita niya na napaka seryoso nito. “Ready?” tanong ni Cristine. “I was born for this” banat ni Enan kaya nagtawanan silang dalawa.

Limang minuto lumipas pinatigil ni Cristine yung ensayo, “Labs your voice is shaking, go drink water muna then calm down” lambing ng dalaga. “Hindi okay lang ako, nagagalingan lang ako sa iyo kasi sobra. Ang hirap tumapat sa level mo” sabi ng binata.

“Actually it’s a good start, you deliver your lines well pero boses mo nanginginig e. Would you like a minute to calm down?” tanong ni Cristine. “No need, okay na ako. Sa totoo tinetesting lang kita, ngayon alam ko na pano tamang adjustment sa skill ko. Ayaw kasi kita sapawan e” banat ni Enan kaya napatawa ng malakas si Cristine.

Sa pangalawang subok napatigil si Jelly sa pagluluto niya pagkat nabilib siya sa sagutan nung dalawa. Sumilip siya at lalo siya napahanga pagkat kuhang kuha talaga ni Enan yung kanyang role.

Hindi na tuloy nakaluto si Jelly pagkat naupo siya para panoorin yung dalawa. Napasigaw si Cristine at nayakap ng mahigpit ang binata sa tuwa. “Teka wala sa script ito” sabi ni Enan. “Wala nga, grabe natutuwa ako sa iyo. Oh my God, for a moment there I really thought totoo shooting na. Sorry kung nadistract kita kasi kanina hinahanap ko talaga yung cameras” sabi ng dalaga.

Pumalakpak si Jelly kaya napakamot si Enan. “Was it really that good?” tanong niya. “Di na nga ako nakaluto e, naniniwala na ako na you were born to act” sabi ng bading. “Wow, pero Cristine may napansin lang ako ha. Pwede ba magbigay ng critcisim?” lambing ng binata.

“Sure, ano yon?” tanong ng dalaga. “Ah kasi nanood ako ng movies mo din to prepare e. I noticed that meron kang common facial mannerism when you are about to go into a drama mode. Kaya parang predictable na siya” bulong ng binata. “Really? Meron akong tell sign?” tanong ni Cristine.

“Uy teka, magaling ka talaga sobra, pero sana wag mo mamasamahin yon. Siguro ako lang nakapansin or maybe meron din iba. If you can sana remove that para may element of surprise konti. Ganito sana…” sabi ng binata at naupo yung dalawa habang si Jelly napangiti at paspas na kinuha phone niya.

“Arlene, you wont believe it, Enan just criticized Cristine about her acting” bulong niya. “What?! Buhay pa siya?” tanong ni Arlene. “She took it well at ayon nga sila o sa sofa nakaupo. He is telling her about it and she is listening to him” sabi ng bading. “Oh my God, yung napuna ba natin yon?” tanong ni Arlene. “Oo sis, grabe akala ko magwawala si Cristine like last time we tried to tell her pero sis mahinahon siya at nakikinig talaga” bulong ni Jelly.

“Bye bye na papunta sila dito” bulong ng bading. “Tapos Tiny babae ka, kung umasta ka sa drama para kang lalake na gugulpi e. Remember you are a very beautiful girl, oo palaban ka pero remember babae ka parin so show some fear parin. Kung lalake nga na napapaaway e may takot parin e”

“Oo sigawan kami tapos kunwari susugod pero makikita mo na may pigil dahil sa takot din e. Ikaw naman Tiny ayos na ayos yung angry act mo pero astang lalake ka masyado na siga. Yes everyone gets mad, everyone loses their temper and can go berserk but always remember maganda ka, sa tingin ng tao you are that delicate flower”

“So astig acting mo but show some fear din, palaban na takot, mas kapanipaniwala yon. Like sa scene kanina sumbatan tayo, akala ko talaga magsusuntukan tayo e. Mahusay yung pagstress mo ng point but don’t act as if kaya mo talaga yung lalake. Di naman sa papatulan kita if ever but still magpigil ka having that fear what if suntukin nga talaga ako nito”

“Wag ka umakting na ah lalake ito kaya di ako papatulan nito, alam ko ganon gusto palabasin sa script pero hello everyone in real life loses their cool too. Pano kung sa totoong buhay nagsnap yung guy, o diba? So para sa scene na yon, palaban ka pero may takot ka parin kahit papano. Mas kakabilib yon” payo ng binata.

“I get it, it’s like showing real anger at the same time a bit of fear” sabi ni Cristine. “Tama, example lang ha, Jelly hawakan mo yung knife” sabi ng binata at kinuha naman ng bading yung kutsilyo. “Nang Mahulog si Pedro sa Piling ni Juan scene ten take one!” sigaw ni Enan at nagtawanan yung tatlo. “Jelly mag aaway tayo kunwari, umadlib ka nalang may ipapakita lang ako sa kanya” sabi ng binata.

“How dare you! I trusted you! You are my bestffriend and I wake up to this? I cant walk straight!” sigaw ni Enan at nabigla si Jelly pero sinensyasan siya ni Cristine na sumunod sa agos ng binata.

“I was desperate! I love you Enan!” sigaw ni Jelly. “Jelly! I accept you for who you are but you know I am in love with Cristine! How could you do this to me? Let me go already!” sigaw ni Enan sabay napanganga si Cristine pagkat nakita niya yung palaban na reaksyon ng binata pero kasabay ng takot nito pagkat may hawak na kutsilyo si Jelly.

“No! Akin ka! If I cant make you love me then I have no choice but to keep you here!” bulyaw ni Jelly. Humarap si Enan kay Cristine, “Did you see that? Sa totoo kaya ko siya gulpihin and I was ready to do that pero may kutsilyo siya so takot din ako” sabi niya.

Pumalakpak si Cristine at muling nayakap ang binata, “Kukunin ko siya sa iyo!” sigaw ni Jelly sabay kunwari sasaksak sa tiyan ni Cristine. Yumakap si Enan ng mahigpit sabay nagpaikot, “Hiyaaaaa!” hiyaw ni Jelly, “Enan!” sigaw ni Cristine. “I love you Cristine…run as fast as you can” bigkas ng binata na pa iri. “I love you too Enan…” bigkas ng dalaga.

“Nooooo! You bitch!” sigaw ni Jelly sabay napatigil pagkat nahuli niya napakalagkit ng titigan nung dalawa habang magkayakap parin. “Parang totoo” bulong ni Enan. “Kaya nga e” sagot ng dalaga at nagngitian sila. Bumitaw si Enan, si Cristine mala slow motion lumapit kay Jelly para agawin yung kutsilyo.

Kunwari sinaksak niya sarili niya sabay napaupo at hiniga ulo sa lamesa. “Huh? So we end up both dead?” tanong ni Enan. “Yeah, tragic no? How do you expect me to live without you?” pacute ni Cristine at nagtawanan yung tatlo.

“Pero you know what first time ko magsabi ng I love you sa babae, kahit acting alam mo ang hirap din pala bitawan no?” sabi ni Enan. “Mahirap bitawan? Its just acting pano naman naging mahirap e its just one line?” tanong ni Jelly na kumuha ng pitsel ng juice para sa dalawa.

“Ewan ko, muntik ko nga di nasabi e pero parang it was proper to say it at that moment so I did” sabi ng binata. “Sus its just acting” sabi ni Jelly. “Mahirap” bulong ni Cristine kaya napatingin yung bading sa kanya, nahuli si Cristine na nakatingin sa malayo at namumula ang kanyang mga pisngi.

“Its just like telling Cristine pangit siya, parang mahirap bitawan kasi di naman totoo” banat ni Enan. “Pero pag ako madali ganon?” tanong ni Jelly. “Di ka pangit, mas gwapo ka na sa akin e” sabi ng binata kaya natawa si Cristine. “Di ko alam kung compliment yon o sasaksakin talaga kita e” sabi ng bading.

“Jelly tanggap kita, yung mga biruan natin biruan lang yon. To set the record straight pano ko sasabihin maganda ka kung itong katabi ko ang standard ng kagandahan dito? Sige nga, pag sinabi ko maganda ka e ano siya? Diyosa? Yin and Yang, ako yung isa representing the other side of beauty”

“Ikaw naman yung grey area, o diba sakto lang sa gitna ka. Pasalamat ka nga sinabi ko pa gwapo ka e which is true by the way” sabi ni Enan. “Thank you pero hindi mo ako macoconvert” sabi ng bading. “Hindi naman kita pinagbabago, sinasabi ko lang na gwapo ka. Di ko kaya sabihin maganda ka kasi may batayan tayo o, eto o katabi ko o” hirit ng binata.

Napangiti si Cristine at napasandal sa binata. “Okay fine, di ko na lalagyan ng lason pagkain mo” biro ni Jelly. “Ano tara na practice ulit?” tanong ni Enan. “Mamaya tinatamad ako, so Enan ano pa mga hidden talents mo?” lambing ni Cristine.

“Madami pero half talents lang sila” sabi ng binata. “Bakit naman half talents?” tanong ng dalaga. “Well life is difficult for people like me as you know. Lalake ako kaya naakit din ako sa girls naman. Kaya lang may malaking hadlang as you already know kaya people like me try to adapt”

“For example noon may classmate kami na crush ko, I heard hilig niya music so nag self study ako mag guitar tapos sa school one time napangiti ko siya kasi nagpasikat ako sa guitar playing. Kaya lang hanggang doon nalang ako”

“Then meron ulit akong crush na mahilig naman sa art kaya umeffort din ako mag self study mag drawing. Basta madami ako sinimulan, in short total half package ako” sabi ng binata sabay tumawa mag isa.

“Don’t be sad, ganon talaga e. I accept what I am outside so I tried do so many things para naman sana they could see beyond what they see with their eyes. Pero wala talaga kaya its okay at least madami pala ako kaya gawin. Unlike sa mga gwapo sapat na sa kanila mukha nila, pero sa loob empty”

“Sad fact is that with their good looks mapapansin parin sila unlike people like me. Kahit umeffort ka at magpush ng magpush e…well maybe someone, someday will appreciate me without me exerting effort” sabi ng binata.

“Enan meron yan” bulong ni Cristine. “Yeah but no rush naman” sabi ng binata. “Malay mo nakilala mo na siya” sabi ni Jelly. “Si Violet? Sus wala na yon, akala ko talaga siya, pero malinaw na talaga na hangggang magkaibigan lang kami” sabi ni Enan.

“Ako” bulong ni Cristine at natawa yung binata. “Ikaw talaga Tiny ang bait mo sa akin” sabi ng binata at nagulat si Jelly nang humalik ang binata sa noo ng dalaga. “Ay sorry! I didn’t mean to, sa tuwa ko sa iyo kaya ko nagawa yon” sabi ng binata.

“No its okay, here” lambing ng dalaga at hinalikan naman ang binata sa pisngi. “Natuwa ka din sa akin?” landi ni Enan. “Nah, to make you feel better” sabi ng dalaga. Parang kiti kiti si Enan na di maalis ngiti sa kanyang mukha. “It works” banat niya kaya nagtawanan yung tatlo.

Samantala sa bahay nina Earl kasama niya ang kanyang mga barkadang lalake. “Tignan mo o may commercial si gago” sabi ng isang kaibigan niya. “Siya nanaman, you know what may mister Commerce soon, parang gusto ko ilagay pangalan ni gago don ha” sabi ni Earl at nagtawanan silang lahat.

“Sigurado laugh trip buong college nila” sabi nung isa. “Oo nga e, gusto ko siya mapahiya. May katropa tayo doon diba? Tawagan ko nga at ipasali ko talaga si gago doon” sabi ni Earl. “Pare seryoso ka?” tanong ng isang kaibigan niya. “Oo pare para matuto na yang pangit na yan” sabi ni Earl sabay tumawa ng malakas.

Samantala sa loob ng isang dressing room may nagpapahingang artista. “Shit! That bitch stole my commercial with her uber ugly boyfriend” sigaw ni Joanna. “Okay naman siya, touching” bulong nung make up artist. “Get out!  Belinda ayaw ko na tong bitch na to! Get me another make up artist and what the hell happened? Up to now di mo pa naipaliwanag why we lost that commercial to that bitch” sigaw ng dalaga.

“Hindi ko din alam e, akala ko talaga atin na yon e” sagot ng matandang babae. “Eeesh nakakairita! Patayin mo nga yang TV na yan. Kadiri yang babae na yan pumapatol sa ganyan kapangit. Ew!” sigaw ni Joanna.

“You know what kinukuha ulit sila, I overheard lang ha pero not sure” sabi ni Belinda. “Are you kidding me? Alam mo may gusto ako gawin sa bitch na yan e. Matagal ko na pinagiisipan pero nakakadiri naman na lalandiin ko yung pangit na yon” sabi ni Joanna.

“What if there is another way?” tanong ni Belinda at nagtitigan sila. “What do you mean another way?” tanong ni Joanna. Lumapit manager niya at pinakita ang kanyang phone. “Why are you showing my their photo?” tanong ng artista.

“Endorser siya ng ibang fastfood, look where they are” sabi ni Belinda at napangiti ang kanyang alaga. “Oh I get it, pero I cant go out in public criticizing her for that” sabi ni Joanna. “You don’t have to, pwede natin ipush yung issue sa social media”

“For sure mga haters niya mabubuhayan at papalakihin yung issue na yan. Then the company takes notice, she will be violating a breach of contract” sabi ni Belinda. “Oo nga, I like it. Sige ipakalat mo yang issue na yan. Then whatever that Telecom paid her she will be forced to pay the other company or even more”

“Huh, sige gawin mo yan para matuto yang bwisit na yan” sabi ni Joanna. “Consider it done, all it takes is one fake profile, force the issue out and watch the haters unite and destroy her” landi ni Belinda.

Sa condo unit ni Cristine nakatanga lang si Enan habang pinapanood si Jelly magluto. “Kahit ano gawin mo di mapapabilis pagluluto ko” sabi ni Jelly. “Hindi naman, ang bait ni Cristine ano?” bulong ng binata.

“Hmmm she is, pero bakit mo nasabi?” tanong ni Jelly. “Di siya nandidiri sa akin” sabi ni Enan. “Hoy baka mamaya totoo na yan at di na acting ha” biro ni Jelly. “Hay naku I am not that lucky ano? She is too pretty for me and I know it can never happen” sabi ng binata. “Bakit naman? Fairy Tales do come true from time to time” sabi ng bading.

“So ikaw inaantay mo din na pansinin ka ni Prince Charming imbes na pansinin niya si Cinderella?” tanong ni Enan. “Of course, it may not be him but someone like him might come knocking at my door one day” sabi ni Jelly.

“Ikaw may chance ka, pero katulad ko wala. Baka si big bad wolf pa kumatok sa pintuan ko…oh correction ihuff and puff pala niya pintuan ko” sabi ni Enan at nagtawanan sila. “Don’t get offended, Beauty and the Beast…” sabi ni Jelly.

“Are you calling Cristine a beast?” banat ni Enan at lalo sila nagtawanan. “At ikaw si Beauty ganon ba?” tanong ni Jelly. “Artistahin diba?” sagot ni Enan. “Excuse me bago mo mahawakan yung titulo na yon baka mauna pa ako” biro ng bading. “E di magpapalit din title, Beauty and the Beast in Brokeback Mountain” biro ng binata at imbes na mainis natawa talaga si Jelly.

“Mabait siya e” bulong ni Enan. “O sige how about crush?” tanong ni Jelly at napangiti ang binata. “Slight” sagot ni Enan kaya kinilig talaga si Jelly. 

Continue Reading

You'll Also Like

28.2M 1M 68
(Academy Series #1) The Gonzalez heir, Kairon, was sent to Garnet Academy to ensure his safety against the suspected hierarchy war. Appointed as the...
870K 4.3K 9
Si Hannah ay isang leader ng sorority na nabigyan ng isang misyon na patinuin ang baklang si Christian na mas maarte pa sa babae na sobrang nagaganda...
628K 5.8K 15
PUBLISHED UNDER VIVA-PSICOM. This story isn't completed anymore, the ending is already deleted. You can read the whole contents in its book version f...
51.7K 1.2K 9
Tayo na’t alamin na’tin kung ano ang meron sa magkatabing kwartong ito. Genre: Short story, Romance, Paranormal, Mystery, Slice of life.