Meeting My Ex As My Professor...

By ma_rgarita

499K 10.9K 563

Naya never imagined that she will be meeting her ex ever again. Akala nya nang maghiwalay sila ay maayos na a... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
LAST CHAPTER

Chapter 35

5.2K 116 8
By ma_rgarita

"You just what?!"

"I saw him."

Hindi makapaniwalang tumingin sa akin si Sandy na para bang nagaalala kaya naman ay inunahan ko na sya. "I just saw him. Nothing happened, I'm alright."

Mukha namang hindi naniwala si Sandy sa sinabi ko dahil hindi nagbago ang expresyon ng mukha nya.

"Seryoso." Dagdag ko pa. Napabuntong hininga naman sya.

After seven years, muli ko nakita ng harapan si Calix. He looked like how I imagined. Halos wala akong nakitang pagbabago sa itsura nya maliban sa pagmamature nya maging ng kanyang awra. Mula nang makita ko sya kanina ay hindi na nawala sa isip ko ang mukha nya. Ang lalaking sobrang nanakit sa akin.

Calixto's there. Ilang metro nalang ang layo mula sa akin, hindi tulad noon na milya milya. Nandito na nga sya sa lugar namin. Nandito na nga sya't bumalik.

"Sana hindi ko na sya makita ulit." Sabi ko kay Sandy na inilingan nya naman.

"Sana makita mo sya ulit." Sabi nya kaya naman napakunot ang noo ko. "Kung makikita mo sya at wala na syang epekto sayo, Naya, that's great. Ibig sabihin ay naka move on ka na." Umiling sya. "But if you see him again and you feel something odd, alam na, hindi ka pa tapos." Dagdag nya pa.

Hindi pa ako tapos sa kanya? Of course that's wrong. Maling mali! I'm done with him. I'm so done with him. It took me a lot of time to get over him and everything that had happened. I just hope not to ever see him again.

It's morning.

May pasok ako ngayon sa school kaya naman agad na kong ginayak ang sarili ko. I did my routine, maligo,magluto at kumain. Habang tinatapos ko ang breakfast ko ay bigla namang nagvibrate ang cellphone ko. Someone texted me.

--
Good morning! Rise and shine, angel.
-Unregistered no.
--

--
??
-Naya
--

Binaba ko ang cellphone ko at nagpatuloy nalang sa pagkain.

It's quarter to seven AM, kahit eight pa naman ang klase ko ay nakasanayan ko nang pumasok ng maaga para hindi ma bored mag-isa sa bahay at para na rin makapag ayos ng classroom bago dumating ang mga pupils ko.

Hindi na rin nagreply yung unknown number na yon kaya naman tinago ko na ang phone ko. Baka naman nagkamali lang ng number na nasendan. Hindi ko nalang pinansin at lumabas nalang ng bahay.

I was humming some kind of song habang isinasara ang gate ng bahay. Once I was done, my eyes caught a figure of a man standing not so far away from were I was standing.

Napahinto ako nang mapansin ko kung sino iyon. Literal na napahinto.

Alam kong kahit sino ang malagay sa lugar ko hindi nila alam ang mairereact. Kung ang lalaking nang iwan sayo ay muling magpapakita sa harapan ng bahay mo.

Bakit sya nandito? Paano nya na nalaman kung nasaan ang bahay ko? Anong ginagawa nya bakit nya ako pinuntahan.

Ang daming tanong sa isip ko.

Ano naman ang kailangan nya at nagpunta pa sya dito? Ano pa bang kailangan nya at nagpakita pa sya sa akin?

"Naya." He softly called out my name. His voice. Ang tagal kong nangulilang marinig ang boses nya. Hindi ko makalimutan ang mga panahong kung ilang beses kong hiniling sa Diyos na sana marinig ko ulit ang boses nya.

Nagsalita lang sya, sinabi lang nya ang pangalan ko ay naramdaman ko agad ang pangingilid ng luha ko.

No, Naya. You shouldn't cry. There's nothing to cry about.

"I came to see you." Mahinang boses na sabi nya pero rinig na rinig iyon ng dalawang tenga ko.

Sinuri ko ang mukha nya. Nakatingin sya sa akin. Hindi ko mapigilang mapansin ang pangingilid ng mga luha nya.

"Oh, h-hi." Pinilit kong ngumiti kahit nanginginig ang labi ko. Hindi ako ready na makita sya ganitong oras. Ni hindi manlang nagbigay ng signal ang pagkakataon para naman nakapagready ako, hindi ganito. I was caught of guard.

Nanghihina ako bigla. Hindi ko alam. Siguro dala ito ng galit ko sa kanya. I hate this man at ganito naman talaga ako pag may kinaiinisan, madalas nangingilid ang luha ko. This tears just means nothing.

Hindi naman sya nagsalita, hindi umimik nakatitig lang sa akin.

"K-kamusta?" Nauutal kong sabi. I did my best to fake a smile. Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang lakas ng loob na ibuka ang bibig ko

Lumunok sya dahilan para mula dito ay makita ko ang pagtaas baba ng Adam's apple nya. "I've missed you." Tanging sabi nya.

Hindi ako sumagot.

Seven years ago yun ang bukang bibig ko.

"Ahh." Tumango ako at tumawa ng mapait.

You left, Calix. You left me. You broke me. Iniwan mo ko para magpakasal sa ibang bansa, sa babaeng walang ibang ginawa kundi saktan ako sa lahat ng pagkakataon na makuha nya. Iniwan mo ako, Calix. You don't know how much damage you have caused me. Kaya wala kang karapatan para magpakita sa akin matapos ang pitong taon at sabihin na namiss mo ako.

Tapos na ako sayo, Calix. Wala akong ibang nararamdaman kundi galit. You showing up here brought me nothing but pain. Kung naiisip mo na kapag nagpakita ka sa akin wearing you apologetic face, everything will be alright, mali ka? Nothing can ever erase the big horrendous scar you left me.

"Naya, I missed you." His voice broke.

"Pumunta ka dito para sabihin yan?" Tanong ko.

Hindi nagsalita si Calix. Tinignan nya ako na tila may pangungulila sa mata.

Tumawa ulit ako. Pero ngayon hindi ko na napigilan ang mga luha kasabay non. Ang tanga ko, bakit ako umiiyak sa harapan nya?

Lumapit sya sa akin para pahiran ang mga luha ko pero umatras ako papalayo sa kanya. Umiling ako at nagpahid ng luha. "Don't touch me. Don't you touch me, lumayo ka sa akin." Madiin kong sabi. Tinignan ko sya ng diretso sa mga mata. "Matagal na kitang kinalimutan. Sobrang tagal na, kaya please, wag ka ng lumapit sa akin." Huminga ako ng malalim at agad na naglakad papalayo sa kanya.

"Naya, mahal parin kita." Narinig kong sabi niya dahilan para mapahinto ako sa paglalakad. "Naya."

"No." Huminga ako ng malalim at kinuyom ng sobrang diin ang kamao ko. "Wala kang karapatang mahalin ako."

"Naya." Sabi nya kasabay ng paghawak nya sa kaliwang braso ko, hinarap nya ako sa kanya, doon ko nakita ang mga luha nyang pumatak sa kaniyang pisngi.

Calix, bakit ganiyan ka?

"Naya, I'm sorry for leaving you behind. Patawad sa lahat ng nagawa ko. Sorry, please forgive me..." Yumuko sya. "Just please, love."

Napaawang ang bibig ko ng marinig ko ang itinawag nya sa akin. Love, he used to call me that back then. Grabe, ang tagal ng huli kong marinig yan. Ngayon nya lang nagawang sabihin sa akin, dahil ngayon lang sya dumating.

"Wala kang karapatang tawagin ako ng ganyan. Wala kang karapatang lapitan ako at sabihing mahal mo ako. Wala kang karapatang umiyak sa harapan ko ngayon dahil hindi naman ikaw ang nasaktan dito. Ikaw yung may kasalanan dito."

"Naya--"

"Wala kang karapatan, Calix. Wala kang karapatang magpakita sa akin... wala. Wala kang karapatan ipaalala sakin lahat. Wala kang karapatang pumunta sa akin at sabihing mahal mo ako." Mahinang bulong ko. Hindi ko mapigil maging emosyonal. Sobrang bigat ng pakiramdam ko ngayon. Parang bumalik lahat ang sakit na naramdaman ko dati seeing him now standing here infront of me. "Pinutol mo na ang lahat ng karapatang mayron ka nang iniwan mo ko dito at pagmukhain akong tanga kahihintay sayo. You know what? These tears I do not shed them because of love, I am shedding them now because of anger. I hate you. I loathe you."

Napalunok ako at agad na nagpahid ng pisngi ko. Tinanggal ko ang pagkakahawak nya sakin nang marinig kong may sumigaw hindi kalayuan.

"Angel!"

It's Paolo. Nakangiti syang naglalakad papalapit sa akin.

Pinilit kong ngumiti kay Paolo. "Angel?" Pinilit kong tumawa at mabilis na naglakad papalapit din sa kanya.

He chuckled. Nang mapalapit sya sa akin ay agad namang napawi ang ngiti nya. "What happened? Umiyak ka ba?" Kunot noong tanong nya, nasa tono ng pagaalala.

I shook my head.

"Naya, who made you cry?" Hindi ako sumagot lalo na't alam kong nasa likuran ko lang ang gumawa non. Nakita kong napatingin sa kanya si Paolo kaya naman agad ko syang hinawakan sa braso. "Pao, tara na. You came here para sunduin ako hindi ba? Lets go."

Kahit wala akong ideya kung bakit nya ako pinuntahan dito.

Nilingon nya ako na para bang nagtataka. "How'd you know?"

"I just know. Tara na, malilate ako."

Hindi ko na siya hinintay makapag salita at hinatak na sya papaalis don.

Si Calix, nasa lugar parin niya, hindi ko rin naman alam kung ano ang nangyari sa akin at nagawa ko pa syang lingunin at tignan.

Why is he like this? Why are you acting like this Calixto? Hindi naman ikaw ang nasaktan, bakit ka ganiyan? Bakit ka umiiyak?



"So, you still love him?" Seryosong tanong ni Paolo sa akin habang patuloy parin sa pagmamaneho.

Kakatapos ko lang ikwento ang lahat lahat sa kanya dahil sa galing nya mamilit.

Umiling ako.

"Then why are you crying?" Tanong nya na parang hindi naniniwala sa sinabi ko.

"I don't know." Naluluha kong saad.

He heaved a deep sigh. "It seems like you still love him."

"No."

"That's what I see. Ngayon, pano na ako?" Mahinang boses na sabi nya kaya naman napasingkit ang mga mata ko. "Ano?"

"Nothing, angel." He tried to smile.

Takha ko syang tinignan nang muli kong maalala ang tinawag nya sa akin. "Somebody texted me earlier. Ikaw ba yun? Angel?"

"Yeah, Sandy gave me your number." Nahihiya nyang sabi. "I'm sorry, I haven't asked your permission." Napahawak sya sa batok gamit ang isa nyang kamay. Hindi ko mapigilang macutean sa itsura nya lalo na sa dimple nya na nagpakita nanaman.

Tumawa naman ako ng mahina. "No, it's alright."

"Thanks, Pao for coming to my rescue earlier."

"You're welcome, angel."

Hinatid nya ako sa school at agad din namang umalis dahil may trabaho pa sya sa hospital. Paolo kept on texting me, halos mayat maya niyang tinatanong kung anong ginagawa ko at kung ayos lang ba ako. Nakakatawa na rin dahil talagang pinanindigan nyang tawagin akong angel.

"Uyy! Nakangiti mag-isa!"

Napalingon agad ako sa gilid ko ng marinig ang mapang asar na sabi ni Sandy.

"Who?" Maangmaangan kong tanong.

"Ikaw! Sino yang ka text mo ha?" Nakangising tanong nya habang pinopoint out ang cellphone ko.

"Paolo." I answered her straight to the point.

"Kayo na?"

"No."

Nakita ko ang pagkadismaya nya ng marinig ang sagot ko sa tanong nya. Talagang gusto nyang mafall ako sa pinsan nya na hindi naman malabong mangyari. Paolo is too likable, as what I have said, mabait sya at ano pa bang wala sa kanya? He's got the looks and everything.

Hindi malabong magustuhan ko si Paolo. Why shouldn't I give it a try? After seeing Calix earlier it came to my realization, wala akong ibang minahal na lalaki kundi siya. Sya ang pinakaunang lalaking minahal ko. Masyado kong hinigpitan ang sarili ko. Maybe it's the reason why sobra akong nasaktan kanina nang makita ko sya.

What if I give my heart a chance to fall again? Siguro nga iyon ang kailangan ko para mapatunayang wala na akong gusto sa kanya.

"I saw him again kanina, Sandy." Sabi ko dahilan para manlaki ang mga mata nya. Alam na nya agad kung sino ang tinutukoy ko sa 'him' nayon. "Sabi nya mahal nya pa daw ako." Dagdag ko pa.

Yung kaninang nakangiti ako dahil sa text ni Paolo napalitan na iyon ng malungkot na ngiti.

"How did you react?" Tanong nya.

Umiling ako at yumuko. "I told him wala syang karapatan na magpakita ako. He should back off, wala na syang karapatang bumalik sa akin. Isa pa, he's a married man." Tumayo ako sa upuan at napabuntong hininga.

Bigla na lang akong naguluhan sa mga nangyayari. Kasal na sya at totoo yon. Pero bakit ngayon ngayon sinasabihan nya ako na mahal nya ako.

"Look at you, you still love him." Seryosong sabi nya na agad kong binigyan ng iling.

"No, hindi ko mahal si Calix. I swear at hindi ko sya dapat mahalin pa. Hinding hindi na. Calix isn't a part of my life anymore, parte na lamang siya ng nakaraan ko at hanggang doon nalang yon."

*

"Mommy! Tito Greg!"

Nakangiting lumapit ako kay mommy at agad na niyakap ito. Grabe, I missed my mom! "Naya." Kumalas si mommy sa pagkakayakap ko at hinawakan ako sa pisngi. "I've missed you, honey. How have you been?"

"I'm very much good." Nakangiting sabi ko. I heard tito Greg chuckled. He's my step father, husband of my mom. "That's great, Naya." Tito said.

I smiled at tito.

Pumunta ako dito sa bahay nila, dito na nakatira si mommy simula ng ikasal silang dalawa. Every once in a while, when I have a chance, I make sure to go here and pay them a visit. Maayos naman ang relasyon ko sa bagong pamilya ni mom. I have three step-brothers at lahat sila ay mababait. I got James, kasing edad ko, Danie, he's eighteen, and Jerome, he's the bunso sixteen years old.

Lahat ng stepbros ko ay nice at mababait, minsan ng tumira ako dito sa bahay nila ng two weeks ay nagkaroon kami ng bonding time at nakilala ko talaga sila.

"How's my siblings po?" Nakangiting tanong ko sa kanila.

"Oh, they're not here. Nasa school yung dalawa and James is in his office." Tumango ako, sayang naman at baka makauwi nalang ako ng hindi ko pa sila makita.

Inaya ako nila mommy na mag meryenda. Mom asked me to come over to tell me something. I was curious what it was. It turns out that they want to ask me for a favor. It's more of a task.

"Everything that I and your dad have worked for when he's still alive are meant for you darling." Mom said. Wala akong gaanong alam sa businesses and company matters. I just know that mom's company and tito Greg's had merged. "I just want you to be familiarized. We're not getting any younger, anak. Kapag nawala ako at least may maiiwan ako sayo."

"I'm teaching, mom. I'm a teacher. I don't think I have time to work for your company."

"We wont ask much of your time, hija. You can work on your free time at your own pace. James will be there to help you with what you'll be needing."

I know they just want what's better for me.At least for me to experience and contribute something for our family business. At siguro okay naman ang suggestion nila mommy na iyon. Kailangan ko nga ng mas maraming bagay na mapagtutuunan ng atensyon ko lalo na't bumalik na si Calix.

What? Hey, Naya, anong sinasabi mo?

Rephrasing, kailangan ko ng maraming bagay na mapagtutuunan ng atensyon ko lalo na't marami rami rin akong oras na sobra.

"You'll be with James, this next day is that okay with you?" Tanong ni mommy.

"Opo."

Okay, Naya. Ito na ang gusto mo. Mas lalo ka ng magiging busy at okupado nyan.

--
Are you free for dinner, angel?
--

I smiled. Hindi ko mapigilang mapangiti tuwing nakikita kong nagfaflash ang pangalan ni Paolo sa phone ko. Hindi ko alam, sobrang gaan ng pakiramdam ko sa kanya.

--
Sure. But are you? Akala ko busy ka sa hospital?

I am. For a quick dinner, I guess. I'll pick you up later. Can't wait to see you, angel.

Continue Reading

You'll Also Like

1.4M 56K 74
UNEDITED Only Girl Series #2 Isang Babae ang papasok sa isang magulo, basag ulo, maingay ngunit mga guwapong nilalang. Sa kaniyangg pamamalagi sa Se...
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
14.7M 275K 46
PART TWO ON GOING
98.9K 1.5K 16
Hey witch I'm hungry saad nung nasa harap ko And so? Why me you have a mouth to call the waiter pabalang kong saad sa kanya sabay sama ng tingin I sa...