Artistahin

By PaulitoX

450K 5.9K 569

Modern day beauty and the beast story. Sundan ang kwento ng binatang di nabiyayaan sa panlabas na kaanyuan sa... More

Prologue
Chapter 1: Enan
Chapter 2: Artistahin
Chapter 3: The Ex
Chapter 4: Pag Iwas
Chapter 5: Pagbagsak
Chapter 6: Habulin
Chapter 7: Proposal
Chapter 8: Kontrata
Chapter 9: Revelation Day
Chapter 10: Celebrity
Chapter 11: Duda
Chapter 12: Believe
Chapter 13: Friends
Chapter 14: Closer
Chapter 15: Siya
Chapter 16: Depensa
Chapter 17: Peace
Chapter 18: Level 2
Chapter 20: Tuliro
Chapter 21: Doubt
Chapter 22: Level 3
Chapter 23: Dilema
Chapter 24: Damage Control
Chapter 25: Surpise Visit
Chapter 26: Surprise Visit II
Chapter 27: Munting Tibok
Chapter 28: Girlfriend
Epilogue
Maraming Salamat!!!

Chapter 19: First Date

14.6K 191 15
By PaulitoX

Chapter 19: First Date

“Enan anak what are you doing up so early?” tanong ni Rosa. “Ma, may lakad ako” sagot ng binata. “Its only four in the morning anak” sabi ng nanay niya. “Ay oo nga no, o sige po go back to sleep” sabi ni Enan. “Anak, you have been acting strange since last night” sabi ni Rosa.

“Wala po ma, you know masyado lang madaming laman utak ko. Ganito talaga ang artistahin. Sige na po go back to sleep” sabi ng binata sabay bumalik narin siya sa kanyang kwarto.

Di mapakali si Enan, tinitigan niya phone niya, tinignan niya yung relo sabay naglakas loob tawagan si Clarisse. Nagising ang dalaga pagkat tumunog ang phone niya. “Hello…” bigkas ng dalaga pabulong.

“Good morning Clarisse! Today is your lucky day for I decided that you shall be the first human being to hear my golden voice. Okay second pala kasi kausap ko si mama kanina which was not planned” sabi ni Enan. “Enan, alas kwatro palang” reklamo ng dalaga.

“Alam ko, sorry to cut your sleep short ha pero alam ko naman ako yung pinapanaginipan mo e so eto imbes na managinip e kausapin mo nalang ako” landi ng binata. “Eeesh Enan I don’t dream of you” sabi ng dalaga. “You don’t? Oh I get it, sinasabi mo lang yan para safe ka. Kunwari ka pa” sabi ng binata.

“Baliw, what do you need?” tanong ng dalaga. “Clarisse, tulungan mo naman ako o. May date kami ni Cristine mamaya e. I don’t know what to do, first date ko e” sabi ng binata. “What? Nagpapatawa ka ba? First date ka diyan, e naging kayo na noon so don’t tell me di kayo nag date” sabi ng dalaga.

Napalunok si Enan, ang tagal niya nautal at nag isip ng palusot. “First public date, yung nakikita kami ng tao. Diba? Dati private moments lang pero ngayon in public na. Clarisse tulungan mo naman ako o. Nag date na kami noon pero in private lang lagi”

“E kayo ni Shan laging public dates niyo kasi normal people kayo. E kami celebrity kami pareho so honestly di ko alam pano makipagdate in public. Clarisse first girlfriend ko siya, sanay ako sa celebrity dates pero yung normal public date hindi e. Sige naman na o” lambing ng binata.

Natawa si Clarisse at tuluyan nang nagising, “E bakit ako tinatawagan mo? Bakit hindi si Shan?” tanong ng dalaga. “E babae ka e, so I would like to know what the expectations of girls pagdating sa ganitong low level dates” banat ni Enan. “We don’t expect no, basta sumasama nalang kami sa agos. We let the guys surprise us” sabi ng dalaga.

“So ano magboborles ako tapos sisigaw ng surprise?” tanong ng binata. “Baliw, just be yourself, teka anong klaseng date ba yan? Kakain kayo sa labas?” tanong ng dalaga. “Kasi sasamahan ko siya magshopping” sabi ni Enan at natawa si Clarisse. “Ah oo yung nabasa naming text niyo. Gosh, hindi date yon, its just shopping” sabi ng dalaga.

“Oh, I am sorry, pasensya ka na ha kasi like I said ang artistahin di sanay sa ganyan. So its just shopping and not a date right?” tanong ng binata. “Yes Enan its just shopping, all you have to do is be with her” sabi ni Clarisse. “Sus how hard could that be? At oo nga nandon naman si Jelly for sure. So I am sorry for disrupting your sleep so you can go back now so you can dream of me” landi ng binata.

Bandang alas nuebe nakarating si Enan sa parking area ng condo. Nadatnan niya nagpupunas ng kotse yung driver kaya ang binata biglang lumapit para gulatin yung matanda. “Enan! Why are you here?!” biglang sigaw ni Cristine. Talagang nagulat yung driver sa sigaw, paglingon niya lalo siya nagulat pagkat nilakihan ni Enan mga mata niya sabay nilawit ang dila.

Napahaplos sa puso yung matanda kaya nagtawanan sina Jelly at Cristine. “Sorry mang Ronel, preview lang yon ng Halloween” sabi ni Enan. “Enan I asked you as question” sabi ni Cristine kaya napalingon yung binata at naakit sa magandang suot ng artista. Nakasuot ang dalaga ng maiksing kulay orange na dress, natawa si Cristine pagkat napangiti ang binata habang nakatitig sa kanyang legs.

“Manyakis” sabi ni Jelly kaya tinignan siya ng masama ni Enan. “There is a fine line between being a manyakis and being a person who is simply appreciating beauty, F-Y-I I am the latter” sabi ng binata kaya natawa si Cristine. “Enan, diba I told you susunduin ka namin” sabi ni Cristine.

“I know pero Tiny, my neighborhood can only handle one celebrity, which is me. Pag sinundo niyo ako e di dalawa na tayo doon. Baka masiraan na ng bait ang mga taga doon no, baka isipin nila napaka swerte na nila masyado upang mabibiyaan ng presensya ng dalawang artista” sabi ng binata.

Natawa si Ronel kaya napailing nalang siya at tinapos ang kanyang pagpupunas. “At ako yung lalake e, pangit naman na ikaw sumusundo sa akin. Kaya ako nalang pumunta dito, di naman na ata tama yung ikaw pa susundo sa akin. Oo ikaw yung may kotse pero ako parin yung lalake” sabi ni Enan. Napangiti si Cristine at Jelly, si Ronel napatungo kaya binuksan na niya yung mga pintuan.

“Mang Ronel naman” reklamo ni Enan kaya sinara ulit ng matanda yung pintuan at lumapit yung binata para siya magbukas nito para kay Cristine. Nakangiti ang dalaga na pumasok sa kotse, lumapit si Jelly kaya tinignan ni Enan si Ronel. “Mang Ronel yung trunk” sabi niya. “Bakit yung trunk?” tanong ng matanda. Biglang tumawa ng malakas si Cristine pagkat pasimpleng nakaturo si Enan kay Jelly.

“Antipatiko sa likod mo ako papaupuin?” bulyaw ng bading. “May sinabi ba ako?” sagot ni Enan. “E nakaturo ka sa akin e” sagot ni Jelly. “Enough, get in already” sabi ni Cristine. Papasok na si Jelly, “Oh” bigkas ni Enan kaya nagtitigan nanaman sila. “What now?” tanong ni Jelly.

“Ako yung kausap niya, wala siyang sinabi ikaw yung papasok. At boyfriend ako kaya kami dapat magtatabi” sabi ni Enan. “Okay fine ayaw sige pumasok ka at doon nalang ako sa…” sabi ng bading pero biglang binuksan ni Ronel yung trunk sabay bulong, “Dito” sabi niya kaya umariba sa tawa si Cristine.

“Ah I see, magkakampi na kayo, dito ako at ikaw sa harapan” sigaw ni Jelly. “Ah..” bigkas ni Cristine pero di na niya tinuloy pagkat nakapasok na si Jelly at nakaupo sa tabi niya. Si Enan naman sa harapan nalang naupo katabi ni Ronel. “So ilang oras ka maglilibot?” tanong ni Jelly.

“Ah..youre not coming with us. Antayin niyo nalang kami” sabi ni Cristine. “What? Are you serious?” tanong ni Jelly. “Serious, ah I think its best if kami lang makita ni Enan” sabi ng artista. “Jelly magkakampi tayo, lumaban ka” sabi ni Enan na biglang ninerbyos.

“Cristine, I have to be by your side” sabi ni Jelly. “No, you stay with mang Ronel” sabi ni ng artista. “Pero Cristine what if something happens?” tanong ni Jelly. “I wont let anything bad happen to her” sabi ni Enan kaya napangiti ang dalaga. Napahaplos sa noo si Jelly, “Tsk bahala ka” bulong niya.

Pagdating sa mall sina Cristine at Enan lang ang lumabas, “Tiny, iwanan mo naman sila ng pera. Okay lang naman maglibot din sila, meryenda din konti habang nag aantay” bulong ng binata. Kinatok ng dalaga yung bintana kaya binuksan ni Jelly yung pintuan, “O ano sasama na ako?” tanong ng bading.

“Eto pala pera, while waiting go eat” sabi ni Cristine at parehong natulala sina Ronel at Jelly. “Come on Enan” sabi ni Cristine kaya tumabi na sa kanya ang binata at naglakad na sila palayo. “Ano daw?” bulong ni Jelly habang pinagmamasdan yung isang libong piso na iniwan ng dalaga. “Ewan ko, nangyari ba talaga yon?” tanong ni Ronel kaya tinitigan nila yung pera at sabay sila napangiti.

Pagpasok ng mall nagkatitigan yung dalawa at biglang nagkailangan, “You don’t need to” bulong ni Enan. Humawak parin ang dalaga sa braso niya, “Cristine, naririnig mo yon?” tanong ni Enan nang nagsimula sila maglakad. “Ano yon?” tanong ng dalaga. “Mga pumapatak na laway ng mga lalake na nakakakita sa atin” bulong ni Enan at natawa ang dalaga.

“Is this okay?” tanong ng dalaga kaya nagtitigan ulit sila. “Okay lang, actually sanay ako sa ganito kasi ganyan ginagawa ni Clarisse din minsan. We did this sa beach pero konti lang tao don, now madaming tao pero okay lang” bulong ng binata. “How about the other one?” tanong ng dalaga. “Violet? Once lang at by accident lang ata yon kasi may kinausap siya. Pero hindi ganyan sa iyo na kapit talaga, sa kanya e parang tip ng fingers lang pero muntik na ako nahimatay. Tapos naulit many times naman kaya oo  ilang beses na ako namatay” sabi ng binata.

Natawa si Cristine kaya lalo siya kumapit sa braso ng binata sabay sumandal konti. “Ei Tiny, maganda sa mall na ito, madami tao pero parang wala sila pakialam. Kaya ako kumampi kay Jelly kanina kasi natakot ako baka di maganda reaksyon ng mga tao e. Kaya nag alala ako para sa iyo” sabi ng binata.

“Don’t mind them, oh there let’s go there” sabi ng dalaga kaya pumasok sila sa loob ng isang boutique. Nalula si Enan sa mga presyo ng mga damit doon kaya napakamot siya. “Mahirap pala pag totoo to no? Grabe pag reregaluhan kita ng damit e ubos agad pera ko” sabi ng binata.

“So iniisip mo na totoo ito?” tanong ni Cristine sabay kinailangan na humarap siya sa isang damit pagkat may kakaiba siyang nararamdaman. “Sinasabi ko lang naman na if totoo na tayo talaga e kailangan ko siguro mag part time job” sabi ni Enan.

“Don’t be foolish, I don’t need gifts” sabi ni Cristine. “Buti naman” bulong ng binata kaya nagbungisngisan sila. “Pero kahit ayaw mo kukunan parin kita, ganon yon alam ko. Never pa ako nagka girlfriend pero basta alam ko ganon dapat yon” bulong ni Enan.

“So if totoo, ano naman dito ang bibilhin mo para sa akin?” pacute ni Cristine. Napalingon sa paligid si Enan hanggang sa may nakita siyang puti na damit sa dulo. “Yon siguro” sabi niya sabay turo. Napanganga ang dalaga sabay napangiti agad at nilapitan yung damit.

“Wow, honestly I like this one” sabi niya. “Really?” tanong ni Enan. “Yup, I really like this one” sabi ng dalaga. “Are you going to buy it?” tanong ng binata. “Nope, kasi you are going to buy it for me diba?” lambing ng dalaga at nagulat si Enan. “Ha?” tanong ni Enan sa gulat kaya natawa ang dalaga. “Kidding, to naman o. I am not going to buy dresses today. Actually wala ako balak bumili ng kahit ano” sabi ng dalaga.

“Sabi mo shopping” sabi ni Enan. “Window shopping, madami pa ako damit pero Enan alam mo na yung gusto ko ha” sabi ni Cristine kaya muling nagulat ang binata. Tawang tawa si Cristine, niyakap niya braso ng binata at lumabas na sila ng boutique. “So window shopping lang tayo today?” tanong ng binata.

“Yup, ganito lang. Tell me lang kung ayaw mo” sabi ng dalaga. “Uy di ha, kasi nung sabi mo shopping naisip ko naman taga buhat ako ng sobrang dami. Actually nag work out pa nga ako para madami ako mabuhat ano” biro ng binata. Natawa si Cristine, si Enan naman kinabog dibdib niya, “Pumped up ako grabe, I am oozing with power. Kung di ka lang naka dress e baka binuhat na kita” hirit niya.

Tawang tawa si Cristine nang inagaw ng binata yung purse niya at pabiro na ginawang dumb bells. “One two three four…” bigkas ni Enan kaya nabaon ni Cristine mukha niya sa dibdib ng binata. Pinatigas naman ni Enan braso niya at dibdib kaya halos mamatay na sa tawa ang dalaga. “Kung alam ko lang na window shopping lang e sana aerobics nalang ginawa ko” sabi ni Enan.

“Ang sakit na ng tiyan ko grabe ka” sabi ng dalaga. “Uy nagpaparinig, oo itreat kita lunch pero…konti lang pera ko ha” bulong ng binata at labis na naantig puso ng dalaga. “Don’t be silly, I will pay for lunch” sabi ni Cristine. “Ano ka ba? Ako yung lalake, pero aaminin ko konti lang pera ko kaya kung pwede sa mura lang. Sana okay lang sa iyo yung sa mura lang” bulong ng binata.

“Enan” bigkas ng dalaga. “Tiny, alam ko acting lang to pero kahit na acting e ako parin yung lalake. Kinakapalan ko na nga mukha ko e pero kung di mo kaya kumain sa mura e okay lang pautang nalang ako tapos bayaran ko sa next magkita tayo” sabi ng binata.

Huminga ng malalim si Cristine sabay niyakap ng mahigpit braso ng binata. “Di ako maarte, mamaya na yan. Let’s keep walking” sabi niya. “Okay” bulong ng binata. Di makontrol ng dalaga ang nararamdaman niya, nakaw tingin siya sa binata at napansin niya na lingon ng lingon ito at pinagtitignan ang lahat ng mga restaurant sa paligid.

Binaba ng dalaga pagkapit niya hanggang sa napatigil sa paglakad si Enan at napatingin sa kanyang kamay. “Tiny what are you doing?” bulong niya sa gulat. “Open” bulong ni Cristine pagkat pinatigas ng binata kamay niya sa kamao. Binuklat ni Enan kamay niya, nakipagholding hands si Cristine, napatingin siya sa malayo at napangiti.

“Tiny..hinahawakan mo kamay ko” bulong ni Enan. “And you are holding mine..parang sa beach lang diba?” sagot ng dalaga. “I know but..Tiny..hindi ko alam to..nanay ko lang kaholding hands ko so far in real public…sa beach e…” sabi ni Enan kaya natawa ang dalaga.

“Come on keep walking at may gusto ako makita doon sa third floor” sabi ng dalaga. Nangangatog tuhod ng binata habang naglalake, natatawa si Cristine pagkat pasimpleng pumipisil pisil pa yung binata. “Enan” pacute niya. “Sorry, first time e with so many people around. Kahit peke ang sarap pala ng may kaholding hands na hindi mo nanay in public, as in normal public” bulong ng binata at umariba sa tawa ang dalaga.

Pagdating sa third floor hindi makapigil sa bungisngis si Cristine pagkat pisil parin ng pisil si Enan sa kamay niya. “You know what sanayin mo na kasi if we are going to make this look real I guess we have to always hold hands in public” sabi ng dalaga. “Grabe ka naman, monumental occasion to para sa akin no. Give chance naman konti, para akong nabubuhay sa panaginip ko pa e” sabi ng binata.

“Sure take your time” pacute ng dalaga. “Tiny, okay lang ba ito sa iyo?” bulong ni Enan. “I am still holding your hand diba?” sagot ng dalaga. “Oo nga” sabi ng binata sabay huminga ng malalim. “Oh this feels so nice, alam mo mas magiging realistic talaga to pag ganito e. True or not, ang sarap hawakan kamay mo” sabi ng binata.

Sa tapat ng isang shop nagbiro si Enan at tinabihan yung isang maneuqin na lalake. “Tiny, bagay ko ba?” biro niya sabay nagpatigas siya at ginaya yung posing ng mannequin. Nagtakip ng bibig ang dalaga at inuga ang kanyang ulo. “Halata na wood carving no?” tanong ni Enan kaya natawa na talaga ang dalaga.

“Sabi ko nga, alam mo ba kinukuha nila ako sa Machete the movie. Yung remake ha, kasi daw di na nila kailangan pa ng wood carving. Ako na talaga mismo yung statue at yung bida” sabi ni Enan kaya laugh trip nanaman yung dalaga. “Alam mo Tiny I asked you to be nice pero pag ganitong biruan you can engage naman and be honest with me. I can take it” sabi ng binata.

“We are friends Enan and I am not like Violet” sabi ni Cristine kaya napatigil ang binata at tinitigan yung magandang artista. “O what?” tanong ng dalaga. “Wala, madami ako narinig tungkol sa iyo na bruha ka daw pero di totoo mga sinasabi nila” sagot ng binata kaya napangiti si Cristine. “Totoo din yung iba” bulong ng dalaga.

“Tiny, madami ka din maririnig tungkol sa akin. I just wanted you to know” sabi ng binata at napatingin ang dalaga sa kanya. “Like what?” tanong ni Cristine. “Na saksakan ako ng kagwapuhan, na habulin ako ng babae, na pinagpapantasyahan ako, Tiny wag mo ikakagulat mga yon kasi totoo lahat yon, just so you know. Bago mo marinig sa iba e ako na magsasabi sa iyo mismo” drama ng binata.

Napahiyaw sa tawa si Cristine, nayakap niya bigla yung binata at pinagtitignan sila ng iba tao. “Bwisit ka, akala ko nag oopen up ka tapos babanatan mo ako ng ganon” sabi ng dalaga sabay tawa.

Medyo ninerbyos si Enan pagkat  madami nakatingin sa kanila pero napansin niya nakangiti yung mga tao kaya napangiti din siya. “Alam mo gustso ko yung mga tao dito sa mall na ito. Di tulad sa ibang lugar e pag nakita nila magkasama tayo e nandon na yung bulungan at mga masasakit na titig. Bakit dito iba?” tanong ng binata.

“I don’t know, di naman kasi lahat ng tao pareho ugali no. Anyway so habulin ka talaga?” landi ng dalaga. “Teka considered parin ba habulin pag palayo takbo nila at hindi palapit?” tanong ni Enan at muling natawa ang dalaga ng malakas.

“Saksakan ng kagwapuhan, teka ito totoo kaya lang may catch. Pinagsama sama na kasi kagwapuhan ng mga mga gwapo sa mundo sa mukha ko kaya ayaw jam-packed na face ko. Sa dami e ganito tuloy itsura ko pero at least pinag sama samang kagwapuhan yan. It takes very keen eyes to see it” hirit ni Enan.

“Enan tama na, ang sakit na talaga ng tummy ko” sabi ni Cristine. “Iutot mo lang yan babe” biro ni Enan. Nagkatitigan sila at sabay sila nagtawanan. “Nagpaparinig ka nanaman e” sabi ng binata. “Enan you are fun to be with” pacute ng dalaga.

“Yan din sinasabi ng madami sa akin” sabi ng binata. “Fine, I like being with you. How is that?” tanong ng dalaga. “Excuse me” bulong ng binata. “Bakit?” tanong ng dalaga. “Pupunta lang ako sa gilid, nakakahiya magpakita na kinikilig ako in public. Baka isipin nila si Machete nag eevolve na at nagiging tao na mula statue” bulong ng binata kaya muling natawa ang dalaga at inuga uga braso ng binata.

Sa malayo nagmamasid sina Jelly at Ronel, “Oh my God, look at her” bulong bading. “Sabi ko sa iyo wag na natin sila sundan kasi e. Baka mamaya mahuli tayo at pagalitan nanaman tayo” sabi ng matanda. “Pero manong tignan mo nga siya, sa tingin mo umaakting ba siya?” tanong ni Jelly.

“Hindi” sabi ni Ronel. “So she is really having fun” bulong ng bading sabay kinilig bigla. 

Continue Reading

You'll Also Like

1.6K 88 16
Ang storyang ito ay tungkol sa apat na magkakaibigan na palaging pinapakitaan ng multo, dahil humingi ito ng hustisya sa kanyang pagkamatay. hindi ma...
389K 5.4K 30
Modern day beauty and the beast story. Sundan ang kwento ng binatang di nabiyayaan sa panlabas na kaanyuan sa kanyang pagtahak sa landas patungo sa p...
2.7M 53.1K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...
628K 5.8K 15
PUBLISHED UNDER VIVA-PSICOM. This story isn't completed anymore, the ending is already deleted. You can read the whole contents in its book version f...