He Choose To Stay (HHMR BOOK...

By Miss_Aech

253K 8.5K 4.3K

History repeats itself, but it's the other way around. He'll be the one to chase. He'll be the one to suffer... More

He Choose To Stay (HHMR BOOK 3)
The Beginning
HCTS 2 - #Secret
HCTS 3 - #Sydney
HCTS 4 - #TrueFeelings
HCTS 5 - #Assume
HCTS 6 - #SpecialFriend
HCTS 7 - #Trigger
HCTS 8 - #Australia
HCTS 9 - #DoctorMontesor
HCTS 10 - #Plan
HCTS 11 - #Criminal
HCTS 12 - #Safe
HCTS 13 - #GetHerBack
HCTS 14 - #WeirdFeelings
HCTS 15 - #Textmate
HCTS 16 - #BadThoughts
HCTS 17 - #Camperdown
HCTS 18 - #Scared
HCTS 19 - #Hurt
HCTS 20 - #CutOff
HCTS 21 - #RollerCoaster
HCTS 22 - #Afraid
HCTS 23 - #String
HCTS 24 - #Closer
HCTS 25 - #Fair
HCTS 26 - #Akin
HCTS 27 - #Mad
HCTS 28 - #His
HCTS 29 - #ThePast
HCTS 30 - #Karline'sWedding
HCTS 31 - #Interview
HCTS 32 - #Home
HCTS 33 - #Chance
HCTS 34 - #LittleByLittle
HCTS 35 - #Tanga
HCTS 36 - #RedGuy
HCTS 37 - #Love
HCTS 38 - #Big
HCTS 39 -#StupidDecision
HCTS 40 - #ExtremePain
HCTS 41 - #Official
HCTS 42 - #KryptonDay
HCTS Special Chapter #K&K
HCTS 43 - #ThisTime
HCTS 44 - #Havoc
HCTS 45 - #PTSD
HCTS 46 - #SoCloseSoFar
HCTS 47 - #Revelation
HCTS 48 - #Dejavu
Announcement

HCTS 1 - #Kismet

5.9K 253 61
By Miss_Aech


Chapter 1


Third Person's POV

"A toast for another successful operation for Doctor Montesor!" masayang sabi ng isang nasa edad 40 pataas na lalakeng doktor at inangat ang wine glass na may lamang champagne. Si Dr. Elvis.

Nasa isang mamahaling restaurant sila at kasalukuyang pinagdiriwang ang pangunguna ni Dewlon sa pagiging isang magaling na doctor. Isang surgeon.

Lahat ng kasama doon ay inangat ang kani-kanilang wine glass maging si Dewlon na napailing ngunit nakangisi,  "Toast!" sabi nilang lahat at pinagsama ang kanilang wine glass at sabay na uminom.

"Dewlon is really gifted. He's the only young doctor in town," puri naman sa kaniya ng isang babaeng nasa edad-30 pataas na. Si Dr. Lura.

Sumang-ayon ang iba pa. "He lacks of experience but damn you're in top!"  manghang sabi ng isang pang doktor na medyo bata pa na si Dr. Everson, na isa sa mga close niyang batang doktor.

Ang iba pa nilang kasama ay nakitawa nalamang at ganoon din ang mga nurse na may matataas na ranko sa hospital.

"Doctors! Chief sent me a mail, some company chose our hospital for something the hospital can be exposed worldwide," sabi ni Dr. Lura habang pinapakita ang kaniyang cellphone.

Inusisa nila si Dr. Lura at binubusan ng mga katanungan. Makikinig na sana si Dewlon ng tumunog ang cellphone niya. Agad siyang nag-excuse at lumayo muna sa mga nagkakasiyahang mga kasama.

Sinagot niya ito habang nasa labas na siya ng restaurant. "Yes, Dad?" bungad niya sa kabilang linya.

"Kailan ka uuwi dito, anak?" mahinahong tanong ng kaniyang ama.

Napabuntong hininga siya, "Dad...you know I can't go home if..." sagot niya at pinigilan ang sariling makaramdam ng lungkot at pangungulila.

"I'm sorry, Jun. I know they misses you too, lalo na ni Joshua. Mas kailangan niya ng Kuya dahil mukhang may nililigawan na..." biro nito at bahagyang humalakhak.

Napangiti si Dewlon, "Yeah, we're fine, Dad. I called him and he told me everything. But, Jewel still hates me..." sagot niya.

Napabuntong hininga ito, "You know your sister, Jun. Nagalit lang 'yun sayo dahil ayaw niyang umalis," sagot ng kaniyang Ama. "Siguro dahil may crush na siya roon kaya sobrang nagtatampo parin..." dugtong nito at tumawa na parang pinapagaan ang atmosphere.

"Dad, how's Mom? Her condition?" tanong niya.

Bumuntong hininga ulit ang kaniyang ama, "Still she refuses to go to the hospital. Why won't you check her instead, Jun? I think she wanted you to check her." sagot nito at bahagyang humalakhak.

Bahagya siyang natawa at napailing. "Dewlon!" bigla siyang napalingon sa isang mahinhin na boses na tumawag sa kaniya. Tumango ito at bumalik sa kaniyang kausap.

"I'll go home next week, Dad. Don't tell them. I'll suprise them. I'm going to end this call now..." paalam niya sa kaniyang ama.

"Okay, take care there..." sagot nito bago ibaba ang linya. Ibinalik niya sa kaniyang bulsa ang cellphone at bumaling sa babaeng tumawag sa kaniya.

Ngumiti ang babaeng naghihintay sa kaniya sa labas ng restsurant. Kumaway ito kaya naman kumaway pabalik si Dewlon. Lumapit ang babae sa kaniya.

Nakasuot ito ng magandang puting floral dress at mukhang handang handa at may pupuntahang okasyon.

"Ylena..." sabi ni Dewlon. "What are you doing here?" tanong niya kay Ylena.

Ngumisi ito, "It's because they want me here. They told me you have something important to tell me so I came here," sagot niya.

Kumunot ang noo ni Dewlon, "What? Who told you that?" tanong niya.

Ngumuso siya, "Everson texted me an hour ago. Why? Don't tell me he tricked me again?" iritadong tanong niya at ang mga mata niya ay hinahanap ang taong 'yun. "Where is he?" tanong niya at tumingin sa glass wall ng restaurant.

Napailing nalang si Dewlon sa ginawa ng kaibigan. Papalabas si Dr. Everson sa glass door ng restaurant na may ngiti sa kaniyang labi habang nakatingin kay Ylena.

"Hi, Miss Ylena!" masiglang bati niya rito at pagkalapit na pagkalapit niya kay Ylena ay sinuntok na siya sa tiyan.

Napadaing siya sa sakit. "You tricked me again, you asshole!" galit na sabi nito. Ang kani-kaninang mahinhing babae sa harap ni Dewlon ay naging halimaw sa harap ni Dr. Everson.

"I told you I'm serious with you!" sabi ni Everson habang nakahawak parin sa kaniyang tiyan.

"Whatever!" sabi nito at humarap kay Dewlon at ngumiti ng matamis. "Bye, Dewlon. I'm off!" paalam niya at umalis ngunit bago 'yun ay sinabunutan niya si Everson.

Humalakhak si Dewlon habang tinatanaw si Ylena na naglalakad palayo habang si Everson ay gusto sanang habulin si Ylena.

Napatingin siya kay Dewlon at pinanliitan ng mata, "I don't know why she likes you even though I'm more handsome than you..." iiling-iling na sabi niya at saka inakbayan si Dewlon at tinapik ang likod.

"If I didn't know you're already taken, I'll be threaten." sabi niya at tumawa bago sila pumasok sa loob ng restaurant.

"You will never be threaten, because I will never be interested..." sabi niya.

Kirt's POV

"What was that?!" singhal ko kay Akiro ng makapasok kami sa van pagkatapos ng talk show and now we're going to BEC Building to meet with our managers.

He grinned, "I know you want it," sagot niya at kinuha ang headset niya at nilagay sa tenga niya.

Agad ko naman 'yun tinanggal. Nakakairita siya. "What do you mean I want it? Bakit ko gugustuhing malaman ng buong Pilipinas na may namamagitan sa atin? And it's not even true!" naiinis na tanong ko.

Humalukipkip ako. Yes, I like him, but I don't want everyone to know it. Lalo na't hindi naman 'yun totoo at seryoso para sa kaniya. Halata namang pinaglalaruan niya lang ako, eh.

"You want it, diba? You like me, remember?" patanong na sabi niya at sinuot ulit ang headset niya.

Nakita ko sa rear mirror na natawa ang driver at ang personal assistant 'kong si Era kaya naman nakaramdam ako ng lalong pagkainis kay Akiro.

"Hindi ko maalala kung kailan ko sinabi sa'yong gusto kita at kailan ko naramdamang gusto kita." mariin na sabi ko at humalukipkip.

I really really want to take it back. Ang sarap niyang untugin para makalimutan niya na 'yung sinabi ko. Kasalanan ko ba kung masyado akong nadala sa moment namin na'yun? But, I really do like him. Siya ang nasa panaginip ko. He's part of my memory.

"Why? Nagkaroon ka nanaman ba ng amnesia?" tanong niya habang nakatingin sa labas ng bintana.

Natigilan ako sa sinabi niya. Nag-iwas nalang ako ng tingin at tumingin narin sa labas ng bintana at tinuon ang sarili ko sa mga sasakyang dumaraan sa labas.

Minsan naiisip ko, para akong isang naliligaw na babae. Isang walang alam dahil mayroon akong nakalimutan. Pinagpatuloy ko ang buhay ko kahit may parte sa buhay ko na hindi ko maalala.

Sumulyap ako kay Akiro at nanatiling nakatingin sa labas. Akiro is a friend of mine. Akiro is a great friend, sila ni VG ang naging kasama ko sa BEC. Doon kami nagkakilala sa audition at sobrang bait niya pero ngayon? Hay nako.

I know napanaginipan ko siya. Bata pa siya noon, e. At napag-alaman namin kay Mama na magkababata kami doon sa Parañaque. Malapit ang loob ko sa kaniya. Naramdaman kong gusto ko siya. Pumikit ako at pilit inalala ang mga araw na magkasama kami ni Akiro noong mga bata pa kami.

"Hoy bata! Umuwi kana nga sa inyo!" sigaw ko sa batang lalakeng nakaupo sa labas ng bahay namin. Kanina pa kasi, e. Mamaya niyan ay akyat bahay siya.

"Ayoko nga!" sagot niya at humalukipkip.

Pumamewang ako,"Eh nakaupo ka lang naman diyan, e! Sino ba hinihintay mo!?" galit na tanong ko.

Hindi siya sumagot sakin kaya naman tumabi ako sa kaniya. "Hoy, bata sumagot ka sakin o hindi kita tatantanan!" banta ko sa kaniya.

Tumingin siya sakin na parang nabuhayan ng loob. Tumingin siya sa likod ko at napatayo. Sinundan ko siya ng tingin. May tricycle at may babaeng bumaba at may kasamang bata.

Ngumuso ang bata at mukhang dismayado. Umupo siya ulit sa kinauupuan niya at tumingin sa likod ko. Mukha talagang may hinihintay siya.

"Sino ba talaga hinihintay mo?" tanong ko ulit.

Bumuntong hininga siya,"Hinihintay ko kasi si Papa. Sabi niya uuwi siya, pero isang linggo na, hindi parin siya nakakauwi samin nila Mama..." sagot niya sakin.

Bigla akong nakaramdam ng awa, "Saan ba nagpunta ang Papa mo?" tanong ko.

"Sa trabaho. Nagta-trabaho siya para samin ng mga kapatid ko. Hindi ko nga alam kung bakit siya inaaway ni Mama. Nagtatrabaho lang naman siya," sabi pa niya.

"Oh eh baka naman miss lang! Si Mama, laging inaaway si Papa, pero naglalabing-labing naman sila kung gabi!" sabi ko at ngumiti sa kaniya.

Imbis na mapagaan ko ang loob niya ay mukhang pinalala ko pa dahil bigla siyang nalungkot at umiling-iling, "Iba ang mama at papa ko. Si Mama, katabi ang dalawa kong kapatid kung gabi, kami naman ni papa ang magkatabi. Ngayon wala nakong katabi matulog," sagot niya.

Tumawa ako ng malakas, "Hinihintay mo lang ba ang papa mo dahil wala kang kasama matulog? Eh duwag ka pala, e!" sabi ko at tumatawa parin habang siya ay parang sumimangot lalo.

"Hindi ako duwag! Namimiss ko lang ang Papa ko!" galit na sabi niya at tumakbo na paalis ng bahay namin.

Ngumuso ako. Ano ba 'yan! Nawalan pa ako ng friend to be. Gusto ko lang naman pagaanin ang loob niya, e. Bakit ba hindi ako marunong makipagkaibigan sa mga lalake?

"Nandito na tayo, Miss Sydney..." rinig kong sabi ni Era.

Agad kong dinilat ang mga mata ko at nakitang narito na nga kami sa underground parking lot ng BEC. Lumabas na si Akiro kaya sumunod ako.

Habang naglalakad si Akiro sa unahan ko ay hindi ko mapigilang maalala kung paano ko siya pinilit na maging magkaibigan kami.

Habang naglalaro kami ng mga kaibigan ko sa plaza ay nakita ko ang batang lalakeng nakilala ko ng isang araw bumibili sa tindahan. Hindi ko alam ang pangalan niya dahil hindi ko naman siya tinanong.

Agad akong umalis sa mga kalaro ko at lumapit sa batang lalake. "Hoy, bata!" tawag ko sa kaniya.

Lumingon siya pero ng makita niya ako ay agad siyang tumalikod at umalis. Tumakbo ako para sabayan siya. Diretsyo lang ang lakad niya at parang walang planong kausapin ako.

"Bata, sorry na!" sabi ko sa kaniya kaya naman tumigil siya sa paglakad at hinarap ako.

"Ok, wag mo na'kong kausapin." mahinahon na sabi niya at walang bakas na galit at nauna ng maglakad.

Sinundan ko parin siya, "Bakit naman? Bati na tayo kaya friends na tayo. Ako nga pala si Kirt," sabi ko sa kaniya at ngumiti.

"Ayoko ng kaibigan." malamig na sagot niya. Sinubukan niyang maglakad ng mabilis pero nasasabayan ko parin siya.

Ngumuso ako, "Bakit naman? Wala pa 'kong kaibigang lalake, e!" tanong ko sa kaniya. Lumiko kami sa isang eskinita.

"Wala akong pakialam." malamig ulit na sabi niya.

Bigla kaming nakakita ng aso. Nakatali ito at malakas ang kahol sa amin. Bigla itong nakawala at hindi 'yun alam ng kaniyang amo kaya naman ang katabi ko tumakbo na, ako naman ay natigilan dahil papalapit na sa amin ang aso.

Hanggang sa malapit na siyang makalapit sakin ay doon nako kinabahan. May biglang humila sakin kaya naman tumatakbo na ako ngayon ng mabilis na parang lumilipad ako.

Umakyat kami sa isang mataas na bato kaya naman di kami naabot ng aso. Kahol lang siya ng kahol. Hinihingal akong tumingin sa kaniya nang nakangiti.

"Salamat niligtas mo 'ko!" masayang sabi ko sa kaniya.

Sinamaan niya ako ng tingin habang hinihingal siya. "Ang tanga mo naman, dapat tumakbo ka na nung nakita mong nakalabas yung aso sa tali niya!" galit na sabi niya.

Ngumuso ako. "Ang sakit mo naman magsalita," sabi ko.

Nag-iwas lang siya ng tingin sakin, "Shoo! Alis! Alis!" pagtataboy niya sa aso.

"Sabihin muna kasi sakin kung ano ang pangalan mo. Sige na!" pamimilit ko sa kaniya.

"Tsk. Akiro! Akiro ang pangalan ko. Kaya umuwi kana sa inyo." sabi niya.

Tinignan ko ang aso na umalis na palayo kasabay ng pagtakbo ni Akiro paalis. Ngumuso ako at sinundan siya pero ang bilis niyang tumakbo.

"So I was saying, may bago kayong project and this will be a really really big hit dahil binigyan tayo ng oppurtunity sa ibang bansa..." sabi ni Manager kong si Manager Roa.

Tumango-tango si Manager Lim na manager ni Akiro, "Yes, lalo na't inamin na nilang may namamagitan sa kanilang dalawa..." mapaglarong sabi ni Manager Lim.

"It's just an act. Hindi 'yun totoo..." sabi ko at nag-iwas ng tingin.

Nagulat sila sa sinabi ko. "What! Hindi yun totoo!?" sabay na tanong ng dalawang manager na parehong disappointed.

"Totoo 'yun..." sabi ni Akiro habang nakatingin sakin.

Bahagyang nanlaki ang mata ko at naramdaman kong kumalabog ang puso ko. Sariwa pa sakin ang alaalang ayaw niya sakin nung bata pa kami.

Tinaasan ko siya ng kilay at humalukipkip, "Whatever, it's not like mababawi ko pa 'yun sa lahat ng taong nakarinig at nakanood sa atin kanina." sabi ko at umirap.

"You like me, right? Why are you denying it? Don't tell me you don't remember because hindi ka naman nabundol ng sasakyan..." sabi niya at bahagyang natawa.

Nag-alab ang dugo ko sa sinabi niya, "Why are you talking like that! Dahil sa mga sinasabi mo, naguguluhan ako kung gusto nga ba talaga kita kasi nagbago na ang isip ko!" sigaw ko sa kaniya at tumayo para mag-walk out.

Lumabas ako sa opisina 'yun. Pagkabukas na pagkabukas ko ng elevator ay may apat na taong nakasakay. Ang tatlo ay nagulat nang makita ako tapos yung isa naman abala sa cellphone.

Well, sanay na akong may nagugulat kapag nakikita ako unexpectedly. Pero kung fans ko sila wala ako sa mood para makipag meet and greet. Tsss...

Nang makasakay ako pinindot ko kaagad ang ground floor. Sasakay ako sa van at uuwi sa condo ko. Nakakainis na ang araw nato. Bahala na.

Naramdaman ko ang mga kaluskos ng mga kasama ko sa elevator. Mukhang nagsisikuhan sila.

"Kung magpakilala kaya tayo..." rinig kong bulong ng isang lalake sa gilid ko.

Nakita ko sa gilid ng mata ko ang pagbatok ng babae sa lalakeng nagsalita, "Ano kaba? Hindi pwede..." bulong ng babae at pinatahimik ang lalake.

"Subukan lang naman natin kung malalaman niya, eh." sabi ng isang boses nanaman ng lalake.

"Kilala niya kaya si Heero Sandov---" bigla siyang tumigil kaya naman di niya pinatuloy.

Biglang tumunog ang cellphone ko kaya naman natahimik sila. Dinukot ko ang cellphone ko sa bag na dala ko. Nakita kong si Arianna 'yun kaya sinagot ko kaagad.

"Hello?" tanong ko sa kabilang linya.

"Ang sosyal niya na..." rinig kong sabi ng lalake sa gilid ko.

"Tahimik na nga, Nikke!" sita ng babae.

"Ba't mo sinabi pangalan ko?" tanong nung lalake.

"ISAW IKAW TALAG--" hindi niya na pinatapos ang sasabihin niya ng nilingon ko ang lalakeng maingay.

Nginitian ko siya kaya naman kahit gulat siya ay ngumiti narin siya, "Can you please be quiet? I'm just gonna take this call..." mahinahon na pakiusap ko kahit deep inside gusto ko na silang sigawan. Bad mood nga ako diba?

"Oh, so you met them already?" tanong ni Arianna sa kabilang linya.

Kumunot ang noo ko, "Who?" tanong ko sa kaniya. Anong pinagsasabi niya?

"Kismet." sagot ni Arianna at mukhang natawa.

Napaawang ang bibig ko. "Oh!" gulat na sabi ko at napatingin sa apat na taong nasa likod ko. Ngayon ko lang napansin ang mga dala nilang gitara.

Bumukas ang elevator at bumungad samin si Arianna na binaba na ang cellphone niya at kasabay nun ang pagkawala ng linya sa cellphone ko kaya binaba ko narin at ngumiti sa kaniya.

Lumabas kaming lahat sa elevator. Isa-isa silang ngumiti sakin pero 'yung isa lalake ay parang seryoso at malamig. Siya ata ang leader nila, e.

Kilala ko na ang kismet noon pero ngayon ko lang sila na-meet. Mayroon na kasing main building a BEC sa Cebu kaya naman doon ata sila. I don't know.

"Kirt--oh I mean Sydney, these are the Kismet band. Si Mixx, Ysabel, Nikke at ang bokalista nilang si Heero..." pagpapakilala ni Arianna sa apat.

Ngumiti ako sa kanila. Inisa-isa ko ang mga mukha nila hanggang sa dumako na ang mata ko sa isang lalakeng nakatingin sakin ng seryoso.

Hindi ko alam pero bakas sa mga mata niya ang lungkot. Biglang kumirot ang puso ko at kasabay nun ang pagsakit ng ulo ko.

Napansin ata nila ang paghawak ko sa ulo ko at ang pagngiwi ko sa sakit. "Ayos ka lang ba?" tanong ni Arianna nakahawak sa likod ko.

Umiling ako at ngumiti, "Wala ito, headache lang..." sagot ko at hindi na muling tumingin sa lalakeng 'yun.

Bakit pakiramdam ko...kilala ko na siya noon pa?

Continue Reading

You'll Also Like

15.1M 677K 75
(FHS#1) Braylee wants to make her friends happy, Denver wants to get some sleep. She's hell-bent on making the world a better place while he's desper...
121K 9.3K 41
Hindi isang ordinaryong gubat lang ang Helderiet Woods na hindi naman tipikal na binibisita ng mga tao sa siyudad, at sa pananatili roon ni Chancey b...
3.1M 146K 72
[THE BADASS BABYSITTER] Para sa isang Presidente ng bansa, malaki ang expectation nito sa mga anak niya. You should be the best for him to be proud o...
885K 17K 39
Sa bawat pagpatak ng ulan ang hatid nito ay kasiyahan, sa iba naman ay kalungkutan Sa bawat pagkalanta ng isang bulaklak umuusbong ang isang pang mas...