San Carlos

By saIome

63.8K 2.6K 572

In 1868, the town of San Carlos was founded by the Spaniards. The townspeople called it a paradise, with its... More

San Carlos
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20

Kabanata 10

1.7K 93 29
By saIome

"Señorita, ipinapatawag na po kayo ng Señora Felicidad," ipinikit ko ang mga mata at pilit na pinapagaan ang aking loob. Kailangan ko nang masanay na boses na ni Oryang ang tatawag saakin at hindi ni Rosa.

Isang huling sulyap saaking sarili sa salamin ang ginawa ko at tuluyan nang bumaba. Tila tambol ang puso ko dahil sa kaba. Ilang araw na ang lumipas simula noong pagkamatay ni Rosa at nangyari ang pagsampal saakin ng Señora. The Señora Felicidad that I saw that night is a very different one, it's the one that I heard talking to Señora Elvira then. The fierce and scary one.

"Tumulak na tayo," hindi na nito hinintay ang sagot ko at nauna na sa pagsakay ng carruaje. I bit my lower lip. I am not used of Señora's cold treatment towards me. It feels like I never really knew her.

Nginitian ako ni Oryang nang makita akong nakasimangot, "Hindi po matutuwa si Rosa na nakikita kayong malungkot. Ngumiti ka na Señorita."

Ngunit sa halip na mangiti ay mas lalo lamang akong nalungkot nang marinig ang pangalan niya. Ilang araw ko nang hindi naririnig ang pangalan ni Rosa. Wala ni isa sa mga kasama sa bahay ang nagtangkang buksan ang usapan tungkol sa nangyari sakanya. Lahat sila ay sarado ang bibig at tila walang pakialam. Bagay na mas ikinalungkot ko. Tanging si Oryang lamang ang tunay na nalungkot sa pagkamatay nito.

Ngayon ang araw ng burol ni Rosa. Ilang araw na rin akong umiiyak dahil sa pagkamatay niya. Ilang linggo ko pa lamang nakakasama si Rosa, ngunit napamahal na ako sakanya. Hindi ko pa rin matanggap hanggang ngayon na wala na talaga ito. She's just sixteen for Pete's sake!

I can still remember the conversation we shared. Hindi ko naisip na maaring iyon na ang huling beses na makikita at makakausap ko siya. It is scary how someone can be fine and smiling but be dead the next day.

With no warning, no goodbye and no reasoning. Bigla na lamang silang mawawala na tila isang bula sa ere. And what's even painful is the thought that there will never come a day when they'll ever come back, because they are completely gone forever.

Iyak ng isang babae ang unang bagay na narinig ko nang marating namin ang sementeryo kung saan ibinurol si Rosa. I couldn't help but agonized with her. Mahirap mawalan ng isang kaibigan, but for a mother, losing her child is like losing her life.

"Araw-araw akong mananabik sa presensya mo, Rosa..." umiiyak na bulong ni Oryang sa gilid ko. I inhaled sharply when I felt a pang of pain in my chest. Ipinangako ko sa sarili ko na hindi ako iiyak sa araw na ito. Kailangan kong maging matatag.

I'm done crying. Handa na ako ngayon upang alamin kung sino ang pumatay kay Rosa. I need to know who killed her. Bakit siya pinatay nito? This time I am much determined to solve all the mysteries that's surrounding this town. I'm stepping up my game. I will seek the truth and bring justice for the victims.

Madilim na ang buong kalangitan at tila uulan na nang magsi-uwian na ang lahat. Iilan lamang din ang mga taong dumalo. Kaming tatlo nila Oryang. Ang nanay ni Rosa pati na rin si Julio at Diego. Sobrang daming kaibigan ni Rosa sa mansion ngunit ilan lamang ang nagpunta.

"Señorita," hindi natuloy ang pagsakay ko sa carruaje nang marinig ko ang boses ni Julio na tumawag saakin. Inilingan ko kaagad siya. Alam ko na ang ibig sabihin nito.

"Tanggapin mo na Señorita," pilit nito, ngunit kailangan kong maging matigas. I need to earn Señora Felicidad's trust once again.

Ilang araw na simula nang mamatay si Rosa. Ilang araw na rin akong hindi nakalalabas ng mansion gaya ng ipinag-utos niya. Pinayagan lamang ako nito na makasama sa burol ni Rosa dahil pinakiusapan ko siya. Rosa and I became a friend to each other in a short span of time. I wanted to be there for her until her last moment.

Ngayon lamang talaga ako muling nakalabas ng mansion. Sa mga araw na nakakulong ako sa mansion ay walang araw ang nagdaan na hindi nagpapadala ng sulat saakin si Inigo. The last time I saw him was at the Sayawan sa Paraiso and that's almost a week ago. Maliban doon ay wala na. Hindi ko na siya nakita. Simula noon ay nagpapadala na siya ng sulat kay Julio, but I never accepted them.

"Eloise, tutulak na tayo," boses ni Señora iyon. Nilingon kong muli si Julio, he have that hopeful look on his face. Malungkot akong ngumiti sabay umiling dito at tuluyan nang pumasok sa loob ng carruaje.

The carruaje started to move. Kasabay nito ay ang mumunting patak ng ulan mula sa kalangitan, ilang segundo pa ay lumakas na ang ulan. I took a last look outside. The rain is falling on the windowpane, though it causes to blur the surrounding outside, I know who I saw standing under the rain. Ang pamilyar na reaksyon ng dibdib ko ay sapat na basehan upang masabing tama nga ang aking hinala.

I smiled sadly. Patawad, Inigo.

"Napakahusay po ninyo!" bilib na bilib si Oryang habang pinapanuod ako sa aking paghahabi. I laughed at her reaction. Tumingin ito saakin nang marinig akong tumawa.

She grinned, "Natutuwa akong makita na nagiging maayos na ang kalagayan ninyo kahit papaano, Señorita."

I shrugged, "Kailangan, eh."

I spent the following days inside the mansion eating, sleeping, reading and the cycle continues. Bumababa lamang ako tuwing kakain. I sleep during siesta time. Kapag wala akong ginagawa ay nagbabasa ako o di kaya'y sabay kaming maghahabi ni Oryang. It's like a routine and it's starting to get boring. Ngunit kailangan kong magtiis. Alam ko na konti nalang ay itataas na ni Señora ang pag-ground niya saakin.

"Ni minsan ay hindi ko pa nasisilayan ang mukha ng mag-asawang dela Cuesta. Pamoso sila sa bayan ng San Carlos dahil may-ari ng minahan si Don Alejandro, ngunit bihira lamang kung magpakita ang kanyang pamilya sa mga tao. Tanging si Señor Inigo lamang ang madalas kong nakikita sa mga dela Cuesta," kwento ni Oryang.

Huminto ako sa paghahabi upang tingnan siya. Hindi ko alam kung ano ang meron kay Oryang ngayong araw ngunit kanina pa siya nagsasalita tungkol sa mga dela Cuesta and I'm starting to get suspicious here. Itinikom nito ang bibig nang makita ang nanunuring tingin ko sakanya.

"Oryang," pagtawag ko. Ngunit sa halip na sagutin ay mas lalo lamang nitong iniyuko ang ulo at itinuloy ang paghahabi na parang walang narinig.

"Oryang, tumingin ka saakin," may diin na wika ko sakanya. Dahan-dahan nitong inangat ang paningin saakin. I arched a brow at her.

"Señorita kasi..." ngumuso ito. "Hindi po ba kayo nangungulila kay Señor Inigo?" muntikan na akong mahulog mula sa kinauupuan nang marinig ang sinabi niya. Humugot ako ng malalim na hininga at tinitigan ito.

"Alam mo naman ang mahigpit na bilin ni Señora Felicidad, hindi ba?" tumango naman ito. "Kung gayon, huwag mo na akong tanungin."

"Eh Señorita, ang nais ko pong malaman ay kung nangungulila ba kayo sa Señor o hindi," she retorted.

"Oryang," I said in a warning tone.

"Nakikita ko po ang Señor tuwing kausap nito si Julio. Nakikita ko rin po na inaabot ni Julio sainyo ang mga sulat na marahil ay galing sa Señor," pag-amin nito. "Hindi po ba ninyo iniisip kung kamusta na ang Señor?"

I sighed, "Ikaw, tingin mo?"

Umiling ito kaya naman umangat ang isang kilay ko. Grabe naman. Mukha ba talaga akong walang pakialam? Of course I still think of Inigo. But I had to focus on my goal first and that is to regain Señora Felicidad's trust. Hindi ako makakakilos kung palaging nakabantay saakin ang Señora.

"Kasi naman, Señorita, bakit po ba hindi ninyo tanggapin ang mga sulat na ibinibigay niya? Hindi niyo po ba nais na mabasa ang kanyang mga sasabihin?" natigilan ako sa sinabi ni Oryang. I looked outside and saw the birds flying freely on the blue sky.

"Iniisip ko lamang ang maaring mangyari kapag nalaman ng Señora na tumatanggap ako ng sulat galing kay Inigo. Ayaw ko na mapahamak pa siya at madamay sa galit ng Señora," paliwanag ko.

"Hay, minsan lamang dumating sa buhay ang isang binatang katulad ni Señor Inigo. Huwag mo na itong pakawalan, Señorita, dahil sa oras na ginawa mo iyon, tiyak na mapupunta siya sa ibang dalaga."

I laughed a bit, "Walang namamagitan saaming dalawa ng Señor, Oryang. Mukhang iyon ang tumatakbo sa isipan mo," umiling pa ako.

"Hindi nagsasawa ang Señor na suyuin kayo at padalhan ng sulat. At ang kanyang mga tingin noong araw ng Sayawan? Ay, ako ang nalulusaw! Sabihin mo saakin Señorita, hindi ba ito ang palatandaan ng binatang mayroong pagtangi?" nginitian niya ako. A smile that implies a message.

Oryang's words haunted me until night. Hindi ko alam kung anong oras na, ngunit wari ko na malalim na ang gabi. Hindi maalis sa isipan ko hanggang ngayon ang mga sinabi niya. I'm trying not to assume anything about Inigo, but Oryang triggered me earlier! Hindi tuloy ako makatulog ngayon sa kaiisip kung totoo ba na may gusto rin saakin si Inigo. Totoo ba? Kung totoo nga, ano ang dapat kong gawin?

Wala, Eloise. Wala kang gagawin dahil hindi totoo. Walang gusto sa'yo si Inigo. Stop assuming things. Focus. Hihiga na sana ako muli nang makarinig ako ng katok mula sa bintana ng kwarto ko. Okay, who the hell is knocking on my window once again? Ipinikit ko ang mga mata at pilit na kinalma ang sarili.

"Julio, kung ikaw na naman 'yan, sinasabi ko talaga itutulak na kita at wala akong pakialam kung tuluyan ka na talagang mapilaya—" ngunit hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang tuluyang bumukas ang bintana. At bumungad saakin ang pamilyar na gwapong mukha ni Inigo.

Holy heavens.

"Magandang gabi, Julieta," namula ang aking mga pisngi nang ngitian ako nito. He's still breathtaking! And did he just called me, Juliet?

Mabilis akong umiling sa isipan. No, I shouldn't be swayed. Pinanlakihan ko ng mata si Inigo na para bang nagtatanong kung bakit ito nandito, and at the same time, asking him to come down ngunit hindi niya iyon pinansin. Napaatras ako nang buhatin nito ang sarili hanggang sa tuluyan na siyang nakapasok sa loob ng kwarto.

"Ano ang ginagawa mo dito? Umalis ka na at baka maabutan ka pa ng Señora!" pilit kong kinakalma ang sarili habang sinasabayan ang mga tingin nito saakin. He needs to see that I'm not affected.

"Isang gabi lang binibini," nanlaki ang dalawang mata ko dahil sa sinabi niya at mabilis na niyakap ang sarili. Mahinang natawa si Inigo nang makita ang naging reaksyon ko.

Ano ba, he really needs to filter and clarify his words! I hate getting the other meaning. Kaasar. Sumandal ito sa bintana at pinagkrus ang kanyang mga braso at tumingin ng diretso sa mga mata ko. Halos malagutan ako ng hininga sa intensidad ng pagtitig niya.

"Ilang gabi na ang lumipas na tanging mga bituin sa kalangitan ang aking nasisilayan. Sa mga gabing 'yon, isang bagay lamang ang aking napagtanto," puno ng pagtataka ang tingin ko sakanya. Ano ba ang sinasabi niya?

"Na walang bituin sa kalangitan ang hihigit pa sa kagandahan ng kislap ng iyong mga mata," nakakabingi ang lakas ng tibok ng puso ko. I was never a fan of sweet and flowery words, but when it comes to Inigo? I don't know how he's done it, but he surely knows how to make my heart flutter!

"Eloise," I saw a flicker of sadness in his eyes and I suddenly felt guilty. Napalunok ako nang magsimula itong maglakad papunta saakin. I should stop him, I should move away, but damn, I couldn't move a limb in my body. I felt paralysed with his stares.

"Inigo, ano na naman ba—" hindi na natuloy ang sasabihin ko nang huminto siya saaking harapan. I almost gasped at our proximity. Hihimatayin na yata ako.

"May mga panahon na hindi ko mapigilan ang aking sarili," gulat akong tumingin sakanya. Ano na naman ba ang ibig niyang sabihin?

"A-anong hindi mapigilan?" kahit na may gusto ako sakanya, hindi pwede. Hindi naman ako ganon karupok!

He smiled, "May mga oras na pilit kong pinipigilan ang aking sarili na gawin ang isang bagay. Ngunit ngayong gabi, wala na akong lakas upang pigilan pa ang aking sarili. Kaya hahayaan kita na magdesisyon para saakin. Sa bilang na tatlo, lumayo ka, Eloise."

Napauwang ang labi ko sa pagtataka. Tiningnan ko siya, "Ano ba ang ibig mong sabihin? Hindi mapigilan ang alin? T-tyaka bakit ako lalay—"

"Tatlo," bulong nito at tila tumigil sa pagtibok ang puso ko nang naramdaman ko ang mainit nitong yakap. Halos hindi na ako makahinga sa sobrang higpit ng yakap niya saakin.

"Huwag ka na muling iiwas saakin, pakiramdam ko ay mababaliw ako kung hindi kita masisilayan," my eyes went wide in shock. Inigo... tama ba ang nasa isip ko? Tama ba si Oryang sakanyang sinabi? Hindi ko na alam, basta natagpuan ko na lamang ang sarili na yinakap siya pabalik.

"Patawad..." tanging usal ko.

Isang katok mula sa pintuan ng kwarto ko ang nakapaghiwalay saaming dalawa. Ginapangan ng takot ang sistema ko nang marinig ang boses ni Señora Felicidad. Mabilis kong naitulak si Inigo patungo sa direksyon ng bintana. Nakatingin ito saakin habang tinutulak ko siya.

"Kailangan mo nang umalis," mahinang saad ko. Lumakas ang katok sa pintuan kaya naman mas lalo akong nagpanic. Kulang nalang ay ihulog ko si Inigo sa bintana, mabuti nalang talaga at makisig ang katawan niya kaya hindi siya basta-basta natibag sa kinatatayuan niya.

"Sa makalawa," hinawakan nito ang kamay ko na tumutulak sakanya. I widened my eyes at him, as if warning him. "Sa makalawa ng gabi, hihintayin kita sa baybay. May importanteng bagay akong sasabihin saiyo," tumango nalang ako.

"Eloise," tiningnan ko siya. "Ipangako mo saakin na pupunta ka," itinaas nito ang pinky finger niya. Natigilan ako sa nakita, ngunit sa huli ay nag-pinky promise din kami. Inigo smiled.

"Salamat binibini," bakas pa rin ang tuwa sa mukha nito. I nodded.

"Bilisan mo na at baka maabutan ka pa ng Señora," huminto ang pagkatok sa pintuan kaya naman nawala ang kaba ko kahit papaano.

"Magkita tayong muli sa panaginip, Julieta," aniya at dinampian ng masuyong halik ang likod ng aking kamay. Kinagat ko ang ibabang labi upang pigilan ang pagkawala ng ngiti saaking mga labi.

Pinanood ko ang maingat na pagbaba ni Inigo sa aking bintana. I instantly closed the capiz window right after he successfully climb down. I let out a relieved sigh after that. Dumiretso na kaagad ako sa aking kama nang mapansin ang paggalaw ng door knob na para bang binubuksan ito mula sa labas. Matalino ka Señora Felicidad, bad timing nga lang.

"Nabalitaan mo ba ang nangyari sa unica hija ni Doña Emilia? Talaga namang katakot-takot!" hindi ko napigilan ang mapahinto sa aking paghahabi dahil sa aking narinig.

Pumasok si Oryang kasama ang isa pang kasambahay na siya yatang narinig kong nagsalita kanina, sa balkonahe kung nasaan ako. The two placed the calamansi juice and a bread on the small table in front of me. Morning came and thankfully, Señora Felicidad didn't found out about last night or else I'll be dead.

"Naaalala mo pa ba si Maria? Hindi ba't ilang araw din itong nawala noong araw ng Sayawan sa Paraiso at noong natagpuan ay patay na," nabitawan ko ang hawak na karayom nang marinig ang sinabi ng nagsalita.

Mabilis na pinulot ni Oryang ang nahulog na karayom at iniabot muli ito saakin, "Señorita, ayos lamang po ba kayo?" nag-aalalang tanong nito, ngunit ang mga mata ko ay nanatiling nakapokus sa babaeng kasama niya.

"Anong pangalan mo?" tanong ko.

"P-po, Señorita?" itinuro pa nito ang sarili at tumango ako. "Ang ngalan ko po ay Andeng," mahinang saad niya.

"Andeng, ilang taon ka nang naninilbihan para sa Señora? Kilala mo ba si Maria Alejandra?" tanong ko kahit na alam ko na mismo sa sarili ang sagot. I just need confirmation.

Tumango siya, "Sabay po kami ni Maria namasukan para sa Señora, dalawang taon na ang lumipas."

"Kilala mo si Maria, Señorita?" tanong saakin ni Oryang, bakas ang gulat sakanyang mukha. I nodded.

"Ikaw rin Oryang?" naguguluhan man ay tinanguan din ako nito. Nasapo ko ang aking noo. Bakit ngayon ko lamang naisipan ito? Tiningnan ko silang dalawa.

"May katanungan lamang ako tungkol sakanya. Maari niyo bang sagutin ang mga ito?" pakiusap ko. The two looked at each other first before nodding at me.

"Hindi kami maaring magsalita tungkol kay Maria sa mansion na ito, ngunit kung iyan ang nais ninyo Señorita..." and Oryang started to tell me everything she knows, ganoon rin ang ginawa ni Andeng. Halos malunod ako sa dami ng bagong impormasyon na aking nalaman.

"Iba ang pakikitungo ni Señora Felicidad pagdating kay Maria. Kung ituring niya ito ay parang isang... anak," Andeng sighed. "Hindi namin maitatanggi na talaga namang marikit si Maria at mabait, kaya siguro ito napusuan ng Señora. Parang ikaw lang, Señorita," nginitian niya ako.

Tama ang hinala ko. Hindi lang simpleng maninilbihan si Maria sa mansion na ito ni Señora Felicidad. May mas malalim pa na koneksyon sa pagitan nilang dalawa.

"Natatandaan ko pa ang araw kung kailan nagalit si Señora Felicidad kay Maria. Hindi ko narinig ng maayos ang kanilang usapan, ngunit wari ko na may ipinag-uutos sakanya noon ang Señora at ayaw itong gawin ni Maria," nanliit ang aking mga mata sa tinuran ni Oryang. May ipinag-uutos?

"Hindi mo ba narinig kung ano ang utos na ito ng Señora?" tanong ko.

Oryang shrugged, "Noong araw na 'yon ay sinampal ng Señora si Maria. Hindi ko na ito pinakinggan pa sa takot na baka mahuli ako," paliwanag niya. My eyes squinted while trying to figure out what happened. Bakit siya sinampal? Ano ang inutos ng Señora?

"Meron pa, Señorita!" biglang nagsalita si Andeng na para bang may naalala ito. "Noong gabi ng Sayawan sa Paraiso kung kailan nawala si Maria ay nagkaroon rin ng malaking away sa pagitan ni Señora at Don Leonardo. Hindi namin alam kung ano ang dahilan ng kanilang pag-aaway, ngunit ibang-iba ang galit ng Don sa Señora noong gabing iyon."

Napasandal ako sa kahoy na upuan, ang utak ay lumilipad pa rin sa mga nalaman. Nakatingin saakin si Oryang at Andeng na para bang naghihintay ng aking sasabihin. I stared back at them. Sabay na napanguso ang dalawa at nag-iwas ng tingin. I laughed at their reactions.

"Ano?" tanong ko.

"Hindi ka ba natakot sa mga nalaman mo, Señorita?" tanong ni Andeng.

My brows knitted, "Bakit naman?"

"Ako kasi ay natatakot. Nakaramdam lamang ako ng kaginhawaan noong umalis ng Filipinas ang Señora ng isang taon. Hindi ko maipaliwanag, ngunit may kakaiba talaga sa mansion na ito. Kung hindi ko lamang kailangan magtrabaho para saaking mga kapatid ay matagal na akong umalis dito," mabilis na tumango naman si Oryang bilang pag-sang ayon sa mga sinabi nito.

"Anong ibig sabihin mong kakaiba?"

"Huwag kang matatakot, Señorita," humugot ng malalim na hininga si Oryang at tumingin kay Andeng saka niya ito tinanguan. "Ikaw na ang magkuwento sa Señorita."

"Hindi namin alam kung kailan ito nagsimula. Ngunit dalawang taon na ang nakalipas, noong nagsimula kaming mamasukan para sa mga Gallego. Si Maria, Oryang at ako. Noong una ay normal lamang at nasisiyahan pa kami dahil sobrang bait ng dalawang mag-asawa saamin na alipin at isa pang indio. Hanggang sa isang araw ay nagsimula kaming makarinig ng ingay tuwing gabi."

Tumaas ang isang kilay ko nang biglang huminto sa pagsasalita si Andeng. Nakita ko rin ang takot na bumalot sa mukha ni Oryang, maging ako tuloy ay kinabahan para sa susunod na maririnig.

"Iyak ng isang babae ang aming naririnig, minsan tuwing umaga ay naririnig din namin ito. Hindi kami sigurado kung tama ba ang aming hinala, ngunit tila nanggagaling ito sa bodega ng mansyon," ramdam ko ang pagtaas ng balahibo ko sa batok dahil sa narinig. That shit's scary!

"Hindi pa doon nagtatapos," lumapit ang dalawa saakin. Halos malula ako dahil sobrang lapit nila saakin.

"Hihinto ang pag-iyak ng babae. Sa susunod na linggo, ibang boses naman ng babaeng umiiyak ang aming maririnig," tiningnan nila ako na para bang naninindak. Hinawakan ko ang mga mukha nila at itinulak palayo saakin. Do they have the plan to give me a heart attack? Nanakot pa, eh!

Napahalakhak si Andeng, "Katawa-tawa ang iyong mukha, Señorita. Tila ba'y sindak na sindak kayo!" napailing pa ito habang tumatawa. Ngumuso si Oryang, ngunit ilang segundo pa ay nakitawa na siya kay Andeng.

I don't know if I should be pissed off because they're laughing at me or be frustrated because I've never seen someone laugh that graceful! Ako ang nahihirapan na baka hindi nila masyadong ma-express ang kasiyahan nila dahil reserved pa rin ang movements nila. Bakas na bakas ang pagiging dalagang Pilipina ng dalawa.

"P-paumanhin, Señorita..." siniko ni Oryang ang tumatawa pa rin na si Andeng nang mapansin na hindi ako natutuwa sakanila. The latter looked at me in shock and bowed her head.

"Talagang nasisiyahan kayo tuwing nagmumukha akong tanga, noh?" I frowned, remembering Inigo who also love to piss the hell out of me.

"Hindi naman sa ganoon, Señorita..." nakayukong saad ni Oryang. I waved my hand dismissively. Ayos lang. Masyado naman silang takot saakin.

Hindi ko alam kung gaano kami katagal nag-uusap sa may balkonahe. Mabuti nalang din at wala ang Señora dahil mukhang may inasikaso pa ito sa bayan. Hindi ko alam kung ano ito, but it's really in favor of me whenever she's not around. Sobrang higpit na kasi talaga nito saakin. Tila agila ang mga mata niya na handang punain ang anumang makikita niyang pagkakamali ko.

"May naalala ako," biglang nagsalita si Andeng sa gitna ng katahimikan. Sabay kaming tumingin sakanya ni Oryang. Itinuro nito ang hawak niyang tela kung saan ay hinahabi niya ang isang pulang rosas.

"Hindi ba't, hindi pumasok buong araw si Rosa noong araw ng Sayawan sa Paraiso?" natigilan ako nang marinig ang pangalan ni Rosa. Si Oryang na ang tumango dahil hindi ko magawang makasagot. Andeng clicked her finger like she have confirmed something.

"Noong araw ng Sayawan sa Paraiso, hindi ko alam kung pinaglalaruan lamang ako ng aking mga tainga, ngunit nadako ako sa may bandang bodega sa mansyon. Noong oras din na iyon ay nakarinig ako ng pag-iyak, mabilis akong kumaripas ng takbo palayo sa lugar dahil doon," kwento niya. Nanatili kaming nakatingin dito para sa susunod niyang sasabihin.

"Hindi ko ito masyadong binigyang pansin, ngunit ngayon na binabalikan ko ang pangyayaring iyon, hindi ko maiwasang isipin kung tama ba talaga ang aking mga narinig. Ang boses ng babaeng umiiyak ay tila si Rosa," I frozed on my seat once I heard the words. Samantalang, napasinghap naman sa gulat si Oryang sabay tayo.

"Hindi ba't tila may pagkakatulad ito sa naging sitwasyon ni Maria noon? Nawala si Maria sa araw ng Sayawan sa Paraiso, maging si Rosa. At nang matagpuan ay wala na silang buhay," Oryang says, pacing back and forth.

"At ngayon, nawawala naman ang anak na babae ni Doña Emilia," Andeng said.

I looked at them, "Si Katarina?"

Tumango ang mga ito. The three of us stared into each other's eyes, as if we are all sharing the same idea in our heads. Lahat ng biktima ay babae. Lahat sila ay nawawala, kung hindi sa araw ng Sayawan sa Paraiso, sa araw bago ito o pagkatapos nito. Kung kailan abala ang lahat ng mga tao. Sa mga panahon na may dalagang nawawala, doon sila nakaririnig ng pag-iyak sa bodega ng mansyon. Ang mga nasabing nawawala ay natatagpuan ng walang buhay, ilang araw pagkatapos ng Sayawan.

Ibig sabihin nito ay iisa lamang ang may kagagawan ng lahat ng ito. My hands clenched into a fist. Hindi ako makapaniwala. Posible nga ba talaga na tama ang iniisip namin? Kumalabog ang dibdib ko sa kaba habang nakatingin kaming tatlo sa isa't-isa.

"Señora Felicidad," the three of us said in chorus, eyes wide in shocked.

Continue Reading

You'll Also Like

3.4M 171K 37
"I'm sorry, I love you." Married to a man who hates her family to death, Agnes Romero Salazar is in vain as she discovered her husband's secret affai...
Socorro By Binibining Mia

Historical Fiction

1.2M 73.1K 27
De Avila Series #1 "Wattys 2022 Grand Prize Winner" Known as the most stubborn and troublemaker daughter of the De Avila family, nothing stops Socorr...
256K 12.2K 57
16 year old Alaina lived a rather short life. at age 16, by an unknown person, she was stabbed. And that was when her unreasonable life began. She wa...
87.4K 3.6K 59
Dagmar Zania has it all. Wealth, family business, beauty, personality, and intelligence. She is an epitome of a perfect daughter any parent could wis...