Meeting My Ex As My Professor...

By ma_rgarita

498K 10.9K 563

Naya never imagined that she will be meeting her ex ever again. Akala nya nang maghiwalay sila ay maayos na a... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
LAST CHAPTER

Chapter 33

4.7K 128 6
By ma_rgarita

Mag-gagabi na at near the beach ang venue kaya ramdam na ramdam ko ang pagdampi ng malamig na hangin sa mga balat ko. Mula sa kinauupuan namin ay kita ang napakagandang langit. Maraming bituin. Ang ganda ganda nitong pagmasdan.

"Ang tagal naman nya." Bulong ko sa sarili ko habang paulit ulit na pinaikot ang cellphone ko sa kamay ko.

Ilang oras pa.

Medyo konti nalang ang mga tao at gabi na nga.  Ilang oras na ang lumipas, sabi ni Jack mabilis lang si Calix pero wala parin sya. Hindi ko alam ang mararamdaman ko. Mag-isa ako ditong hinahintay sya, ni walang akong magawa kahit enjoyin ang paligid ay hindi dahil puro sya lang ang tumatakbo sa isip ko.

Ilang oras na. Ang sabi daw mabilis lang sya. Kahit tawagan ko ang cellphone nya ayaw nya naman akong sagutin.

"You okay?" Tanong sa akin ni Jace habang nakataas ang isang kamay at naka thumbs up. Siguro nahalata nya na kanina pa ako hindi mapakali sa upuan ko.

Tinanguan ko nalang sya at muling bumaling sa cellphone ko. Hindi parin nya sinasagot.

Calix, nasan ka ba? Bakit pinagaalala mo ako?

Tumayo ako at nagpaalam muna sa kanila na aakyat sa aming hotel room.

Napapagod na ako pero hindi ko naman kayang magpahinga. Lumakad ako papunta sa lobby ng hotel at umupo sa isa sa mga couch don.

Tahimik akong tumunganga sa kawalan. Ilang sandali pa ay hindi ko na napigilan pa ang makaramdam ng sobrang antok. Saglit kong hinilig ang ulo ko sa head rest ng couch na inuupuan ko at ipinikit ang mga mata ko.

Para akong lumulutang. Naramdaman ko ang bisig na nakakapit sa katawan ko. Marahan kong minulat ang mga mata ko at agad na bumungad sa akin ang gwapong mukha ni Calix. Buhat buhat nya ako na tila bagong kasal habang diretso syang nakatingin sa itaas ng elevator kung saan makikita ang floor number.

"Calix." I called his name.

Agad nya akong nilingon. "Naya, you slept at the lobby. I'm carrying you to our room. You should continue your sleep."

"Saan ka nanggaling? You were gone for 3 long hours." Hindi ko mapigilang mapasimangot. Hindi kumibo si Calix. Diretso syang naglakad habang buhat ako papalabas ng elevator. Tahimik nyang binuksan ang pinto ng hotel room na tinutuluyan naming dalawa. Maya maya pa ay lumapit sya sa kama at marahan akong binaba doon.

I felt something different with Calix's aura.

Huminga ako ng malalim at umupo.

"What happened, Calix? San ka galing?" I asked again.

Hindi nanaman sya kumibo. Umupo sya sa tabi ko at tahimik na hinubad ang suot nyang sapatos. Inabot ko ang kamay nya at hinawakan iyon. "Calix."

He still did not answer. Narinig ko ang paghinga nya ng malalim. Lalong napakunot ang noo ko. Umusog ako papalapit sa kanya at marahang hinaplos ang pisngi nya at iniharap sa akin ang mukha nya. "What happened, Calix? Nag-aalala ako. Anong nangyari sayo?"

I swear I caught his eyes full of sadness. Ano bang nangyari kay Calix? Kanina lang naman bago magsimula ang kasal ang saya saya nya. Hinaharot nya pa nga ako. Umalis lang sya nagkaganto na sya. Ano bang nangyari?

Hindi ko na sya tinanong pa ulit at agad akong lumapit sa kanya upang yakapin sya. Calix rested his head on my shoulder as he hugged me back. He was so silent. Rinig ko ang paghinga nya ng malalim.

I still have no idea what happened. I just know I wanted to hug him tight. I just want him to know that I am here.

Hindi ko na nagawa pang dalawin ng antok. I laid beside him. Nakahiga kami ni Calix sa kama at nakanatili syang nakayakap sa akin.

"I am leaving for LA tomorrow."

Agad akong napaangat ng ulo sa sinabi ni Calix. "What? Why?"

Bumuntong hininga sya at marahan akong hinatak upang muli akong yakapin. "My dad... he's critical. He needs his family there. Nandoon na sila Kairo at mom. I was just told earlier how drastic his health going downhill. I'm sorry, Naya."

Inangat ko ang ulo ko at sinalubong ang mga malulungkot na mga mata ni Calix. That explains why. This must be really hard for him. Marahan kong hinaplos ang pisngi nya. "I'm sorry about your dad, Calix..." I sighed. "You're leaving tomorrow. For how long will you be gone?"

"A month... maybe less." He sighed. I can feel Calix's hand on my back softly and slowly touching it. "I'm gonna miss you, damn it."

Tumango ako.

One month at sa ibang bansa. Nung umalis sya dati three days lang at Baguio lang, yun lang iyon pero grabeng grabeng pagkamiss ang naramdaman ko. Ngayon pa kayang malayo at matagal?

Pero wala naman akong karapatang pigilan sya. Dapat nga ay pinapalakas ko ang loob nya dahil tungkol ito sa pamilya nila. I can't be selfish. I don't want to burden him. He has a lot of things to worry about ayokong dagdagan pa iyon.

"Ngayon palang namimiss na kita." Mahinang boses na sabi ko.

Hapon ang alis nya kayat madaling araw palang ay bumyahe na kami papauwi sa manila. Umuwi ako sa bahay habang siya ay inasikaso ang lahat.

Kinahapunan ay hinatid namin sya ng airport. Nakakalungkot dahil hinahatid ko ang taong to papalayo sa akin. Hindi ko alam kung anong mayroon sa akin dahil kahit alam ko namang one month lang siya sa malalayo ay hindi ko na maintindihan ang sarili ko.

Masamang kutob? No, wala namang ganoon.

Pupunta lang sya sa malayo at babalikan naman nya ako.

"Pinapatawag na yung may flight pa-LA, Naya. Bitawan mo na yung kamay niya, baka ma late pa si Sir." Bulong sa akin ni Sandy habang nakatingin sa kamay ko na nakahawak ng mahigpit sa kamay ni Calix.

Ayokong bitawan pero wala din naman na akong nagawa kundi gawin iyon.

"Bye sir!" Nakangiting sabi ni Sandy. Tumango lang naman si Baste kay Calix na mukhang walang balak magsalita. Sinamahan ako ng dalawa na ihatid si Calix.

"Sige, sir. Ako muna bahala kay Naya sa one month na wala ka. Ingat na lang doon." Nakangitng sabi ni Sandy.

Tinanguan sila ni Calix ng nakangiti at nagthank you.

"How about you, love?" Tanong ni Calix na nagpabalik sa wisyo ko. He smiled. "Alagaan mo ang sarili mo."

I nodded.

"Take care of yourself, okay?"

Again, I nodded.

"I promise I'll be back."

Hindi ako sumagot at tinitigan lang sya. Alam ko na kapag binitawan ko ang kamay nya hindi ko na iyon muling mahahawakan pa.

"Don't worry, love. You passed my subject." Tumatawang sabi nya na halata namang chini-cheer up ang mood ko.

Alam ko namang babalik sya pero feeling ko pag sa oras na binitawan ko ang kamay nya wala na akong mahahawakan pa ulit.

"Smile there, love. Smile for me."

Ngayon palang talaga pakiramdam ko may mali. Pakiramdam ko mawawala sa akin si Calix. Huminga ako ng malalim at pilit na tinaboy ang tumatakbo sa isip ko.

"Bumalik ka ha?" Sabi ko at niyakap sya ng sobrang higpit. "Balikan mo ako dito."

Naramdaman ko ang paghaplos nya sa buhok ko. "I promise, I will."

Lumayo ako sa kanya at ngumiti ng mahina. Winagayway ko ang kamay ko at tumango. "Umalis ka na, baka maiwan ka ng eroplano. Magiingat ka, Calix."

Tinitigan lang ako ng ilang segundo pa bago tumango. "I love you, Naya. I will miss you."

"Mamimiss kita ng sobra. Mahal na mahal din kita." Sabi ko bago siya tumalikod at maglakad na papalayo.

Pinagmasdan ko syang naglakad hanggang sa mawala na lang sya sa paniningin ko.

Ano bang ikinalulungkot ko? Eh, isang buwan lang naman syang mawawala hindi isang taon o higit pa.

Ano ba, Naya? Babalik si Calix! Huwag ka ngang mapraning dyan. He'll be back. Just wait for a month, he'll be back.




Weeks had passed since Calix left. Hindi ko alam anong nangyari, I just know that we haven't had a chance to talk since he left. Hindi pa kami nagkakausap. Walang texts, calls and even email from him. Biglang naputol ang koneksyon naming dalawa mula ng umalis sya.

Mayat maya ko namang hawak ang cellphone ko para kung maisipan man ny akong kausapin ay mabilis ko lang masasagot sya. Pero wala talaga.

"Hindi parin tumatawag?" Tanong ni Sandy at sumubo ng hawak nyang ice cream. Tinignan nya ako ng hindi ko sya sagutin.

"Naya? Ano na? Nagkausap na ba kayo?" Tanong ni Sandy na nakakunot na ngayon ang noo.

"Hindi pa sya tumatawag, hindi ko rin sya matawagan." Malungkot kong sabi at dumukdok sa table, nandito kami sa bahay namin.

Malapit ng may pasok at ang totoo ay parang nawawalan ako ng gana pumasok. Wala si Calix sa school. Natapos ang semester, wala na sya sa school.

Hindi ko mapigilang makaramdam ng sobrang lungkot. Ang lungkot lungkot nitong nangyayari. Ang layo nya sa akin. Okay lang sana kung lagi ko syang nakakausap o nakakavideo call. Kaso hindi eh.

Ilang linggo nang walang komunikasyon sa aming dalawa. Hinilamos ko ang mukha ko gamit ang dalawa kong palad.

"Namimiss ko na si Calix." Bulong ko na ikinabuntong hininga ni Sandy. "Alam ko yan."

"Nung araw na umalis siya, iba ang nararamdaman ko. May masama akong kutob. I mean, I do not doubt that his dad needs them. Pero hindi ko mapigilan na makaramdam ng mali. Ngayon nangyayari na to, hindi na kami nagkakausap."

Ayokong lasunin ang sarili kong pagiisip tungkol sa ganong bagay pero hindi ko maintindihan, hindi ko mapigil ang sarili ko.

Katulad ni Calix, nasa Los Angeles din si Kairo, buong pamilya silang nandon. I tried contacting Kairo too but he's not reachable either same as Calix. I'm near to going crazy. Kung anu-ano na ang tumatakbo sa isip ko.

Tahimik kong niyakap ang mga tuhod ko. Hindi ko mapigil ang mga luhang nagsisipatakan mula sa mga mata ko. Tanging sa larawan ko nalang nakikita si Calix. Para akong tangang nakatulala sa picture nya sa phone ko.

Sandali akong napapahid ng aking mga luha nang makarinig ako ng pagkatok sa pintuan ng kwarto ko. Hindi ako kumibo. Hinihintay kong bumukas iyon. Ilang sandali pa ay nakita ko ang mommy na pumasok sa loob ng kwarto ko.

Alam ko kung ano ang itsura ko. Namamaga at namumula ang mga mata. I look devastated.

"Anak." Mom softly said. Umupo sya sa aking kama. Pinagmamasdan akong umiiyak.

Mom wanted this. She's surely happy now that Calix is no longer with me. Napahikbi ako. "Calix left me." I said in between my sobs.

Mom just sat there. Kita ko sa mukha nya ang pag aalala.

"You must be happy now mom." I smiled bitterly.

Iniling nya ang ulo nya. "I admit I've been a horrible mother to you. But I do not want to see you like this, anak." Napabuntong hininga sya. Umusog sya papalapit sa akin at hinawakan ang kamay ko. "Your dad and I are friends with Axel and Kairo's parents. We've been friends long before you were born, Naya. Before your dad died he kind of arranged you with Bea's youngest. They moved out of the country for a very long time and I didn't know Axel was their eldest. I just knew when we happen to reconnect. Anak gusto ko lang sundin ang gusto ng daddy mo."

Hindi ako kumibo.

"I want you to end up with Kairo because I've seen he's a kind gentleman. And I know for a fact too that Axel is meant to settle with somebody else. Axel is meant to mary a lady for business allegiance, that's all I know."

Paulit ulit kong pinahiran ang mga luha ko. Punong puno ang utak ko hindi ko alam kung ano ang uunahin kong isipin. I just feel lost lalo na't wala si Calix.

"I won't force you anymore, Naya. Before Bea left for LA, I called her and told her that I won't be pushing through with our arrangements anymore. I won't force you to marry Kairo, anak. Patawarin mo si mommy if I've been too much."

--
Calix, love, namimiss na kita. Sobrang sobra. Kamusta ka na dyan? Please call me. I love you.
-Naya.
--

Napabuntong hininga ako ng basahin ko ulit ang text ko kay Calix.

It's been two months. Ganon katagal na pero wala paring tawag mula sa kanya. Wala akong ibang dinasal kundi sana nasa mabuti syang kalagayan at sana bumalik na sya. Hindi naman ganito ang usapan naming dalawa. Sabi lagi nya akong itetext, lagi kaming magtatawagan.

Pero wala.

Tinetext ko sya pero ni isang reply wala manlang akong makuha. Hindi ko na rin madial ang phone nya. Hindi ko alam. Parang naging bula ang lahat. Isang snap then everything's gone.

Sobrang namimiss ko na siya.

"Wala po bang balita tungkol sa mga nakatira dito? I mean, kailan daw po sila babalik?" Tanong ko sa gwardya ng bahay nila Calix. Calix once brought me here before. Ito ang bahay kung saan lumaki si Calix.

Napakamot sya ng ulo at umiling. "Sorry miss pero bawal kaming magbigay ng impormasyon sa ibang tao ng basta basta." Nagaalangang sabi nya.

"Pero manong hindi naman po ako ibang tao. Boyfriend ko po yung anak ng ni Mr. at Mrs. de Real. Nobya po ako ni Calixto Axel de Real, yung panganay nila." Pakilala ko.

"Ahh ganon po ba?" Tumango si Manong guard. "Ang alam ko po, hindi na uuwi ang pamilya nila dito. Doon na daw po sila titira sa ibang bansa. Ang totoo nga'y hihintay na nga lang na may bumili nitong bahay nila."

I gulped. Ramdam ko ang panginginig ng labi ko at pangingilid ng mga luha ko. "S-sigurado po ba kayo?"

"Sigurado ako, miss. Balak na nga akong ilipat ng agency ko sa ibang kliyente. Iyan ang sinabing rason sa amin."

Hindi na sila babalik? Doon na sila titira?

"Sabi one month lang." Bulong ko habang patuloy ang pagtulo ng mga luha ko. "Sabi nya babalik sya."

"Sorry miss pero yun ang pagkakaalam ko. Okay ka lang ba?" Tanong nya.

Yumuko ako at tumango. Nagsalita pa si manong guard pero wala na akong anumang naintindihan pa. Para akong hinulugan ng mundo. Calix is my world, knowing that he's gone now, I felt everything came crashing down to me.

Hindi ko matanggap ang mga sinabi ng guard. Hindi ko matanggap na wala na palang Calix na babalik sa akin. Calix left me. He left me.

Bagsak ang mga balikat ko at hinang hina akong naglakad habang umiiyak.

"Calix..." Bulong ko sa pagitan ng aking mga hikbi. Paulit ulit kong pinunasan ang luha ko. "Akala ko babalikan mo pa ako."

Hanggang pag uwi ko ay wala na akong nagawa pang iba kung hindi umiyak. Gusto kong mapag-isa at kalimutan ang nangyayari, itulog ang lahat at umasa na sana paggising ko ay nandito na ulit sya sa tabi ko, kaso sino bang lolokohin ko pag ginawa ko iyon?

Calix is gone. He left me.

Ang sama ng mga nangyayari. Sobrang lugmok ako. Sa school mas lalong lumala ang tingin sa akin ng lahat. They think I deserve everything that's happening. Iniisip nila iniwan na ako ni Calix. Totoo naman.

"I know you're still in pain, Naya."

I smiled bitterly and nod. My mother hugged me for a second. She heaved a deep sigh. "I don't have any communication with them too, as you do, Naya."

Hindi ako nagsalita.

"I'm making efforts to get into their line, I want to know what happened too." Iniwas ni Mommy ang tingin nya sa akin. "Leila's there too. That's it. Yun lang ang tanging nalaman ko."

Isa lang ang tanging bagay na pumasok sa isip ko ng panahong sinabi sa akin ni mommy iyon.

I hate Calix for making me fool.

Nandon si Leila, maging siya at ang buong pamilya nila. Sobrang sakit ng ginawa nya. Para akong pinaglaruan. He made me believe that I am the only one he truly loves.

"I'm sorry to tell you, Naya. Axel and Leila, they're getting married." Masaya at tila ba nagpupunyaging balita sa akin ng isang studyanteng nagaaral din sa school na pinsan ni Leila, kailan lang.

Halos tuluyang gumuho ang mundo ko. From his words to his promises. Lahat iyon pinanghawakan ko at lahat ng pinanghawakan kong iyon ay malaki lang palang kalokohan.

Sinungaling sya.

Pinaglaruan lang nya ang nararamdaman ko, palibhasa'y isa rin akong tatanga tanga at nagpadala agad sa walang kwenta kong nararamdaman.

Nakakagalit.

I hate Calix. I hate that man!

Sana ay hindi ko nalang siya nakilala. Sana ay hindi ko nalang siya nakita pa ulit pagkatapos ng nangyari dati! Sana ay hindi nalang ako nagpadala sa katangahan! Sana ay kinalimutan ko nalang siya!

Gaga ka kasi Naya eh! Akala mo kung sino kang matibay, ngayon iiyak iyak ka dahil sinaktan ka.

Sinaktan ka ng lalakeng mahal mo.

Ikaw ang mundo ko, Naya.

Lahat ng mga sinabi nya, lahat iyon puro kasinungalingan. Lahat ay napunta nalang bigla sa wala.

Sabi mo ayaw mo akong makitang umiiyak pero ngayon ikaw ang rason kung bakit ako nasasaktan. Sabi mo you won't hurt me, pero ito ako ngayon sinasaktan mo. Sabi mo hindi mo hahayaang harapin ko ang mga problema mag isa, laging nandyan ka. Pero nasan ka na ngayon?

"I can't marry someone unless it was you."

Damn you, Calix! Sana hindi mo nalang sinabi yan kung hindi mo kayang panindigan! Sana hindi mo nalang sinabi para hindi ako naniwala.

Mahal na mahal kita, sabi mo mahal mo rin ako pero bakit nagkaganto tayo? Bakit mo ako iniwan?

"I promise, I'll be back."

Your promises are all just clear lies. Kung babalik ka talaga bakit wala ka pa dito sa tabi ko? Kung babalik ka, bakit mag-isa parin ako hanggang ngayon?

Damn you, Calix. I hate you.

Continue Reading

You'll Also Like

176M 3.9M 68
[BAD BOY 2] You can't turn a bad girl good, but once a good girl's gone bad, she's gone forever. Yang ang motto ni Candice. Sa pagmamahalan na meron...
14.7M 275K 46
PART TWO ON GOING
2.7M 53.1K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...
52.7M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...