Meeting My Ex As My Professor...

By ma_rgarita

498K 10.9K 563

Naya never imagined that she will be meeting her ex ever again. Akala nya nang maghiwalay sila ay maayos na a... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
LAST CHAPTER

Chapter 32

4.7K 121 2
By ma_rgarita

"Wake up, love."

Isang malambing na boses ang narinig ko kasabay ng mahinang tapik sa balikat ko. Sobrang nakakatamad idilat ng mga mata ko. Gusto ko pang matulog.

"Love." Hindi ko iyon pinansin at niyakap lang ng mahigpit ang unan sa tabi ko.

"Hey."

"Hmm, tulog muna tayo." Mahinang boses na sabi ko habang kinakamot ang pisngi ko.

Inangat ko ang isang kamay ko at kinapa kung nasaan sya. Nang maramdaman ko ang balikat nya ay niyakap ko agad sya. "Ano na bang oras?"

Niyakap nya rin ako. "I love you, Naya." Bulong nya kaya naman napangiti ako.

"Hindi naman iyon ang tanong ko eh." Natatawa kong sabi na tinawanan nya lang din.

Lumayo ako sa pagkakayakap ko sa kanya at minulat ang mata ko. I smiled.

"It's a wonderful feeling to wake up seeing your face first thing in the morning." Nakangiting sabi nya. "Kahit na dinuga mo ako kagabi." he pouted.

Napatawa ako sa kacutan nya.

Hindi ako nagsalita at tinignan lang sya. Sinusuri ang mukha nya, kinakabisado ang bawat detalye non kahit matagal ko nang iyong nagawa. Ang ganda lang kasing pagmasdan ng mukha nya. Hindi nakakasawa.

"Baka malusaw ako." Natatawang sabi ni Calix habang nakatingin lang din sa akin. Tinawanan ko rin sya at inilingan. Nagpasya din naman agad kami na bumaba dahil mamaya narin ang kasal nila Travix.

Nag last rehearsal pa para sa mga abay, hanggang sa i lead kami ng isang babae sa isang hotel room.

Hiwalay ang girls sa boys dahil don na daw kami aayusan.

"It suits you very well, honey!" Nakangiting sabi ng isang make up artist na babae, sya ang nagayos sa akin at nagabot ng damit na suot ko.

Simple peach gown. Simpleng make up lang din ang inapply sa akin, naka braid na medyo maluwang ang buhok ko patalikod at may maliit na color peach Dahlia sa dulo non.

Ngumiti ako at tinignan ang sarili ko sa repleksyon ko mula sa salamin.

Pwede na. No, ang ganda ko.

"Salamat po." Nakangiting sabi ko sa make up artist habang inaabot nya sa akin ang maliit na bouquet ng bulaklak.

Nginitian nya rin ako at nagpaalam din na magaayos din sya sa iba.

Binalik ko ang lingon ko sa salamin. Natutuwa akong pagmasdan ang repleksyon ko. Minsan ko lang makita ang sarili ko na ganito kaganda ang ayos. Nakakatuwa naman.

"Hi, Naya." Napatigil ako at nilingon sya, si Cassie. Sandali kong pinagmasdan ang istura nya. Ang ganda nya. Kung maganda sya sa normal na araw, mas maganda sya ngayon. Konti nalang malapit ko na syang maging girl-crush.

Halos magkamukha ng ayos kaming dalawa, pero hindi talaga makakaila na mas maganda sya. Mas matangkad sya sa akin at lamang sya pagdating sa aura. Yung tipong model ang dating nya. Model naman talaga sya. Nagmumukha akong katulong sa tabi nya.

Ngumiti ako sa kanya ng konti.

"You look beautiful." Nakangiting sabi nya. Tumango ako, "Ikaw din naman ang ganda ganda mo."

Tumawa lang sya ng mahina habang pinagsalikop ang mga kamay nya. Tumigil sya ng ilang segundo na parang hinahagilap ang nais nyang sabihin hanggang sa mapabuntong hininga sya.

"Actually, I really want to talk to you." Sandali syang huminto at humugot ng malalim na hininga. "Meeting you yesterday at the parking lot was accident, a coincidence, a chance. I didn't know you were my ex's current girlfriend." Hinigpitan nya ang hawak nya sa boquet ng bulaklak nya at nilingon ako. "I loved Axel before... Naya, I think I still love him till now."

Para akong tangang nabato sa kinatatayuan ko. Is she confessing that she still loves Calix? Oo, narinig ko she's still in love with him.

Iba to. Hindi ko alam ang irereact ko ni hindi ko maibuka ang bibig ko para magsabi ng kahit anong salita. I just find this odd having her in front of me, confessing love for the guy I am with.

"I still love Axel." Iniwas nya ang tingin sa akin at ngumiti ng malungkot. "And that's pathetic. This is pathetic, I'm sorry."

Mainam nalang at walang taong nakakakita sa amin, kami lang ang nandito sa isang parte ng garden ng hotel malapit sa paggaganapan ng kasal. Dahil kung may makakakita saamin at makakaalam ng sitwasyon naming dalawa, they'll surely find this as weird as I do.

"I was so excited to see him yesterday. I badly want to talk to him. I wanted to reconcille. I did him wrong, I know." Umiling sya ng paulit ulit at napatawa ng mahina sa sarili.. "Almost four years ago, alam kong nasaktan ko sya. Mas pinili ko ang pangarap ko over him. I left him and decided to fly abroad to study there kahit hindi nya gusto iyon. Wala dapat akong asahang may mababalikan pa. I know, wala akong karapatang bumalik pa sa kanya."

Tahimik lang ako. Hinihintay ko ang susunod nyang sasabihin.

Nakita kong tumulo ang luha nya at napapikit sya ng madiin.

Nasasaktan sya, ako din. This is heartbreaking, malaman mong mahal nya talaga si Calix sa bawat salitang mga binibitawan nya. I just can't help to feel bad for Cassie.

"Naya..." she softly called my name.

"Mahal ko si Calix." Tanging lumabas sa bibig ko kaya naman nilingon nya ako at nginitian. "I know, I can see it."

"I've been planning to tell him how I feel. To tell him that I want him back. But you know, Naya? I don't think it would do anything. Kitang kita ko kung gaano ka nya kamahal. Magmumukha lang akong tanga kung sasabihin ko pa ito sa kanya. Beside, I think Axel deserves happiness. Makita syang nasa tamang tao, I know he'll not get hurt, I know you'll not hurt him." Lumapit sya sa akin at niyakap ako. "I'm sorry, Naya for telling you this. I'm sorry to blurt it out. Don't worry, hinding hindi ko susubukan kung anoman ang mga naisip ko. Ikaw ang mahal nya ngayon, mahal nya, I know, Naya. I just hope the two of you the best."

Niyakap ko rin sya pabalik at tumango.

"I'm sorry and I hope na walang magbabago. Please don't be awkward with me around, we can still be friends kahit ganito." I sensed her smiling that's why I smiled too. Napagpasyahan din naman agad naming bumalik sa hotel room kung nasaan ang ibang girls.

At quarter to two natapos na ayusan ang lahat ay pumunta din kami sa church na pagkakasalan kila Travix.

I had been waiting for him to come dahil nauna kaming makarating ng church at sabi susunod na daw sila. Tahimik lang ako sa gilid habang nakatitig lang sa hawak kong bouquet.

Naisip ko lang, kung siguro ay hindi umalis si Cassie at nagpunta ng ibang bansa paniguradong sila parin hanggang ngayon. I imagine Calix going crazy over Cassie. He's the type of guy who when he falls in love he give his all. Sigurado ako na minahal nya ng sobra si Cassie katulad ng ginagawa ngayon ni Cassie sa kanya.

Sa kaso nila ngayon, biktima lang din sila ng pagkakataon.

Napabuntong hininga ako.

Ang lungkot isipin na nasaktan si Calix sa first love nya at hindi malayong masaktan ulit sya ngayon dahil sa akin. Damn.

"Hi, beautiful." Napaangat ang tingin ko sa nagsalita at doon bumungad ang gwapo nyang mukha sa akin. Nakangiti sya maging ang mga mata nya.

"Beautiful?" Tanong ko sa kanya.

Tumawa sya ng mahina at hinawakan ang pisngi ko. "It's you, you look gorgeous, you look beautiful."

Lumapit sya sa akin at hinalikan ng mabilis ang labi ko, nagulat naman ako sa ginawa nya dahil ang dami ng mga tao sa paligid.

Hindi na napigilan ng mukha ko ang mag-init.

I am now blushing, I know.

"Adorable." Chuckling he said as he tuck the little strands of my hair behind my ear.

Ngumuso ako at tinanggal ang kamay nya doon. "Public display of affection, I'm not a fan, Calixto."

"I'm just showing them how much I am in love with you." Dahilan nya.

Lumayo sya kaya naman napansin ko ang suot nya.

He's wearing a black tux with his pitch colored tie. Simple yet eye catching. Ang gwapo nya kasi at talagang bagay na bagay iyon sa kanya.

"And there you are drooling over me." Natatawa nyang sabi kaya naman pinanglakihan ko sya ng mga mata.

Tinawanan nya lang ako. "Just kidding." Hinawakan nya ang kamay ko at nginitian ako. "I want to hold your little hands until forever."

Inirapan ko sya at kinagat ko ang pang ibabang labi upang mapigil ang pagngiti.

"Wag mong pigilan kung kinikilig ka na."

Pinaningkitan ko sya ng mata. Bakit parang biglang naover confident tong lalakeng to? Tinawanan nya na lamang ako at hinawakan ang kamay ko. Naglalakad kami papasok ng simbahan. Ang higpit higpit ng hawak nya sa kamay ko na parang wala syang balak bitawan pa iyon.

"Ang pangit ko kaya pag kinikilig." Sagot ko sa kanya dahilan para mapahinto sya sa paglalakad at lingunin ako.

"Sinong may sabi?"

"Tinry kong kiligin sa harap ng salamin, mukha akong tanga."

Napakunot ang noo nya at pinitik ako sa ilong dahilan para mapapikit ako, sinamaan ko sya ng tingin.

"Hoy, masakit ah! Pasalamat ka dyan mahal kita, kundi...."

Lumapit sya sa akin at naglean down para magkalevel ang mga mukha namin. "Kundi ano?"

"Kundi, pinamigay na kita." Kay Cassie.

Umirap ako sa kanya at maglalakad na sana ng hatakin nya naman ako papalapit sa kanya. "Oh well, I must thank that for loving me. Dahil dyan hindi mo ako pinapamigay." Natatawang sabi nya habang tinuturo ang bandang puso ko.

Tinawanan ko lang sya at inilingan. Ilang minuto pa ay dumating narin yung bride kaya naman pinaayos na kami sa aisle.

"Ang ganda mo." Nakangiting sabi ni Denzel sa akin nang tabihan nya sa pila ako. "Salamat. Ikaw din naman, ang pogi mo." Ngumiti ako sa kanya at kinindatan sya, mukha namang nagulat sya sa ginawa ko pero tumawa din naman.

"You're cool, Naya!" Tinaas nya pa ang kamay nya at nakipag apir sa akin. "Talaga? Hindi ba mukhang masagwa o ewan?" Tanong ko lumapit ako sa kanya at binulungan sya. "Sa tingin mo ba kikiligin si Calix pag nagwink ako?"

Napatawa naman sya nang sobrang lakas, nakahawak pa sa tyan nya at tinapik tapik ako sa balikat.

Sa lakas ng tawa nya ay napalingon na sa amin halos lahat. Kahit sina Cassie at Calix sa likuran namin.

And there Calix is, nakakunot ang noo. Nakatingin sa aming dalawa ni Denzel.

"Of course yes." Medyo humupa na ang tawa nya at umayos narin ng tayo kaya ganon din ako. "San ba makakahanap ng tulad mo? Pasabi nga dun ako tatambay para makajackpot din tulad ni pretty boy."

"Eh?"

Tumawa ulit sya pero mabilis lang. "Ang swerte sayo ni Axel, pwera biro." Ngumiti ako sa kanya at tinanguan sya. "Ang totoo mas swerte ako."

Nang makaayos na ang lahat ay nagumpisa nang maglakad ang mga nasa unahan.

Camera dyan, camera dito. Simple lang ang kasalan pero alam mo talagang pinaggastusan dahil sa ganda ng buong paligid.

Nakita ko ang mga parents nila Travix at Izzie, parehas silang mga nakangiti at masaya para sa mga anak nila. How I wish na sana maging ganoon din para sa amin ang mga parents namin. Na sana pag kami naman ang lulugar na sa pwesto nila Travix at Izzie maging ganiyan din sila ka saya.

Every moment felt so magical, hindi lang para kay Izzie, maging sa akin. I just wish to have a wedding as beautiful as this someday. Moments like this makes me believe in love more.

Hindi ko gaanong kaclose sila pero feel ko ang pakiramdam nila. Siguro dahil parepareho kaming nagmamahal?

Natapos ang kasal at nagpicture picture muna pero wala si Calix. Hindi ko sya makita kahit saan ako lumingon.

"Looking for someone?" Tumango ako at napakamot ng ulo. "Nakita mo ba si Calix? Kanina pa kasi ako lumilinga, hindi ko sya makita."

"Ahh, yes. Pinapasabi nga sa akin ni Axel na sumabay ka nalang sa akin papunta ng reception, may importante lang daw syang gagawin." Napakunot naman ang noo ko sa sinabi ni Jack.

May gagawing importante? Ano naman kaya? At bakit kay Jack lang sya nagpaalam at hindi sa akin nalang? Edi sana hindi ako parang tangang hanap ng hanap sa kanya. Asar rin tong Calix na ito eh.

"It's okay, Naya." Nakangiting sabi ni Jack habang nagtataas ng thumb nya."By your looks parang naasar ka, ayaw mo bang kasama ako?"

"Hindi naman. Nakakairita lang kasi si Calix hindi manlang nakuhang magsabi." Nakasimangot kong sabi habang naglalakad na.

"Sinabi na ba sayo ni pretty boy na hindi bagay sayo ang nakasimangot?" Natatawang tanong nya.

Pero hindi ko mapigilang masimangot. "Ano ba yung importanteng bagay na iyon?"

Umiling sya pero nakangiti parin. "Just some kind of big deal, maybe? He's really in a hurry."

Ginugulo lang ni Jack ang pagiisip ko at ni isa ay wala akong maintindihan sa sinasabi nya.

Anong big deal?

"Let's go? Don't worry, maya maya lang makikita mo rin yon, susunod din daw agad siya." Natimik lang kaming dalawa ni Jack habang nagddrive sya.

Nababadtrip ako kaya't hindi ko magawang dumaldal. Si Calix naman kasi eh!

Pagdating namin sa venue, sa hotel din kung saan kami tumutuloy, ay wala parin ang magaling kong boyfriend.

Calix is still no where to be found.

Continue Reading

You'll Also Like

176M 3.9M 68
[BAD BOY 2] You can't turn a bad girl good, but once a good girl's gone bad, she's gone forever. Yang ang motto ni Candice. Sa pagmamahalan na meron...
35.1M 1.2M 37
Agatha suffers from a rare disorder that makes her sleep in a long period of time. But what happens when the modern-day sleeping beauty meets an idio...
1.4M 56K 74
UNEDITED Only Girl Series #2 Isang Babae ang papasok sa isang magulo, basag ulo, maingay ngunit mga guwapong nilalang. Sa kaniyangg pamamalagi sa Se...
28.2M 1M 68
(Academy Series #1) The Gonzalez heir, Kairon, was sent to Garnet Academy to ensure his safety against the suspected hierarchy war. Appointed as the...