An Orphan's First Love 2: Dan...

By JeraldineTanL

801K 12.4K 1.5K

LOVE is DANGEROUS. This is the second book. An Orphan's First Love ang title ng book 1. More

Dangerous Love
[ 1 ] Surprise
[ 2 ] Forgiveness
[ 3 ] Phone Call
[ 4 ] Secret
[ 5 ] Eric
[ 6 ] Confused
[ 7 ] Back To Normal
[ 8 ] Fear
[ 9 ] Video
[ 10 ] Wedding Planner
[ 11 ] Daughter
[ 12 ] Family
[ 13 ] Fool
[ 14 ] Christmas
[ 15 ] Christmas Gift
[ 16 ] Sorry
[ 17.1 ] Visit
[ 17.2 ] Gift
[ 18 ] Love
[ 19 ] What if?
[ 20 ] Selfish
[ 21 ] Giving
[ 22 ] Breakfast
[ 23 ] Couple Shirt
[ 24.1 ] Simple Date
[ 24.2 ] Change
[ 24.3 ] Wish
[ 25 ] A Bad Mother
[ 26 ] Impression
[ 27 ] Peace of Mind
[ 28 ] Work or Family?
[ 29 ] Karma
[ 30 ] Sick
[ 31 ] Flowers
[ 32 ] Note
[ 33 ] Warning
[ 34 ] Obsession
[ 35.1 ] Prisoner of Love
[ 35.2 ] Hero
[ 35.3 ] Challenge
[ 36 ] Baby
[ 37 ] Protective
[ 38 ] Letting Go
[ 39 ] Brother
[ 40 ] Picnic
[ 41 ] Jealous
[ 42 ] Kidnapped
[ 43 ] Sorry
[ 44 ] Looking Back
Epilogue

[ 17.3 ] Pride

15.1K 239 32
By JeraldineTanL

Click the star icon on the upper right hand corner to vote :)

(Eric on the side)

Chapter 17.3: Pride

Nasa sala sina Steffi, ZAC at Faye. Naghihintay na lang sila na maluto ang pagkain na inihanda ni Eric para sa kanila. Pinagitnaan ni Faye sina Steffi at Eric sa upuan kung saan siya naglalaro.

"Faye, are you hungry?" Tanong ni Steffi sa anak

"No mommy"

Tiningnan ni Faye si ZAC.

"Tito ZAC, why are you with Mommy?" tanong ni Faye

"Nakakaintindi ba ng tagalog to?" tanong ni ZAC kay Steffi

"Hindi" tipid na sagot ni Steffi

Hinawakan ni ZAC sa magkabilang balikat si Faye na ikinatakot nito. Nawala lang ang takot niya nang ngumiti si ZAC.

"I'm your Mommy's husband" nakangiting sinabe ni ZAC.

Naguluhan ang bata dahil sa narinig.

"Husband? What about daddy?"

"I will be your daddy soon"

"No! You're not my daddy!" sigaw ng bata

"I'm going to be your daddy whether you like it or not. Do you understand?"

Umiling ang bata saka tumingin kay Steffi.

"Mommy, I don't understand"

Nginitian lang ni Steffi ang anak. Hindi niya pa alam kung paano ipapaliwanag sa anak ang sitwasyon nila sa ngayon.

"Baby, listen to me"

Nakatingin lang ng deretso si Faye kay Steffi at handa na siyang makinig sa sasabihin ni Steffi.

"Mommy is getting married"

"With daddy?" masayang tanong ni Faye

"No, baby. With your tito ZAC"

"What about daddy?"

"He is still your daddy"

"Tito ZAC said he's my daddy. I have two daddies?"

"Yes"

Hindi na sumagot ang bata dahil naguguluhan pa din siya at kahit anong intindi niya, hindi niya pa din maintidihan. Ipinagpatuloy niya na lang ang paglalaro sa ibinigay na regalo sa kanya ni ZAC.

"ZAC, sa ngayon mahihirapan pa si Faye na intindihin ang nangyayari. Bata pa kasi siya kaya hindi niya din maiintindihan. Wag muna natin siya biglain. Maiintindihan niya din ito sa sunod"

"Sige, okay lang. Buti na yan na kahit papano, may alam na siya"

Lumabas na si Eric sa kusina dala ang pagkain na niluto niya at inayos ang hapag-kainan. Agad na lumapit doon si Steffi para tulungan siya.

"Sorry, hindi na ako nakabalik. Inasikaso ko kasi si Faye dahil umiyak"

"It's okay Steffi. What happened to her?"

"Natakot yata kay ZAC"

"Hindi na ako magtataka dahil nakakatakot talaga ang mukha niya" pabulong na sinabe ni Eric pero sapat na para marinig ni Steffi.

Pinalo ni Steffi sa braso si Eric.

"Eric, ikaw talaga!" sigaw niya

"Wag ka mag-alala dahil hindi niya naman yun narinig kaya hindi niya malalaman pwera na lang kung sasabihin mo"

"Syempre, hindi"

Pinapanood sila ni ZAC at hindi niya nagugustuhan ang nakikita dahil alam niya na nagkukulitan silang dalawa. Binuhat niya si Faye na ikinagulat ng bata. Iiyak sana ito pero dahil wala naman ginawang masama sa kanya si ZAC ay hinayaan niya na lang. Nilapitan sila ni ZAC.

"Daddy!" sigaw ni Faye nang makita si Eric

Nilapitan ni Eric sina ZAC.

"Are you hungry, baby?" tanong ni Eric sa anak

"Yes, daddy"

"Let's eat" pagyayaya ni Eric

Umupo sila sa hapag-kainan.

"Steffi, I cooked your favorite food" nakangiting sinabe ni Eric

"Thank you, Eric" nakangiting sagot ni Steffi

Nagluto si Eric ng hipon na paborito ni Steffi. Sandaling tiningnan ni Steffi ang pagkain.

'Naging paborito ko lang naman ito dahil kay ZAC. Unang beses ko siyang nakitang magluto at ganito ang niluto niya'

Hindi alam ni Steffi na tinitingnan siya ni ZAC at alam ni ZAC ang luto ng hipon na iyon.

'Yan pala ang paborito niya? Siguro naman ako na mas masarap ang luto ko ng ulam na yan kumpara sa kanya'

Nagsimula na silang kumain. Iba iba ang mga inihandang pagkain ni Eric para sa kanila. Ayaw niya kasi na malamangan ni ZAC. Gusto niya na sa kahit ganitong bagay lang ay may maipagmalaki siya dahil kumpara sa yaman ni ZAC, walang wala siya.

“Steffi, kumain ka nito” alok ni Eric

Nilagyan siya ni Eric ng pagkain sa plato na inilagay din naman ni Steffi sa pagkain ni Faye. Parehas na tinutulungan ni Steffi at Eric na kumain si Faye. Hindi maiwasan ni ZAC na tingnan sila at naiinis siya sa nakikita dahil mukhang pamilya na talaga silang tatlo. Ayaw ni ZAC na magtuloy-tuloy pa ang ginagawa ni Steffi kaya naisipan niya na magsalita.

“Geneere, kumain ka na. Sigurado ako na kaya na ni Eric na pakainin si Faye”

Napatingin si Steffi kay ZAC at naalala niya na kasama pala nila ito at alam niya na hindi pa din tanggap ni ZAC ang mga pangyayari kaya sumunod na lang siya.

“Zyril, kumain ka din ng madami” sabi ni Steffi sabay lagay ng pagkain sa plato ni ZAC.

“Ikaw din hon”

Napatingin si Eric kina Steffi at ZAC. Nagseselos siya na nakikita sila ng ganito. Alam niya na kahit kasama niya si Steffi, si ZAC pa din ang iniisip nito at nahahati lang si Steffi sa kanila ni Faye at kay ZAC pero wala siyang magawa.

‘Maghihiwalay din kayo. Hindi kayo pwedeng ikasal. Hindi ako makakapayag’ sabi ni Eric sa isip niya

Nagpatuloy sila sa pagkain. Pagkatapos noon ay nagligpit na ng pinagkainan si Steffi. Habang nagliligpit siya ay nasa sala sina Eric at ZAC kasama si Faye na nanonood ng tv.

“Umiinom ka ba?” tanong ni ZAC kay Eric

“Oo. Gusto mo ba uminom? May alak dito”

“Sige ba. Tingnan natin kung sino mas matibay sa ating dalawa”

“Hinahamon mo ba ako?”

“Halata ba?”

“Bring it on”

Kumuha ng alak sa kusina si Eric at dahil nandoon si Steffi ay napansin niya ito.

“Iinom kayo? Wag ka magpapakalasing. Walang magbabantay mamaya kay Faye kapag umalis na kami” pagpapaalala ni Steffi

“Wag ka mag-alala, lumabas lang yung yaya niya. Babalik yun mamaya”

“Sigurado ka dyan ah?”

“Oo. Pinagbibigyan ko lang si ZAC”

“Pinagbibigyan?”

“Hinahamon niya ako sa inuman e”

“Eric, intindihin mo na lang si ZAC. Wag mo na patulan. Alam mo naman ang nangyayari, hindi ba?”

“Steffi, iinom lang kami at hindi magbubugbugan”

“Pero Eric—“

“Mataas naman ang alcohol tolerance ko, alam mo yan”

“Ganun din siya”

“Pero nakokontrol ko ang sarili ko kumpara sa kanya”

“Mukha namang hindi ka magpapapigil e. May gusto ba kayong kainin? Ipagluluto ko kayo”

“Hindi na kailangan Stef. Sige, mauna na ako”

Bumalik na si Eric doon at saka sila nag-inuman ni ZAC. Pagkatapos na magligpit ni Steffi ay isinama niya si Faye papunta sa kwarto para doon na magpahinga at makatulog na ito. Ayaw niya kasi na nakikita nito ang mga gawain nina ZAC.

“Hindi ka pa din talaga nagbabago ZAC” out of nowhere na sinabe ni Eric

“Kilala ba kita noon pa?”

“Hindi pero kilala kita noon pa. Sa isang school lang tayo nag-aaral”

Ikinagulat  iyon ni ZAC dahil hindi siya pamilyar sa mukha ni Eric.

“Paano ka makakapag-aral doon kung mahirap ka lang?”

“Hindi ba mahirap lang din si Steffi pero nakapag-aral siya doon? Hindi na importante kung paano ako nakapag-aral. Gusto ko lang malaman mo na matagal ko na kayong kilala nina Steffi kahit hindi niyo ako kilala”

Nainis doon si ZAC. Kinwelyuhan niya si Eric at hinila patayo.

“Kung ano man ang binabalak mo na masama kay Steffi, wag mo ng ituloy. Sigurado ako na may dahilan kung bakit ayaw mo siyang tantanan ngayon”

Napangisi si Eric na lalong ikinainis ni ZAC.

“Hindi ako kagaya mo na gagawa ng kalokohan dahil may galit ako sa isang tao. Kahit na matindi ang galit ko sayo noon pa, hindi ko idadamay dito si Steffi dahil mahal ko siya. Hindi ko din siya tatantanan dahil may anak kaming dalawa at kailangan ako ng anak namin”

“May galit ka sakin? Ni hindi nga kita kilala”

“Bakit ZAC? Sa dami ng tao na ginawan mo ng atraso, ilan doon ang naaalala mo? Hindi ba si Jico lang ang hindi mo nakakalimutan hanggang ngayon?”

Binitawan ni ZAC si Eric at uminom na lang ulit.

“Sino ka ba talaga Eric?”

“Malalaman mo din sa tamang panahon pero hindi pa ngayon. Isa lang ang masisiguro ko sayo, wala akong masamang binabalak kay Steffi”

Nagpatuloy ang pag-iinuman nila hanggang sa malasing si ZAC. Wala ng pakialam si ZAC kung malasing man siya dahil ang gusto niya lang ay uminom ng uminom. Kapag may problema kasi siya ay dito niya lang dinadaan ang lahat. Nang nakatulog na si ZAC sa sobrang kalasingan ay pinuntahan ni Eric si Steffi sa kwarto at napangiti siya nang makita na natutulog doon si Steffi katabi ang anak nila.

‘It’s good that they’re getting along well again’

Nilapitan niya si Steffi at ginising.

“E-Eric, sorry nakatulog pala ako”

“Okay lang”

“Amoy-alak ka na. Hindi ka ba nahihilo?”

“Okay lang ako”

“Titimplahan na lang kita ng kape”

“Thank you Stef”

“Si ZAC nga pala?”

Kung kanina ay nakangiti si Eric, ngayon ay sumeryoso na ang mukha nito.

“Lasing na” tipid na sagot ni Eric

“May nasabi ba akong mali?”

Umupo si Eric sa tabi ni Steffi at hinawakan siya sa magkabilang balikat.

“Stef, hanggang dito ba naman? Siya at siya na lang palagi ang iniisip mo. Kailan mo ba ako pagbibigyan?”

Napatungo si Steffi.

“Eric, alam mo naman ang sitwasyon ko. Alam mo na ikakasal na ako, alam mo din kung sino ang gusto ko at lalong alam mo na hanggang kaibigan lang ang tingin ko sayo. I can’t give you anything more than that”

Hinawakan ni Eric si Steffi sa mukha.

“Steffi, tumingin ka ng deretso sa mata ko”

Sinunod ni Steffi ang sinabe niya.

“Hindi ako susuko kahit na ano ang mangyari. Alam ko na may pinagdadaanan ka ngayon dahil kumpara kahapon, mukha kang malungkot ngayon. Matagal na tayong magkakilala at alam ko kapag namomorblema ka. May nangyari ba kagabi pag-uwi mo?”

“W-wala” sabi ni Steffi sabay iwas ng tingin

“Nagsisinungaling ka na naman. Alam niya na ang lahat. Sinaktan ka ba niya? Kilala ko si ZAC. Lahat dinadaan niya sa lakas niya at--”

“Hindi niya ako sinaktan”

“Sige. Sabihan mo lang ako kapag may ginawa siya sayo, okay?”

“Thank you, Eric”

Napayakap si Steffi kay Eric. Sobrang nahihirapan na siya sa mga nangyayari. Wala siyang ibang matakbuhan at mapaglabasan ng sama ng loob. Pilit niya na pinipigilan na umiyak.

‘Kahit papano, gumaan ang loob ko dahil sa mga sinabe ni Eric. Alam ko na palagi siyang nandyan para sa akin at masaya ako na malaman iyon’

Nagulat sila nang biglang may nagbukas ng pintuan ng malakas at nakita nila si ZAC na nakatingin sa kanila. Ang sama ng tingin sa kanila si ZAC na ikinatakot ni Steffi. Agad na humarang si Eric dahil alam niya na gagawa ng gulo ni ZAC.

“Hindi ko sasaktan yang mahal mo, wag ka mag-alala. Yayayain ko lang siya na umuwi na” seryosong sinabe ni ZAC

Hinawakan ni ZAC ang kamay ni Steffi at hinila niya ito palabas ng kwarto na iyon. Kinuha ni ZAC ang gamit ni Steffi at madali silang umalis doon papunta sa parking lot at pinapasok niya si Steffi sa sasakyan. Alam ni Steffi na lasing talaga si ZAC dahil gumegewang na ito habang naglalakad.

“ZAC, ako na lang ang magdadrive pauwi”

“Kaya ko magdrive”

“Pero lasing ka! Paano kung maaksidente tayo kagaya ng nangyari sa inyo ni Monique”

Sandaling natahimik si ZAC at alam ni Steffi na mali siya ng sinabe.

“S-sorry ZAC”

“Hindi tayo maaaksidente. Hindi ko hahayaang mangyari iyon”

Pinaandar na ni ZAC ang sasakyan. Natatakot si Steffi na maaksidente sila dahil matulin ang pagpapatakbo ni ZAC ng sasakyan pero nakarating pa din sila ng ligtas sa bahay nila. Natakot si Steffi dahil mahigpit ang pagkakahawak ni ZAC sa braso niya nang pumasok sila sa loob ng bahay at pagdating sa loob ay malakas ang pwersa ni ZAC sa pagkakabitaw sa kanya kaya napaupo si Steffi sa sahig. Walang magawa ang mga katulong dahil natatakot silang lahat kay ZAC.

“Tumayo ka dyan” utos ni ZAC

Hindi agad na tumayo si Steffi.

“Tumayo ka sabi dyan!” pag-uulit niya

Nilapitan siya ni ZAC at hinawakan siya sa braso at hinila patayo. Kinaladkad siya ni ZAC papunta sa kwarto nila. Agad na kinuha ni ZAC ang isang maleta at pinaglalagay doon ang ilan sa mga gamit ni Steffi.

“Umalis ka dito ngayon din” seryosong sinabe ni ZAC

“ZAC, mali ka ng iniisip sa nakita mo. Wala kaming ginagawang masama ni--”

“Manahimik ka! Umalis ka dito at wag ka na bumalik pa. Gusto mo ng kalayaan mo? Binibigay ko na sayo”

Continue Reading

You'll Also Like

451K 24.3K 80
It's been five years ever since Avery lost contact with his one and only best friend. Five long years of not knowing the real reason why he just sudd...
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
195K 1K 7
The Kings Series #1: Jeron Louis Montecastillo
4.6M 65.5K 70
{COMPLETED} What happens when Ms NBSB meets Mr Playboy? Read at your own risk. ©prettymari