Be Mine

By ainelabs

77.8K 1.6K 495

"Ang tagal kong naghintay sa babaeng akala ko mahal ko talaga.. Ang tagal kong nagdusa.. Darating pa kaya siy... More

Prologue
Chapter 1- The Flashback
Chapter 2- Bry the Jerk
Chapter 3- His Rival
Chapter 4- His Love
Chapter 5- Accident
Chapter 6 - Friends
Chapter 7- Jealous? OR NOT?
Chapter 8- Melalaine Beetch
Chapter 9- What is this I'm feeling?
Chapter 10- The battle has just started
Chapter 12 and 13- He's gay
Chapter 14- Confession
Chapter 15- Another Postponed Lovestory?
Chapter 15.2- Another Postponed Lovestory 2??
Chapter 16- Bitchy attitude ACTIVATED
Chapter 17- To the rescue
Chapter 18- The FIRST.... What?!
Chapter 19- A bitch is always a bitch
Chapter 20- The Past
Chapter 21- Captain
Chapter 22- Guarding you
Chapter 23- This fight is for you
Chapter 24- Someone who cares
Chapter 25- Camp Training 1st part
Chapter 26- Camp Training 2nd part
Chapter 27- Camp Training 3rd Part
Chapter 28- Camp Training 4th part
Chapter 29- Camp Training 5th Part
Chapter 30- Last day
Chapter 30.2- Short update
Chapter 31- Busted
Chapter 32- Begging
Chapter 33- I'm so BACK
Chapter 34- Suddenly
Chapter 35- Earn your trust
Chapter 36- Courting you
Chapter 37- Short update (DEAL)
Chapter 38- Then marry me
Chapter 39- Jollibee
Chapter 40- Friends dilemma
Chapter 41- When it started
Chapter 42- Bully
Chapter 43- Option
Chapter 44- Trouble
Chapter 45- Seafoods
Chapter 46- Fried Chicken
Chapter 47- Truth or dare
Chapter 48- Sheet of paper
Chapter 49- I'll be okay
Chapter 50- All of Me
Chapter 51- Contract
Chapter 52- Pregnant
Chapter 53- Take Me Away
Chapter 54- Rape
Chapter 55- Explanations
Chapter 56- My little shiny star
Chapter 57- Can I have this dance
Chapter 58- Protect
Chapter 59- Meet the parents
Chapter 60- Group Study
Chapter 61- Kissing
Chapter 62- Right
CHAPTER 63- Intoxicated
Chapter 64- Kami na
Chapter 65- TAM

Chapter 11- Move on, Steff

1.3K 23 3
By ainelabs

STEFF’S POV

After ng klase namin na wala naman ako halos naintindihan. Dumiretso kami sa canteen at halata namang pinagtitinginan pa din ako.

Sabagay.. pagkatapos ng nangyari sa amin ng heartthrob ng campus (note the sarcastic tone) e agaw pansin din naman tong saklay ko. Panira beauty. Shet na malagket na nasa pwet lang. -_-

Wag na kayong magtaka sa mga new found words ko, naririnig ko lang ang lahat ng yan kay baklang Jm. At kasamaang palad unti’unti ko nang na-a’adopt. =_=

“Cecille, asan nga pala si Rence?” nawala sa isip ko na hinahanap ko nga pala ang lalaking yun.

“Tinawagan ata ng manager nya e. Alam mo na, buhay artista. Susundan ka nga dapat nya e. Buti napigilan namin, sinabi ko nalang na gusto mong mag-isa.”

“Ah. Ganun ba? Malamang may shooting na naman yun. Daming upcoming movies e.” bakit kaya hindi ko i-try na pumasok sa showbiz? -_- Madami ng nag-alok sa akin noon ngunit lagi kong tinatanggihan.. Pero sa nakikita kong pagiging galante ni Rence, parang gusto ko na din magartista. Hahaha!

“Ay teh! Syempre naman. Gwapong gwapo ang jowabells mo e! Sikat na sikat si fafa Rence.” Singit naman ni Jm habang busy sa pagkuha ng pagkain..

“Hoy! Anong jowa ka dyan! Magkaibigan nga lang kami, Jm.. Hmm. Kuha mo nga akong vegetable salad..” nauuna kasi siya kaya nagpaabot na ako..

“Alam mo todo deny ka pa teh! Kapag ako na ang nagustuhan ni fafa Rence don’t blame me ha?”

“Oo na, bakla. Psh..” nilingon ko naman si Ryzza na tahimik. “Uyy, Ryzza, bakit ka tahimik?”

“Nahihiya lang ako sa inyo. Ang dami kasing nakatingin, naririnig ko yung iba na nagbubulungan. Sinasabi nila na kaya ko kayo kasama dahil ginagamit ko lang kayo para mapansin.” Halatang malungkot siya, bigla akong naawa sa kanya..

Ilap sa akin ang mga tao for the past two years dahil nga sa bitchy attitude ko, pero Laine was always there kaya hindi ko kailanman naramdaman na magisa ako, pati na rin ang team ko na kahit kailan ay hindi ako itinuring na iba. Pero, si Ryzza, I never saw her with anyone.

Parang lagi nalang siyang iniiwasan at dinaig pa ang may nakakahawang sakit.

Lumapit si Jm sa kanya at inakbayan siya..

“Ateng, don’t be sad na.. Wit mo nalang pansinin ang mga ugly faces na yan.” Napangiti naman si Ryzza sa tinuran ni Jm.

I guess I need to do something..

Habang hawak ng tray na may water at poreber pagkain ko (vegetable salad) umakyat ako sa isang mesa na bakante. I heard some other students gasped, yung iba naman ay nagsimula ng magsibulungan. May ibang natatawa dahil hirap na hirap akong umakyat dahil sa saklay ko. Pesteng saklay! -_-

“FROM NOW ON, LAHAT NG GUSTONG MAKIPAGKAIBIGAN SA AKIN AY WAG NG MAHIHIYANG LUMAPIT, I WILL BE GLAD KUNG LAHAT KAYO AY MAGIGING KAIBIGAN KO NA.. I AM STEFFIE LIAN CHUA, WANTS TO SAY SORRY SA MGA STUDENTS NA NATARAYAN AT NAPAGSALITAAN KO NG MASASAKIT NA SALITA NOON. THE BITCHY SIDE OF ME IS ALREADY GONE GUYS.” Lahat ng estudyante at maski mga nagtitinda ay tahimik at nakatuon ang tingin sakin. “AND I AM PROUD TO TELL YOU, THAT THIS LADY DOWN THERE *and I point out Ryzza* MISS RYZZA BERNAL IS OFFICIALLY ONE OF MY BESTFRIENDS NOW. PLEASE BE FRIEND WITH US! THANKYOU!”

Nagulat ako nung biglang nagpalakpakan yung mga estudyante at yung iba ay lumapit sakin.. Hindi ako agad makababa dahil nahihirapan ako at lahat sila ay nakapalibot sakin..

Bigla namang nag-vibrate ang phone ko kaya kinuha ko ito from my pocket at nakita kong may one message galing kay Rence..

Rence: R u okay? Kmaen knb? Pls text me dat ur fine.. :(

Natutuwa ako kay Rence kasi he never forget about my well being. Nakakatouch na may isang taong nagaalala sayo. Minsan nga naiisip ko bakit kaya hindi nalang katulad ni Rence ang mahalin ko? He’s sweet, understanding and hindi niya pa ako nasasaktan, unlike Bryan na wala na atang alam na ibang gawin kundi saktan ako. </3

Nagsimulang magsigawan yung mga tao sa cafeteria pero busy ako pagrereply kay Rence para sabihing okay na ako kaya hindi na ako nag-atubiling tignan kung ano ang dahilan ng pagsigaw nila.

Ilalagay ko na dapat ang cellphone ko sa bulsa ko ng biglang may humila sakin at binuhat ako pangkasal.

“WHATDAFDGE!?”  ramdam ko naman na bumaba agad ito at dahan dahan din akong ibinaba din sa sahig. Balak ko sanang bigyan ng nakakamatay na tingin kung sino man ang pangahas na bigla nalang humila sakin pero pagtingin ko palang sa kanya, tumalon na ang puso ko dahil nagulat ako nung  tinitignan nya ako ng tinging nakamamatay.

Tumahimik ang lahat..

Hindi ako makapagsalita.. Pero biglang nagflashback sakin yung ginawa niya kanina.

Steff. Wake up! You are nobody to him! He choose Laine over you.. You are nothing..

“Ano na naman to Harris!?” sigaw ko sa kanya. Galit ako.. at nasasaktan.. Pinili niya si Laine over me! Fckshet. Ano pa bang gusto nya?

“WHAT THE HELL DO YOU THINK YOU’RE DOING!?” natatakot ako sa kanya ngayon.. Parang anumang oras ay handa siyang manuntok.

“Ano na namang ginawa ko!??” this guy is really despicable!

“For Pete’s sake, Steffie! Napakaikli ng palda mo pero nakuha mo pang tumayo dyan sa taas na akala mo ay walang makikita sayo and worst, hinayaan mo pang umaligid sila sa baba ng mesa na yan! Nag-iisip ka ba? HA?” parang frustrated na frustrated na sabi niya sakin.

AT AKO?

Eto. NGANGA. LITERAL NA NGANGA.

Nalaglag talaga ang panga ko sa dahilan nya. At pansin kong pati ang ibang estudyante ay parang hindi makapaniwala sa mga pinagsasabi ng lalaking nasa harap ko. Halos marinig ko ang kulisap dahil sa sobrang tahimik ng mga tao.

I know, shocked din sila tulad ko.

“A-a-nn—“ speechless ako. Wooh.  Malamang nangangamatis na ang mukha ko.

Nagulat naman ako nung bigla nyang sipain yung upuan nasa harap niya.

“DAMN! WHAT’S HAPPENING TO ME?!!” na ginulo pa ang buhok nya at biglang nag walk out.

Tulalaers pa din ako hanggang sa matanaw kong palabas na sya ng cafeteria. At nagsimula na ding magbulungan ang mga bubuyog este estudyante pala -__________________-

“Waaaah! Ateng! I really really really envy you!!!!”

“JM! Wag kang sumigaw! Ang sakit sa tenga! Kumain na nga tayo..”

Pumunta na kami sa isang table at nginingitian ko nalang yung mga bumabati sakin..

“Hoy. Steefanya! Magkwento ka nga. Diba si Bryan yun? Yung sikat na sikat na artista? Close kayo? Tapos si Rence close din kayo, teka ngaa.. Naguguluhan na ako talaga e! Sino ba talaga sa dalawa?” naiiritang tanong sakin ni Cecille habang kumakain ng kanin at hotdog. Hindi man lang muna lumunok e.

“Kaibigan ko lang si Rence.”

“At anong meron kay Bryan ateng?” –JM

Nagkatinginan kami ni Ryzza..

“H-he’s just a family friend. Ahh. Bestfriend kasi ni Mommy yung mother nya e.”

“Hmm. So close kayo?”daig pa ni Jm at Cecille ang NBI kung makapagtanong.

Kulang nalang itali nila ako at lagyan ng ilaw na pang-sisiw sa ulo. =_=

“Hindi kami close.” Malamig kong sabi habang hindi tumitingin sa kanila.

“Soooooo.. Anong drama yung kanina?” nakataas na ang kilay ni Jm.

Hindi pa ako handang magkwento sa kanila. Not now.. Ayoko umiyak dito sa canteen. Nakakahiya.

“I-i don—“

Hindi ko na natuloy yung sasabihin ko nang biglang lumapit samin si Alvin at Kevin at umupo sa bakanteng upuan.

“Hi guys!” bati ni Kevin tapos si Alvin naman tumango lang samin at ngumiti..

“Hi fafabells!” at nagpakurap kurap ng mata si Jm..

‘PAK!’

Halos sumubsob yung mukha ni Jm sa pagkain niya sa sobrang lakas ng pagkakabatok ni Cecille sa kanya.

“Anebe?! Bakit ka ba nananakit!? Naiinsecure ka na naman sakin no!” paasik na baling ni Jm kay Cecille.

“Mukha ka kasing tanga e. Para kang may sakit dyan! Umayos ka nga!” inis din namang sagot ni Cecille sa kanya..

“Pffffffffffffttttttt—HAHAHAHAHAHAHAHAHA!”

Nagulat nalang ako sa biglang tawa ng dalawang lalaki na sumama sa mesa namin ngayon.

Lahat kami napatingin sa kanila, maski yung ibang estudyante na nasa loob ng cafeteria napapatingin na din sa dalawa. Karamihan ay pinipicturan pa sila.

Psh. Hindi nga artista tong dalawang to pero halos walang ipinagkaiba ang tingin ng mga tao dito sa loob ng Harris sa kanila, palibhasa mga gwapo at mayayaman. Tsk...

“Hahahaha! Ang cute ng mga kaibigan mo Steff!” sabi ni Kevin na hindi pa rin magkamayaw sa pagtawa.

Pag ito nahirinan, ang saya lang. =_=

“Telege? Cute keme?” maarteng saad ni Jm with pouty lips and pa’beautiful eyes effect..

“Ewww! GROSS!”

Sabay pa naming sabi ni Cecille kaya nagtawanan pa kaming lahat..

“By the way, hindi ko pa nga pala kayo na’i-introduce. Ahm, Alvin and Kevin, they are my super friends. Si Jm, si Cecille and...” isa-isa ko silang tinuturo tapos nung si Ryzza na yung ipakikilala ko, nakita kong namumutla sya at namamawis na yung noo nya ng sobra..

What is wrong with her? O.O

“Ryzza, okay ka lang ba?”

“Ah..E-eh. O-oo! Oo. O-okay lang.. C-cr lang ako ha.” Nagmadali siyang tumayo at umalis palabas ng canteen.

Napatingin naman sakin si Kevin. “Anong problema niya? May sakit ba yun?”

Hmm. Kung hindi lang si Kevin ang nasa harap ko ngayon, iisipin kong nag-aalala ito kay Ryzza.

“Ah. Wala. Baka nahiya lang, mahiyain kasi yun e.. Hmm, kamusta nga pala? Kaen kayo.” Napasulyap ako sa dalawang kaibigan ko na nananahimik na sa pagkain.

Mga sira talaga tong mga to. Pagkatapos magsalpukan sa harap namin hindi man lang magyaya kumaen kahit pakitang tao lang. Hahaha. Di halatang mga gutom e.

“Ahm. Tapos na kami. Steff, kamusta na pala ang paa mo?” –Alvin

“Okay na naman. Hindi na masyadong kumikirot. Kayo kamusta? May laban kayo sa Saturday hindi ba?” nagsimula na din akong kumaen, mamaya magbbell na.

“Oo. Pagkatapos siguro ng competition ng cheerdance.. Ahm.. Makakasali ka pa ba?”

“Hindi na siguro. Hindi pa pwedeng alisin yung cast sa paa ko. Tsaka imposibleng makagawa ako agad ng stunts. Alam mo na..” nalulungkot ako.. Naalala ko na naman na hindi na pala ako makakasali sa team. Hays.

“Ah. Wag ka magalala. Marami pa namang competition na darating, makakasali ka na sa mga susunod for sure.” Napansin niya sigurong nalungkot ako.

Ngumiti nalang ako sa kanya. Si Alvin ay busy sa pagtetext. Asan na kaya si Ryzza? Ang tagal naman nyang mag-CR.

“Dude. Punta na tayo sa Locker room kanina pa nagagalit si Bryan.” Sabi naman ni Kevin kay Alvin.

“Steff, una na kami ha. Pagaling ka!” –Alvin

“Bye Steff!”- Alvin

Naglakad na sila palayo tsaka ko lang napansin na tahimik pa din yung dalawang kaibigan ko.

“Oh ano JM? Cecille? Nakain nyo na din ba pati mga dila niyo?”

Anong problema ng mga to?

“A-ah. Wala wala. Bilisan mo na kumaen dyan.  Balik na tayo sa room.”

Hanggang sa nakabalik na kami sa room ay tahimik pa din ang dalawa. Ano bang nakaen ng mga to? Mapakaen nga sila nun araw araw. Haha.

Nakita ko si Ryzza na nakaupo na sa upuan nito.

“Ryzza. Bakit di ka na bumalik?” okay na ang itsura niya at hindi na siya namumutla. Buti naman.

“Ah. Eh. Ano kasi e.. Masakit yung puson ko kaya dito na ako tumuloy.”

“Ganun ba? Okay ka na ba? Baka gusto mong dalhin ka namin sa infirmary?” alam ko yung nararamdaman niya. Sobra din kung sumakit ang puson ko kapag  ahmm. Alam niyo na red days. Hihi. Halos gumapang ako lagi tuwing ganun.

“Wag na Steff. Don’t worry. Okay na ako..”

“Sige. Magpahinga ka nalang dyan.”

Wala akong katabi. Wala si Rence. Wala akong makulit. Nakakamiss din pala yung presence ng mokong na yun..

Gusto ko sana siyang tawagan pero baka pagalitan naman ito ng director nila dahil alam niya namang nasa kalagitnaan ito ng pagsshooting.

Ano ba naman to. Wala na nga si Rence tapos tahimik pa yung dalawa, si Ryzza naman masama ang pakiramdam.

Ano nalang ang gagawin ko? :(

Makapagaral na nga lang. Bigla kong naalala na these past few days ay madalas akong magcut ng class.

Sana naman mapanatili ko ang pagiging Rank No. 1 ko. Feeling ko, sa ngayon, yun nalang ang maipagmamalaki ko.

Hindi ko maitatanggi na nakakaramdam na ako ng insecurities ulit ngayon.. Pero kay Laine lang.

Ilang gabi ko na bang iniisip kung ano bang meron si Laine na wala ako para magustuhan siya ni Bryan? Ilang gabi ko na bang tinatanong sa sarili ko kung anong mali sa akin at hindi niya ako mapansin?

Gusto kong matawa..

Si Steffie Lian Chua. Isa sa mga highest social elite. A model, a captain cheerleader, a topnotcher who has a lot of insecurities about her self.

Hindi ko maintindihan.. Bakit kapag si Bryan na ang kasali sa usapan ay nabubuhay ang mga insecurities na noon ay hindi ko naman nararamdaman kahit mataba pa ako at nerd pa.. Insecurities na dapat ay hindi ko naman maramdaman lalo na ngayon.

Nasa gitna ako ng pagmumuni nang narinig ko na namang nagsisigawan ang mga kaklase ko. Nasisigurado ko na si Bryan ang dahilan ng pagsigaw nila ngayon dahil wala naman si Rence.

Sakto namang hinihintay ko ang pagpasok niya sa pinto ay nakita ko siya.. Buhat buhat si Liane na ngayon ay mukhang okay na..

Nakaramdam ako ng pagtusok ng maraming karayom sa dibdib ko..

Ano ba naman yan, Steff. Hindi ka pa ba nasasanay hanggang ngayon?

I smiled bitterly..

Itinuon ko nalang ulit ang sarili ko sa pagbabasa.

Ignore him. Forget him. Move on, Steff.

Paulit-ulit ko yang ibinubulong sa sarili ko.. Pakiramdam ko kasi ay nagtatalo ang puso at isip ko kung ano ba ang tamang gawin..

Baliw na nga ata ako.. Pero kailangan ko ng kumbinsihin ang sarili kong kalimutan ang taong tatlong taon ko ng minamahal kahit puro sakit lang ang nakuha ko pabalik..

Tama na Steff. Wag ka ng umasa..

Continue Reading

You'll Also Like

2.1M 60.5K 14
OLD SUMMER TRILOGY #2 Being the niece of the volleyball team's coach, Alia is hired to design the uniforms of the players. Seven, who has had a crush...
54K 1K 75
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...