Artistahin

By PaulitoX

450K 5.9K 569

Modern day beauty and the beast story. Sundan ang kwento ng binatang di nabiyayaan sa panlabas na kaanyuan sa... More

Prologue
Chapter 1: Enan
Chapter 2: Artistahin
Chapter 3: The Ex
Chapter 4: Pag Iwas
Chapter 6: Habulin
Chapter 7: Proposal
Chapter 8: Kontrata
Chapter 9: Revelation Day
Chapter 10: Celebrity
Chapter 11: Duda
Chapter 12: Believe
Chapter 13: Friends
Chapter 14: Closer
Chapter 15: Siya
Chapter 16: Depensa
Chapter 17: Peace
Chapter 18: Level 2
Chapter 19: First Date
Chapter 20: Tuliro
Chapter 21: Doubt
Chapter 22: Level 3
Chapter 23: Dilema
Chapter 24: Damage Control
Chapter 25: Surpise Visit
Chapter 26: Surprise Visit II
Chapter 27: Munting Tibok
Chapter 28: Girlfriend
Epilogue
Maraming Salamat!!!

Chapter 5: Pagbagsak

12.1K 153 8
By PaulitoX

Chapter 5: Pagbagsak

Sa tambayan muling nagkakatuwaan ang magkakaibigan. Si Clarisse napatigil sa tawa pagkat nakita niya si Violet umaaligid. Sumenyas ang dalaga na lumapit, si Violet natatakot kaya medyo nagtago konti sa corner. Pasimple si Clarisse, habang nagtatawanan yung boys tinignan niya si Violet at sinenyasan ulit para lumapit na.

Nakalapit si Violet pero nakadikit siya sa wall, sumenyas siya ng timing kaya ngumiti si Clarisse at nagkunwari na naglabas ng mirror. “Excuse me Clarisse, bakit ba lagi mo tinitignan sarili mo sa mirror?” tanong ni Enan. “Kasi po ganito ang mga babae, gusto namin lagi kami pretty so pag may time we do check our faces always” pacute ng dalaga.

“Wala ka bang confidence sa sarili? Look at me, di ko na kailangan ng salamin. Sapat na yung mga malalagkit na titig ng girls all around me to say…damn I still look handsome” landi ni Enan at umariba sa tawa ang magbabarkada, si Violet nagtakip ng bibig at nagpigil ng tawa para di mahalata ng boys na nandon siya.

“Oh tignan mo yung babae na yon sa malayo, tinitignan ako non. Of course pasimple siya pero nakaw tingin siya sa akin kanina pa. Kaya ayan senyales na umaapaw parin ako sa kagwapuhan. She cant stop looking at my face, mukha na paulit ulit tinitignan, mamaya nakaukit na ako sa kanyang isipan, tonight I am the star of her dreams, I will be her fantasy, tapos bukas sasabihin niya kami na”

“Yun lang ang masama sa pagiging artistahin na tulad ko, I cannot stop those girls e. Inaangkin nila ako, minsan nga sa gabi parang nakakarinig ako ng mga boses, parang sabay sabay nila ako tinatawag pangalan ko. Enaaaan…Enaaan na saksakan ng kagapwuhan…” landi ng binata at umingay ng husto sa tambayan at si Violet namimilipit na sa pagpipigil sa pagtawa.

“Kaya lang may times na nakakatakot, kasi alam niyo wala naman specific age bracket tagahanga ko. There are times na nakakakilabot kasi boses matatanda naririnig ko. Parang mga sixty, seventy at pati ata eighty years old binabanggit pangalan ko”

“Now that is really scary, Inaaaahaaaan…wawa aku ngefen fero faghahalikan keta ehooo…kunen mo ne neteterang asim koooo…Inan come to lola bebe!” banat ni Enan at napahiyaw si Clarisse ng sobrang lakas, mga boys lahat napayuko at inuga ang mga ulo. Nakita ni Clarisse na luhaan na si Violet dahil sa katatawa, hindi parin napansin ng boys na nandon talaga siya sa gilid.

Nang nahimasmasan sila si Enan hiniram yung mirror ni Clarisse. “O pare akala ko ba confident ka, aanhin mo yang mirror?” tanong ni Gregory. “Gori this is a mirror, mirrors don’t lie” sabi ni Enan. “Tado alam ko ano yan” sagot ng kaibigan niya. “Now calm down, I know you are frightened, so let us do this slowly” landi ni Enan sabay nilapit yung salamin sa mukha ni Greg.

“Siraulo ano ba? Bakit may dumi ba sa mukha ko?” tanong ni Greg sabay sinusuway kamay ni Enan. “Please Gori, its for your own good” sabi ni Enan. “Ano nga? May dumi ba? Tell me” sabi ng kaibigan nya. “Basta tignan mo” sabi ni Enan kaya tinignan na ni Greg sarili niya sa salamin.

“O wala naman e” sabi ni Greg. “Look closer, pare hinahon lang” sabi ni Enan. Di kumibo si Greg at tinitignan niya lang mukha niya sa salamin. “Acceptance” bulong ni Enan kaya nagbungisngisan na mga kaibigan nila. “Ano?” tanong ni Greg. “Acceptance pare, you were born that way. Alam ko ngayon mo lang titignan sarili mo sa mirror”

“Alam ko nakakaramdam ka ng takot pero ikaw yan pare. Acceptance…ikaw yan, hindi yan bato na inukitan ng mukha. That is you. This is what other people see when they look at you. Scary no?” banat ni Enan. Napahiyaw sa tawa ang mag kaibigan nila, si Greg kinuha yung salamin at pinokpok noo ni Enan kaya lalo nagtawanan ang magbabarkada.

“Ikaw gago ka ako nanaman nakita…” sabi ni Greg na biglang tumigil nang maamoy siya. “Ina yan umutot ka!” hiyaw ni Tommy kaya kumaripas sila lahat patakbo palayo. Si Enan naiwan at nagbungisngis, si Violet tumalikod at pinunasan ang kanyang mga luha.

Sa malayo naglalakad si Sally at kuya niyang si Earl at nakita nila si Violet na nagpupunas ng luha. “Hala why is she crying?” tanong ni Sally. Nakita nila sa malapit si Enan na nakaupo at bungisngis, nag init ulo ni Earl kaya susugod na siya papunta kay Enan.

“Kuya wag” sabi ni Sally nang nakita nila si Greg pabalik na kaya natakot din si Earl pagkat malaking tao yung kaibigan ni Enan. Si Violet nang makita pabalik na yung iba umatras na siya at naglakad palayo kaya sinundan nalang siya ni Sally habang si Earl naiwan at nag iinit talaga ulo niya.

Pagsapit ng dismissal palabas ng gate si Enan at di niya napansin may tatlong lalake nakabuntot sa kanya. “Kilala niyo si Violet diba? Diba maganda yon no?” bigkas ni Earl at muntik na napalingon si Enan. “Oo pare bakit siya?” tanong ng kaibigan niya. “Tangina akalain mo ba may sobrang kapal na pangit na nanligaw sa kanya” kwento ni Earl at nasaktan na si Enan pero di nalang siya kumibo.

“Sino naman?” tanong ng kaibigan ni Earl. “Kilala niyo yon, saksakan ng pangit. Di ko talaga maintindihan saan siya kumuha ng lakas ng loob. Baka nag sale sa SM at nakabili si gago” sabi niya kaya di na nakatiis si Enan, tumigil siya at hinarap yung tatlong lalake.

“Speaking of pangit. Eto pala siya” sabi ni Earl at nagtawanan ang mga kaibigan niya. “Eto pare? Tangina seryoso ka?” tanong ng isang kaibigan niya. “Yeah, eto nga, buti nga di siya natraumatized e, sino ba naman hindi matatakot dito” sabi ni Earl.

“Pare excuse me, di naman kita kilala at di kita inaano” sabi ni Enan. “Tanong ko lang pare, saan mo nakuha kapal ng mukha mo? Sige na curious lang ako. Ano ba kasi naisip mo? Parang fairy tale na Beauty and the Beast na magkakagusto siya sa iyo? Pare be real, kaya nga fairy tale yon e” sabi ni Earl.

“Nakaksakit ka na pare ha” sabi ni Enan at saktong nakalabas ng gate sina Sally at Violet at nakita yung nangyayari. “O ano? Makapal na nga mukha ni pangit tapos eto nagtatapang tapangan pa. Just so you know nakauna ka na, oo nasindak mo na ako e sa itsura mo” hirit ni Earl at lalong nagtawanan mga kaibigan niya.

“Uy stop it, ano ba?” biglang singit ni Violet. “Oh hey, I was just having a talk with your suitor here” sabi ni Earl. “Hoy di kita kilala, di kita inaano, mind your own business” sabi ni Enan. Biglang dinuro ni Earl si Enan sa dibdib, “Hoy gago alamin mo naman lugar mo sa society, tignan mo nga si Violet, tignan mo!”

“Tapos tignan mo sarili mo! Maawa ka naman, dude look at her. Do you think she deserves to be someone with you? What the hell were you thinking dude? Are you serious? Alam mo pare to avoid the embarassent kasi know your place. Go match yourself with someone that scares you back, doon ka nababagay” sabi ni Earl at napikon na talaga si Enan at nanigas na ang kanyang mga kamao.

Nakita ni Violet yon kaya hinila niya palayo si Earl. “Wag mo na kasi patulan yang pangit na yan. He is not worth it, come on baka bangungutin pa kayo mamayang gabi e” sabi ng dalaga. Nanigas si Enan at tuluyan nang nayurak ang kanyang puso.

Nakaramdam siya ng sobrang sakit, mga kaibigan ni Earl nagtawanan, si Violet tinignan siya pero agad inirapan kaya ang binata dahan dahan tumalikod at niyuko ang kanyang ulo. “Tangina mas may itsura pa likod mo kesa sa mukha mo e” hirit ni Earl.

“Tama na kasi Earl, tara nalang” sabi ni Violet. Naglakad na palayo si Enan, binulsa niya mga kamay niya sabay nagpigil talaga sa nararamdaman niyang galit at sakit sa puso. Pagtalikod ng grupo nina Violet biglang may dumaan na binata para habulin si Enan.

Nakita ni Violet na si Shan yon kaya niyuko ng dalaga ulo niya nang makita niya si Clarisse. Nandon pala yung magsyota at nakita nila lahat ng nangyari. Nauna na si Sally at kuya niya, si Violet nagpaiwan saglit para kausapin sana si Clarisse. “I can explain…” bulong ni Violet pero di nakatiis si Clarisse at sinampal talaga ang dalaga ng sobrang lakas.

“Bitch!” sigaw ni Earl na susugurin na sana si Clarisse, si Shan napatigil sa paghabol kay Enan at mabilis na pinuntahan nobya niya. Bago makabawi ng sampal si Earl ay natulak siya agad palayo ni Shan sabay pumorma agad ito na palaban.

“Uy Earl gago ka atras atras si Shan yan” sabi ng mga kaibigan niya. “Tangina niyo sige tara, kahit tatlo pa kayo” hamon ni Shan na nanggagalaiti sa galit. “Sabi mo e” sigaw ni Earl na sumugod at nagkasapakan talaga yung dalawa. Sigawan sina Sally, Violet at Clarisse, yung dalawang kaibigan na lalake ni Earl nakisawsaw na pero wala silang binatbat sa karatestitang si Shan.

“Tama na kasi” sigaw ni Violet. “Bitch ka kasalanan mo ito!” sigaw ni Clarisse sabay sinabunutan na buhok ng kaibigan niya. Nagtigil suntukan ng mga boys at inaawat na yung mga dalaga. Nagkalat na mga gamit nila sa floor, ibang mga estudyante sa paligid napatigil lahat at pinanood yung mistulang cat fight na nagaganap sa tapat ng gate.

Pumito na yung guard, si Shan pinulot na gamit ni Clarisse sabay hinila na nobya niya para makatakas. Si Sally pinulot mga gamit ni Violet habang si Earl hinila na nililigawan niya palayo. Nagmadali maglakad palayo sina Shan at Clarisse nang biglang sumulpot si Enan.

“Are you okay?” tanong ng binata sabay hinaplos mukha ng dalaga. “Fine, I am sorry di ako nakatimpi, sinaktan ko na talaga siya” sabi ni Clarisse. “Sinabi ko naman sa inyo na wag niyo siya sasaktan e” sagot ni Enan. “Tumigil ka nga pare, di na tama yung ginawa niya” sabi ni Shan.

“Ikaw pare are you okay?” tanong ni Enan. “Yeah, they didn’t hurt me but I got them good. We are fine pare, e ikaw?” tanong ni Shan kaya tumalikod si Enan at niyuko niya ulo niya. “What do you think?” bulong niya sabay naglakad na.

Samatantala sa parking lot himas himas parin ni Violet yung namumulang pisngi niya. “Are you okay sis?” lambing ni Sally. “Okay lang” bulong ni Violet. Sina Earl at dalawang kaibigan niya iniinda pa sakit sa katawan nila mula sa mga tama galing kay Shan.

“Gago ka kasi sabi ko sa iyo wag na kasi karatetista yon e” bulong ni Joel. “E gago siya e” bulong ni Earl sabay napatingin sa hawak niyang phone. Kay Violet yon kaya may naisip siya bigla. “She used to be friends with that pangit, tignan ko nga number niya dito” sabi ni Earl.

Di niya mahanap yung pangalan ni Enan kaya napakamot siya. “Baka binura na niya” sabi niya pero nagtuloy parin siya tignan mga litrato sa phone. Unang nakita niya ay isang video, pinanood niya ito at talagang natulala. “Tangina” bigkas niya kaya lumapit mga kaibigan niya at nakinood.

“Holy shit, si pangit yan at…tangina artista yan e” bulong ni Ariel. “Holy…Cristine..tangina ano yan photoshop?” tanong ni Joel. “What the heck is this?” tanong ni Earl sa gulat talaga habang pinapanood video ni Enan at yung magandang artista. Nakita pa nila humalik ang binata sa noo ng magandang artista.

Inulit nila yung video, di parin talaga makapaniwala yung tatlo sa napanood nila. “Is that my phone?” tanong ni Violet kaya napilitan isoli ni Earl yung phone sa dalaga. “This is not my phone” sabi ni Violet. “Ha? Diba yan?” tanong ni Earl.

“Shit baka nagkapalit kami ni Clarisse kasi pareho kami ng phone e” sabi ni Violet. “Akin na isoli ko” sabi ni Earl. “Wag na ako na” sabi ni Earl sabay kinuha yung phone. “Ako na kasi di mo naman siya kilala e” sabi ng dalaga. “Okay pero tara tara treat ko nalang kayo muna” lambing ng binata sabay pinasa yung phone kay Joel.

“Pare yung video, kopyahin mo” bulong ni Earl. “Bakit?” tanong ng kaibigan niya. “Basta sige na dalian mo” udyok ni Earl. Sa loob ng isang fastfood sila pumasok, sinoli na ni Earl yung phone kay Violet, “Tama ikaw nalang pala magsoli baka magkaharap nanaman kami ni Shan” sabi niya.

Habang kumakain, “Pare aanhin mo yung video?” tanong ni Joel. “Kapal talaga mukha nung pangit na yon. I am sure inedit yung video. Diba feeling artista siya? Baka isang biro ng gago na yon yan para sa mga kaibigan niya. Nag edit siya ng ganyan tapos ipapasikat sa mga kaibigan niya”

“Ngayon sisiraan ko talaga siya” bulong ni Earl. “Uy gago ka wag na, hayaan mo na yon” sabi ni Ariel. “Hindi, tangina gago yon e. Kapal ng mukha niya kaya ngayon ipapahiya ko talaga siya. Di ko naman ipopost yung video, kukunan ko lang ng screenshots tapos ipopost ko sa net. Papakita ko gaano kakapal mukha niya”

“Look artista yung babae, for sure masisira si pangit dito at kakasuhan siya. Kapal ng mukha gagawa gawa ng ganito e. Akala niya siguro walang makakitang iba kaya sige kapal mukha mo ha, tignan ko kung di matatawa aat mandidiri ang mga tao pag nakita nila ito” bulong ni Earl sabay ngisi.

“Pero bilib din ako that guy has skills to edit a video like this” sabi ni Ariel. “Huh pantasya king si gago e. Di ko na siya papatulan, bahala na public manlait sa kanya dahil diyan. Hehe” banat ni Earl.

Kinabukasan sa classroom ni Clarisse, nagulat ang dalaga nang makita niya si Violet sa may pintuan. Lumapit siya at nag iinit ulit ang ulo nang makaharap si Violet. “I just came to return your phone. Nagkapalitan ata tayo kahapon” bulong ni Violet.

“Akin na, eto sa iyo” sagot ni Clarisse. “Don’t worry pinatay ko siya nung napansin ko di akin yan” sabi ni Violet. “Whatever Violet, bitch ka, plastic ka” sagot ni Clarisse. “Can I explain what happened?” tanong ni Violet.

“Tae ka, wag na, nandon ako, I saw everything. Shit ka, anong klaseng kaibigan ka? Plastic ka. Di na kita kilala e, grabe okay na sana pinigilan mo siya pero my God, gusto kita talaga saktan e” sabi ni Clarisse.

“You don’t understand, I can explain naman e” sabi ni Violet. “Explain mo sa pwet mo. Eeesh ka, sana di ako pinigilan ni Shan, sana talaga di dumating yung guards. Please go away, at kung pwede wag ka na magpapakita sa amin. Please lang ha, plastic ka bitch ka” pahabol ni Clarisse.

Samantala sa classroom ni Enan nagtataka ang binata kung bakit laging napapalingon mga kaklase niya sa kanya. Nagtatawanan silang lahat, nagbubulungan  kaya tila nanliliit ang binata. Pagsapit ng lunch break pati sa karinderya lahat ng tao parang nandidiri sa kanya bigla.

“What the hell is happening?” tanong ni Shan. “Ewan ko nga e, unlucky day ko siguro” bulong ni Enan. “Ah..idol…eto ata tinatawanan nila” sabi ni Greg sabay pinakita tablet niya. Nagulat yung magkakaibigan at lahat napatingin kay Clarisse.

“It was not me! I swear hindi ako yan. Enan you know me, I wouldn’t do that to you” sabi ng dalaga. Napahaplos nalang si Enan sa noo niya, sa isang blog nakapost isang screenshot ng video kung saan kaakbay niya yung magandang artista at hinahalikan sa noo.

“Clarisse…ikaw lang may copy ng video” sabi ni Greg. “Violet” bigkas ni Shan sabay dinabog kamay niya sa lamesa. “Nagkapalit kami ng phone kahapon nung nagkagulo. That bitch! Sabi niya pinatay niya phone ko. Shit that bitch” sigaw ng dalaga.

“Ayos lang, kasalanan ko naman” bulong ni Enan. “Idol, di maganda yung mga comments sa blog, tapos look around you” bulong ni Greg. “Okay lang pare, wala na tayo magagawa. Sanayan lang yan” sabi ni Enan.

Samantala sa labas ng isang studio magkasama si Jelly at si Arlene, ang manager ni Cristine. Bigla sila sinugod ng mga reporters, nagulat yung dalawa kaya sabay sila napangiti. “Sino yung lalake sa photo na kasama ni Cristine?” tanong ng isang reporter. “Is that her boyfriend?” tanong naman nung isa.

“Ha? Anong boyfriend? Anong photo?” tanong ni Arlene. “Yung kumakalat ngayon sa internet. Eto o” sabi ng isang reporter at nagulat yung dalawa. “Kailan yan, at sino yan?” tanong ni Arlene sabay tinignan si Jelly.

Ang bading kibit balikat sa gulat nang makita yung photo. Sakto palabas si Cristine kaya siya yung dinumog ng reporters. “Hoy bakla!” sigaw ng dalaga kaya napatakbo si Jelly at inalalayan yung dalaga palayo sa reporters. “Not now please, kasi may lakad pa kami” sabi ni Arlene.

Sa loob ng kotse gusto itanong nung dalawa tungkol sa photo pero yung artista nagdadaldal, nagrereklamo tungkol sa nakasama niya sa set kanina. “I don’t like to work with that actor again! Do you hear me? Ang baho ng hininga niya! Muntik na ako mahimatay, shit siya ang gwapo nga pero bunganga niya mas malaswa pa sa di nalinisan na bowl e” sigaw ni Cristine.

“My God! Please wag niyo na ako ipares sa imburnal na yon! And don’t give me bad news! Mainit ulo ko! Kung bad news yan isaksak niyo muna sa baga niyo or just handle it!” sigaw ni Cristine.

Napalunok si Jelly, nagtitigan sila ni Arlene kaya di nalang sila umimik.

Continue Reading

You'll Also Like

2.7M 53.1K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...
3.6K 249 18
Aiko Fritchzer lives in the town of Thirstians Valley, where poor people and children who grow up without talents and skills are live there. Aiko gre...
870K 4.3K 9
Si Hannah ay isang leader ng sorority na nabigyan ng isang misyon na patinuin ang baklang si Christian na mas maarte pa sa babae na sobrang nagaganda...
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.