LOVE AND SACRIFICES [COMPLETE...

By coldmissy

16.6K 675 133

Lagi nga bang kadikit ng pagmamahal ang pagsasakripisyo?? More

PROLOGUE
Chapter 1: The Girls
Chapter 2: The Boys Meets Those Girls
Chapter 3: Playmate
Chapter 4: The Quiet One
Chapter 5 : Ang 5k
Chapter 6 : Your Number
Chapter 7: Fridate
Chapter 8: Saturdate
Chapter 9: Girls
Chapter 10: Pa-fall
Chapter 11: Presentation (Part 1)
Chapter 12: Presentation (Part 2)
Chapter 13 : Pride
Chapter 14 : Aso't Pusa
Chapter 15 : Clyde
Chapter 16 : Feelings
Chapter 17 : Hard
Chapter 18 : JasDon
Chapter 19 : Coward
Chapter 20 : Clearer Mind
Chapter 21 : Twisted
Chapter 22 : Unheard
Chapter 23 : Explanation
Chapter 24 : Her Fiancé
Chapter 25 : Regrets and Sacrifices
Epilogue

♥ Special Chapter ♥

593 18 2
By coldmissy

A/N: May nagrequest kasi e. Haha So.. eto na.[Sorry kung ngayon lang].. I hope you enjoy this chap kahit na kabaliwan lang 'to ng mga baliw na karakter sa istorya xD haha thanks for reading and supporting this book :*

_________

ATHENA WU POV

Masayang nagkukuwentuhan kami ni Anjo rito sa labas ng bahay namin. Nagpapasalamat ako sa tukmol na 'to dahil sinabi niya sa amin na nakita niya sila Anthony sa bar kagabi. E hindi nagpa-alam sa amin ang mga iyon kaya inaway namin kanina. Hah! Akala nila ah? Malinaw na usapan namin na ayaw na ayaw na naming magbabar sila. Una, wala pa sila sa tamang edad para pumunta roon. Pangalawa, bawal nga! Pangatlo, BAWAL TALAGA KASI!

“Oy.. Easy, mukha ka ng papatay e” Natatawang sabi ni Anjo kaya nginisian ko siya at pinisil ang pisngi niya.

“Hoy!! Bitawan mo nga si Anjo! Baka mamaya kung anong bacteria pa ang kumapit sa iyo e!!” Sabi ni Anthony na nakahubad-baro pa dahil pinatanggal namin sa kanilang apat nila Lyoneil ang tubig na laman ng swimming pool. Take note, timba lang ang gamit nila sa pagtanggal ng tubig. Napatingin ako sa katawan niya. Pwe. Walang abs. Humarap ako kay Anjo atsaka siya kinindatan.

Papatayin kita sa selos Anthony. Nag-bar ka ng hindi nagpapa alam saken ah? Hmph.

“Anjo, diba may abs ka? Patingin nga” Sabi ko kahit alam kong wala namang abs si Anjo. Puro taba meron yan. Joke. Wala rin siyang abs pero wala rin siyang fats. Gets? Kumbaga, pangkaraniwan lang yung katawan nya.. Parang kay Amthony

“ATHENA WU!! ISA!” Sigaw ni Anthony na namumula na sa galit. Hindi ko siya pinansin at umaktong itataas ang damit ni Anjo ng mabilis pa kay flash ay hinila niya ako palayo. Napapatawa pa ako habang kumakaway sa akin si Anjo. Baliw. Pero salamat sa pagsakay niya sa trip ko.

“Abs ba gusto mo? Maghintay ka next next week. Magkakaroon din ako nun” Inis na sabi niya. Tinignan ko ang mukha niya at talagang namumula talaga yun dahil sa inis. Ang cute talaga magselos neto.

Tumingkayad ako para bigyan siya ng halik. Alam niyo na, masyadong matangkad ang lalaking 'to e. Smack lang naman ang halik ko sa kaniya.

“Eto naman napakaseloso. Kaya tuwang tuwa akong pinagseselos ka e. Haha .” Sabi ko sabay pisil sa ilong niya.

“Ha.Ha” sarcastic niyang sabi atsaka pinitik ang noo ko, “Lagi mo na lang ako pinagtitripan”

Tumawa lang ako at niyakap siya. Wala naman akong balak na patagalin pa ang away namin since hindi naman sila nambabae kagabi. 'Yun nga lang, uminom sila ng alak. But, whatever. Its not a big deal for me. Atsaka, hindi naman kami nag aaway netong si Anthony e. Minsan lang. Kapag trip lang namin mag-away.

“Bumalik ka na roon. Hindi niyo pa nakakalahati ang pagtatanggal ng tubig sa pool” Sabi ko pagkahiwalay ko sa pagkakayakap sa kaniya kaya napanguso siya atsaka umakbay saken at sabay na kaming pumunta sa may pool area.

Pagdating namin sa may pool area ay nakita kong inggit na inggit silang nakatingin sa amin ni Amthony.

Tumawa ako ng malakas at pinagtuturo sila, “AH. HAHAHA. Kawawa naman. Hindi pa sila bati” Sabi ko kaya sinimangutan nila ako. Haha sarap asarin ng mga 'to.

BRENDA AINA SOO POV

“Baby my love so sweet naman.. Sorry na oy.. Aina baby!!” Pagsusumamo ni Jimuel na mano-manong nagtatanggal ng tubig sa pool.

Whatever. Wala akong naririnig. Umirap ako at nagde-kwatro habang umiinom ng juice. Buhay donya kami habang pinapanood ang apat na lalaki na magtanggal ng tubig sa pool, ng mano mano.

“Waah Kuya? Kawawa ka naman” Napalingon ako sa kakambal ni Jimuel na si James na kararating lang dito sa bahay. Tumayo ako at agad piningot ang tenga niya.

“Hindi lang Kuya mo kawawa. Tulungan mo sila” Sabi ko at itinulak siya sa may pool. No choice siya dahil may kasalanan siya sa amin. Kinunsinte niya kasi sila Jimuel. Pinagtakpan niya ang mga ito. Sabi niya nagmomovie marathon sila Jimuel sa condo niya, 'Yun pala nagba-bar hopping na 'yung apat.

Kunsintidor diba?

Bumalik ako sa upuan ko habang hinihilot-hilot ang aking sentido.

“Easyhan niyo kasi. Haha. Masyado kayong hot e” Sabi ni Athena habang tumitingin sa amin ni Aphro

“Oo nga. Haha” Sabi pa ni Jas na mukhang tuwang tuwa pa na pinapanood ang boyfriend niyang si Brandon. Sabagay, what do we expect from her? E once in a blue moon nga lang kung mag-away ang dalawang 'yan e. Minsan hindi mo pa mamamalayan na nag-away pala dahil biglang bati na rin agad. Gosh i hate drugs.

“Nalulunod si Jimuel” Napasimangot ako sa sinabi ni Athena. Pantanga lang? Pano malulunod e mababaw na nga yung tubig sa pool.

“Grabe my loves!! Hindi ka man lang tumayo riyan?Pano na lang pag nalulunod na talaga ako?” Sabi ni Jimuel habang nakahawak sa dibdib niya na parang nasasaktan

“Edi tsaka ako tatayo rito para iligtas ka. Ayokong mawalan ng panget na boyfriend nuh” Sabi ko kaya naghiyawan sila.

“Yieh! I love you my loves” Sigaw niya kaya napangiti ako

“I love you too. Back to work” Sabi ko kaya napanguso pa rin siya.

Parusa nila 'yan e. Haha.

ROSELYN JASMINE EUN POV

Minasahe ko ang likod ni Brandon na nakasimangot dahil sobra raw siyang napagod sa pinagawa namin. Haha. Consequence 'yun ng pagpunta nila sa bar ng hindi nagpapa-alam sa amin.

“Babe, kuha mo naman ako ng food” Paglalambing niya saken kaya tumango ako at hinalikan siya sa noo bago pumunta sa kusina para kumuha ng makakain niya. Nadtnan ko roon sila Aina at Jimuel na sigi sa paglamon ng red ribbon chocolate cake na dala ni Hanie. Yeah, Kasali na sa tropa namin sila Hanie, James, Clyde at Anjo.

“Respeto naman po sa mga single!” Pabirong sabi ni Hanie na nandito rin pala. Haha hindi ko siya napansin pramis.

“Aww.. Kawawa naman ang baby Hanie namin” Pang-aasar ni Aina sa kaniya habang pinipisil ang pisngi neto. Well, Mommy at Daddy ang tawag ni Hanie sa dalawang 'to.

“Whatever Mhie! Sasagutin din ako ni lovey duvey ko”

Napailing na lang ako sa sinabi niya. Nililigawan niya raw si James. Haha ewan ko kung seryoso siya o nagbibiro lang. Kumuha ako ng plato at dinamihan ko ang kuha sa chocolate cake. Panigurado kasi magmamatakaw si Brandon. Nakita kong napatingin sila saken sabay ngiti ng nakakaloko. Tss. Alam ko na nasa isip nila. Iniisip na naman nilang nagmamatakaw kami ni Brandon. Bakit ba? Ang sarap kaya kumain.

I flip my hair bago lumayas sa harapan nila kaya nakarinig ako ng tawanan. Miski naman kasi ako ay natatawa sa kalokohang ginawa ko. Pagbalik ko ay agad kong inabot kay Brandon ang platong may lamang cake at umupo sa tabi niya. Tig-isa kami ng tinidor kaya kain kami ng kain.

“Hindi ka galit saken?” Tanong niya habang nakain kami kaya umiling ako. Hindi naman ako galit sa kaniya e. Sinakyan ko lang 'yung trip nila Aphro na magalit sa kaniya. I mean, unfair naman kasi kung sila lang yung galit. HAHA edi nakisali na lang ako. Para na lang din may pag-awayan kami ngayong buwan.

“Kinabahan kaya ako. Akala ko galit ka talaga sa akin”

“Hindi ah. Haha. As if namang kaya kong magalit ng matagal sa'yo?” Natatawang sabi ko sa kaniya.

“Yieh. Kaya mahal na mahal kita e” Sabi niya at pinisil ang ilong ko bago ako halkan sa labi.

“Mahal din kita”

Napatigil kami sa paglalandian ng pumasok si Lyoneil na nakasimangot at akala mo ang laki-laki ng problema.. Pero sabagay, matuturing nga namang problema ang pagkagalit sa kaniya ng girlfriend na si Aphro .

“Oy tulungan niyo naman ako”

Nagkatinginan kami.

“Ayaw” Sabay sabay naming sabi kaya napasabunot sya sa buhok niya.

LYONEIL HAN POV

Nandito kami sa rooftop ng coffee shop na kapapatayo pa lang naming magkakabarkada. Last week lang ang Grand Opening netong coffee shop. Kasama ko rito sila Athena, Anthony, Hanie, Aina, Jimuel, at James. Akala ko hindi nila ako tutulungan gumawa ng surprise para kay Aphro.

Napakamatampuhin kasi ni Aphro e. Pero ayos na rin 'yun, atleast masasabi kong normal ang relasyon namin. Unlike them, hindi nag aaway. Para saken abnormal ang relationship na ganun.

“Lesson learned na huh? Next time magpapa-alam kapag magba-bar ah?” Mapang-asar na sabi ni Athena sa akin.

Yeah. I really learned my lesson. Nakakatakot sila magalit. Akala ko nga maghahamon na ng hiwalayan si Aphro kanina e, luckily she don't.

“Opo. Hindi na ako magbabar” Sabi ko kaya nakita ko ang mga rection nila, reaction na hindi makapaniwala. Napailing na lang ako at pinagpatuloy ang pagdidisenyo sa rooftop.

APHRODITE WU POV

“Napaka-pakipot pa kasi” Rinig kong sabi ni Jas pero hindi ko siya pinansin.

Pakipot? HINDI AH! Kasalanan ko bang big deal para sa akin ang pag-babar ni Lyoneil?!! Kasalanan ko bang big deal sa akin na uminom ng alak si Lyoneil? KASALANAN KO BA?

“Ghad aheyt drags” Nilingon ko ang nagsalitang si Anjo at binigyan ko siya ng death glare.

“APHRO!!” sabi ni Anthony na hinihingal pa. Nagtatakang tinignan ko siya, at the same time ay kinakabahan din ako sa di malamang dahilan. Bakit ba kasi ... “Nagbigti si Lyoneil” Sabi niya kaya natigilan ako.. Parang gumuho ang mundo ko sa narinig ko...

Nagbibiro ba siya? Pero..  ANG SERYOSO NI ANTHONY. AT SA PAGKAKA ALAM KO, JOKING IS NOT HIS STYLE kaya naman napakagat ako sa ilalim ng labi ko at umiyak. Sht. Bakit naman siya nagpakamatay?

Itatanong ko sana kung saan nagbigti si Lyoneil pero bigla na lang niya ako hinila at sinakay sa sasakyan niya. Nakita ko ring sumunod sa amin sila Jas..

Umiyak lang ako ng umiyak hanggang sa makarating kami sa coffee shop na ipinatayo ng barkada. Bakit dito?? Dito ba nagbikti si Lyoneil? Agad akong bumaba sa sasakyan

“Sa rooftop” Sabi ni Anthony kaya nagmamadaling pumunta ako sa rooftop. Mabilis pa ata sa kidlat na nakarating ako sa rooftop---

“TANGINA NAKAKAINIS KAYO” Sabi ko nang mapagtanto ko na hindi naman pala talaga nagbigti si Lyoneil. Dahil una, walang pwedeng pagtalian ng lubid dito sa rooftop para magbigti siya. Ambobo ko lang kasi naniwala ako T^T

Lumapit ako kay Lyoneil at pinaghahampas siya. Kakainis to.

“Ouch. Sorry babe, teka, ano ba sinabi ni Anthony sa'yo? Sabi ko papuntahin ka rito e” Sabi niya kaya sinamaan ko ng tingin si Anthony na tinuturo ang kapatid kong painosente pang nakatingin sa akin habang may hawak na camera. Grr. Kakainis. Panigurado nakuhanan niya ako ng picture kanina.. Kakahiya, panigurado epic yun T.T

Napatingin ulit ako kay Lyoneil ng lumuhod siya sa harapan ko habang iniaabot sa akin ang isang boquet ng red roses. Nakangiting kinuha ko iyon, “Nag-abala ka pa. Sorry lang naman hinihintay kong sabihin mo e”

Kanina kasi ay basta na lang siya lumapit sa akin at naglalambing.. Pero hindi ba dapat nagso sorry muna bago siya maglambing?

“Kaya nga ngayon ako nagsosorry e. Atleast nakita mong nage-effort ako sa paghingi ng tawad sa nagawang kasalanan ko kagabi” Sabi niya kaya lalo akong napangiti.

Oo na. Siya na maeffort na tao. Siya na.

Kaya nga mahal na mahal ko siya e.

“Sige basta next time huwag ka ng pupunta sa bar ng hindi nagpapa alam sa akin” Sabi ko kaya tumayo na siya at marahang hinalikan ako sa labi.

“Kapag kasama ko talaga kayo feeling ko talaga hindi ninyo nirerespeto ang pagiging single ko e” Pagbibiro ni Hanie at biglang bumaling kay James, “James mah lovey duvey! Sagutin mo na ako para hindi ka na naiinggit sa love life nila” Sabi ni Hanie kaya nagsimulang dumistansya sa kaniya si James. Haha . Tong dalawang 'to! Parang ang ganda subaybayan ng love story nila.

“Lika kain tayo” Sabi ni Lyoneil kaya tumango ako at sumama sa kaniya.

“Psttt!!” Lumingon siya sa akin habang nakataas ang kilay. Ang taray. Uma-aura na naman ang boyfriend ko, “I love you”

“I love you too”
















____________

A/N:
  Special Chapter ends here. Hehe sana nagustuhan nyo kahit puro katangahan lang yung nakasulat . Haha 😂 k. bye

Continue Reading

You'll Also Like

169M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...
1.8M 76.4K 35
Peñablanca Series #2: Rebel Hearts "Go, rebel on me, love." Young, wild and rebellious, Revelia, entirely lived with the belief of celebrating her yo...
2.8M 53.6K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...
24.7M 558K 156
This is not a love story. This is a story about LOVE.