San Carlos

By saIome

63.8K 2.6K 572

In 1868, the town of San Carlos was founded by the Spaniards. The town people called it a paradise with its p... More

San Carlos
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 19
Kabanata 20

Kabanata 18

3.2K 103 64
By saIome

Dahan-dahan kong binuksan ang aking mga mata. Madilim at malamig. Iyon ang aking unang napansin. Napabalikwas ako sa magaspang na sahig na kinahihigaan ko dahil doon. I winced when I felt a pain on my ankle. Napatingin ako sa isang malamig na bagay na nasa paa ko dahil doon. Tila binuhusan ako ng malamig na tubig nang makitang nakakadena ang aking kaliwang paa.

Ginapangan nang kaba at takot ang buong sistema ko. Tumayo ako mula sa malamig na sahig at minasdan ang buong paligid. Hindi ko maiwasan ang matakot nang matantong nasa isang apat na sulok na silid ako. Gawa sa magaspang na bato ang buong silid.

I saw glints of sun rays from the small window on the upper part of the room. Naisin ko man na sumilip sa maliit na bintana ay hindi ko magawa. Masyado itong mataas para sa akin at wala rin akong kahit na anumang maaring tuntungan rito.

Napaupo muli ako sa malamig na sahig. Pilit na pinapakalma ang nagwawalang puso. Sinubukan kong alalahanin ang huling nangyari.

I firmly closed my eyes. Images flooded my mind. A courtroom, Inigo's being held by the guardia civil, the sudden entrance of Gabriela Alonso and a huge fire... binuksan ko muli ang mga mata na ngayon ay naluluha na sa sobrang takot at kaba.

I remember someone covering my nose. Yun ang huling nangyari. At paggising ko ay narito na ako. Hindi ko maiwasan ang kabahan sa pag-iisip na baka may dumukot saakin. Dumukot... si Inigo! Nabuhay muli ang pangamba sa dibdib ko. He was given a death sentence! He was also at the court when the fire happened. Hindi ko maiwasan ang mag-alala. What if he got trapped or something?

Naputol ako mula sa pag-iisip nang makarinig nang langitngit ng bakal sa kung saan. Sinundan ng mga mata ko ang tunog na ito at laking gulat ko nang makita ang lalaking pumasok sa silid. Sumunod rito ang dalawang tao na pamilyar na pamilyar saakin.

"Sa wakas ay nagkita tayong muli, binibini." nagsimulang manginig ang aking katawan sa galit at... takot.

"Kamusta ang iyong pakiramdam?" hindi ako nakakibo. Pinanuod ko si Ibarra na ngayon ay nakaluhod sa aking harapan at may nanunuyang ngisi sa labi. Sa kanyang likuran ay naroon si Señora Elvira na may malamig na ekspresyon at si Primitivo na nanatiling walang emosyon.

"Bakit hindi ka makapag-salita, binibini? Tuluyan na bang naputol ang iyong matabil na dila?!" muntikan na akong mapatalon sa gulat sa biglaang pagsigaw niya. Ilang segundo pa ay tumawa siya ng malakas. Kulang nalang ay takpan ko ang tenga nang marinig ang nakakairita at mala-demonyo nitong pagtawa.

"N-nasaan ako?" sa wakas ay naisatinig ko. Tumigil sa pagtawa si Ibarra at muling ngumisi saakin.

"N-na, n-na, n-na? Ikaw ay nauutal. Nanginginig ka rin..." mabilis kong iniwas ang katawan sa kanya nang subukan niya akong hawakan. "Hindi ko akalain na tinatamaan ka pala ng kaba at takot. Sana ay naramdaman mo rin 'yan noong gabi ng Sayawan sa Paraiso bago mo ako ipinahiya sa aking mga mamamayan!"

I wanted to tell him that he deserved it! He deserved to be humiliated, because he's a fucking pig! Pero pinili ko na manahimik na lang. Hindi mainam na painitin ko ang ulo nila, given my hopeless situation.

"At plano mo pa na sirain ang aking negosyo? Ang aking repustasyon?! Mukhang hindi mo yata alam na hindi ko nais sa isang binibini ang maingay at mahilig makialam sa mga bagay na hindi na dapat pinapakialaman," I shivered at his menacing stares.

"Nais mo bang ipaalam ko saiyo ito sa pamamagitan ng paraan ko?" hindi ko maiwasan ang kilabutan nang bigla nitong haplusin ang aking mukha. Iniwas ko ang mukha ko, ngunit napadaing ako sa sakit nang bigla nitong dakmain ang aking pisngi.

"Ang ayaw ko sa lahat ay ang hindi marunong sumunod!" sigaw nito, ang mga mata niya ay nanlilisik habang nakatingin saakin. Hindi ako gumalaw. Hindi ako kumibo.

"Mabuti naman at nakukuha ka sa isang salita..." his calloused hand made its way to my jaw and my whole body shivered in fear of his touch.

"Dahil hindi mo gugustuhin ang gagawin ko saiyo sa oras na hindi ka sumunod saakin..." patuloy niya. Ang kamay nito ay bumaba sa aking leeg.

"N-nasaan ako?" sinubukan kong magtanong muli.

"Nasa bahay-aliwan."

Tinakasan ng kulay ang buong mukha ko dahil sa narinig. Sumilay ang nakakahindik na ngisi sa mukha ni Ibarra, habang pinipigil ko naman ang sarili na maiyak sa nangyayari.

"B-bakit ako n-nandito?"

"Simple lang," he tucked my hair behind my ears, before his hands made its way back to the back of my neck. "Ikaw ang papalit sa mga babaeng itinakas ng puñetang panganay ng mga dela Cuesta."

Natigilan ako, hindi lang dahil sa sinabi niya kung hindi dahil na rin nang marinig ko ang apelyido ni Inigo. Muli na namang sumagi sa isipan ko ang nangyari sa hukuman kanina. Si Ibarra... siya ba ang may pakana ng sunog?

"Dela Cuesta... putang inang dela Cuesta. Mula kay Alejandro, sa kanyang bastarda, hanggang sa anak nitong lalaki... lahat sila ay sakit sa ulo!" galit na sigaw nito.

"Mabuti na lamang at matalino si Isagani..." nanlaki ang mata ko sa gulat. Nakita 'yon ni Ibarra kaya naman napangisi siya na para bang aliw na aliw sa gulat kong reaksyon.

"I-ikaw..." nanginginig ang boses ko sa galit. Humigpit rin ang aking hawak sa suot na saya sa sobrang galit.

"Ako nga, Eloise. Ako rin ang nag-utos kay Primitivo na linlangin ang estupidong si Inigo dela Cuesta. Bakit? Aawayin mo ba ako?" tanong nito, matapos ay humalakhak.

"Aawayin mo rin ba ako?" tanong niya at pinisil ang aking pisngi. "Nakita mo ba kung ano ang nangyayari sa mga taong kumakana saakin? Kung hindi sa hukuman ay sa hukay ang kanilang kinalalagyan. Aawayin mo pa rin ba ako?" nanunuyang tanong niya.

Hindi ko alam kung gaano katagal kaming nakatingin ni Ibarra sa isa't-isa. Hindi ako nagsalita. Pinaramdam ko dito ang galit ko sa pamamagitan ng aking mga mata. Naputol ang aming tinginan nang biglang kumalansing ang bakal na pintuan, nagsasabi na may bagong dating.

"Gobernador, paumanhin sa aking pang-aabala, ngunit nasa labas po ng bahay-aliwan ang mga cabildo at ang ating obispo!" hinihingal na balita ng isang guardia civil. Muntikan na akong mapasubsob sa sahig nang bigla at marahas na binitawan ni Ibarra ang aking mukha.

"At, punyeta? Nais mo ba talaga na humarap ako sakanila at malaman na ako ang nagpapatakbo nitong bahay-aliwan? Estupido!" gigil na usal nito. Napatalon at napayuko naman sa takot ang guardia civil.

Bakas ang gigil at galit sa bawat galaw nito. Ibarra harshly stood up from the ground. Inayos ang suot na abrigo at ang natabingi nitong sumbrero. Then he nodded at Primitivo who's standing at the corner. Noon rin ay nakatingin ito saakin, kaya naman tiningnan ko ito nang may halong poot at disgusto, but he just averted my gaze like nothing. Pakiramdam ko ay pinagbagsakan ako ng langit at lupa dahil sa nasaksihan.

"Alam mo na ang gagawin mo," 'yon lamang ang malinaw na narinig ko sa lahat ng sinabi ni Ibarra. Señora Elvira nodded at that statement. Ang mga matalim niyang mata ay dumapo sa akin na siyang naghatid ng panibagong kilabot sa aking sistema.

Ibarra left the cell with Primitivo and the guardia civil earlier. Hindi na rin ako umasa pa na tatapunan ako ng tingin ni Primitivo. I guess, I didn't really know him after all.

"Binalaan ko na si Felicidad tungkol saiyo. Ngunit ninais niya pa rin na ulitin ang kanyang pagkakamali..." umangat ang ulo ko upang tingnan si Señora Elvira na ngayon ay dahan-dahang naglalakad palapit sa akin.

Nagsimula na naman akong kabahan, lalo na nang umupo ito sa harapan ko. Ang matalim nitong mga mata ay seryoso at diretso ang tingin sa akin. Gamit ang kanyang abanico ay itinaas nito ang aking baba, tila nanunuyang minasdan ang aking mukha.

"At balak rin nito na ipasok ka niya sa kumbento?" humalakhak ito na may kasamang pag-iling na para bang aliw na aliw sa nalaman, "Hindi nga pala alam ni Felicidad na tumatanggap ng serbisyo rito sa bahay aliwan si Padre Gonzalo. Sino nga ba ang mag-iisip na gagawin ito ng isang padre? Wala..." my eyes widened at what I've heard.

"H-hayop kayo..." napangisi ito.

"Magpahinga ka, Eloise. Bukas na bukas ay magiging hayop ka na rin," nag-igting ang aking panga nang marahan nitong isampal sa aking pisngi ang naka-tuping abanico.

Tumayo na ito at diretsong naglakad palabas ng kulungan. Pinigilan ko ang pagtulo ng luha at pilit na nilulunok ang bikig sa aking lalamunan. Today is not the time to feel afraid or weak. Hindi ako ilalabas ng mga emosyon na ito rito. Hindi ako maaring magtagal rito. Kailangan kong mag-isip ng paraan, para makaalis na ako rito sa lalong madaling panahon.

Nakadamit man ay ramdam na ramdam ko pa rin ang lamig at gaspang ng pader nang sumandal ako rito. Tumingala ako at ninamnam ang init ng sikat ng araw na nagmumula sa maliit na bintana. Nagtagal ang tingin ko roon bago muling ilibot ang mga mata sa kabuuan ng silid.

Walang kahit na ano na maaring makatulong sa akin upang makalabas. Dumako ang mga mata ko sa pintuan na ngayon ay binabantayan ng dalawang armadong guardia. Tanging ang pintuan lang ang maari kong labasan. Ang tanong ay paano?

Naalimpungatan ako nang makarinig nang kalansing mula sa bakal na pintuan. I opened my eyes and blinked several times to see, but wasn't able to. Sobrang dilim ng buong paligid. I just realized that it's already night time when I saw the bright moon peeking from the small window of the room.

Agad akong napabalikwas sa malamig na sahig sa napagtanto. I fell asleep while thinking ways on how to escape this hellhole! Marahil sa sobrang pagod ay humaba ang tulog ko at nagising ngayon na gabi na.

Napatingin ako sa dilaw na liwanag na marahil ay mula sa lampara. My eyes climbed up to the person holding the lamp. It was Señora Elvira, but she's not alone. Sa likuran nito ay naroon ang dalawa pang guardia na hindi ngumingiti. Halatang seryoso sa kanilang trabaho na animo'y may pag-asa akong makaalpas mula sa kadena na nasa aking paa.

"Mabuti naman at gising ka na," my eyes stayed at the lamp. Binitawan ito ng Señora sa malamig na sahig. Kahit papaano ay nagdala iyon ng init at kaunting ginhawa sa akin.

My gaze left the lamp when I felt a strong grip in both of my hands. Tiningnan ko ang dalawang guardia civil na ngayon ay hawak na ang aking dalawang kamay.

"A-anong gagawin niyo?!" sinubukan kong umalpas sa hawak nila, ngunit mas lalo lamang itong humigpit.

"Huwag kang mag-alala, Eloise. Mamarkahan lamang kita," tiningnan ko si Señora Elvira. Nakangiti ito sa akin ngunit hindi ko makitaan ng anumang buhay ang mga mata niya.

"Hubaran niyo siya," nanlaki ang mga mata ko dahil sa narinig. I tried squirming from their strong grip, but to no avail. Ipininid ng mga ito ang aking katawan sa malamig na pader.

Nakakabingi ang malakas na tibok ng puso ko, tila ba pinupuno nito ang aking mga tainga. Nagsimula nang mag-init ang sulok ng aking mga mata nang marahas at walang alinlangan nilang pilasin ang aking pang-itaas. Ramdam ko ang mabilis na paghalik ng lamig sa aking balat.

"Kung hindi mo pinairal ang pagiging kuryoso at pakialamera mo, hindi ka hahantong sa puntong ito," nanlamig ang buong katawan ko nang makita itong may hawak na bakal.

The end of the steel was circle in shape. May kaunting alab pa iyon na para bang galing lamang sa apoy. It resembled the burn on Soledad and Katarina's nape. Ginapangan nang takot ang sistema ko sa pag-iisip ng susunod na mangyayari. Pinilit kong kumawala sa hawak nila, lalo na nang ilapit sa akin ng Señora ang bakal.

"Talikod," nanginginig ang buong katawan ko sa takot. Walang alinlangan na sumunod ang guardia sa utos ng Señora at iniharap ako ng mga ito sa pader. They pinned my bare body on the wall.

"Hindi naman ito mahapdi, kumpara sa tunay na apoy ng purgatoryo," ani Señora at humalakhak. Nanlabo ang paningin ko mula sa luha na dala ng pinaghalong takot at galit.

Tuluyan na akong napasigaw sa sakit nang lumapat sa aking batok ang mainit na bakal. Mainit, mahapdi, parang sinusunog ang aking balat. Sunud-sunod na luha ang lumandas pababa sa aking pisngi.

Hindi pa ito nakuntento at idiniin pa lalo sa aking batok ang nasusunog na bakal. I screamed at the searing pain. Ni hindi ko man lang maigalaw ang aking katawan at magprotesta dala ng sobrang sakit. Ilang sandali pa ay inalis na nito ang mainit na bakal sa aking balat. The guardia civil let go of my hand and I fell on the cold floor like a withered flower.

"Iyan ang nakukuha mo sa pagiging pakialamera mo. Simula pa lang ito, Eloise," it was Señora Elvira.

Nanlalabo ang paningin ko dala ng luha at sakit na nararamdaman. Rinig na rinig ko ang mabibigat kong hininga at ang mga yapak na unti-unting humihina sa aking pandinig.

My body curled like a fetus on the floor. I covered my exposed breasts using my hands. Naroon pa rin ang nakakapasong init sa aking batok. A quiet sob escaped my mouth and then another... and another... and another. Tinakpan ko ang bibig at tahimik na tumangis sa malamig na silid.

Nanginginig ang mga balikat ko sa sobrang galit. I feel so exposed and abused. I clenched my fists so hard that my fingernails dug into my flesh. Dahan-dahan kong binuksan ang mga palad at nakita ang tila kalahating buwan na sugat na ginawa ng aking mga kuko. Wala akong maramdaman na anumang sakit habang pinapanuod ang dugo na unti-unting dumadaloy pababa sa aking palad.

I craned my neck upwards. Doon ko nakita ang malungkot at madilim na kalangitan. It was a dark shade of blue. Kung hindi lamang sa hatid na kinang ng mga bituin at liwanag ng buwan ay iisipin ko na patay ang kalawakan. Pinanuod ko ang pagkislap ng mga bituin, na tila ba ngayon ay nangungusap at naawa sa akin. I let out a tired smile.

My fingers pointed at the shining stars, connecting it to the next one, making different shapes and non-existent constellations. And then I suddenly saw Inigo's image painted on the night sky, with a smile brighter than the moon and the stars.

Napangiti ako habang patuloy na lumalandas ang luha pababa sa aking pisngi. Nasaan ka na, Inigo?

Nagising ako kinabukasan nang maramdaman ang pagtama ng init ng sikat ng araw sa aking mukha. Sinubukan ko na itayo ang sarili, ngunit natigilan nang maramdaman ang sakit sa aking batok. My face scrunched in pain. Muling bumalik sa akin ang lahat ng nangyari kagabi.

I looked at myself and was surprised to see myself clad in a neat camisa. Ang mga kamay ko ay nababalutan rin ng puting tela. Inangat ko ang ulo nang makarinig ng ingay mula sa pintuan. At muli na namang nabuhay ang galit sa dibdib ko dahil sa nakita.

"Gising ka na," pinanuod ko si Primitivo na ngayon ay lumuhod sa aking harapan at maingat na nilapag ang dalang pagkain at tubig.

"Kumain ka muna," patuloy pa rin nito. I watched him with angry eyes. Tumaas ang kilay nito at iginiya ang pagkain na nasa aming harapan.

"Hindi ako kakain."

"Kumain ka."

"Ayoko."

Napabuntong-hininga ito, "Hindi ka ilalabas rito ng pagmamatigas mo."

"Bakit? Kung susundin ko ba ang utos mo ay ilalabas mo ako rito?"

"Kumain ka na. Kailangan mo ng lakas," sa halip ay sagot niya.

"Hindi ako kakain. Para tuluyan na akong mamatay. Hindi ba iyon naman ang gusto mo? Gagawan na kita ng pabor upang hindi na mas lalo pang dumumi ang iyong kamay."

Hindi ito nakasagot.

I let out a humorless chuckle, "Ganito rin ba, Primitivo? Ganito rin ba ang ginawa mo kay Maria?"

I saw his fist clenched. Hindi ako nagpatinag. Sa halip ay sinalubong ko ang madilim nitong mga mata.

"Lahat nalang ba ng taong magtitiwala sa'yo ay bibiguin mo? Para kanino? Kay Ibarra?" inilingan ko ito nang may halong disgusto.

"Ama ko siya," madiin na wika nito.

Umiling ako, "Amo mo siya. At ikaw, Primitivo? Ikaw ang tuta niya."

Napatalon ako sa lugar nang marahas nitong tinabig ang pagkain at tubig sa aking harapan. Ang isang kamao nito ay sumuntok sa sahig. Nanatili akong nakatingin kay Primitivo sa kabila nang nakakabinging tunog ng nabasag na plato at baso. Mabigat ang paghinga, at taas-baba ang kanyang balikat, senyales na galit ito.

Mabilis itong lumayo sa akin. Malakas pa rin ang kabog ng dibdib ko sa nasaksihan. Tumalikod na ito sa akin nang walang anumang salitang namutawi sa labi. My eyes dropped at his bleeding knuckles.

Mapait akong napangiti, "Susundin mo talaga ang lahat ng utos niya sa'yo. Marahil ay tama nga si Maria sa kanyang sinabi. Na isa kang hayop. Isang aso na tapat sa kanyang amo."

Napahinto ito sa paglalakad.

"Hindi mo ako kilala."

Humarap ito sa akin. I looked at him in the eye, but I saw nothing. There was no emotion there, not a single one. I smiled bitterly. He's right.

"Hindi nga kita kilala. Hindi ka namin kilala. Walang nakakakilala sa'yo, marahil maging ikaw ay hindi kilala ang sarili," I looked at him from head to foot, back to his face.

"Hindi mo makikilala ang sarili mo kung mananatili ka sa anino ng ibang tao. Mananatili kang walang pagkakakilanlan, Primitivo."

Nakita ko ang pagkuyom ng kanyang kamao, bago ito tuluyang naglakad palabas ng selda. Maingat kong isinandal ang balikat sa pader, iniiwasan na matamaan ang sugat sa aking batok. I closed my eyes, listening to my own faint breathing.

Isang araw pa lang ang tinatagal ko rito pero pakiramdam ko ay buwan na. I feel so worned out. Tiningnan ko ang bakal na pintuan, ngunit naroon pa rin ang mga guardia at seryoso sa pagbabantay. Hindi ako makakaalis rito kung nandoon sila. Napamura ako sa isipan sa sobrang inis. I can't think of any possible ways to escape.

If I only have something that could lure them... My eyes stayed at the two guardia civils. Napalunok sa sa ideyang pumasok sa aking isipan. But I don't have any other choice!

Dumating ang tanghali at 'yon pa rin ang laman ng isipan ko. Kahit na noong inilabas nila ako sa loob ng kulungan upang ayusan at paliguan. I'm mentally practicing my lines for tonight! This is my only chance to escape and I shouldn't mess up.

"Marahil ay isa ka ring noble," I snapped out of my thoughts and looked at the girl in front of me. Suot nito ang isang luma at gusot na baro't saya. Kayumanggi ang balat. Bilugan ang mga mata at pango. But that didn't lessen her beauty.

"May katungkulan ba ang iyong ama? May-ari ba kayo ng mga lupain? O baka nama'y mga negosyo?" wika naman ng isa. Maliit ito at itim na itim ang kulot na buhok. Bakas na bakas sa dalawa ang isang purong Filipina.

My brows furrowed. "Hindi ako isang noble."

Natigilan ang babae na nasa aking kanan. Iyong nagsabi na isa akong noble. She looked at me from head to foot, before bowing her head, animo'y nahiya sa kanyang inasta.

"Ngunit sadya kang marikit. At ang iyong balat ay porselana. Ikaw ba talaga ay walang halong dugong banyaga?" tanong pa niya.

Umiling ako.

"Nakakapagtaka," wika ng babae na nasa aking kalawa. She stopped scrubbing my skin just to look at me.

"Bakit?"

"Hindi na bago ang mga bahay-aliwan. Bagamat tutol ang simbahan ay talamak pa rin ang negosyong ganito lalo na sa kabisera. Ngunit naiiba ang serbisyo na hatid ng bahay-aliwan ng gobernadorcillo. Lahat ng babaeng ipinapasok rito ay maririkit at may dugong banyaga. Kaya malaki ang bayad at talagang dinadayo pa ng mga parokyano. Maging ang ilang mga opisyal ng pamahalaan at pati ng simbahan ay dumadalaw. Tulad na lamang ni Padre Gonzalo."

Tumango ang babae na nasa aking kanan. Tanda ng kanyang pag-sang ayon, "Siya nga. Hindi sila kumukuha ng mga indio at alipin, dahil ayon kay Señora Elvira ay marurumi raw ang mga ito. Baka may mga sakit at mahawaan pa ang mga parokyano."

Napauwang ang labi ko sa mga narinig. The two girls in front of me looked down. Tila ba nasaktan sila sa mga salitang binitawan. I smiled sadly and felt another rush of anger for Señora Elvira inside.

"Isa pang dahilan kung bakit mga nobleng dalaga ang kanilang dinudukot upang maging babaeng bayaran ay dahil alam ng Señora at gobernadorcillo na tutubusin at tutubusin ito ng kanilang mga mayamang magulang. Pera, lupain, negosyo o kung di kaya'y ari-arian, kapalit ng buhay ng kanilang anak."

"Papaano naman 'yung mga nadukot, ngunit hindi noble?" tanong ko nang maalala si Soledad, Maria at ang isang alipin ni Señora Elvira.

Malungkot na napangiti ang dalawa sa naging tanong ko.

"Tulad ni Soledad ba kamo? Ni Crisanta? At ni Maria..." the curly girl trailed off. Napatango ako, "Sabihin na lamang natin na sila'y may taglay na kagandahan at hindi nakatakas sa mga mata ng Señora. Alipin man ngunit may nananalaytay na dugong banyaga sa kanilang mga ugat."

"Ano ang ibig mong sabihin?"

"Si Crisanta ay may halong intsik, maging si Soledad. At si Maria, siya ay may purong dugong Kastila."

Natigilan ito sa pagsasalita. Ang mga mata niya ay nasa akin, ngunit wala sa mga mata ko. Kung hindi sa kwintas na suot ko. Napatingin rin tuloy ang isang dalaga. Matapos ay umakyat sa akin ang tingin nilang dalawa.

"K-kilala mo si Maria?"

I nodded. "Paano niyo nalaman na may purong dugong Kastila si Maria?"

"N-narinig namin sina Señora Felicidad at Señora Elvira na nag-uusap noon. Si Maria raw ay ang anak sa labas ni Don Leonardo sa kanyang kasintahan noong siya ay binata pa. Doña Luciana ang ngalan ng babae, ang asawa ng may-ari ng malaking minahan sa lalawigan na si Don Alejandro dela Cuesta." paliwanag ng babaeng may kulot na buhok.

"At iyan," the girl with the straight hair says, pointing at the necklace that I'm wearing, "Iyan ang parehong kwintas na nakita naming suot ni Maria noon. Nalaman namin na iyan pala ay natatanging klase ng diyamante na makikita lamang sa minahan sa bulubundukin ng San Carlos. Walang sinuman ang nakakagalaw ng mga minahan sa San Carlos kung hindi si Don Alejandro dela Cuesta. Ang asawa ng dating kasintahan ni Don Leonardo na si Doña Luciana. Mas lalong lumakas ang kutob namin na siya nga ang anak ni Don Leonardo sa pagka-binata."

"Kaya naman ganoon na lamang ang aming pagtataka nang malaman na ikaw ay hindi noble at wala ring dugong banyaga," wika ng kulot na babae, "May ginawa ka bang hindi nagustuhan ng gobernadorcillo o ng Señora at ipinasok ka rito?"

Nangunot ang noo ko, "Ano ang ibig mong sabihin?"

But she just shook her head. The other girl also gave me a sly smile. I let out a sigh in frustration, ngunit hindi na nangulit pa. Pagtapos nila akong paliguan at bihisan ng malinis at bagong baro't saya ay ginamot naman nila ang paso sa aking batok.

"Si Señora Felicidad? Hindi ba ay kasama rin siya ng gobernador sa negosyong ito?" I tried to fish for information. Nagkatinginan ang dalawa sa naging tanong ko.

"Noon. Ngunit nang mamatay si Don Leonardo ay hindi na siya bumalik pa muli rito," saad ng kulot.

Hindi na ako nagtanong pa. After that, ibinalik na muli ako sa loob ng kulungan. But this time, they didn't tied my feet. Noong dumating ang pagkain ay hindi ko na ito tinanggihan. Isang araw na akong di kumakain at kailangan ko ng lakas.

Tiningnan ko ang dalawang guardia na ngayon ay nasa labas ng kulungan. Umiwas agad ako ng tingin nang maramdaman na aamba ng tingin ang isa sa kanila. I focused on my food while thinking about my plan for tonight. I hope it won't fail.

Nightfall came and I didn't saw even just Señora Elvira's shadow, maging si Primitivo at Ibarra ay wala rin. Mukhang wala sila ngayon sa bahay-aliwan at laking pasasalamat ko dahil mapapadali nito ang aking plano.

Pinanuod ko ang pag-uusap ng dalawang guardia sa aking harapan. Tumango ang isa at tuluyan namang naglakad paalis ang isa pa. Tumaas ang sulok ng labi ko dahil sa nakita, the odds are really in my favor tonight. Inayos ko ang pagkaka-upo sa malamig na sahig nang pumasok ang natirang isa pang guardia.

"Tapos ka na?" seryosong tanong nito. Nasinagan ng liwanag mula sa lampara ang mukha nito. I gulped and slowly nodded at him. Pinanuod ko ito habang kinukuha niya ang pinagkainan ko, when he was about to leave, I quickly pulled his collar down.

"Huwag ka munang umalis," I tried my best to sound seductive as I can. Nilingon ko ang guardia sa aking harapan at halos malula na ako sa sobrang lapit ng mukha namin sa isa't-isa. I mentally smirked when I saw that emotion in his eyes.

"Dito ka muna," malambing na saad ko. My right hand is still gripping on his collar, ang isa naman ay nakalapat sa kanyang dibdib. Napalunok ito.

Napangisi ako nang bitawan nito ang hawak na plato at baso at mabilis na lumuhod sa harapan ko. Great, he took the bait. Throughout the time I spent in here, I've learned that beauty can put you in danger. But beauty can also be a woman's strength, her weapon. And I'm using it now.

Kumuyom ang mga kamao ko nang maramdaman ko ang labi nito na lumapat sa aking leeg. I tried hard to restrain myself from kicking his balls. I didn't like the feeling, but I keep on telling myself that this is my only chance to escape. Kumapit ako sa balikat nito, habang abala ito sa paghalik sa aking leeg ay pasimple kong hinila ang tanikala sa sahig.

"Ang swerte ko naman. Ang bango mo," humigpit ang hawak ko sa tanikala at pasimpleng iniwas ang mukha nang aamba ito ng halik sa labi, dahilan upang lumapat ang kanyang mga halik sa aking panga.

He looked at me in the eye. Bago pa man nito mahawakan ang ibang parte ng katawan ko ay mabilis ko na siyang naitulak sa sahig. I, then, sat on his stomach. The clueless jerk even chuckled at my action. I put up the seductive smile that I ever have. Nakatingin lamang ito sa akin na para bang aliw na aliw at manghang-mangha sa ginagawa ko.

Stupid, I thought.

"Agresibo ka pala," ngisi nito. I faked a smile. My hands made its way to his, discreetly pinning them on the floor. I leaned down a bit towards his face.

"Ang nais ko kasi ay nasa akin ang kontrol," bulong ko. Ipininid ko ang mga kamay nito sa sahig at iniwas ang mukha nang subukan nitong ilapit ang labi sa akin. I wickedly smirked.

"Hindi mararating ng mga pasaway ang langit," as I whisper the words in his ears, my hands quickly tied his hands with the metal chains. Nakita ko ang pagiging alerto nito dahil sa nangyari kaya naman mabilis kong inilapat ang daliri sa kanyang bibig.

"Huwag kang maingay..." malambing na saad ko. Umalis ako sa ibabaw nito. Babangon na sana siya ngunit ipinatong ko ang mga kamay sa ibabaw ng kanyang tyan.

"A-ano ang gagawin mo?" hindi ko mawari kung kaba o pagkasabik ang nasa kanyang tono. My hands went down his stomach, to his thighs, and then to the pocket of his uniform.

Nakatingin lamang ito sa akin, hanggang sa tuluyan ko nang nabunot ang baril mula sa kanyang uniporme. His eyes widened when he saw the gun in my bare hands. I smirked.

"Anumang ingay na maririnig ko mula sa'yo ay mapapalitan ng habang buhay mong katahimikan," banta ko rito. Buong lakas kong ikinasa ang rebolber na nasa aking kamay. Nakita ko ang takot na gumuhit sa mga mata niya dahil sa aking ginawa.

I stood up from the floor. Nanatili itong nakahiga sa sahig at nakatingala ngayon sa akin. "H-huwag mo akong papatayin. Pakiusap!"

Napasimangot ako dahil sa sobrang lakas ng kanyang sigaw.

"Sinabi na ayaw ko ng maingay eh," I glared at him before kicking his member with so much force. Kulang nalang ay mapasigaw ito. Halata sa mukha niya ang labis na sakit.

"Serves you right!" asik ko at mabilis ngunit maingat na lumabas ng selda.

Bumati sa akin ang malawak na at mahabang pasilyo. Gawa sa bato ang buong paligid. Tanging mga lampara na nakasabit sa dingding ang nagbibigay liwanag sa buong lugar. For a moment, I thought that I am inside a mining site.

Napamura ako nang marinig ang biglaang sigaw ng guardia sa loob ng kulungan na aking nilabasan. Humigpit ang hawak ko sa baril at babalik na sana para patahimikin ito nang makarinig ako ng mga yabag palapit sa akin. Napailing ako sa inis at mabilis na tumakbo paalis sa lugar.

Umalingawngaw sa buong lugar ang sigaw ng guardia kanina na ngayon ay humihingi ng tulong. I should've covered his mouth with a cloth or something! Patuloy ako sa pagtakbo habang pinupunasan ang leeg ko na kanina'y hinalikan ng guardia.

"Tumigil ka!" I suddenly halted when I heard a shout. Nang lumingon ako ay nakita ang panibagong apat na guardia civil na ngayon ay tumatakbo palapit sa direksyon ko. Nanlaki ang aking mga mata at kusang tumakbo palayo ang aking mga paa.

"Habulin ninyo mga inutil!" mariin akong napapikit nang makarinig nang pagputok. My knees wobbled a little and I almost tripped. Kinastigo ko ang sarili at pilit na pinatatag ang loob.

Napatili ako sa pinaghalong gulat at takot nang magpakawala ang mga ito ng bala. Sobrang lakas ng kabog ng aking dibdib at nanghihina na rin ang aking mga tuhod. Nagpakawala muli ang mga ito ng bala. Ngayon, sunud-sunod at walang tigil. Halos hindi ko na makita ang dinaraanan dahil sa ginagawang pag-iwas sa mga bala.

"Ah!" I screamed when I felt a sudden and searing pain on my arm. Nilingon ko ang braso at natantong nadaplisan ito ng bala. Mahapdi at tila pinapaso ang aking balat. Sinapo ko ang braso at nanlamig ang aking mukha nang makita ang dugong dumadaloy rito.

"Wala ka nang takas ngayon," I firmly closed my eyes. Rinig na rinig ko sa aking tenga ang bawat mabigat na pag-hinga. I've come this far, hindi pwedeng mauwi lang sa wala ang lahat ng ginawa ko.

With all the strength left in me, I started to run away as fast as I can. Pilit na iniinda ang sakit ng aking tama sa braso. Lumingon ako sa aking likuran. Naroon pa rin ang mga guardia at tumatakbo palapit sa akin. Pinalis ko ang luha na lumandas sa aking pisngi. This is not the right time to feel afraid, Eloise!

Ibinalik ko ang tingin sa harapan at muli na sanang tatakbo nang may biglang humawak sa aking pulsuhan. My eyes widened in shock and I tried to take my hand away from whoever it was! Ngunit sa halip na bitawan ang aking kamay ay hinila ako nito patungo sa madilim na sulok.

"Bitawan mo k—" hindi ko na nagawa pang ituloy ang sasabihin nang bumangga ang aking mukha sa isang matigas na bagay.

"Patawad, Eloise," nanlaki ang aking mga mata at nagsimulang mag-tubig ang sulok nito nang marinig ang pamilyar na boses. I felt his one hand wrapped around my waist, his other hand was placed on the back of my head. Ibinaon ko ang mukha sa dibdib nito at doon tahimik na umiyak.

"Bakit ngayon ka lang? Bakit..." pinalo ko ang dibdib nito. Ramdam ko ang paghigpit ng kanyang yakap sa akin. I felt his hand caressing my hair.

"Nandito na ko," bulong nito, kasabay nang paglapat ng kanyang labi sa aking noo. And I never felt the safest.

Continue Reading

You'll Also Like

557K 27.6K 75
Wattys 2020 Winner "Sometimes your FUTURE is not in your TOMORROW but in someone else's YESTERDAY." Book Cover Illustration from Pinterest: https:...
631K 35.2K 135
Book Cover created by: @Cattyalita 010919-031819 TITLE: A Queen's Revenge GENRE: War/Military/Historical Fiction SETTINGS: Alternate world THEME: Anc...
4.7M 190K 31
"Wattys 2021 Winner in Historical Fiction Category" Sa loob ng labinlimang taon, ang makasal sa kababata niyang si Enrique Alfonso ang tanging pinapa...
1.7M 90.3K 71
Wattys 2019 Winner in Historical Fiction Category Dahil sa isang pagkakamali, out of nowhere ay bumalik sa taong 1855 si Choleng. Nalayo man nang tul...